You are on page 1of 2

Kabataan: Pag-asa ng Bayan?

Hindi naman sa kinu-kwestyon ko ang kasabihan ng ating pambansang


bayani na ang kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan. Oo,
naniniwala ako 'don. Ngunit hindi ko lamang mapigilang isipin, na sa
kabila ng mga pangyayari sa ating kapaligiran ngayon, pag-asa pa
kayang maituturing tayong Kabataan?

Hindi na bago sa ating kabataan ang mga pangyayaring tulad ng


maagang pagkakaroon ng sariling pamilya, kabataang nasasangkut sa
droga, krimen o kung anu-ano pa 'mang labag sa batas na mga gawain.
Sa palagay ko, sila ang kabataang kinulang sa pag-alaga, pag-unawa
pag-gabay at paalala.

Ayun sa pagsusuri, napakahalaga para sa kabataan ang pag-gabay,


sapagkat tulad nga ng sabi ng mga nakatatanda, hindi lahat ay alam na
ng kabataan. Subalit mayroon din namang mga kabataan na kung
makaasta ay animo'y alam na nila ang lahat sapagkat nabubuhay sila sa
panahon ngayong may internet at pwede mo nang i-google ang lahat.

Tayong kabataan ay namumuhay sa praktikalidad, kompetisyon at


impormasyon. Mga aspetong akala natin ay puro kalakasan ngunit
kaakibat nito ang mga kahinaang maaaring maidulot sa atin.
Isipin natin kung paanong ang ating pagiging praktikal ang siyang
humila sa atin sa katamaran imbes na magsumikap.

...Kung paanong ang ating pagiging makompetensya ay ginawa tayong


makasarili sapat upang tayo ay mailagay sa itaas nang hindi
isinasaalang-alang ang kapakanan ng iba.

...Kung paanong ang mga impormasyon na nakukuha natin ay imbes na


makabuti ay mas nakasama pa.

Kabataan, isipin natin hindi lamang ang ating pansariling kagustuhan,


kundi pati narin ang kapakanan ng ating bayan.

Huwag hayaang pagsisihan natin sa huli na hindi natin nagawa ang mga
nararapat.

Ngayon ang panahon. Hindi mamaya at mas lalong hindi bukas.

Paano na ang sumusunod na henerasyon? huwag nating hayaan na


maitanong din nila sa kanilang mga sarili, kung ang kabataan ay pag-asa
nga ba ng bayan?.

You might also like