You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


Pablo Borbon Main I, Batangas City, Philippines 4200

Group 1 September 5, 2021


Filipino sa Iba't-ibang Disiplina. Gng. Julita R. Magtibay

 Epekto ng mga Suliranin sa Paggamit ng Wikang Filipino sa


Pagtuturo.

PALIWANAG: Ang paksa ukol sa “Epekto ng mga Suliranin sa


Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo” ay mahalagang pag-aralan
sapagkat sa kasalukuyan ay hindi na gaanong nabibigyang-halaga ng
karamihan sa mga kabataang Pilipino ang Wikang Filipino dulot ng
pagkamulat sa lengguwahe at kultura ng iba’t ibang bansa. Kapansin-pansin
ang pagiging mas interesado ng mga kabataan sa wikang banyaga
kumpara sa wikang Filipino dahil sa mas pagtangkilik ng mga Pilipino sa
kultura at lengguwahe ng ibang bansa. Dahil dito ay nagkakaroon ngiba’t ibang
suliranin ang mga guro sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturokung
kaya’t minabuti ng mga mananaliksik na isagawa ang konseptong
papelukol sa nasabing paksa. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay
nilalayon ng mga mananaliksik na makahanap ng solusyon sa mga suliranin
sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Ang nasabing pananaliksik ay
makatutulong sa mgaguro at maging sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagtuklas ng solusyon sa mga suliranin na kanilang nararanasan pagdating sa
paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.
 Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles Bilang Midya Sa
Pagtuturo Ng Aljebra Sa Antas Ng Pagkatuto At Atityud Ng Mga
mag-Aaral Sa Kolehiyo.

PALIWANAG: Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles


ang ginagamit na midyum sa pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng pag-
aaral. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang DECS tungkol sa angkop na
midyum para sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura, Ingles pa rin ang napiling
midyum para sa pagtuturo ng matematiks. Subalit hanggang sa ngayon, wala pa
ring resulta ng pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang
gamiting midyum sa matematiks at wala pa ring malaking pagbabago sa antas
ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin, wala ring matibay na
batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga
mag-aaral sa matematiks.
Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik
ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan
pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga pagkakataong di
maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito
ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito medaling naiintindihan ng
mga mag-aaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila
ang pag-aaral ng matematiks.
 WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

PALIWANAG: Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa


maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakiki pag komunikasyon,
pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay
talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o
uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Kaya
ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila


upang kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga
tamang paraan o salita na kanilang kailangang gamitin na makakatulong
din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng


kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong
sa pag-unlad ng bayan.

3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari


nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa
sinaunang panahon at kung paano ito nagbago. SAKLAW AT
LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang layunin ng pag-aaral ay upang
malaman ang pagbabago ng wika noong sinauna hanggang ngayon at sa
susunod pang henerasyon.

GROUP MEMBERS:

 HAZEL HORNILLA

 RICA MACATANGAY

 JOHN CHRISTIAN DEL MUNDO


 ALVIN HERNANDEZ

 MA. YSABELLE CABUHAL

You might also like