You are on page 1of 11

MODYUL 13: ANG

SEKSUWALIDAD NG
TAO
*LEARNING ATIVITY SHEET & SUMMATIVE TEST*

IKA-APAT NA MARKAHAN
IKATLO AT IKA-APAT NA LINGGO
MAY 31-JUNE 11, 2021

Pangalan: __________________________________
Baitang/Seksyon: ______________________________
Gawain 1: Basahin at unawain ang teksto sa pahina 344-347 mula sa sipi ng libro
na inilaan ng iyong guro. Pagkatapos, punan ang mga kahon/bilog sa
Brainstorming Web. (Maaaring pumili lamang ng isang paksa sa “Teenage
Pregnancy” at Pornograpiya o Malalaswang Babasahin at Palabas”
Gawain 2. Pagsusuri ng mga comic strip
Panuto: Kumpletuhin ang pag-uusap ng dalawang tauhan sa bawat comic strip.
Gamit ang iyong natutuhan tungkol sa isip at kilos-loob, matapat na sagutin ang
pahayag ng unang tauhan sa bawat comic strip.
SUMMATIVE TEST
WEEK 1-4

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pangungusap


at MALI naman kung hindi.

1. Ang pagsisinungaling ay nakasisira ng tiwala at ugnayan ng


magkakaibigan o pakikipagkapuwa.
2. Nagagawa ang pagsisinungaling upang iligtas ang isang
kaibigan sa kasalanang ginawa.
3. Okey lang na makasakit ng damdamin ng kapuwa upang
matutuhan niyang sabihin ang anumang lihim meron siya.
4. Ang pagtulong sa kapuwa na pagtakpan ang isang
pagkakamali ay nakabubuti sa maayos na samahan.
5. Ang taong nagsisinungaling ay kinapopootan ng Diyos
6. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa kasintahan ay
panghihikayat upang sumang-ayon sa kagustuhan.
7. Maituturing na ang pagkababae at pagkalalaki ay siyang
seksuwalidad.
8. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa
kalayaan ng minamahal.
9. Ang pornograpiya ay may kaugnay sa paggawa ng mga
abnormal na gawaing seksuwal.
10. Ayon sa iba ang mas maraming anak ay likas na yaman
ng isang pamilya.

Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na aytem at piliin


ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
patlang.
___11. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa
pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa
pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang
maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya
na isang magaling na mag-aaral?
a) Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
b) Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging
magaling na magaaral
c) Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
d) Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral

Para sa bilang 12-18. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling


ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin
ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a) Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang


tao
b) Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan
na mapahiya, masisi o maparusahan
c) Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d) Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa
makapinsala ng ibang tao

___12. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit


na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil
maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.

___13. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa


isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na
mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na
magulang niya.

___14. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa


klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi
nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang
kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya
na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng
kaklase.

___15. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao


na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay
hindi pa rin nagsalita si Alvin.

___16. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng


kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang
tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga
ito.

___17. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya


nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot
niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang
kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.

___18. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa


tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga magulang na
matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam
na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa
halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang


titik ng pinakatamang sagot sa patlang.

___19. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at sa


gawa? Dahil ito ay
a. nagdudulot ng mapayapang buhay
b. nagdudulot ng marangyang buhay
c. nagdudulot ng maraming kaibigan
d. nagdudulot ng maraming problema

___20. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at


pagkilos ng wasto o tama kahit walang nakatingin ay
________.
a. mabait c. matapat
b. masinop d. masipag

___21. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, maliban


sa:
a. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
b. paggawa ng mga gawain at hindi ipinagagawa sa iba
c. hindi pakikiisa sa mga gawain at proyekto
d. pagtupad sa ipinangako o mag-aaral

___22. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, maliban


sa:
a. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
b. paggawa ng mga gawain at hindi ipinagagawa sa iba
c. hindi pakikiisa sa mga gawain at proyekto
d. pagtupad sa ipinangako o mag-aaral

___23. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung:


a. kinokopya mo lang ang sagot ng iba
b. ipinapagawa mo ang lahat sa mga kapatid
c. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
d. hinahayaan na lang na hindi mag-aral

___24 Ito ang nagsisilbing tinig ng ating budhi na nagsasabing


piliin ang mabuti.
a. puso c. konsensya
b. isip d. damdamin

___25. Ang mga sumusunod ay dulot ng pagsisinungaling maliban


sa:
a. pagkabalisa c. pagkawala ng tiwala
b. mapayapang buhay d. magbigay ng malayang
pasya

____26. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa


kalayaan ng minamahal.
a. Ang pagmamahal ay isang birtud.
b. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
c. May kamalayan at kalayaan ang seksuwalidad sa tao na
nag- uugat sa pagmamahal.
d. Ang pagmamahal ay mapanlikha.

______27. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-


aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa
kanya. Ano ang gagawin mo?
a. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa
sa nais niya.
b. Isusumbong ssiya sa mga magulang niya upang hindi sya
mapariwara.
c. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa
para sa ganitong uri ng ugnayan.
d. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o guro
dahil ikaw ay nalilito.

______28. Niyayaya ka ng mga kaibigan mo na manood ng mga


pelikulang may malalaswang tema.
a. Isusumbong mo sa iyong guro o sa kanyang magulang
sapagkat makakasama sa murang isip.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lqng at pabayaan sa gusto
nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan at hihimukin na huwag
gawin dahil hindi mabuti sa kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento,
kaya’t sasama ka sa kanila.

______29. Ang seksuwalidad ay ang behikulo upang maging ganap


na tao – lalaki o babae na ninanais mong maging.
a. Ang seksuwalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
b. Ang seksuwalidad ay daan upang maging ganap na tao.
c. Maari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
d. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong
kurso o karera balang araw

______30.“Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao


lama ng ang makapagsisilang ng isa pang tao, na
tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang
kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng
pagmamahal sa mundo – ang likas na nagpapadakila sa
tao.”
a. Ang tao ay nilikhang seksuwal kaya siya ay kabahagi
ng Diyos sa Kanyang pagiging Manlilikha.
b. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao
kaysa sa kanyang kakayahang magsilang ng
sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kanya.
c. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang
kawangis ng Diyos.
d. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.
Panuto: Ipahayag ang iyong saloobin at pananaw tungkol sa mga
isyu sa seksuwalidad sa pamamagitan ng pagbuo ng pahayag sa
bawat aytem. (2 puntos bawat bilang)

1. Ang maagang pagbubuntis ay ________________________ sapagkat


__________________________________________________________________

2. Ang pornograpiya ay ________________________ sapagkat _______________


___________________________________________________________________

3. Ang pagtatalik bago ang kasal ay ________________________


sapagkat__________________________________________________________

4. Ang tamang kaalaman tungkol sa seksuwalidad ay


________________________sapagkat__________________________________
________________________

5. Ang pagbabasa, panonood at pagtingin sa mga pornograpikong materyal


ay_________________ sapagkat _____________________________________

You might also like