You are on page 1of 1

Sagot: Sa paniniwala po naming susi sa tagumpay ang edukasyon, at ito ang

magbubukas sa atin sa mga oportunidad. Sinusuportahan po naming mga magulang at


tagapangalaga ang bagong normal na edukasyon. Ito nga po iyong Modyular. Dahil po
sa antas ng pamumuhay natin dito sa isla, na mas marami ang mas makasasabay kung
pa imprenta na ang mga ibinibigay na aralin sa aming mga anak. Hindi po kaya ng
marami ang online dahil sa kakulangan ng gadget at budget.
Sa totoo lang din po, mas maayos po siguro na makakamit ng mga bata ang pagkatuto
kung ang mga guro ang personal na nagtuturo. Subalit, dahil sa banta po ng Covid-19,
nagawa po naming tanggapin ang responsibilidad na ito bagamat kulang ang aming
kaalaman at kakayahan. Nakikita po namin na masigasig ang ating mga guro na
maibigay ang lahat ng makatutulong upang makapagturo kami at mkasubaybay sa
pagsasagot ng aming mga anak. Alam ko po na ginagawa po ng ating paaralan ang
lahat ng suporta sa amin at sa mga bata upang patuloy na maitawid ang edukasyon.
Sang-ayon po ako sa sistemang ito habang tayo po ay nsa panahon ng pandemya.

You might also like