You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
_______________________________________________________________
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
SECOND SEMESTER AY: 2019-2020
ESC12 – Teaching Social Studies in Primary Grades – Philippine History and Government

GRADE II – THIRD GRADING

Mga hanapbuhay sa aking komunidad


OBJECTIVES;
1.Nabibigyang kahulugan ang salitang “hanapbuhay”.
2. Natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
3. Naipapaliwanag ang epekto ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay sa pamilya at
komunidad.

TYPE OF GRAPHIC ORGANIZER: Descriptive Organizer

KIND OF GRAPHIC ORGANIZER: Bubble Map

DESCRIPTION/USE OF GRAPHIC ORGANIZER: Bubble map re used to


describe certral idea or term at the center using adjectives in the bubbles that surround. You can
use this general organizer template for mainPangingisd
idea and details.
a

Pulis Pagsasaka

Pananahi Pagkakarpi
ntero

Mga Hanapbuhay sa
Aking Komunidad
Doktor Pagtuturo

CONTENT OF SUBJECT MATTER:


Nars Bumbero
Dentista
MGA HANAPBUHAY SA AKING KOMUNIDAD- Pangunahing hanapbuhay na makikita sa
ating komunidad. Ang hanapbuhay o trabaho ay gampanin na isinasagawa ng isang tao
upang matustusan ang kanyang pangangailangan at ng kanyang pamilya.Tinatawag
ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa o trabahador.

PANGINGISDA Ang isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa komunidad na malapit sa


dagat at lawa. Kaugnay nito ang pagdadaing, pagtitinapa, at pagbabagoong ng mga
isdang nahuli.

PAGSASAKA Ang angkop na hanapbuhay sa kominidad na may malawak na sakahan.


Kaugnay nito ang pagtatanim ng palay at mga gulay na siyang iniluluwas sa mga
kabayanan at pamilihan.

PAGKAKARPINTERO Ay isa rin sa mga hanapbuhay sa komunidad. Sila ang


gumagawa ng mga bahay, upuan, mesa, at iba pang yari sa kahoy.

PAGTUTURO ay isa ring hanapbuhay sa komunidad. Ang mga guro ang siyang
nagtuturo sa mga mag aaral sa paaralan.

BUMBERO ay isa rin sa hanapbuhay sa ating komunidad. Sila ang nagpapatay ng mga
sunog sa mga gusali o kung saan man may mga malalaking sunog na kailangan ng
apulahin

PANANAHI ay isa rin sa hanapbuhay sa komunidad. Ang sastre ang nananahi ng mga
kasuotang panlalaki at modista naman ang tumatahi ng mga kasuotang pambabae.

DENTISTA Ang siyang naggagamot at nangangalaga ng kalusugan ng ating mga


ngipin.

DOKTOR ay ang gumagamot sa mga taong may sakit.

NARS ang tumutulong sa doktor na mag alaga sa pasyente o sa taong may sakit sa
loob ng ospital.

PULIS ang nagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa


komunidad, sila rin ang nanghuhuli sa mga masasamang tao.

SUMMARY OR CONCLUSION Kung walang hanapbuhay ang isang tao, wala siyang
kikitain at wala siyang pang tutustos sa sarili niyang pangangailangan at sa kanyang
pamilya.

Magiging maunlad ang kanyang komunidad at matutugunan niya ang mga pangunahing
pangangailangan niya at ng kanyang pamilya. Mahalaga ang hanapbuhay, dahil kung
walang hanapbuhay, walang kikitain at hindi matutugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.

Ang hanapbuhay ay isang gawain ng tao kung saan dito siya ay kumukuha ng kanyang
ikabubuhay at ikauunlad.

ACTIVITY:
DIRECTION: Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy na hanapbuhay sa bawat
bilang. Isulat sa patlang ang sagot.
A. Guro E. Dentista I. Magsasaka
B. Nars F. Bumbero J. Mangingisda
C. Pulis G. Mananahi
D. Doktor H. Karpintero

______1. Sila ang gumagawa ng ating tahanan at iba pang mga kagamitan na yari sa
kahoy.
______2. Sila ang humuhuli sa masasamang tao.
______3. Sila ang gumagamot sa may mga sakit at nagreresta ng gamot s mga
pasyente.
______4. Sila ang nangangala sa ating mga ngipin.
______5. Sila ang sumusugpo sa sunog sa ating komunidad.

RUBRICS (*If necessary)

REFERENCES: Kagamitan ng Mag-aaral Modyul 5 p.143-145,


Patnubay ng guro Aralin 5.2 p.46-48

You might also like