You are on page 1of 2

Alvin R. Hernandez.

August 27,2021
BPA-1101

" REPLEKSYON"

Ang wika ay isa sa pinaka mahalagang sandata sa ating buhay. Sapagkat ito ay pinamana pa sa
ating ng ating mga ninuno. Ang wika ay nakakatulong sa buhay ng tao. Dahil sa wika makikilala natin ang
ang bawat isa.Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa
dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang
pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami
pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o
anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng
ito, kailangan ng tao ang wika.Bilan isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at
ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos,
at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga baya-bagay katulad nalang ng
wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay
isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa
bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang
Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya
ang kanilang sariling wika. Ang wika nagsisilbing sangkap sa ating buhay. Bagama't tayong mga pilipino
ay minsan nakakalimutan na natin ang ating sariling wika. Dapat tangkilikin nating ang ating sariling
wika.
Ayon sa aking vediong napanood pinapakita dito ang tamang paggamit ng wika at ang
kahalagahan nito sa bawat isa sa ating bilang isang mamamayang pilipino. sinasabing mahalaga at
mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga
masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na
dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga
kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi nna mmas
ginnagamit nga karamihan kait saan man sila maggpunta sa mundo. Pero para sa akin at sa mg atong
mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga
dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino.Ang wika ay makapangyarihan. Ito ang
dahilan kung bakit ang tao ay natutuwa, umiiyak at minsan ay nagagalit. Bakit? Kasi ito yung daan ng
bawat tao upang maipahayag ang isang damdamin. Sulat man yan, senyas o salita bahagi parin yan ng
isang wika. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang
pakikipagtalastasan at komunikasyon. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na
magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura.Ang pagkakaroon
ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat
para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay
hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Lagi nating tatandaan at
isasa puso na ang wika ay masasabi kong isang parte ng katawanan ng tao kapag hindi mo ito ginamit sa
pakikipagkomunikasyon sa iba hindi agad magkakaintindihan ang bawat mamamayang pilipino.

You might also like