You are on page 1of 16

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Impluwensiya ng mga Espanyol
sa Kultura ng mga Pilipino

AIRs - LM
Araling Panlipunan 5
Ikatlong Markahan - Modyul 3: Impluwensiya ng mga Espanyol
sa Kultura ng mga Pilipino
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Emerson E. Nimes


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Mario P. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin

Ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taong pananakop ng mga


Espanyol sa ating bansa ay nagdulot ng napakalaking epekto sa ating
kinamulatang kultura. Sa mga unang araling ating tinalakay ay mababakas
ang mga pagbabagong ito ay hindi tuluyang nawala ang ating kinagisnang
kultura.
Ang kulturang Espanyol ay iniangkop sa ating kultura na naging dahilan
upang madagdagan at mapayaman ang ating kaalaman sa maraming bagay.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kaya’t di gaanong nahirapan ang mga Pilipinong
umangkop sa mga pagbabago.
Malaki ang naging pagbabago sa buhay ng mga Pilipino dulot ng
impluwensiya ng mga Espanyol. Ang mga pagbabagong ito ay masasalamin
sa iba’t ibang aspekto ng ating kultura.
Tatalakayin sa modyul na ito ang impluwensiya ng mga Espanyol sa
kultura ng mga Pilipino, ang mga pagbabagong panlipunan sa larangan ng
edukasyon at iba pang larangan ng kultura tulad ng sining, wika, panitikan,
paglilimbag ng aklat, agham, libangan at laro.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Makapagtatalakay sa impluwensiya ng mga Espanyol sa kultura ng mga


Pilipino
 Impluwensiya ng mga Espanyol sa kultura ng mga Pilipino

1
Simulan

(Ang aktibidad na ito ay magbibigay-daan sa iyo


upang masuri ang iyong dating kaalaman)

( Paunang Pagsubok / Aktibidad)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ang paring tumulong sa mga Pilipino sa pagbuo ng Organong kawayan sa


Las Pińas
A. Diego Cerra B. Blas dela Madrid de Dios
C. Mariano del Rosario D. Mariano Ponce
2. Larangan na kinabibilangan nina Francisco Balagtas, Huseng Sisiw, at
Jose Rizal
A. musika B. panitikan
C. sining D. agham
3. Panahong inaalala ng mga Katoliko ang paghihirap at kamatayan ni
Hesukristo
A. Pasko B. Semana Santa
C. Araw ng mga Santo D. Araw ng mga Kaluluwa
4. Mga kagamitang gamit sa buhok ng mga kababaihan
A. panyo at pamaypay B. sombrero at baston
C. payneta D. pomada
5. Ang lumikha ng Las Virgenes Cristians Expuestas al Populacho
A. Jose Rizal B. Juan Luna
C. Felix-Resurreccion Hidalgo D. Fernando Amorsolo
6. Mahabang awitin tungkol sa paghihirap at kamatayan ni Kristo
A. Pasyon B. Senakulo
C. Semana Santa D. Kuwaresma
7. Unang aklat na inilimbag sa Pilipinas
A. Bibliya B. Doctrina Christiana
C. Noli Me Tangere D. La Solidaridad

2
8. Ang lumikha ng Spolarium
A.Juan Luna B. Fernando Amorsolo
C. Felix- Resurreccion Hidalgo D. Antonio Luna
9. Kinilalang “Prinsipe ng mga Kemikong Pilipino”
A. Leon Ma. Guerrero B. Anacleto del Rosario
C. Mariano del Rosario D. Amado V. Hernandez
10. Pinakamahalagang obra ni Julian Felipe
A. “Sampaguita” B. “Bayang Magiliw”
C. “Lupang Hinirang” D. “Mutya ng Pasig”

Lakbayin

Noong panahon ng mga Espanyol, walang gaanong pag-unlad at


pagbabago sa bansa maliban sa relihiyon. Pinasimulan mang gamitin at ituro
ang wikang Espanyol sa mga Pilipino, hindi naman ito ang naging wikang
pambansa at susi sa kaunlaran tulad ng nangyari sa maraming bansa sa
Hilagang Amerika na nasakop din ng Espanya. Hindi nagkaroon ng
pagkakataon ang mga Pilipino na matutunan ang wikang Espanyol. Tanging
mayayaman lamang na nakapag-aral ang nagkaroon ng pagkakataong
matutunan ito.

Mga bagay na may kaugnayan lamang sa relihiyon ang natutunan ng


mahihirap na Pilipino noon. Ang ibang elemento ng kulturang Espanyol ay
napakinabangan lamang ng mayayaman dahil sila lamang ang maaring
makihalubilo sa mga Espanyol.

