Professional Documents
Culture Documents
Wikang Nagsilbing Batis NG Tagumpay
Wikang Nagsilbing Batis NG Tagumpay
Kaakibat ng ating lingua franca ay ang mga katutubong wika. Ito ang identidad sa ating
lahing pinagmulan at katutubong kinabibilangan na maingat nating pinapahalagahan. Ito ang
munting mana hatid ng ating mga ninuno na dapat na preserbahin at ipasa sa susunod na mga
salinlahi. Cebuano, Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Kinaray-a, Ilokano, Hiligaynun,
Tagalog, Waray, Maranaw, Tausug, at Magindanawan ang masasabing mga katutubong wika
na naghahari sa bansa sapagkat milyun-milyon ang mga gumagamit nito sa kasalukuyan. Sa
kabilang banda, maraming katutubong wika ang nanganganib na mawala at masasabing
napag-iiwanan na ng panahon. Mula sa isang daan at tatlong pung (130) mga katutubong wika
batay sa Atlas ng mga Wika ng Filipinas (KWF, 2016), apat na pu (40) sa mga ito ang
nanganganib na mawala. Ilan sa mga ito ay ang Inagta Isarog, Arta, at Inata na mga
katutubong wika na hindi na umuabot sa limang pu (50) ang gumagamit mula taong 2015
hanggang sa kasalukuyan ayon sa datos. Ito ang mga katutubong wika na hindi nakakasabay
sa agos ng mabilisang pagb