You are on page 1of 2

June 22, 2019 Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga araw na ito.

May halong
kaba, tuwa. Ito yung araw na mag o'ojt na tlaga kame sobrang kaba ko noon kase hindi ko alam
kung mababait ba yung bata dun at kung mababait ba ang mga teachers.pero nag pray ako noon
na sana mabait yung maging coop ko at mga estudyante. Pinakinggan naman ni Lord yung dasal
ko na mabait na coop at mga Estudyante.

Unang linggo ko pa lang noon ang bait bait saken ng coop ko binigyan nya ako ng
cartolina at book para magamit ko daw sa pag tuturo ko. Unang araw ko pa lang noon ipinag
katiwala na nya agad saken ang pag tuturo. Kahit may sakit ako noon at sobrang malat ang boses
tinanggap ko syempre diba kailangan mong makisama. Kaya ayun nag turo agad ako una
kinakabahan ako kase nga hindi pa ko sanay sa environment at sa mga bata. Noong una ko sa
pag tuturo sobrang nahirapan ako kase nga sanay ako sa projector and laptop. Sobrang nastress
din ako noon kase araw araw kailangan mag pasa ng lesson plan mag prepare ng ituturo mo mag
gawa ng quiz sobrang hirap noon saken kase sa tatlong section hawak ko noon at sa loob ng
classroom na yung may 60-70 students. Tapos hindi pa sila mag kaksabay ng lesson kase laging
nauuna ang pilot section kaya ang hirap iba't ibang activity araw araw tapos book base pa kame.
Kaya sobrang hirap halos araw araw wala akong tulog minsan pa nga tinatanong ko sarili ko
bakit ba ako ng educ? Kaya ko bang maging isang teacher? Gusto ko nang sumuko noon pero
pag nakikita ko ang mga estudyante ko na natuto nawawala ang pagod ko.sa pag O-ojt ko din
nakilala ang iba't-ibang klase ng bata may makulit,may matalino,may patawa sa klase,may
maingay,may tahimik lang. Pero proud ako kahit may iba't ibang ugali sila marunong silang
gumalang sa kapwa nila.