Pamumuhay
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino noong
panahon ng mga kolonyalismong Espanyol. Ngunit naka sentro sa mga
gawaing panrelihiyon ang kanilang pamumuhay. Nagsimula sila sa
pagsisimba tuwing Linggo, pagdarasal ng orasyon araw-araw, at pagdaraos
ng pista.
Taon-taon ang pagdiriwang ng pista ng mga patron sa bawat bayan o
nayon. Nakasanayan nang magarbo at marangya ang pagdiriwang ng pista.
Bukod dito, mayroon ding binyagan,kasalan, at iba pang pagdiriwang na
panrelihiyon tulad ng Flores de Mayo, Santacruzan,Kuwaresma,at Todos Los
Santos.

3
Natutuhan din ng mga Pilipino ang mga larong pambata gaya ng
patintero, sipa, at juego de anillo. May mga laro ring ginagamitan ng baraha
gaya ng pangginge at juego de prenda, gayundin ang mga sugal na sabong,
karera ng kabayo, at loterya.

Pananamit at Pagkain
Ang mga katutubong kasuotan ay naimpluwensiyahan din ng mga
Espanyol. Natuto ang mga kalalakihang magsuot ng pantalon at kamiseta.
Ang mga babae ay natutong magsuot ng camisa at saya. Natutuhan din nila
ang paggamit ng panyo at paglalagay ng payneta sa buhok. Sumbrero naman
at baston ang natutuhang gamitin ng mga lalaki. Ang mga mayayaman ay
gumagamit din ng mga sapatos at tsinelas.

Natutong kumain ang mga Pilipino ng tinapay at karneng baka at tupa,


longganisa, sardinas, hamon, at atsara. Nagustuhan nila ang pag-inom ng
kape,tsokolate, at alak, gayundin ang paggamit ng plato, tasa, baso,
kubyertos, at ng sirbilyeta sa pagkain. Natutuhan din nila ang pagkain ng iba
pang halamang gulay tulad ng mais,patatas,repolyo,at marami pang iba at
ang pagtatanim ng kakaw para sa paggawa ng tsokolate.

Pagsasaayos ng mga Lugar


Nahirapan ang mga Espanyol sa pagpunta nila sa ating bansa. Isa sa
nakapagpahirap sa kanila ay ang ating klima. Hindi sila gaanong sanay sa
maiinit na klima. Isa pang suliranin ay ang layo-layong tirahan ng mga
Pilipino.
Hinikayat ng mga pari na tipunin ang mga Pilipino sa isang lugar upang
madali silang marating at maturuan. Dahil dito, may mga lugar na ginawang
kabisera o sentrong pangpamayanan ang mga Espanyol. Ang malayo sa
kabisera ay tinawag na bisita (visita) at ang pinakamalayong lugar ay
rancheria. Tumutol ang maraming Pilipino sapagkat nasa paligid nila ang
kanilang ikinabubuhay tulad ng pagtatanim at pangingisda.
Inayos din ng mga Espanyol ang pamayanan upang mabilis na
mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga gusaling paaralan, simbahan, at
munisipyo ay nasa sentro o plasang daraanan sa bawat kabayanan o pueblo.
Ang ganitong ayos ng pamayanan ay tinatawag ng plaza complex. Ang mga
kalsada ay pinaluwag upang mapadali ang pagtungo sa simbahan at
munispyo.

Pagbabago sa Panahanan
Nabago ang panahanan ng ating mga ninuno nang magsimulang
mamalagi ang mga Espanyol sa ating lupain. Sa tulong ng mga mangagawang

4
Pilipino, nagpatayo sila ng mga gusali. Naging hudyat ito ng pagsisimula ng
paggamit ng bato at isa sa paggawa ng bahay. Tinawag itong bahay na bato.
Nagpagawa rin ng ganitong bahay ang mga mayayamang katutubo. Ito ay
dahilan sa naniniwala sila na mas matibay at mas matatag ang ganitong
bahay.

Pagbabago sa Pangalan ng mga Tao


Upang mapadali ang pagkilala sa mga tao at pagsasagawa ng sensus,
pinapili ng apelyido ang mga katutubong mamamayan. Ang mga dating
pangalang Makisig,Liwayway,Luningning,Bayani, at iba pa ay napalitan ng
mga pangalang Espanyol na may apelyido. Ginamit ang mga apelyidong de la
Cruz, de los Reyes, de los Santos, at mga katulad. Hinango ito sa pangalan
ng mga santo at santa. Nauso ang mga pangalang Juan, Pedro, Tomas,
Teresa, Potenciana, Corazon, at iba pa. Marami ang nagpalit ng pangalan
ngunit marami rin ang nanatili sa mga katutubong pangalan at naglagay na
lamang ng itinakdang apelyido para sa kanilang lugar. Isang listahan ng mga
apelyidong Espanyol ang ipinalabas ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria
noong 1849 na tinawag na Catalogo Alfabetico de Apellidos, dito namili ang
mga katutubo ng kanilang apelyido.

