You are on page 1of 10

Richwell Colleges, Incorporated

Gen. Alejo Santos Road, San Jose, Plaridel, Bulacan

Terorismo: Sanhi ng Kahirapan sa Mindanao

Ipinasa nina:

Alejandro, Christian

Alonzo, Jessie Benedict

Costales, Arnel

Macandili, John Paul S.

Musni, Roxan

BSIS 1-6

Ipinasa kay:

G. Danrev dela Cruz

December 2019
Talaan ng Nilalaman

Introduksyon ……………………………………………………… ……….…….. pahina 1 – 2

Mga Sanhi at Bunga ng Terorismo………………………………… …………….. pahina 3 – 8

Konklusyon …………………………………………………………..…………….. pahina 9 – 10


Introduksyon

Terorismo ang isa sa mga pinakamalaking suliranin sa ating mundo. Sa kasalukuyan ay

isa sa madaming problema na kinakaharap ng bansang Pilipinas – particular na sa Mindanao.

Ano nga ba ang terorismo? Sa pagkakaunawa ng karamihan, ito ay ang karahasang

inihahasik ng mga tinatawag na Islamic fundamentalists. Halimbawa nalang nito ay ang

ginawang pagbomba ng mga tauhan ng Al-Qaeda network sa Twin Towers sa New York noong

ika-11 ng Setyembre, 2001.

Ang terorismo o panliligalig ay ang paggamit ng dahas bilang anyo ng pagpilit. Sa

kasalukuyang, walang pinagkakasunduang iisang depinisyon ng salita. Ang mga taong

nagsasagawa ng terorismo ay tinatawag na mga terorista, mga manliligalig, o mga mapanligalig.

Subalit maaaring ilarawan ang terorismo bilang isang sistematiko o masistemang paggamit ng

pananakot o paninindak (malaking takot) upang makamit ang mga layunin. Umusbong ang

terorismo sa ika-20 na siglo at dito dumami ang mga grupong terorist. Aktibo ang mga

Islamikong grupo rito at dahil dito, naging marami ang mga biktima. Hindi maganda ang

naidudulot ng terorismo sa atin at ito’y kinakatakutan ng marami. Samakatwid, iilan lamang ang

nakatakas na buhay at naipahayag ang mga bagay na nangyari sa kanila. Isa sa mga krimeng

nagawa ng terorismo ay ang rape, child abuse, kidnapping, forced marriage, torturing methods,

brutal murder, at iba pa.

Sa tinatayang libo libong katao sa Mindanao, marami dito ang naging apektado ng

patuloy na paglaganap ng terorismo sa bansa. Base sa mga ulat sa pahayagan at balita sa


telebisyon, umaabot na sa libo-libong pamilya ang naapektuhan ng labanan sa pagitan ng mga

pwersa ng gobyerno at iba’t ibang armadong grupo sa Mindanao.

Ayon sa mga datos na aming nakuha, mahigit 120,000 na ang namatay, mga rebelled,

sundalo, at pulis ng gobyerno at sibilyan sa mhigit limampung (50) taong digmaan sa Mindanao.

Buhat ng iba’t ibang grupo na nagkampihan sa Mindanao upang makabuo ng Islamic

State sa Mindanao. Isa ito sa mga naging puno ng kaguluhan na nagresulta sa kaliwa’t kanang

digmaan sa nasabing lugar. Digmaan na nagdulot ng sala-salabit na problema at kahirapan sa

mga mamamayan.
Terorismo: Sanhi ng kahirapan sa Mindanao

Sa patuloy na pagsibol ng mga kaguluhang ito, ang mga tao sa nasabing lugar ay patuloy

na naapektuhan at nahihirapan. Isa na sa mga dahilan nito ay ang pagkasira ng mga tanim na

palay at mais ng mga pami-pamilya doon. Sa ngayon, madami sa mga pamilyang ito ang

humihiling na sana’y matapos na ang kaguluhan sa rehiyon upang makabalik na sila sa kanilang

mga hanapbuhay.

