You are on page 1of 1

PART 4:

Ika 17 ng Agosto ng masakop ng dayuhan ang kaMaynilaan, batid ng bawat isa ang hirap na kinakaharap
nang tuluyan nang masakop ang bansa. Maraming pagbabago ang kakaharapin, isa na rito ang tuluyang
pagkawala ng kalayaan ng bawat Pilipino. Subalit ang lahat ay umaasa na darating ang isang umaga na
muling babangon at aahon ang bansang Pilipinas na matagal ng inaalipin ng mga dayuhang bansa.

ibig sabihin isa ka ng taong wala pakiramdam o pagasa kaya wala ia nang katuturan sa mundo.

PART 5:

Ang tulang ito ay may mga biglaan at agresibong pagputol sa mga linya, tila binibigyang diin at bigat ang
lahat ng mga nais sabihin ng bawat saknong. Ang nai-imahe ko sa pagputol na ito ay ang persona ay
parang isang tagapagsalitang itinataas ang kanyang boses para madinig ng lahat ng mga takapakinig; at
sa bawat kuwit at semicolon ng kaniyang mga pangungusap ay naghahabol sya ng kaniyang hininga at
naghahanda para bumwelo. Bagamat tila biglaan at agresibo ang pagputol sa mga linya ay napagdidikit
at naitatahi ito ng mga tugmaan sa dulo ng bawat saknong. Ang tugmaang ito ay sinisiguradong
magiging makinis at swabe ang daloy ng tula sa kabila ng matinik at matalim na mensahe ng tula.

Maaring pinili ng awtor na gawing ganito ang mga pagputol at paggamit sa mga bantas para maging
simbolo ng pagpilit ng persona na pakinggan ng bayan ang kanilang mga tinig dahil tila ang tula ay
nagsisimula sa isang pasalita na tinig at unti-unting umuusbong at lumalaki at lumalakas ang tunog nito.

Sa pagbasa ko ng tulang ito, parang nakaramdam ako ng kilabot, sindak, at parang may bagay sa aking
lalamunan na di malunok-lunok. Dahil ang mensahe ng tula ay sobrang malapit parin sa kalagayan ng
bansa ngayon. Ngunit sa kabila nito, matapos ang mga paalalang nakapanglulumo ay tila nabigyan ako
ng kumpiyansa, pagasa, at lakas na magpatuloy na lumaban at gamitin ang aking tinig para sa pagbabago
at paglalagot ng lumang tanikala.

You might also like