You are on page 1of 4

Noli me tangere

Kabanata 1 – isang salo salo o pagtitipon


Dito isinasaad ang paghahanda ni kapitan tiago ng isang salu-salo para sa pagdating ni
crisostomo ibarra galing europa, lahat ng opisyal at mga prayle ay naimbitihan sa isang
pagsasalo, isingawa itong pagtitipon sa bahay ni kapitan Tiago ,nagkaroon rin ng pagtatalo
sina Padre damaso at ang tinyete; si tinyete guevarra.

Kabanata 2 – Si crisostomo ibarra


Ang pagdating ni crisostomo ibarra galing europa matapos ang pitong taon,
ipinakilala ni kapitan tiago si ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang
kaibigang namatay at kararating niya buhat sa pitong taong pag aaral sa
Europa, nagkakilala sila crisostomo ibarra at tinyete gueverra at nagkaroon
ng panandaliang pag-uusap, nagkaroon ng pag-uusap si crisostomo ibarra at
padre damaso at nauwi ito pambabastos ni padre damaso kay ibarra

Kabanata 3 – Ang hapunan


Pagkatapos ng pag- uusap ukol sa pagdating ni crisostomo ibarra nagkaroon
ng hapunan, dito nagkaroon ng masidhing pagtatalo ang dalawang pari si
padre sibyla at si padre damaso, kanilang pinagtatalunan kung sinu nga ba
ang nararapat na umupo sa isang dulo ng mesa, napagkasunduan na
nararapat na si padre damaso ang umupo roon sapagkat siya ang kumpesor
ng pamilya ni kapitan tiago ngunit iginiit ni padreng sibyla na siya ang
nararapat na umupo rito sapagkat siya ang kura paroko ng nayon, Ipinahain
ni kapitan tiago ang tinolang manok, paboritong ulam ni ibarra), sa gitna ng
salu- salo ikinagulat ni padreng damaso na kung bakit makunat na leeg ng
manok at maraming gulay ang sa kanya'y napunya, at masama pang parinig
ni padreng damaso patungkol kay ibarra, nagpaalam na si ibarra upang
umuwi na kahit na sabi ni tinyete na paparating na si Maria clara.
Kabanata 4 – erehe at pilibustero
Naglalakad si ibarra at nakasalubong niya si tinyete guevarra, ipinakiusap
niya rito kung maaari nya bang maiulat ang kwento patungkol sa kanyang
ama, ayon kay tinyete guevarra isa sa pinakamayaman sa kanilang lalawigan,
bagamat siya'y ginagalang siya ri'y kinaiinggitan, ayon pa rito
napagbintangan ang kanyang ama na pinatay ang isang erehe at pilibustero,
kaya binigyang babala ng tinyete ang binata na wag magpadalos dalos
sapagkat baka matulad siya sa kanyang ama.

