You are on page 1of 1

Para sa akin, ang layunin ng Palay Maiden (1920) na ipininta ni Fernando Amorsolo ay maipakita ang simpleng

pamumuhay ng mga Pilipino noon. Ang Pilipino noon ay masaya na sa simpleng pamumuhay lamang. Ang pagiging
matiyaga ng mga Pilipino upang makaros sa araw-araw. Ipinakikita rito ang isang babae na may dala-dalang palay
habang naka-ngiti. Isinasaad din dito ang kagandahan ng isang Pilipina, kahit na simple lamang. Ang tema ay maging
matiyaga tayo at sa kabila ng kahirapan ng buhay nagagawa pa rin ng mga Pilipino na ngumiti, na nagpapakita ng
pagiging masiyahin ng mga Pilipino. Ang La Gioconda (1517) na ipininta ni Leonardo Da Vinci ay ang pinaka sikat na obra
maestra sa buong mundo. Ipinakikita rito ang larawan ng isang babae na may nakakaakit na ekspresyon ng kanyang
mukha tulad nang kanyang pag ngiti. Maraming misteryo ang nakapaloob sa obra maestra na ito.

Ang pagkakapareho ng Palay Maiden (1920) at La Gioconda (1517) ay ang kanilang paksa ay parehas na babae. Ang
nagpinta ng dalawang obra maestra na ito parehas na mahusay at kilala na mga pintor. Pareho itong nagpapakita ng
pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansa pagdating sa kanilang mga pananamit. Ang dalawang ito ay parehong
ginamitan ng oil, ang Palay Maiden ay oil at canvas at ang La Gioconda ay oil at wood panel. May malalim na kahulugan
ang dalawang ito kung titignan at iintindihin ng mabuti. Ang pagkakaiba naman ng Palay Maiden (1920) at La Gioconda
(1517) ay ang tungkol sa kanilang mga ngiti, dahil sa Palay Maiden makikita rito na ang ngiti ng babae na naka-pinta rito
ay totoong mga ngiti at masaya ngunit sa La Gioconda kung titignan ito nang maigi may pag-aalinlangan sa kanyang mga
ngiti at binabalot ito ng misteryo. Ang Palay Maiden ay sumasalamin sa simpleng pamumuhay ng mga Pilipino noon sa
Pilipinas at sa simpleng babae samantalang ang La Gioconda ay tungkol sa babae na nagbibigay misteryo. Ang Palay
Maiden ay sa unang tingin pa lamang ay makukuha o mauunawaan mon a agad ang ibig sabihin at gustong iparating ng
obra maestra na ito samantalang ang La Gioconda naman ay sa unang tingin hindi agad maunawaan ang nais nitong
iparating at nag-iiwan ito ng kuryosidad sa mga tumitingin dito.

You might also like