So start na tayo 3 weeks bago ako mg demo nag usap kame ng coop ko about sa final
demo ko. Una nag suggest sya na Impulse daw idemo kase naidemo na daw nya yun so ako
naman sumagot na ah sige po ma'am titingnan ko po. So ako pinag aralan ko yung impulse na
sinasabi nya and nakita ko na medyo tradional yung motivation at activity ng nasa lesson plan
pati hindi ako komportable sa topic na yun kase na demo nya na ang gusto ko kase ng mga
panahon na yun idea ko kase ako naman mag tuturo sa unahan e. kaya bumalik ako kay ma'am
maayos akong nakipag usap sabi ko "ma'am Goodmorning po, ma'am tanong ko lang po pwede
po ba ako mag suggest na sources of energy ang idemo ko kase po madami po akong naiisip na
activity at motivation dun.(nag explain ako kung ano ang gagawin ko). Pag katapos ko mag
explain hindi nya ako pinayagan sa gusto kong mangyare ang sabi nya yung impulse na nga daw
kase nademo nya na. So sumama loob ko pero hindi ko pinakita sa kanya kaya nag Oo na lang
ako. Ilang araw noon nag dry run kame at hindi ako masaya sa kinalabasan siguro kase hindi
galing saken yung idea and masyadong tradional kase motivation ko noon simpling picture lang
tapos mag tatanong lang sa mga estudyate in short hindi interactive.so ayon na nga na stress na
naman ako tinanong ko na naman sarili ko "baka hindi lang ako magaling na teacher?" Iyak ako
ng iyak ako noon halos hindi na ako makatawa makakain kung pano ko papagandahin demo ko
tapos 2 weeks na lang mag dedemo na ako pumayag na ako sa gustong topic ng coop ko pero
nag suggest pa din ako na kung pwede ganto motivation ko para maging interactive una pa lang.
and ayon na naman hindi na naman sya pumayag hindi ko alam kung naiinis ba sya saken kaya
hindi nya ako pinapakinggan sa mga suggestion ko o tlagang hindi lang kame mag kaintindihan
kase nga nasanay sya sa tradional and ako hindi. last 3 days na noon mag dedemo na ako at alam
ko sa sarili ko noon na hindi pa ako ready kaya nakipag usap ako sa coop nag suggest uli sabi ko
"ma'am good morning po, ma'am pwede ko baguhin motivation kahit video na lang tska po yung
sa application babaguhin ko din po?" At ayun hindi na naman sya pumayag down na down na
ako noon kaya nag pray ako na sana mag bago isip ni ma'am sana pakinggan nya ako. So
lumipas ang isang araw at kinabukasan noon mag dedemo na ako.tinawag nya ako at sabi nya
tutulungan nya ako so ako pumunta sa faculty nya nag dala ako ng laptop tapos inedit namen
lesaon plan ko kaharap yung ibang teachers dun and sya halata mo na walang alam about sa
detailed lesson plan kase tanong sya ng tanong sa mga kasama kong anong gagawin pag
application,pag analysis so nakisali na yung ibang teacher pati si ma'am manilay sobrang nag
papasalamt ako kase andun si ma'am manilay para pakinggan suggestion ko. So ayum sinabi ko
yung mga gusto kong mangyare. Edi hindi pumayag coop ko sa activity ko sa motivation
hanggang sabi ni ma'am pwede naman yung motivation nya connected pa din sa topic pero hindi
nag patalo coop ko sabi video na lang daw kung ayaw ko daw ng pictures basta daw mag hanap
na agad ako. Ako pumayag na ako last minute na e. Habbang nag gagawa ako ng lesson plan ko
kinig na kinig ko pag uusap nila about dun sa 500 na bayad na parang kaya ako tinulungan kase
may bayad worth it naman daw kase pag tulong nya kase may kapalit. And wow kung walang
kapalit di mo tlaga ako tutulungan? so ayun natapos lesson plan ko pati material ng araw na iyon.
Araw na ng demo ko nakita ako ni ma'am manilay at sinabi saken na wala daw coop ko sabi nya"
ma'am gusto mag dry run tayo para kahit papano may mabago tayo kung may mali?" Sobrang
nakakatouch kase concern sya saken kahit hindi ko sya coop so nag dry run kame sya yung
kumuha ng tv speaker tapos extension. Nakakataba ng puso kase kahit hindi naman nya ako
kilala tinulungan nya ako ng suggest sya na dapat ganto ganyan na dapat bawasan ko yung kaba
ko sobra pinapalakas nya loob ko kahit hindi ko sya coop. 1hour na lang demo ko na and sya mas
kinakabahan pa kesa saken pabalik balik sya tas kinakamusta ako pinainom ako ng tubig wag
daw akong kakabahan. So ayun ko na next kaya pumasok na ako sobrang kabado ako noon para
akong matatae na maiihi na hindi ko maintindihan basta nag hihina tuhod ko nag start na ako
mag demo nawala ang kaba ko nung activty na sobrang saya kase lahat ng estudyante ko napaka
active at napaka gagaling.Sobrang swerte ko na sila ang naging estudyante ko.Pero humabol
noon coop ko siguro patapos na activity noon pero okay lang atleast humabol sya. Pati andun
naman si ma'am manilay e umupo sya bilang coop ko at nakakataba ng puso kase pinag tanggol
nya ako about sa comments ng coop ko saken na hindi maganda andun sya para saluhin at ipag
tanggol ako. Na-appreciate ko din mga comments ni Dr Chua at ni Sir Vince saken pati na din ni
Sir Junel at ma'am manaliliy nakakataba ng puso ang mga payo nila saken para maging isang
magaling na guro sobrang nag papasalamat din ako sa mga estudyante ko na napaka supportive
saken noong panahon na yun. Hindi man ako nag karoon ng mabait na coop nag kameron naman
ako ng mababait at matatalinong estudyante.

You might also like