You are on page 1of 4

Reflection paper about Final Demo

Isa na yata ito sa pinaka kinakatakuhang bahagi ng bawat isang mag-aaral ng isang
gurong taga panday ng karunungan. Ito yung pagakakataon kung saan ilalabas na kami
sa eskwelahan upang iharap sa isang “tunay” na paaralan, hindi biling isang isang
estudyanteng naka upo at nakikinig ngunit isang gurong mag mag aalalay at
mangunguna sa takbo ng aralin sa loob ng isnag oras o higit pa. Ito ang lugar kung
saan ma rerealize mo na napaka ideal ng mga teoryang napag aralan mo sa paaralan.
Hindi lahat ay applicable sa totoong setting ng public highschool. Hindi pupwedeng
laging mahigpit ka dahil lalo ka lang babastusin ng mga estudyante, hindi din maaring
masyadong maluwag kasi magiging bastos padin sila. Sa totoo lang ay ito yung phase
kung saan talaga ako nag mature, ito yung pahase kung saan nililimitahan ko ang sarili
ko sa mga bagay bagy. Iba po kasi ang pananaw ko dati, ang nasa isip ko kahit anong
gusto ko pwede kog gawin, ayaw na ayaw ko sa stereotying na nagaganap na kapag
teacher ka dapat ganito ka. Ngunit sa paglipas ng panahon natutunan ko na somehow,
tama rin pala itong mga ito.

Naging maganda ang patanggap ng mga staff at kaguroan na iyon sa aming lahat.
Napaka nostalgic ng pakiramdam ng masilayan k ulit ang paarlan ng Alaminos—ang
aking Alma Mater. Biglang nagpa flashback sa akin mga memories na nangyari sa
amin ng mga kaibigan ko noong highschool. Sa totoo lang, hindi naman ako yung tipo
ng estudyante na sobrang galling, at hindi rin naman huhulugin, nagdoon ako sa mga
cluster ng estudyante na sakto lang. Ako yung isang tipo ng estudyante na mas pipiliin
ang memories kasama ang mga kaibgan ko kasya isnag mataas na grado sa isang
subject. Kaya nabigla ang mga dati kong guro na mag papractice teaching na ako,
natutuwa raw sila na may pinatunguhan ang buhay k.
Hanggang sa dumating na ang araw kung saan kami idedistribute sa cooperating
teacher, dapat ang originally po na mapapunta sa aking coop teacher ay si Ma’am
Monterala na nagging coop teacher ko nadin mo nung nag Summer Teaching kami for
DOST, pero sabi po ng Science Coordinator na Biology po ang lesson nila netong 4 th
Grading which is not my specialization. Kabado napo ako n’on kasi ibig sabihin ibang
coop teacher ang makakasam ko, ibig sabihin bagong pakikisama po, isang kinakatakot
ko pa po ay dahil baka hindi ko po kilala since marami na pong mga bagong teacher
doon. But God really knows what kind of people what I exacty neede. He gave me
maam jen and maam melody, a mixture of both brain and humor.

Ma’am melody is actually new to me, saktong graduate ko po nung highschool nung na
hired sya sa Alaminos. She is very supportive sa mga gusto kong gawin, napak humble
at appreciative sa efforts na ginagawa ko, kunyari yung motivaton ko maganda pinupuri
po nya which drives na magpursigi pa.

Ma’am Jen is actually my Physics Teacher in 4 th year, ayaw nya pa pong maniwala na
isa sya sa dahilan kung bakit Physical Science ang major ko, e sya lang naman po ang
nagging teacher ko ng Physics kasi during that time hindi pa naman po spiral ang
curriculum. Pressured na pressured akong turuan ang klase nya kasi baka ma
disappoint ko yung mga estudyante nya at sya. Nakakahiya nab aka sabihin nila wala
naman silang maitindihan sa mga tinuturo umpisa nung ako na ang humawak sa kanila.

Bale po dalawang subject ang hawak ko kasi dalwa ang cooperating teacher ko, pero
isang section lang po (Science section pero kung minsan sinsabak din po ako sa lowest
section para raw po Makita ko ang pagkakaiba). Isang Advanced Science kay Ma’am
melody at isang research kay ma’am Jen. At dito na nga po nagsimula ang tutulog ako
ng alas 2 ng madaling araw.

