You are on page 1of 1

Arevalo, Michael C.

BSA III

Gumawa ng sariling sabi-sabi na aakma sa mga pangyayring nagaganap sa kasalukuyang panahon.


Ipalinawag ang kahulugan ng bawat isa.

1. Paulit ulit nalamang ang kahapon.

Naging kasanayan na ng mga Pilipino ang pangungutya at pangaabuso ng mga opisyales ng pamahalaan
na kinakaya n anito na talikuran at iwaksi ang kanilang paningin sa mga nangyayaring kababalaghan.
Napasawalang bahala na ang mga pangakong napako na sa bato at tinatanggap nalang ang mga maling
gawain laban sa kanila. Kelan kaya muling mamumulat ang mga mata ng mga Pilipino sa katotohanan na
nangyayari sa kanilang paligid?

2. Ang mga salitang animo’y siling walang tapang.

Sa paulit ulit na pangako at paulit ulit na kabiguan animo’y walang pinaghuhugutan. Simula ng pumutok
ang pandemya ang mga pangkong paggaling, mga gamut, at pagsasaayos sa lipunan ay siya paring
walang usad at paulit ulit ang kabiguan. Matatmil na bibig at mabibigat na salitang hanggang ngayon ay
walang parin sa katuparan subalit mas lalo pang lumalayo sa katotohanan.

3. Busog nanaman ang mga buawaya sa kasalukuyang panahon.

Kahit sa kalagitnaan ng krisis, may ilan ilan padding di mapigilan ang kanilang kasakiman. Ginagamit ang
mga pangyayari upang mas pagtakpan ang mga kasakimang gawain. Maihahambing dito ang mga
nangyari sa Philhealth na siya sana nangunguna sa pagtulong sa mga Pilipino sa krisis na hinaharap,
ngunit mas lalo pa itong naging hadlang ng malaman na ito pa ang isa sa mga pinaka korap at
mapagsamanatalang ahensya. Nagawa itong pagtakpan at nabaon sa limot ngunit mananatiling
natatatak sa utak ng sambayang Pilipino.

You might also like