Pagbabago sa Edukasyon
Pagpapatayo ng mga paaralang pamparokya na pinamamahalaan ng
mga prayle o kura paroko kung saan ang pagtuturo ng relihiyon ang sentro
ng pag-aaral. Pagtatatag ng mga paaralang pansekundaryang itinayo ng mga
misyonero upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagkuha ng iba’t ibang
kurso sa kolehiyo.
Pagpapatayo ng mga paaralang pang kolehiyo sa mga pangunahing
lungsod ng bansa. Itinuro sa mga kolehiyo ang teolohiya,doktrinang
Kristiyano,Wikang Latin at Espanyol, heograpiya, matematika,
etika,pilosopiya,lohika,retorika,at panulaan. Itinatag ng mga Heswita noong
1589 ang Colegio de San Ignacio sa Maynila na itinuturing na kauna-
unahang kolehiyo sa bansa para sa mga lalaki. Ito ngayon ang kasalukuyang
Ateneo de Manila. Ang Colegio de Santa Potenciana naman ang Kauna-
unahang kolehiyo para sa mga babae na tinatag noong 1594. Ang
Unibersidad ng Santo Tomas ang unang pamantasang itinatag sa Maynila
noong 1611.

Panitikan
Napakalaki ng impluwensiya ng mga Espanyol sa kultura ng mga
Pilipino lalo na sa larangan ng panitikan.Ginamit ang panitikan sa
paglaganap ng kristiyanismo. Ang Pasyon ni Gaspar Aquino de Belen, isang

5
salaysay ukol sa paghihirap, pagkamatay, at pagkabuhay na muli ni
Hesukristo. Sinimulan ng mga Dominikano ang paggamit ng palimbagan o
printing press sa Pilipinas noong taong 1593. Nailimbag ang kauna-unahang
aklat sa Pilipinas, ang Doctrina Christiana en Lengua Española y Tagala.
Nauso rin ang awit at korido, Ang korido ay halos kapareho ng awit maliban
sa mas kagila-gilalas ang mga tagpo at may mga kababalaghan. Ang Ibong
Adarna at Don Juan Tiñoso ay mga korido.
Nabuo rin ang mga natatanging panitikan na may kaugnayan sa
relihiyon. Isa sa mga ito ang pasyon na isang mahabang awitin tungkol sa
paghihirap at kamatayan ni Hesukristo. Ito ay kadalasang inaawit sa mga
simbahan at kabahayan sa maraming bayan sa bansa tuwing Semana Santa
o Mahal na Araw. Maraming mga Pilipino rin ang naging tanyag sa larangan
ng panitikan. Kabilang dito sina Francisco Baltazar at Jose dela Cruz o
Huseng Sisiw.
Dulaan
Naimpluwensiyahan din ng mga Espanyol ang teatro o dulaan ng mga
Pilipino. Makikita ito sa cenakulo o senakulo na isang uri ng dula na hango
sa pagpapakasakit kay Hesukristo. Ang comedia at moro-moro ay mga dula
rin na lumaganap noong panahon ng mga Espanyol. Sa pagtatapos ng ika-19
na siglo, lumitaw ang isa pang uri ng dulaang Pilipino na tinatawag na
zarzuela.

Musika at Sayaw
Itinuro sa mga Pilipino ang paggamit ng mga musikang instrumento gaya
ng biyolin,plawta,alpa,piyano, at gitara. Dahil likas na mahilig sa musika,
nakalikha ang mga Pilipino ng mga instrumentong gawa sa kawayan lalo na
ang Organong Kawayan ng Lungsod ng Las Piñas na nabuo sa tulong ng isang
paring Espanyol na si Padre Diego Cerra. Bumuo sila ng mga banda ng
musiko at tumugtog sa mga pagdiriwang. Naging tanyag din ang Organong
Kawayan maging sa buong daigdig. Ang “Lupang Hinirang” no julian Felipe at
awiting “Sampaguita” ni Dolores Paterno ay may impluwensiyang Espanyol.
Mahusay ding natutuhan ng mga Pilipino ang sayaw ng mga Espanyol
tulad ng cariñosa,pandango,surtido, la jota, rigodon,polka,at lancero.