Pangalawa ay ang kaguluhang bunga ng pagtatalo sa relihiyon. Hindi naman lingid sa

kaalaman ng lahat na may nagaganap na pagtatalo sa Mindanao dulot ng pag-aagawan. Hangad

ng ating mga kapatid na Muslim na mapasailalim sa kanilang pangangalaga ang Mindanao sa

kadahilanang nais nila itong maging sariling bansa.

Pangatlo ay ang pagsibol ng gulo dulot ng iba;t ibang grupo ng armadong kalalakihan sa

Mindanao. Kung susuriin ang kasaysayan ng rehiyon, malinaw na may malalim na ugat ang

suliranin ng mga naninirahan dito. Sa isang makasaysayang kumperensyang ginanap sa pagitan

ng Lumad, Moro at mga settlers noong nakaraang mga buwan at taon, lumabas na madami sa

mga sala-salabat na problema sa rehiyon ay nakaugat sa ‘di pagkilala ng pamahalaan sa kanilang

karapatan sa lupa. Kanya kanya tayo ng paniniwala kaya sana irespeto natin kung ano ang

relihiyon dahil pare pareho lang tayong pilipino Sa pagtingin ng mga delegado ng Mindanaw

Tri-People Conference on Land for Peace, ang kapayapaan sa buong Mindanao ay nakasalalay sa

pagkilala ng karapatan ng mga Lumad at Moro sa kanilang mga lupang ninuno. Mahalaga rin

ang kagyat na pagsauli at pagtatalaga sa kanila sa mga lupaing ito. Ito ang pinaglalaban nilang

lulain na inaankin ng gobyerno kaya din nila kinalaban ang gobyerno. Subalit madaming
problemang nakaharang para makamit nila ang mithiing ito. Isa na dito ang pangangamkam ng

mga pribadong kumpanya (lalo na ‘yung mga kumpanya ng pagmimina, pagtotroso, at mga

plantasyon) sa mga lupang ninuno ng mga Moro at Lumad. Sinabi pa ng mga delegado na

bagamat kinikilala ng Saligang Batas ang karapatan ng mga indigenous peoples (IPs) at mga

Moro sa kanilang mga lupang ninuno, hindi naman naipapatupad ang mga batas at reglamento

(tulad ng Indigenous People’s Rights Act o RA 8371) na siya dapat magtiyak ng karapatang ito.

Katunayan, anila’y magmula nang ipasa ang IPRA ay wala pang konkretong hakbang ang

pamahalaan upang ipatupad ang mga probisyon ng nasabing batas, lalo na pagdating sa

pamamahagi ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), na siyang instrumentong

kumikilala sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno. Banta rin sa pagtiyak ng

kanilang karapatan sa lupa ang umano’y pagkiling ni Department of Environment and Natural

Resources (DENR) Secretary Antonio Cerilles sa mga malalaking kumpanya na pumapasok sa

mga lugar na tinuturing na sagrado ng mga katutubo. Sinabi ng mga delegado ng kumperensya

na hindi maasahang itataguyod ni Cerilles ang kapakanan ng mga katutubo sa kanilang ancestral

domain dahil si Cerilles umano ay kilalang big-time logger. Matagal na ang pakikibaka ng mga

katutubo upang ipaglaban at protektahan ang lupang iniwan sa kanila ng kanilang mga ninuno

mula sa pangangamkam ng mga tagalabas. At ang waring mabagal na pagkilos at pagtetengang-

kawali ng pamahalaan sa kanilang mga kahilingan ay tanda umano ng kawalang pagpapahalaga

ng pamahalaan sa kultura at karapatan sa lupa ng mga katutubo. Ganunpaman, hinihingi pa rin

ng iba’t ibang grupong Moro, Lumad at settlers na aksyunan ng pamahalaan ang dumadaming

kaso kaugnay sa mga "problematic landholdings" na sakop ng mga Moro, Lumad at setllers.

