You are on page 1of 1

January 22, 2019 dineploy kami sa kanya kanyang school. At ako naman ay nasa Prudencia D.

Fule Memorial National High School. Nung nalaman ko na aalisin na kami sa LSPU, natuwa ako kasi eto
na talaga yung totoo. Akala mahihirapan ako, kasi lalaki ang cooperating teacher ko. Naiisip ko kagad
baka kung ano nanamang ma experience ko dito. Pero naalala ko, di nga pala ako maganda. Hahaha. At di
naman lahat pala ng lalaki ay kagaya ng teacher ko dito sa LSPU. Mabait si sir Meer, maunawain at
maaasahan. Kasi sa lahat ng bagay tinutulungan nya ako. Di lang sya basta cooperating teacher, mentor
for life din sya. Naalala ko, unang unang turo ko, dahil nangangapa pa ako, wala akong kahit ni isang
dalang materials.

February, pinapaasikaso na kagad sakin ni Sir Meer ang aking pang final demo. Binigyan nya ako ng
karapatan na mamili ng topic ko, pero sya pa rin nag decide kasi dapat daw madali lang ang topic kasi
mga bulok daw mga bata don. Hahaha. Tapos Halos lahat ay ayos na. Naka print na lahat ng materials ko.
At sa pagdating kasi ng March dapat ay napractice ko na yun. Gusto nya ayos na lahat. Pero dahil sa
mabubuting tao na pinupuntahan ako sa school, na dedeatruct buong pagkatao ko. Tapos eto pa yung time
na may didinggin na kaso, as in naiistorbo na talaga pag o'ojt ko. Pero si Sir Meer at yung mga teacher sa
Prudencia todo support talaga sila sakin sa lahat ng bagay. Iniisip nila bakit daw di na nila ako nakikita.
Ganyan ganyan. Basta...

Di ko man na enjoy ang buong OJT ko, atleast naranasan ko naman ng kahit konting sandali na
makisama sa mga Teacher at mga estudyante. Safe place ko ang PDF. Kaya sobra akong nalungkot, na
stress nung natakot na ako pumasok sa kahit saan. Eh nung mga panahon pa naman non March na.
Idedeliver ko na ang Final demo ko. Kaso di nga nagkaige dahil sa nararandaman kong emotional and
psychological. Di pala sya kaartehan lang. Mararanasan mo pala talaga na gusto mo pero takot ang
katawan mo, iniisip mo palang nakakatakot na agad.

At eto natapos na ang March at April, halos lahat ng ginagawa ko ay di ko alam. April na bumalik kami
sa LSPU, dito ko na itutuloy ang Final demo ko. Masyadong mahaba ang nangyari, sa sobrang haba
nalaman ko na sa kabila ng pangit na pangyayari mo makikilala ang magagandang tao. Di mo man pala
sila hanapin kusa silang dadating sa di mo inaasahang pangyayari at pagkakataon. Sobrang madami pa
ang na experience ko na emosyon sa OJT days ko kaysa sa Final demo ko.

So ayon, bago pa ako mag final demo, inaasikaso na lahat ni Mam Chua, dumating pa nga yung point na
napagalitan nya ko kasi bigla akong mag ffinal demo ni hindi ko man lang sya tinanong kung pwede ba
sya. Grabe. Sobra kong na appreciate si Mam Chua non, ganon pala pakiramdam ng ina. Kaya laking
pasalamat ko sa kanya non nung gabi. Kasi sa gitna ng na experience ko sa LSPU sya ang palaging
nangungunang mangamusta sakin,ni hindi ko nga ineexpect na magiging concern sya sakin, Pati yung
mga teacher na kilala na nila sarili nila. Sila ang tunay na mga teacher na hinangaan ko dahil sa lakas ng
loob nila.

So ayun,yung final demo ko, gusto ko ng umiyak, lalo na nung natapos na ako, dahil hindi mangyayari
ang lahat ng yon kung di dahil sa awa ng Diyos at kung walang nag push sakin na lumaban ako. Salamat
po!

You might also like