Pagpipinta at Paglililok
Ang tanging paksa sa larangan ng pagpipinta at paglililok ay mga bagay
na tungkol pa rin sa Kristiyanismo. Mga imahen ni Hesukristo ang iginuguhit
at iniuukit, gayundin ng iba pang mga santo. Ang galing ng mga Pilipino sa
pagpipinta at paglilok ay masasalamin sa mga disenyo at karangyaan ng mga
simbahang naitayo noong panahon ng mga Espanyol.

6
Naging tanyag ang mga Pilipinong sina Juan Luna at Felix Resurreccion
Hidalgo sa Europa bilang mahusay na mga pintor. Ang likhang-sining ni Juan
Luna na Spolarium at ni Hidalgo na Las Virgenes Christianas Expuestas al
Populacho ay kabilang sa mga nagwagi ng una at ikalawang gantimpala sa
isang exposisyon sa Madrid noong 1884.

Galugarin

Narito ang ilang mga gawaing pagpapayaman para


sa iyo upang magtrabaho upang makabisado at
palakasin ang mga pangunahing konsepto na
natutunan mula sa araling ito.

Gawain 1: (Ilarawan)

Panuto: Tukuyin ang konsepto na naglalarawan sa mga Impluwensiya ng


mga Espanyol sa Kultura ng mga Pilipino sa mga salitang nasa loob ng
kahon..

1. _____________________________ mais
repolyo
patatas

2. _____________________________
la jota
cariñosa
pandango

3. _____________________________
Balagtasan
Noli Me tangere
El Filibusterismo

4. _____________________________ alak
kape
tsokolate

7
piano
5. _____________________________ biyolin
plawta

6. _____________________________ panyo
alampay
suklay

7. _____________________________ sabong
juego de prenda
juego de anillo

dasal
8. _____________________________ nobena
pasyon

kamiseta
9. _____________________________
pantalon
sombrero

10. _____________________________ senakulo


moro-moro
zarzuela

Gawain 2: (“ Tukuyin mo Ako”)

Panuto: Isulat ang I sa mga impluwensiya sa atin ng mga Espanyol. Lagyan


ng H ang hindi..

_____1. Komedya _____6. Bahay Kubo

_____2. Fiesta _____7. Awit

_____3. Korido _____8. Epiko

_____4. Sarsuwela _____9. Ramadan

_____5. Anito _____10.Senakulo

8
Palalimin

Gawain 1: (“Hanapin Mo Katambal Ko”)

Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa Hanay B. Titik lamang


ang isulat sa iyong kuwadernong sagutan

A B

1. Tawag sa ayos ng pamayanan noon A. Moro-moro

2. Lumikha ng himig ng “Lupang Hinirang” B. Dolores Paterno

3. Dulang pumatungkol sa labanan ng C. Plaza complex


mga Muslim at Kristiyano

4. Dulang may kinalaman sa buhay D. Narciso Claveria


ni Kristo

5. Sumulat ng Florante at Laura E. Jose Rizal

6. Sumulat ng awiting “Sampaguita” F. Senakulo

7. Nag utos na gumamit ng apelyidong G. Francisco Balagtas


Espanyol

8. Nagpinta ng ‘Spolarium” H. Felix Resurreccion

9. Sumulat ng Noli Me Tangere at El Fili I. Juan Luna

10.Gumuhit ng Las Virgenes J. Julian Felipe


Christianas Expuestas al
Populacho

9
Gawain 2: “Alamin ang iyong Kaalaman”

Panuto: Piliin ang salitang kasingkahulugan o kaugnay ng bawat salita.


Isulat ang
titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

_____1. pista a. pagninilay


b. parangal sa patron
c.pasko ng pagkabuhay

a. Espanyol kontra Pilipino


_____2. moro-moro b. Muslim kontra Kristiyano
c. Amerikano kontra Espanyol

a. bahay-kubo
_____3. bahay na bato b. munisipyo
c. bahay na yari sa adobe,kahoy,at tisa

a. Pagpipinta ukol sa mga Romano at alipin


_____4. Spolarium b. Pagpipinta ng mga tanawin sa Pilipinas
c. Pagpipinta ukol sa banal na pamilya

_____5. nobena a. misa linggo-lingo


b. pagdarasal ng orasyon
c. siyam na araw na pagdarasal

a. Sarsuwela
_____6. Semana Santa b. Mahal na Araw
c. Santacruzan

_____7.sarsuwela a. usapan, awitan,at sayawan


b. kababalaghan
c. digmaan

a. dula
_____8.senakulo b. balagtasan
c. nobela

_____9. Printing press a. juego de prenda


b. propaganda
c. palimbagan

10
_____10. Unibersidad ng a. Heswita
Santo Tomas b. Dominikano
c. Pransiskano

Sukatin

Gawain 1: (“Hanapin Mo Katambal Ko”)


Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat
sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Dulang may salitaan, awitan, at A. Senakulo
sayawang may romantikong istorya

_____2. Halimbawa ng korido B. Ibong Adarna

_____3. Ang tagpo ay kagila-gilalas at may C. korido


kababalaghan

_____4. Kauna-unahang kolehiyo sa bansa D. moro-moro


para sa mga lalaki.

_____5. Dula patungkol sa buhay, Pagpapasakit, E. Colegio ng San Ignacio


Kamatayan at Muling Pagkabuhay
ng Panginoong Hesukristo

_____6. Dulang tungkol sa labanan ng mga F. Noli Me Tangere at


Muslim at Kristiyano El Filibusterismo

_____7. Tawag sa bayan na binubuo ng mga G. Unibersidad ng


barangay Santo Tomas

_____8. Aklat o salaysay na naglalaman ng H. Pasyon


pagpapakasakit ni Kristo

_____9. Unang pamantasang itinatag sa I. Pueblo


Maynila

_____10. Pinakatanyag na nobelang isinulat J. sarsuwela


ni Dr. jose Rizal

11
Gawain 2: (“Katotohanan Ba o Hindi”)

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap


MALI kung hindi.

___1. Naging tanyag ang mga pintor na sina Juan Luna at Felix
Resurreccion Hidalgo sa Europa

___2. Ang mga Pilipino ay natutong magsuot ng mga damit katulad ng


isinusuot ng mga Espanyol.

___3. Ipinagbawal ng mga pari ang pagkakaroon ng masasayang


pagdiriwang na panrelihiyon.

___4. Temang panrelihiyon ang ipinahiwatig ng mga obra sa pagpipinta at


paglililok.

___5. Sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo ay mga tanyag na


mang- aawit na Pilipino.

___6. Ang Organong Kawayan ay instrumentong tanyag sa larangan ng


agham.

___7. Maraming Pilipino ang naging tanyag sa larangan ng sining.

___8. Ang senakulo ay dulang hango sa pagkamatay ni Hesukristo.

___9. Ang lahat ng aklat sa Pilipinas ay inilimbag sa ibang bansa.

___10. Natutuhan ng mga Pilipino ang Iba’t ibang laro na mula sa mga
Espanyol.

Magaling na trabaho! Tapos ka na sa


modyul na ito.

12
13
Sukatin
Gawain 2:
1.Tama 6. Mali
2.Tama 7. Tama
3. Mali 8. Tama
4.Tama 9. Mali
5. Mali 10. Tama
Sukatin Palalimin Palalimin
Gawain 1: Gawain 2: Gawain 1:
1. J 6. D 1. B 6. B 1. C 6. B
2. B 7. I 2. B 7. A 2. J 7. D
3. C 8. H 3. C 8. A 3. A 8. I
4. E 9. G 4. A 9. C 4. F 9. E
5. A 10.F 5. C 10.B 5.G 10.H
Galugarin
Galugarin Gawain 1:
Gawain 2: 1. Pagkain 6. Pananamit Simulan
1. I 6. H 2. Sayaw 7. 1. A 6. A
2. I 7. I Pamumuhay 2. B 7. B
3. I 8. I 3. Panitikan 8. Panitikan 3. B 8. A
4. I 9. H 4. Pagkain 9. Pananamit 4. C 9. B
5. H 10.I 5. Musika 10. Dulaan 5. C 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Aurelia T. Molave,Harold A Diokno, Carolina P. Danao,PhD Lunday ng


Kalinangang Pilipino 5 194-209. Sibs Publishing House, Inc. 2018

Eleanor D. Antonio,Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo


Kayamanan 5 169-179. Philippines: Rex Book Store, Inc., 2017.

Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc. 2017.Bagong Lakbay ng


LAHING PILIPINO 5 927 Quezon Avenue., Quezon City PHOENIX
PUBLISHING HOUSE., INC. pp.200-213.

Marie Fe Bosales,Ruben M. Milambiling LAHING KAYUMANGGI 5


258-268. THE LIBRARY Publishing House, Inc. 2016

B. Iba pang Sanggunian

https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-7-pagbabagong-
dulot-ng- kolonisasyon-49600671

14

You might also like