Dapat din umanong tiyakin na ang mga ahensya ng pamahalaan, pangunahin na ang DENR,

National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Department of Agrarian Reform (DAR)


na maitataguyod ang karapatan sa lupa ng mga Moro, Lumad at setllers sa Mindanao. Dagdag

dito, hiniling din ng mga kinatawan ng mga grupong Moro, Lumad at settlers sa pamahalaan na

huwag pahintulutang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas ang mga dayuhang negosyante at

mamumuhunan. Kung gagawing batayan ang kahilingan ng mga Moro, Lumad, at settlers sa

Mindanao, malinaw na hindi pwersang militar ang kailangan para malutas ang kaguluhan sa

rehiyon. Malinaw na ang susi ay nasa pagtugon sa mga matagal nang kahilingan at panawagan

ng mga katutubo na kilalanin ng pamahalaan ang kanilang karapatan sa lupa.

Pang-apat pa sa mga naging epekto ng terorismo ay ang pagkamatay ng mga tao – hindi

lamang mga sundalo, kasapi ng terorismo, kundi pati na din ang mga taong inosente na walang

ibang hinahangad kundi ang kapayapaan mula sa iba’t ibang panig ng grupo.

Panglima, ang kaguluhang dulot ng terorismo ay nagdala ng ibayong trauma sa mga

mamamayan ng rehiyon na nakaranas at personal na nakasaksi ng kaguluhan.

Pang-anim ay ang pagkawasak ng mga establisyemento tulad ng mga ospital, pamilihan,

simbahan, atbp na nagdulot upang mawalan ng hanap-buhay ang mga tao. Naging isa ito sa

pangunahing suliranin nila dahil sa pagkawala ng kani-kanilang hanap0buhay ay nawalan din

sila ng ipangkakain sa knii=kanilang mga pamilya.

BnK Hunyo, Kaguluhan sa Mindanao, 'Di Militarisasyon ang Kasagutan

Sa kasalukuyan, umaabot na sa libo-libong pamilya ang naapektuhan ng labanan sa

pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at iba’t ibang armadong grupo sa Mindanao. Kabilang na

dito ang mga pamilyang nasa produksyon ng palay at mais. Sa ngayon, madami sa mga

pamilyang ito ang humihiling na sana’y matapos na ang kaguluhan sa rehiyon upang makabalik

na sila sa kanilang mga hanapbuhay. Ang pamahalaan nama’y nangangakong malapit na nitong
magapi ang mga rebelde sa Mindanao. Kung susuriin ang kasaysayan ng rehiyon, malinaw na

may malalim na ugat ang suliranin ng mga naninirahan dito. Sa isang makasaysayang

kumperensyang ginanap sa pagitan ng Lumad, Moro at mga settlers noong nakaraang Pebrero,

lumabas na madami sa mga sala-salabat na problema sa rehiyon ay nakaugat sa ‘di pagkilala ng

pamahalaan sa kanilang karapatan sa lupa.

(For the Flag / ED CORDEVILLA)

Sa praktikal na pagtingin, kaya maraming taga-Mindanao ang nanggugulo at nahihikayat

na manggulo ay sapagkat sa kahirapan na dinaranas ng kani-kanilang komunidad at pamilya.

Kung tototohanin lamang ng pamahalaan ang mga basic services na dapat na natatamasa rin ng

mga taga-Mindanao sana ay walang nag-aaklas, walang nambobomba sa mga pampublikong

lugar diyan. Napakaganda ng Mindanao, ngunit sa likod nito ay may nakaambang panganib.

Gutom ang mga tao, at ang mga nakakariwasa naman ay parang mga leon na naninibasib ng mga

laman gamit ang kanilang pribadong armed group. Hindi dapat nila maramdaman na sila ay

pawang mga outsider na may parehas na karapatan katulad ng ibang mga ordinaryong Filipino.

