You are on page 1of 4

BARANGAY NOVALICHES PROPER

EARLY WARNING SYSTEM


BARANGAY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT
COUNCIL (BDRRMC)

ANG MGA DAPAT GAWIN KUNG MAY SUNOG

 ALAMIN ANG LAHAT NG IMPORMASYON AT BABALA.


UMALIS SA ESTABLISYEMENTO NG MABILIS AT HUWAG
TITIGIL.
 HUWAG BUKSAN ANG PINTUAN KUNG MAINIT ANG DOOR
KNOB, HUMANAP NG IBANG DAAN PALABAS AT HUMINGI NG
TULONG.
 KUNG MAAARI, PATAYIN AGAD KUNG MALIIT PA ANG APOY.
KUNG HINDI, UMALIS KAAGAD AT TUMAWAG SA
KAGAWARAN NG SUNOG.
 ISARA ANG PINTUAN SA IYONG LIKURAN SAPAGKAT
PINABABAGAL NITO ANG PAGKALAT NG APOY.
 GUMAPANG NG MAS MABABA SA USOK AT HUMANAP NG
LIGTAS NA LUGAR.
 HUWAG GUMAMIT NG ELEVATOR. HUMANAP NG IBANG
DAAN O KAYA GAMITIN ANG HAGDANAN .
 KUNG MAY BABALA NA “PULL IT”, IKAW AY LUMABAS NA.
 HUWAG NG BUALIK KAPAG NAKALABAS NA.
 HUMINTO, HUMIGA (TAKPAN ANG MUKHA) AT GUMULONG
KAPAG NASUSUNOG NA ANG DAMIT.
 MABILIS NA PALAMIGIN ANG ANUMANG NASUNOG AT
HUMANAP AGAD NG ATENSYON MEDICAL.
BARANGAY NOVALICHES PROPER

EARLY WARNING SYSTEM


BARANGAY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT
COUNCIL (BDRRMC)

ANG MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY BAHA

 KUNIN ANG IYONG NAKAHANDANG EMERGENCY KIT (DAMIT,


KUMOT, PAGKAIN, GAMOT, KANDILA, POSPORO, BATERYA,
FLASHLIGHT, ATBPA)
 MANATILING NAKATUTOK SA RADYO ATE TELEBISYON PARA SA
ANUNSYO O BABALA TUNGKOL SA KALAGAYAN NG BAGYO O
MAKIBALITA SA MGA KAPITBAHAY.
 KUNG KAILANGAN LUMIKAS, TIYAKING NAKAPATAY ANG KURYENTE,
NAKASARA ANG TANGKE NG GAS, AT NAKASUSI ANG PINTO.
TANGGALIN SA PAG KAKASAKSAK ANG MGA KAGAMITAN.
 ITAGO O ILAGAY SA PLASTIK ANG MGA MAHAHALAGANG
DOCUMNETO O PAPELES.
 IWASAN ANG MGA LUGAR NA MAY TUBIG-BAHA LALO NA KUNG
HINDI NAKASISIGURO SA LALIM NITO.
 HUWAG LUMUSONG O TUMAWID SA MGA TUBIG NA HINDI ALAM
ANG LALIM, GAWA NG ILOG O SAPA.
 HUWAG MAG MANEHO PATAWID SA MGA BAHANG KALSADA. ANIM
NA PULGADANG TUBIG LAMANG AY MAARI NG MAGING DAHILAN
NG PAGKAWALA NG KONTROL AT PAG KAKATUON NG ISANG
SASAKYAN.
 KUNG IKAW AY HINDI NAATASANG LUMIKAS MANATILI PA RING
NAKATUTOK SA MGA ISTASYON NG RADIO AT TELEBISYON PARA SA
MGA KARAGDAGANG BABALA
 MAGHANDA PARA SA PAGLILIPATANG TIRAHAN O KAPIT BAHAY
KUNG ANG IYONG BAHAY AY SIRA NA.
 KAPAG NASA LIGTAS KA NANG LUGAR, HUWAG KALIMUTANG
MAKIPAG-UGNAYAN SA NAKATALAGANG LIDER.
BARANGAY NOVALICHES PROPER

EARLY WARNING SYSTEM


BARANGAY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT
COUNCIL (BDRRMC)

ANG DAPAT GAWIN KUNG MAY LINDOL

 KUNG NASA LOOB NG GUSALI O OPISINA: MANATILI SA


ILALIM NG MATIBAY NA LAMESA, LUMAYO SA BINTANA AT
HUWAG GUMAMIT NG ELEVATOR.
 KUNG NASA BAHAY: KUSINA ANG PINAKA DELIKADONG
BAHAGI. LUMAYO SA MABIBIGAT NA KASANGKAPAN AT
MGA BAGAY NA MAAARING MAG SIKLAB
 KUNG NASA LABAS: PUMUNTA SA ISANG LUGAR NA
MALAYO SA MGA GUSALI, LINYA NG KURYENTE O MGA
BAGAY NA MAAARING BUMAGSAK
 KUNG NAG MAMANEHO: IHINTO ANG SASAKYAN, HUWAG
PUMARADA SA ILALIM NG TULAY, OVERPASS, ILALIM NG
MGA PUNO, POSTE NG ILAW, MGA MAPANGANIB NA
DAAN
 KUNG NASA MALABUNDUKING LUGAR: MAG IINGAY SA
MAARING GUMUHO AT KUNG MALAPIT SA KARAGATAN,
MAGING ALERTO SA BUHAWI AT PUMUNTA SA MATAAS
NA LUGAR.

You might also like