You are on page 1of 4

Ano ang CLIMATE CHANGE?

 Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases
na nagpapainit sa mundo.
 Ang pagbabago sa klima ay tumutukoy sa mga pangmatagalang pagbabago sa klima na nangyari sa
mga dekada, siglo o mas matagal.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
 Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.
 Dalawang natural na pamamaraan:
 Internal fluctuations
 External influences
External influences
 epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo
Internal fluctuations
 init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na
bumabalot sa mundo.
 Mga gawain ng tao (Anthropogenic) na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang
mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng
methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Mga uri ng GHGs


 Carbon Dioxide (CO2) – dahil sa deforestation, at pagsusunog ng mga fossil fuels
 Methane – Uri ng hydrocarbon gas na maaaring natural o mula sa mga gawain ng tao. Ilan sa mga
pinagmumulan ay mga nabubulok na busara sa mga landfill, agrukultura at mga dumi ng tao o hayop.
 Nitruos Oxide – nagmumula sa mga komersyal o organikong pataba sa lupa o pananim at pagsusunog
ng mga fossil fuel
 Chlorofluorocarbons – nagmumula sa mga aerosol sprays, blowing agents for foams and packing
materials, as solvents, at ginagamit din bilang refrigerants.
Ilan sa mga gawain ng tao na nagiging sanhi ng climate change:
 Pagsusunog ng mga plastic at iba pang basura
 Usok galling sa mga sasakyan, planta at pagkakaingin
 Paghahayupan
 Pagputol ng puno

Ilan sa pangmatagalang epekto ng Climate Change


 North America – Pagkatunaw ng mga “snowpack” sa rehiyon, matindi at matagalang forest fires.
 Latin America – Napapalitan ng mga “savannah” ang mga tropical rainforest sa silangang bahgai ng
Amazon
 Europe – pagtaas at madalas na matinding pagbaha, paguho ng lupa, at pagkatunaw ng mga yelo
sa mga bulubundukin at pagbaba ng produksyong agricultural
 Africa – kakulangan sa malinis na tubig. Tinatayang sa taong 2020 nasa 75 hanggang 250 milyong tao
ang nakararanas nito, pagbaba ng produksyong agricultural dahil sa tagtuyot
 Asia – Pagliit ng porsyento ng mga freshwatersa mga rehiyon ng Central, south, East at Southeast Asia,
matinding pangainib sa mga coastal area o mga lugar sa mga baybayin dahil sa matindi at madalas
na pagbaha at pagtaas ng bilang ng mga maaaring magmamatay dahil sa mga sakit na dulot ng
pagbaha at matinding tagtuyot

Mga hakbangin at pamamaraan ng United sa pagharap sa hamon ng climate change

United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) – unang hakbang sa pagtugon sa
hamon ng climate change. Nabuo noong 1992 at may 197 na bansang kasapi. Pangunahing layunin
“prevent “dangerous” human interference with the climate system”

Kyoto Protocol – Nabuo noong 1997 upang higit na mapagtibay ang pandaigdigang pagtugon sa climate
change.
Paris Agreement—Nabuo nang maganap ang 21st Conference of the Parties in Paris noong 2015, upang
labanan ang climate change at pagigtingin ang mga gawain at puhunang gagamitin upang mapanatili
ang pagmit ng mga “low carbon” sa hinaharap. Noong Earth Day April 22, 2016 175 na pinuno ng mga
bansa ang lumagda sa Paris Agreement sa UN Headquarters sa New York, USA.

2019 Climate Action Summit – Noong ika-23 ng Setyembre 2019, sa pamumuno ni Secretary-General António
Guterres ay nabuo ang Climate Summit upang hikayatin ang mga pinuno ng bansa, pribadong sector at
mga civic groups na suportahan at lalong paigtingin ang mga pamamaraan at gawain upang labanan
ang epekto ng climate change.

Paano nakakaapekto ang climate change sa mga kalamidad na nangyayari sa kasalukuyan?

