You are on page 1of 16

8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Tunay na Kaibigan, Maaasahan!
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

1|Pahina
Edukasyon sa Pagpapakatao – 8
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
-Tunay na Kaibigan, Maasahan!-
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Efegenia B. Elejorde


Editor: Yolanda S. Saňada
Tagasuri: Yolanda S. Saňada
Tagaguhit/Taga - anyo: Mateo A. Molina
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Tunay na Kaibigan, Maasahan!

Panimula

Isang kayamanan ang makatagpo ng tunay na kaibigan. Kaibigan na hindi ka


iiwanan sa panahon ng kagipitan. Sila ang tunay na maasahan at sasandalan. Sa
hirap at sarap sila ang kasama sapagkat kayo ay nagtitiwala at tunay na
nagmamalasakit sa isa’t isa.
Sa araling ito ay mauunawaan mo na ang pagbuo ng isang tunay na
pakikipagkaibigan ay mabisang paraan ng pagpapaunlad ng pakikipagkapuwa.

Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan
niya mula sa mga ito. EsP8PIIc-6.1

Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng


pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle. EsP8PIIc-6.2

Mga Layunin

Matapos mong sagutan ang mga gawain, ikaw ay inaasahang:


1. makatutukoy ng mga taong itinuturing mong kaibigan at ang mga natutuhan
mo mula sa mga ito;
2. makapagsusuri ng iyong kaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan
ayon kay Aristotle;
3. maipaliwanag ang kahalagahan ng tunay na pagkakaibigan.

1|Pahina
Balik Aral

Panuto: Basahin ang mga katanungan at kumpletuhin ang pangungusap na nasa


kahon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Sino ang mga taong itinuturing mong kaibigan? Ano ang mga natutunan mo
mula sa kanila?

Itinuturing kong kaibigan si __________________________________________________

at ang mga natutunan ko sa kanya ay ________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Isa sa katangian ng tao ang


makipagkapuwa. Likas sa kanya ang
makipag-ugnayan. Mayroon siyang
kakayahan para makatugon sa
pangangailangan ng iba.
Ang pakikipagkaibigan ay isang
malalim na uri ng pakikipagkapuwa.
Iba ang makatagpo ng tunay na
kaibigang maaasahan sa lahat ng
bagay, daig pa nito ang materyal na
kayamanan ng isang tao. Sa patuloy
na pagpapalalim ng pagkakaibigan ng
tao mas lalo nila itong napagtitibay
habang tumatagal ang panahon na
sila ay magkakilala. Sila ay patuloy na
lalago kung sasaisip nila na hindi
lamang puro pagtanggap ang
makukuha sa kaibigan. Bagkus, kung
ano din ang maaaring maibahagi sa
kanila. Ang pagkakaibigan ay
pagbibigayan ng dalawang panig.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dapat tandaan at matutunan ng isang


mabuting kaibigan: (Punsalan et.al 2018)

1. Ang mabuting kaibigan ay handang dumamay sa iyo. Ang taong


maaasahan sa panahon ng kagipitan ay masasabing isang mabuting
kaibigan. May kasabihan nga na makikita mo ang tunay na kaibigan sa oras
ng kagipitan. Sila ang mga taong handang dumamay sa iyo sa oras ng
kahirapan, tawanan, o anumang suliraning darating sa panahong hindi
inaasahan.
2. Ang mabuting kaibigan ay matapat. Tunay ang iyong kaibigan kung
nagsasabi sila iyong mga kahinaan. Iyon ay gusto nilang mapagbuti mo ang
mga ito. Ang mga kaibigan ang ang sisilbing gabay upang makita ang mga
bagay na kadalasang hindi napapansin sa sarili. Itinatama ka nila dahil
mahal ka nila.