Ako ang nag bubukas ng klase ng pilot (7:20am-8:20am Research) at nag sasara ng
klase (2:40pm-4:00pm Advanced Sience). Sinasabi ko nga sa mga estudyante ko ‘wag
sana magsasawa sa mu’ka ko. Sa totoo lang po hirap na hirap ako nung una bukod san
atatakot ako sa mga bata, e dalawang detailed lesson plan ang kailangan kong iprepare
araw-araw mula Lunes hanggang Miyerkules. Sa totoolang po madali lang naman ang
lesson ang mahirap ay yung mga activity at yung mga games na kailang ay active ang
bata at the same time ay connected sa topic mo, doon po talaga ako napupuyat. Pero
lahat po ng puyat ko napapwi pag nakikita kong inetresado at natututo ang mga bata
ko. Kaya po pala may mga guro na hindi makaalis sa filed na’to dahil sa mga bata,
cliché man pong pakinggan pero nakakapawi po pala talaga ng puyat at butas sa bulsa
pag nakikita po na kahit papaano may na iimpart ka sa mga bata.

Isa po sa mga naiyak ako ay nung mga time na in observe po ako nang coordinator ng
eskwelahan, kinabahan po talaga n’on. Hinid po iyon ang normal na pagtuturo ko,, na
mental nlock po talaga ako, yon po yung tipong pagtuturo o na talagang hiniling ko po
munang mahimatay ako para matapos na muna kasi ako po mismo nalito sa dinidiscuss
ko. Tapos nung nag a activity po kami may mga 4 na estudanteng pasimpleng lumapit
sakin, sani po nila sakin “Ma’am kalma kalang, turuan nyo po kami nung usual nating
ginagawa, mag patawa kapo”. Pero sabi ko po na tlagang konakabahan ako. Sabay
sabi po nila sakin nila na” Ma’am hindi po sa pagbibiro diab po tatlo ang ST namin, kayo
po ang pinakamagaling ma’am” Tapos po nag sang ayunan po yung iaba ma’am, sabi
ko nalang po sa kanila na “Shh wag kayo maingay mamaya ko kayo bibigyan ng plus
points pagkatapos ng observation ni Sir”. Tapos maam tumalikod po agad ako sa kanila
kasi tumulo napo yung luha ko, hindi ko po alam maam kung too po ‘yon o hindi pero
that time po kasi sobrang na appreciate ko po, kasi pakiramdam ko sobrnag worth it ng
lahat. Iyon po kasi yung time na sa sobrnag pagod ko po, kinukwestiyon ko na ang sarili
ko kung tama pa ba ang path na tinatahak ko. Kaya sobrang na appreciate ko yon
maam. Medyo mababw po, pero hinding hindi ko po makakalimutan ang pakiramdam.

Sobrang laki po ng pasasalamt ko sa aking coop teacher, marami pong issue na


duamaan between sa mga ST at sa ibang teacher, and I thank God narin po hini kami
nagkasira ng mga coop teacher ko, siguro po dahil napaka open nila sakin at open din
po ako sa kanila. I share my personal stories and they share theirs too po. I’m so
blessed po na we all got to that point in our life na po na we can trust and share our
personal issues in life po.

Sa mga estudyante ko naman po. Mahal na mahal ko po sila. Para po sa akin napaka
lalim ng koneksyon ko sa kanila, napaka su sweet na bata. Mga inosenteng inoste sa
buhay. Ang hinihiling ko lang po sana sundin po nila kung anong gusto nila at
pagbutihin nila. Sana po ang maging isang kapaki-pakinaabng na tao sila sa lipunan at
maging makatao at maawain sa mga taong nasa pa;igid nila, sa totoo lang po ma’am
naiiyak po ako habang tina type ko ito. Ipagdadasal ko po sa Diyos na maging
successful ang bawat isa sa kanila sapgakat nagging mga mabuti silang bata.

An gala-una po yata ng madaling araw ay hindi magandang oras para mag type ng
ganito, masyado po yata akong napsarap sa pagkukwento. Bigla ko po tuloy silang na
miss. Sa totoo lang po ma’am marami pa pong nangyari, karamihan po noon ay mga
issue ng ibang teacher at pricipal sa aming mga ST pero pinili ko nalang pong alalahinin
ang mga masasayang ganap. Hanggang dito nalang po ma’am maraming salamat po.

You might also like