You are on page 1of 1

Arevalo, Michael C.

BSA III

Isa-isahin at ipaliwanig ang mga bahagi ng maikling kwento.

1. Pasimula. Sa pasimula ipinapakilala ang mga tauhan, kung saan ang tagpuan, ang tema ng panahon
at suliraning hinaharap, at ang kwentong magaganap sa maikling kwento. Ang pasimula ay maaring
nagbibigay sagot o pagkakakilanlan sa mga bagay na maglalaro sa pag lalahad ng kwento.
Mailalarawan ito sa pamamagitan ng paguusapan kung saan mailalathala ang mga mahahalagang
pangyayare na nagbunga sa kwento, maari din ang pagsasadula ng mga pangyayari habang
binibigkas ang mga talagang kokonekta sa kwento.

2. Paunlad na Pangyayari. Sa paunlad na pangyayari, dito inilalahad ang mga kailangan impormasyon
upang mas lalong makatulong sa paglalahad ng kwento bago ang kasukdulan. Binubuo ito ng mga
poangyayaring magdurugtong upang makabuo at mai;ahad ang kasukdulan na naangkop sa mga
nangyayari at gagabay sa mga magbabasa nito.

3. Kasukdulan. Sa Kasukdulan sumasalamin ang pinakamahalagang pangyayari sa kwento. Dito


ipinapakita ang mga maseselang bahagi ng istorya na sya namang makakapagsabi sa mga
pangyayaring magdidikta sa kwento, mapa tagaumpay man o kabiguan. Dito sa parte ng kwento
makikita ang mga mahahalagang desisyon at maari din dito matunghayan ang mga rebelasyon na
maguungkat ng katotohanan na siya namang magbibigay kahulugan sa mga nangyari simula
pasimula hanggang makapagbigay ng konklusyon.

4. Kakintalan. Sa kakintalan naman makikita ang mga idikasyon na tatak sa mga mambabasa nito. Ang
mga aral na naghudyat sa kwento upang ito ay mabuo. Ang mga pangyayaring na siya naman
magbibigay buhay sa mga naganap. Dito makikita ang kahalagahan ng buong kwento at
maipupuksaw ang mga kabang damdamin ng mambabasa.

5. Wakas. Sa wakas naman makikita kung naging matagumpay o nabigo ang mga pangunahing tauhan
sa kwento. Makikita dito ang mga posibeladad na mangyari matapos ang kwento. Makikita dito ang
mga bagay na di inaasahan, kalungkutan, kasiyahan, o kakulangan. Ang pagtatapos ng kwento ay
maaring magwakas sa ibat-ibang paraan. Dito makikita ang naing konklusyon ng buongistorya at
kung magkakaroon pa ito ng kasunod o ipinaubaya na sa mambabasa ang pribelehiyong mag teyorya
ng mga kasunod na kaganapan.

You might also like