Kabanata 5 – pangarap sa gabing madilim


Sakay ng kalesa dumating si ibarra sa fonde de lala; isang sikat na hotel ng
mga kastila, mula sa bintana natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa
kabila ng ilog. May isang magandang bini- bini na nababalot ng manipis na
habi, may suot na dyamante at ginto may mga umpukan ng kastila, pilipino,
pari, intsik, militar, lahat sila nakatuon sa kagandahan ni Maria clara, sa
kabilang banda naghihirap ang kanyang kalooban sa pag- alala sa nangyari
sa kanyang ama na wala man lang siyang nagawa.
Kabanata 6 – si kapitan tiago
Ang katangian ni kapitan tiago ay katangi tabgi. Siya ay pandak, di kaputian
at may bilugang mukha, maitim ang buhok at kung di lang nanabako ay
maituturing na magandang lalaki, itinuturing siyang pinakamayaman sa
binundok dahil sa mga kanyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian, kung
kaya't di kataka taka na dahil sa yaman nya'y halos lahat ng tao sa gobyerno
at mga prayle ay kanyang kaibigan.
Kabanata 7 – suyuan sa asotea
Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapag simba na sina maria at tiya
isabel. Pagkatapos ng almusal ay nagkanya kanya na sila ng gawain, sa
kabilang banda ay nananatili si maria clara upang libangin ang sarili
sapagkat ang araw na iyon ay araw ng pagkikita nila ni ibarra, ay siya'y di
mapakali sa pananabik sa pagtutuos ng landas ulit nila ni ibarra, sa
pagbabakasyon ni ibarra sa san diego sila'y nagkaroon ng pag uusap,
patungol sa kanilang mga damdamin, nagtama ang kanilang paningin at
kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata, pagkatapos ng pag
uusap nila ay nagpaalam na ang binata at pinagbilinan si kapitan tiago, di
naman napigilan ni maria clara ang tumangis dahil sa muli nanaman nyang
pangungulila kay ibarra.
Kabanata 8 – mga ala ala
Habang nakasakay si ibarra sa kalesa habang tinatahak ang klaye ng maynila
ay muling nanumbalik sa kanyang ala ala ang bakas ng kahapon sa maynila,
may nagbago at may nanatili parin sa kanyang kaanyuan sa pag iisip nya,
sumagi rin sa kanyang kaisipan ang sinabi ng kanyang gurong pari 1.) ang
karunungang ay matatamk kapag hinahangad ng puso, 2.) ang karunungan
ay dapat lamang magkaroon ng kapanibangan kung ang kastila ay nananatili
dito upang kuhain ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng
bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.
Kabanata 9 – mga suliranin tungkol sa bayan
Sa kumbento kukuhain sana ni maria clara ang mga kagamitan na ginamit
nila ng nakasalubong nila sj padre damaso, aakma sana siyang magmamano
subalit itinuon ng pari ang kamay nya sa ibang dako at sinabing ang pakay
nya roo'y makausap ang kapitan, bakas sa muka ng pari na hindi nya
nagugustuhan ang ginagawani maria clara, sa kabilang dako sinabi ng padre
sa kapitan na dapat itigil ni maria clara ang mga pinag gagawa niya
patungkol kay ibarra, napagkasunduan naman ng kapitan at padre na
susundin niya ang gusto ng Pari kung kaya't pinatay niya ang mga kandila na
sinindihan ni maria clara.
Sa kabilang dako ay naglakbay naman si padre sibyla upang bisitahin ang
matandang pari sa kumbento ng dominikano sa puerta de isabel II, isiniwalat
niya sa matandang pari ang pag aaway nila ni padre damaso, at kung
ikinuwento niya ang kanyang saloobin.
Kabanata 10 – ang san diego
Ang bayan ng san diego ay isang maalamat na bayan sa pilipinas,
matatagpuan ito sa baybayin ng lawa at gitna ng kabukiran,ang kinabubuhay
ng mga tao rito ay pagsasaka lamang dahil narin sa kakulangan sa edukasyon
at kaalaman sa negosyo.
Pinamumunuan ito ng simbahan at sunud sunuran lamang ang pamahalaan,
si padre damaso ang kura paroko sa bayang iyon.
Ayon sa alamat may isang matandang mayamang kastila ang nakabili ng
lupain ng San Diego, hindi nagtagal may isang tao ang nakakita sa matanda
na nakabitin sa puno na naging dahilan ng pagkatakot ng mga taga roon,
kalaunan dumating ang anak nitong saturtino, kinalaunan nagkaroon ng
kasintahan ang saturtino at nagkaroon ng isang supling na lalaki na si rafael
ibarra na ama ni crisostomo ibarra, kinagiliwan ng mga taga nayon si rafael
ng dahil sa kanya ang nayon ng san Diego ay naibuklod bilang bayan,
kinalaunan ang pamumunong ito ni don rafael ay naging sanhi ng pagkainggit
sa kanya ng marami nyang kaibigan.

You might also like