3|Pahina
3. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay. Ang pagbabahagi ng sarili
sa isang kaibigan ay hindi sinusukat. Ito ay pagbibigay ng walang hinihintay
na kapalit. Ang pagbabahagi ng oras, talento , kakayahan o kahit sa materyal
na bagay maliit man o malaki ay maaari ng maging pundasyon ng isang
mabuting pagkakaibigan.
4. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Hindi nanlalaglag o
nanlalamang ang isang mabuting kaibigan. Ang tiwala ay bagay na ibinibigay
sa taong ating lubos na minamahal. Kaya naman hindi ito agad ibinibigay ng
lubusan sa taong hindi pa gaanong kakilala. Ang pagtitiwala ay para sa taong
lubos na matapat sa kaniyang salita at gawa.

Mga katangian ng isang mabuting pakikipagkaibigan (Punsalan et.al 2018)


1. Ang pagkakaibigan ay binubuo. Ang pagkakaibigan ay pinapaunlad ng
dalawang tao na nagtitiwala sa isa’t isa. Sila ay gumagawa ng paraan upang
lubos nilang makilala at mapalago ang bawat isa. Kusang dumarating ang
mga tao sa ating buhay ngunit hindi lahat ay masasabing mabuting kaibigan.
Nagiging mabuti ito habang tumatagal na nakikilala at napapalago ang bawat
panig.
2. Ang pakikipagkaibigan ay isinasakilos. Isang malaking bagay ang pagbuo
ng pagkakaibigan ng may aksiyon na namamagitan. Ito ang bumubuhay sa
relasyon. Hindi mabubuhay ang isang relasyon kung isa lng ang kumikilos.
Dapat ang dalawang panig ay kapwa kumilos patungo sa ikakabuti ng
kanilang pagkakaibigan.
3. Ang pakikipagkaibigan ay isang patuloy na proseso. Ang relasyon ay
nagbabago sa patuloy na pagbabago ng panahon. Ang iba nakakalimot na,
ngunit ang iba ay mas lalong tumutibay pa.Ito ay nakadepende sa dalawang
tao na may hawak ng relasyon. Ang isang relasyon ay nangangailangan ng
mga bagay na magpapatuloy sa mabuting ugnayan ng magkaibigan. Kagaya
na lamang ng komunikasyon. Ang hindi pagputol ng komunikasyon ay bagay
na magpapatuloy sa daloy ng ugnayan.
4. Ang pakikipagkaibigan ay dapat nakabatay sa ugnayang matuwid at
makatuwiran. Ang gumagabay sa mabuting pagkakaibigan ay ang mga
desisyon at aksiyon na makatuwiran. Ang mga taong may paninindigan ay
hindi nalilinlang ng mga sabi-sabi lang ng ibang tao. Alam nia ang tama at
mabuti para sa kapuwa.
5. Nakatutulong ng pagkakaroon ng bukas na isipan sa ugnayang
magkakaibigan. Kailangan ng bukas na isipan sa pagkakaiba-ibang
paniniwala, opinyon o ideya ng magkakaibigan. Ito ang ugat ng mabuting
ugnayan at pagkakaunawaan ng dalawang panig na tunay na
nagmamalasakit.

4|Pahina
6. Ang pakikipagkaibigan ay hindi magkakatulad sa iba-ibang tao.
Nagkakaiba-iba ang kalidad ng bawat relasyon ayon sa personalidad ng mga
taong nasasangkot dito. Hindi magkakapareho ang dalawang relasyon na
magkaiba ang taong napapailalim dito. Sapagkat walang tao na magkatulad
sa ugali o pakikitungo sa isa.

