Filipino at mga katutubong wika ang nagsilibing batis sa paglinang ng kaalaman at
kasanayan tungo sa tagumpay. Ang matayog na pagpapahalaga at pagmamahal sa wika ang sumisimbulo sa isang magiting na Pilipino. Mula sa mapanghamong dalisdis ng kahapon sa kamay ng mga mapang-aping dayuhan, ang bantayog ng wika ay naikintal na sa kasaysayan. Ang kasaysayan ang buhay na saksi sa ating karimlan mula sa hinagpis ng kahapon tungo sa kalayaan. Maging sa kasalukuyan at sa itinakda, sa walang humpay na pagbabago, pag-unlad at mabilisang takbo ng buhay, ang diwa ng Pilipino ay di pasisiil. Sa mga kaganapang nakalipas sa limang daang taon mula sa pananakop at sa kasalukuyan, hindi na mabilang na mga hinagpis at sakunang ating napaglagpasan at napagtagumpayan. Kaya sa kasalukuyan, muli namang hinahamon ang kadakilaan ng ating wika ngayong pandemya.
Tinatayang wika ang pinakamahalagang likha sa lipunan. Ito ang naging
pagkakakilanlan at nagpapahalaga ng mga gintong likha at yaman ng ating kultura at kasaysayan. Sa paglipas ng panahon, ang ating wika ay buhay at patuloy na nagbabago sapagkat ang isang buhay na wika ay sumasailalim sa pagbabago. Ang isang buhay na wika, natutugunan nito ang pangangailangan sa iba’t ibang antas, larangan, at sakop ng ating lipunan. Bilang mga Pilipino, taglay natin ang walang hanggang kaalaman at ang kaugaliang pagtuklas sa mga bagay-bagay. Katulad ni Gat Jose Rizal, ang mga katangiang ito ay dumadaloy na mula sa ating mga kaugatan. Malayo na ang ating narating kaakibat nang wikang nagsilang sa atin. Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, pagpapahalaga, pagpapasalamat, lalim ng pighati, pagpapatawad, pagmamahal, at paghanga. Ang walang humpay na pag-aaral at paggamit ng pluma upang maghatid ng mga kaalaman at karunungang pinanday ng panahon, at inaral sa iba’t ibang propesyon sa laranangan ng politika, humanidades, ekonomiks, kriminolohiya, sikolahiya, literatura, medisina, agham, at inhenyerya