You are on page 1of 1

Arevalo Michael C.

BSA III
I-kompeyr at ikontrast ang Salawikain, Sawikain, at Sabi-sabi. Magbigay ng dalawang
halimbawa bawat isa.

Ang salawikain ay gumagamit ng tugmaan kung saan maghahatid ito ng mensahe sa mambabasa.
Ito ay isang paraan upang isalin ang mga nakasanayan o mga kasabihan. Ang Sawikain naman ay
paraan ng paglalahad ng mga salita na hindi gumagamit ng mararahas at direktang salita na
nagbibigay kahulugan. Ito ay isang paraan upang mas lalong mabuksan o mailahad ang saloobin
ng walang halong karahasan at maihahambing sa malumanay na paglalahad. Tulad ng salawikain
at sawikainm ito ay naghahatid ng mga aral na pwedeng kapulutan ng inspiransyon. Di tulad ng
nauna hindi ito gumagamit ng malalalim na salita upang ilahad ang ninanais ng pangungusap
bagkus, gumagamit ito ng pangaraw araw na salita upang ilahad ang mga aral na ninanais nito.
Mapapansin ang pagkakaiba ng tatlo sa nilalamang salita ng kanilang mga pangungusap. Ang
salawikain ay binubuo ng malalalim at mayroong tugmaan na mga salita na nagbibigay
kahulugan sa malalim na pinaghuhugutan. Ang sawikain naman ay binubuo ng malulumanay na
salita kung saan hindi na kinakailangan ng tugmaan upang mailahad ang ninanais na kahulugan.
At ang sabi-sabi ay binubuo ng pang araw araw na salita kung saan maari itong mabuo sa mga
simpleng usapan at magbigay na direktang kahulugan na naayon sa mga ninanais ng naglalahad.

Salawikain
1. Ang taong walang kibo, asa loob ang kulo
2. Ang taong gipit, sa patalim kumakapit
Sawikain
1. Kisapmata
2. Hudas
Sabi-sabi
1. Lubog na ang araw, talamak na ang magnanakaw
2. Wag ka na umasa, taon ang aabutin

You might also like