You are on page 1of 1

Wikang Nagsilbing Batis ng Tagumpay

Filipino at mga katutubong wika ang nagsilibing batis sa paglinang ng kaalaman at


kasanayan tungo sa tagumpay. Ang matayog na pagpapahalaga at pagmamahal sa wika ang
sumisimbulo sa isang magiting na Pilipino. Mula sa mapanghamong dalisdis ng kahapon sa
kamay ng mga mapang-aping dayuhan, ang bantayog ng wika ay naikintal na sa kasaysayan.
Ang kasaysayan ang buhay na saksi sa ating karimlan mula sa hinagpis ng kahapon tungo sa
kalayaan. Maging sa kasalukuyan at sa itinakda, sa walang humpay na pagbabago, pag-unlad
at mabilisang takbo ng buhay, ang diwa ng Pilipino ay di pasisiil. Sa mga kaganapang nakalipas
sa limang daang taon mula sa pananakop at sa kasalukuyan, hindi na mabilang na mga
hinagpis at sakunang ating napaglagpasan at napagtagumpayan. Kaya sa kasalukuyan, muli
namang hinahamon ang kadakilaan ng ating wika ngayong pandemya.

Tinatayang wika ang pinakamahalagang likha sa lipunan. Ito ang naging


pagkakakilanlan at nagpapahalaga ng mga gintong likha at yaman ng ating kultura at
kasaysayan. Sa paglipas ng panahon, ang ating wika ay buhay at patuloy na nagbabago
sapagkat ang isang buhay na wika ay sumasailalim sa pagbabago. Ang isang buhay na wika,
natutugunan nito ang pangangailangan sa iba’t ibang antas, larangan, at sakop ng ating
lipunan. Bilang mga Pilipino, taglay natin ang walang hanggang kaalaman at ang kaugaliang
pagtuklas sa mga bagay-bagay. Katulad ni Gat Jose Rizal, ang mga katangiang ito ay
dumadaloy na mula sa ating mga kaugatan. Malayo na ang ating narating kaakibat nang
wikang nagsilang sa atin. Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, pagpapahalaga,
pagpapasalamat, lalim ng pighati, pagpapatawad, pagmamahal, at paghanga. Ang walang
humpay na pag-aaral at paggamit ng pluma upang maghatid ng mga kaalaman at
karunungang pinanday ng panahon, at inaral sa iba’t ibang propesyon sa laranangan ng
politika, humanidades, ekonomiks, kriminolohiya, sikolahiya, literatura, medisina, agham, at
inhenyerya upang magbahagi ng kaalaman at kahusayan sa lipunan. Ang wika ang nagsilbing
tagapagpamagitan sa lahat ng bagay. Tayong mga Pilipino ay nabiyayaan, hindi lang ng
sariling lingua franca ngunit sa mga katutubong wika rin. Ito ang mga wika o dyalektong gamit
natin mula sa iba’t ibang kapuluan ng bansa. Sa kasalukuyan, ayon sa Komisyon ng Wikang
Filipino, mayroon tayong humigit kumulang na isang daan at tatlong pung (130) bilang ng mga
katutubong wika sa bansa at ang iba dito ay nanganganib na mawala sa hinaharap.

Kaakibat ng ating lingua franca ay ang mga katutubong wika. Ito ang identidad sa ating
lahing pinagmulan at katutubong kinabibilangan na maingat nating pinapahalagahan. Ito ang
munting mana hatid ng ating mga ninuno na dapat na preserbahin at ipasa sa susunod na mga
salinlahi. Cebuano, Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Kinaray-a, Ilokano, Hiligaynun,
Tagalog, Waray, Maranaw, Tausug, at Magindanawan ang masasabing mga katutubong wika
na naghahari sa bansa sapagkat milyun-milyon ang mga gumagamit nito sa kasalukuyan. Sa
kabilang banda, maraming katutubong wika ang nanganganib na mawala at masasabing
napag-iiwanan na ng panahon. Mula sa isang daan at tatlong pung (130) mga katutubong wika
batay sa Atlas ng mga Wika ng Filipinas (KWF, 2016), ap

You might also like