May klasipikasyon at antas ng pakikipagkaibigan ayon sa kalikasan at uri ng


relasyon sa ating mga kaibigan. Ang unang antas ng pagkakaibigan ay tinatawag na
barkada. Ito ang pinakamababaw na pakikipagkaibigan. Sila kadalasan ang mga
kasama mo sa kasiyahan tulad ng paglilibang, tawanan o paggawa ng proyekto.
Ngunit maaaring lumalim pa ang samahan kung madalas na ninyong makakasama
sa mga panahon ng paghihirap o mga panganib.
Ang susunod na antas ay ang kaibigan. Ito na ang panahon na magkakasama
kayo sa mga suliranin at sa paglutas ng mga ito. Dito mas komportable kayong
magkaalaman ng problema at magsabihan ng mga opinyon kung paano ninyo ito
lulutasin.
Ang pinakamalalim na antas ng pagkakaibigan ay ang tinatawag na kaibigang
matalik. Dito mas lubos ang pagtitiwala ninyo sa bawat isa. Maaring masabi ninyo
ang pinakamatinding sekreto ninyo sa isa’t isa. Sila din ay itinuturing mong bahagi
na ng iyong pamilya.
Ayon kay Aristotle (Sadler, 2013), may tatlong uri ng pagkakaibigan na
makatutulong upang masuri natin ang uri ng pagkakaibigan na maaari nating
inaalay para sa mga piniling maging kaibigan. Ito ang mga sumusunod:
1. Pakikipagkaibigang bunga ng pangangailangan. “Kaibigan kita dahil
kailangan kita” ito ang mga katagang naglalarawan sa mababaw na uri ng
pagkakaibigan. Kaibigan mo ang isang tao sapagkat mayroon kang
pangangailangan sa kanya. Ito ay uri ng pagkakaibigan na kulang sa
kabutihan, katarungan, pagmamahal, at pagpapahalaga.
2. Pagkakaibigang bunga ng pansariling kasiyahan. “Kaibigan kita dahil
masaya kang kasama at kausap” ito naman ang katagang naglalarawan sa
pangalawang uri ng pagkakaibigan. Gaya din ito ng unang antas na hindi
pangmatagalan. Sapagkat iilang bahagi lamang ng tao ang nagugustuhan mo
hindi iyong kabuuang pagkatao nito.
3. Pakikipagkaibigang bunga ng kabutihan. “Kaibigan kita dahil magkasama
tayong may nagagawang mabuti” Ito ay pagkakaibigang nakabatay sa
kabutihan. Inuuna nito ang paggalang at pagmamalasakit sakapuwa. Ang
kanilang pagkakatulad sa pagpapahalaga, layunin, at pananaw sa buhay ay
siyang nagpapatibay sa kanilang relasyon.

5|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Gumuhit ng isang bagay na naglalarawan sa iyong matalalik na kaibigan.


Iguhit ito sa isang pahina ng iyong kuwaderno at ipaliwanag ang iyong napiling
bagay. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

6|Pahina
Pamantayan 10 8 0
Natutukoy ang Maayos na Hindi gaanong Walang naiguhit
kaibigan at natukoy, naiguhit malinaw ang na bagay na
nasusuri ang uri ang bagay na natukoy, naiguhit naglalarawan sa
ng pagkakaibigan naglalarawan sa na bagay na kaibigan.
ayon kay Aristotle. kaibigan at naglalarawan sa
maayos nasuri kaibigan at hindi
ang uri ng maliwanag ang
pagkakaibigan pagsusuri sa uri
ayon kay Aristotle. ng pagkakaibigan
ayon kay Aristotle.
Naipapaliwanag Maayos na Hindi gaanong Walang
ang kahalahagan naipaliwanag ang malinaw ang pagpapaliwanag
ng pagkakaibigan. kahalagahan ng pagpapaliwanag sa kahalagahan
pagkakaibigan. sa kahalagahan ng pagkakaibigan.
ng pagkakaibigan.

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Tukuyin mo ang iyong mga kaibigan at isulat sa table kung bakit naging
kaibigan mo sila. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Pangalan ng mga taong itinuturing Mga dahilan kung bakit itinuturing


mong kaibigan mo silang mga kaibigan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

7|Pahina
Rubriks sa Pinatnubayang Pasasanay 2
Pamantayan 2 1 0
Natutukoy ang Maayos na Hindi maayos na Walang tinukoy
mga kaibigan at tinukoy ang mga tinukoy ang mga na mga kaibigan
naipapaliwanag kaibigan at kaibigan at at hindi
kung bakit naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
itinuturing silang kung bakit kung bakit kung bakit
kaibigan. itinuturing silang itinuturing silang itinuturing silang
kaibigan. kaibigan. kaibigan.

