You are on page 1of 2

Feature

Written by: Justine Pangan

Teknolohiya tungo sa pagbabago

Ang mga makabagong teknolohiya ang naging daan upang matamasa natin ang pagbabago. Mula sa mga
pangaraw- araw na gawain, sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao at kung paano nito pinapadali ang ating
trabaho, hindi maikakaila na naging napakahalaga ng teknolohiya sa ating buhay

Kung kaya’t naging isang magandang impluwensiya ang teknolohiya sa larangan ng arkitektura at pagdedesenyo.

“There is now more data that architects and builders can use and translate into simulations to see how the
structure will react to the atmosphere, traffic flow, and wind circulation. [Teachnology] can help us shape our
buildings better regard to our own climate and other conditions” ayon kay Ian Fulgar, isang meta modern architect.

Naging daan ang makabagong teknolohiya sa pagtatanggap ng mga Pilipino sa konsepto ng metamodern
architecture. Marami sa proyekto ni Fulgar ay maituturing na pagpapakilala ng metamodern Architecture sa
Pilipinas. Katulad na lamang ng The Fortress, isang pinagsamang medieval at modernong disenyo na matatagpuan
sa Angeles City, Pampanga. O di kaya naman ay isang eklusibong resort-hotel sa Puerto Gallera na kanyang
maingat na pinagplanuhan. At sa kasalukuyan, isa pang nagpapatuloy na proyekto ni Fulgar ang isang mataas na
hotel at casino sa Batangas.

Para kay Fulgar, ang metamodern architecture ay patungkol lamang sa pagpanatili ng disenyo, mapayapang
pamumuhay at matatag na estrucktura na maaaring makatulong upang magbago sa pamumuhay at
pakikisalamuha ng mga tao sa bawat isa.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, maaaring mapanatili ang mga gusali at makatulong sa kalikasan. Naniniwala
si Fulgar na dapat mas pagtuunan ng pansin ang pagiging environment-friendly ng isang gusali sa halip ang mga
nauuso.

“What we do, what we build and how we affect the environment would affect all of us” ayon kay Fulgar.

Makabago na ang paraan sa pagbubuo ng disenyo, hindi tlad noon na manual drafting sa isang lamesa. Ayon sa
pahayag ni Fulgar, ang pagbubuo ng disensyo ay tila isang pagtatayo ng isang gusali. Nang dahil dito mas nagiging
epektibo ang pag didisenyo upang makita ang systema o pagkakamali.

Ayon kay Fulgar bagama’t napakahalaga ng pagpapanatili ng gusali at pagkakaroon ng matatag na pundasyon,
hindi dapat mawawala ang pagkakakilanlan at ang ating kultura. Habang tinatanggap natin ang mga makabagong
konseptong ito, kailangang bigyan ng considerasyon at pagaralan kung paano ito makakaapekto sa ating
pamumuhay bilang isang Pilipino.

“It’s a more of a journey towards that, how we can reimagine the new Philippine architecture.” Dagdag pa ni
Fulgar.

You might also like