Sa patuloy na pagtaas ng temperature, inaasahan ang mas madalas na tagtuyot at mas matitindi at
mas malalakas na bagyo. Ang pagakyat o pagsingaw ng mas maraming mga “water vapor” sa atmospera,
ang syang nagiging dahilan ng pagkabuo ng mga malalakas na bagyo.

Nakapagdudulot ito ng pangmatagalan at matinding tagtuyot at heatwaves

Maaari ring magdulot na malawakang wild fire o forest fires

Dahil sa pagtaas ng antas o lebel ng tubig sa dagat, maaari itong magdulot ng matinding pagbaha
lalo higt sa mga mabababang lugar

Ayon naman sa DOH may mga epektong pangkalusugan ang CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

 Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
 Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan
nito.

 China (577) and the United States (467) recorded the highest number of disaster events
from 2000 to 2019, followed by India (321), the Philippines (304) and Indonesia (278), the
U.N. said in a report issued the day before the International Day for Disaster Risk
Reduction. Eight of the top 10 countries are in Asia.

Week 8 (November 23-27)


Unang Araw

Gawain 1: Basahin at unawain ang siping ibibigay ng guro.


Matapos basahin, sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong sariling mga salita, ano ang climate change? (5 pangugusap)


2. Ayon sa babasahin, ano-ano ang maaring dahilan ng climate change?
3. Ano-ano ang mga posibleng epekto nito sa tao at kalikasakan?
4. Ibigay ang mga pamamaraan ng United Nations sa pagtugon sa suliranin sa
Climate Change?
Ikalawang Araw:
Gawain 2: Gumawa ng origihinal na Poster/Slogan Campaign Ad na nagpapakita ng
pagkumbinsi o pag-enganyo sa mga tao na tumugon sa mga hamong dulot ng Climate
Change. (Short bond Paper)

Pamantayan sa pagmamarka:

10 6 4 1
Nilalaman/Mensahe Ang mensahe Di gaanong May kaguluhan Walang
(Content) ay mabisang naipakita ang sa naipakitang
naipakita mensahe pagpapakita mensahe
ng mensahe
Kaugnayan sa May malaking Di gaanong Kaunti lang Walang
Paksa (Relevance) kaugnayan sa malaki ang ang kaugnayan sa
paksa ang kaugnayan sa kaugnayan sa paksa ang
nagawang paksa ang paksa ang nagawang
poster/slogan nagawang nagawang poster/slogan
poster/slogan poster/slogan
Kalinisan ng Gawa Malinis na Malinis at Di gaanong Hindi malinis at
malinis at maayos ang malinis at di may
maayos ang pagkakagawa gaanong kaguluhan ang
pagkakagawa maayos ang pagkakagawa
pagkakagawa
Pagkamalikhain 6 puntos - May sariling istilo sa pagsasaayos ng poster o islogan.
(Creativity) Gumamit ng mga angkop na disenyo at
kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuan
ng produkto.
3 puntos - hindi orihinal ang gawa. Hindi gumamit ng mga angkop
na disenyo at kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuan
ng produkto.

Week 9 (November 30- December 4)

Unang Araw
Muling basahin at unawain ang siping ibibigay ng guro.
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong binasa:

1. Sang-ayon ka ba sa sinasaad sa babasahin na may malaking kaugnayan ang


Climate Change at ang mga kalamidad o natural na sakuna na nararanasan sa
daigdig? (Ipaliwanag ang iyong sagot sa 10 pangungusap lamang)
2. Ano-anong mga kalamidad o natural na sakuna ang sinasasabing posibleng
dulot ng climate change?
3. Sa iyong palagay, ano ang maaring maging gampanin at gawin ng
pamahalaan sa pagtugon sa mga hamong dulot ng climate change sa ating
bansa? (Ipaliwanag ang iyong sagot sa 10 pangungusap lamang)
Ikalawang Araw:

Gawain 2: Climate Change map (Paglalahat)


Gumawa ng Climate Change map sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:
a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari
b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan sa iba pang likas
na yaman
d. tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kung magpapatuloy ang nararanasang
suliraning pangkapaligiran

Sundin ang pormat sa ibaba

CLIMATE CHANGE

Epekto:

Sanhi:

Tunguhin:

Kaugnayan:

You might also like