Kung ang mga infrastructure project ay babaha sa Mindanao, kung mababaklas ang mga private

army, kung mapupuksa ang mga grupo ng terorista diyan, kung ang batas sa Mindanao ay

magkakaroon ng ngipin, kung ang simpleng serbisyong local ay maihahayag sa bawat residente

ng Mindanao pati na ang libreng panonood ng sine para sa mga senior citizens doon, libreng

pagkain para sa mga mag-aaral, housing projects, isang kabang bigas para sa bawat pamilya sa

loob ng isang beses kada buwan, kung mapapaigting ang pag-set up ng mga economic zone roon

at makalikha ng maraming trabaho at business opportunities, magiging mapayapa na roon, dahil

masaya ang bawat indibidwal, masaya na ang bawat pamilya sa Mindanao.


Konklusyon

Base sa mga nakalap naming inpormasyon terorismo ang dahilan malawakang kahirapan

sa mindanao. Dahil sa mga teroristang grupo naapektuhan ang pangunahing pamumuhay ng

mamamayan ng mindanao. Dahil sa mga kaguluhang at pananakot ng mga rebeldeng grupong ito

marami ang nasusugatan o namamatay maraming istablishimentong nasisira. Dahil sa takot ng

mga tao doon naapektohan maging ang edukasyon doon. Libo-libong pamilya ang naapektuhan

ng labanan sa pagitan ng gobyerno at mga armadong grupo sa mindanao.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa din ang pamahalaan sa pagsugpo ng mga terorismo sa

bansa. Ilang buwa n na ang nakalipas ng umingay sa mga telebisyon at radyo ang balitang

pinaplano ng kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas – Pres. Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang

pagpapatupad ng anti-terrorism bill upang matigil na ang kaliwa’t kanang kaguluhang dulot ng

mga terorista na nagiging sanhi ng kahrapan ng mga mamamayan sa Mindanao.

Bilang mag-aaral, isa sa nakikitang solusyon nng aming pangkat ay ang pagkakaroon ng

tamang mamumuno. Mamumuno na kayang panindigan ang kaniyang mga sinasabi. Mamumuno

na magpapatupad ng mga batas na para sa kapakinabangan ng lahat, hindi para lamang sa

pagpapalakas ng kaniyang imahe sa mga pinuno ng mga karatig bansa.

Kaylangan maging pursigido ng mga mambabatas na maipatupad ang batas laban sa

terorismo. Kaylangan itong maipatupad na may tuwid na layunin at hindi lamang upang magpabango sa

mga Amerikano na siyang nagpasimuno sa kampanya laban sa pandaigdig na terorismo.


Isa pa ay ang pagtatalaga ng mga tamang tao sa gobyerno. Mga tao na mangunguna sa

pagsunod sa mga batas na inilathala, at hindi mga taong umupo sa serbisyo upang manguna sa

pangungurakot at pakikipagkampihan sa mga gawaing hindi karapat-dapat.

Isa pa sa nakikitang solusyon n gaming pangkat ay ang paghuhulma sa isip ng mga kabataan.

Katulad na nga lang ng winika ng ating pambansang bayani, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” Sa

pahayag na ito, makikita na kung ating tuturuan ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ng kung

ano ang nararapat, ay maiiwasan natin ang patuloy na pagsibol ng kaguluhan sa hinaharap.

Kaylangan nang kabataan ng tamang edukasyon at pagpapahalaga upang maitatak sa kanilang

isipan ang kahalagahan ng kapayapaan.

Respeto. Isa ang pagkakaroon ng respeto para sa bawat tao ang posibleng maging sanhi upang

matigil ang kaguluhan at magkaroon na nang kapayapaan sa Mindanao o iba pang panig ng bansa. Kung

matututo lamang ang bawat isa sa atin rumespeto at tumanggap ng pagkakaiba, maiiwasan ang

komplikasyon na nagdudulot ng himagsikan.

You might also like