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Ang talahanayan sa ibaba ay sumasailalim sa tatlong uri ng pagkakaibigan
ayon kay Aristotle’s Nichomachean Ethics (Sadler, 2013) : A. Pagkakaibigan bunga
ng pangangailangan; B. Pagkakaibigang bunga sa pansariling kasiyahan; C.
Pagkakaibigan na bunga sa kabutihan.

Pagnilayan ang mga dahilan na isinulat mo sa unang pagsasanay upang


matukoy mo kung anong uri ang iyong pakikipagkaibigan. Isulat ang isulat ang mga
dahilang iyong tinukoy ayon sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Kaibigan kita dahil may Kaibigan kita dahil Kaibigan kita dahil
kailangan ako sa iyo… masaya kang kasama at magkasama tayong may
kausap… nagagawang mabuti…

Rubriks sa Pang-isahang Pagsasanay

Pamantayan 10 5 0
Natutukoy ang Maayos na Hindi maayos na Walang tinukoy at
kaibigan at tinukoy ang tinukoy ang sinuri na kaibigan
nasusuri ang uri kaibigan at sinsuri kaibigan at sinuri ayon kay Aristotle.
ng pagkakaibigan ang uri ng ang uri ng
ayon kay Aristotle. pagkakaibigan pagkakaibigan
ayon kay Aristotle. ayon kay Aristotle.

8|Pahina
Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at sagutin ito ng buong kaalaman. Isulat ang
sagot sa iyong kuwadeno.

1. Alin ang pinakamabuting uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle?


Ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga ang mga gawaing nagpapanatili at nagpapalalim ng
pagkakaibigan?

Rubriks sa Pagsusulit

Pamantayan 5 3 0
Natutukoy ang Maayos na Hindi maayos na Walang tinukoy at
kaibigan at tinukoy at tinukoy at ipinaliwanag na
nasusuri ang uri ipinaliwanag ang ipinaliwanag ang kaibigan ayon kay
ng pagkakaibigan pagkakaibigan pagkakaibigan Aristotle.
ayon kay Aristotle. ayon kay Aristotle. ayon kay Aristotle.
Naipaliliwanag Maayos na Hindi maayos na Walang
ang kahalagahan naipaliwanag ang naipaliwanag ang naipaliwanag na
ng pagkakaibigan. kahalagahan ng kahalagahan ng kahalagahan ng
pagkakaibigan. pagkakaibigan. pagkakaibigan.

9|Pahina
Pangwakas

Panuto: Buuin ang ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga


naunang kataga sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang tunay na kaibigan


ay__________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________.

Rubriks sa Pangwakas
Pamantayan 10 7 5
Naipapaliwanag Maayos at Hindi gaanong Magulo at malabo
ang kahalagahan malinaw na maayos at na
ng tunay na naipapaliwanag malinaw na naipapaliwanag
kaibigan. ang kahalagahan naipapaliwanag ang kahalagahan
ng tunay na ang kahalagahan ng tunay na
kaibigan. ng tunay na kaibigan.
kaibigan.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Mula sa Aklat:

Edukasyon sa pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon


Republika ng Pilipinas

Punsalan, Twila G., et.al. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8.


Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Punsalan, Twila G., et.al. Kaganapan ng Pakikipagkapuwa. Manila: 28 Rex Book


Store Inc., 2007.

Mula sa Internet:

https://www.pewinternet.org/2005/08/06/teen-technology-and-frinedships/.

https://www.psychologytoday.com/blog/our-emotional-footprint/201602/the-
importance-friendhip

https://www.psychologytoday.com/blog/teen-angst/201611/circle-support-
message-teens-about-friendship.

academia.edu

Susi sa Pagwawasto

rubriks na ibinigay sa bawat gawain.


Gawing gabay sa pagwawasto ang mga

11 | P a h i n a
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan

upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa

12 | P a h i n a
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like