Filipino at mga katutubong wika ang nagsilibing batis sa paglinang ng kaalaman at
kasanayan tungo sa tagumpay. Ang matayog na pagpapahalaga at pagmamahal sa wika ang sumisimbulo sa isang magiting na Pilipino. Mula sa mapanghamong dalisdis ng kahapon sa kamay ng mga mapang-aping dayuhan, ang bantayog ng wika ay naikintal na sa kasaysayan. Ang kasaysayan ang buhay na saksi sa ating karimlan mula sa hinagpis ng kahapon tungo sa kalayaan. Maging sa kasalukuyan at sa itinakda, sa walang humpay na pagbabago, pag-unlad at mabilisang takbo ng buhay, ang diwa ng Pilipino ay di pasisiil. Sa mga kaganapang nakalipas sa limang daang taon mula sa pananakop at sa kasalukuyan, hindi na mabilang na mga hinagpis at sakunang ating napaglagpasan at napagtagumpayan. Kaya