You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY

ACCESS, EJC Montilla, 9800 City of Tacurong

Province of Sultan Kudarat

College of Teacher Education

2nd Semester, Academic Year 2020-2021

ASIGNATURA SA SOSYEDAD AT
LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN
(SOSLIT)

Submitted By: Leslie Martinez


( BEEd 2-E)
Submitted to: Mr. Armando Dardo
(Instructor)
REPLEKSIYON.

Sa unang grupo na tumalakay, marami akong natutunan patungkol sa


panitikan. Ang panitikan ay napakahalaga sa ating buhay sapagkat ito’y
naglalarawan sa mga karanasan, kultura at tradisyon ng mga sinaunang
Pilipino. Nang dahil dito maaari nating mapag aralan at matutunan ang mga
pangyayaring naganap sa ating mga kasaysayan at magamit natin ang mga
aral sa kasalukuyan. Sa unang pagtatalakay, akin ring natutunan ang iba’t-
ibang uri ng panitikan, ito ay ang piksyon na ang mga akda ay mula sa
imahinasyon ng mga manunulat. Ang isa pang uri ng panitikan ay ang Di-
piksyon, na ang mga akda ay batay sa tunay na pangyayari. Bukod sa uri,
mayroon ding anyo ang panitikan, ito ay ang pasalin- dila, pasulat at
pasalintriniko. Narito rin ang Akdang tuluyan na nagpapahayg ng kaisipan na
isinusulat ng patalata, at Akdang patula na nagpapahayag ng damdamin na
isinusulat ng pasaknong.

Sa ikalawang bahagi ng presentasyon, aking natuklasan ang patungkol sa


Kanon ng mga Literaturang Pilipino. Sa aking natutunan, ang kanon ay isang
batas o panuntunan sa pagtuturo ng literature, ito ay patakaran, istandard,
sukatan o tuntunin. Mahalagang pag aralan rin natin ang ating literatura dahil
ito’y sumasalamin sa ating mga magagandang kaugalian, kultura at tradisyon
na kaiba sa ibang lahi. Nang dahil sa literatura naipapabatid natin ang ating
sariling kahusayan, gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang
maging daan ng pagpapabuti at pagpapaunlad ng ating mga kakayahan.
Maliban sa aking mga nabanggit ako’y naniniwala na marami pa ang dahilan
kung bakit mahalagang pag aralan natin ang ating literatura o panitikan.

Bakit nga ba tayo nagbabasa ng mga literatura? Ito’y isang tanong na


nasagot sa gitna ng pagtatalakay sa ating unang grupo na nagpahayag ng
kanilang mga presentasyon. Ngayon bakit nga ba tayo nagbabasa nito?
Nagbabasa tayo ng panitikan sa maraming kadahilanan, sa aking natutunan,
kaya tayo nagbabasa ay upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at
maiimbak sa ating isip, upang mabatid ang iba pang mga karanasan na
kapupulutan natin ng mga aral na maaaring magamit natin sa kasalukuyan,
maaari ring nagbabasa tayo sa kadahilanang upang maaliw .Bilang isang
mag- aaral ako’y nagsisikap na matuto upang balang araw ang aking mga
natutunan ay akin ring maibahagi sa aking mga estudyante bilang isang
guro, kagaya ko makakakuha at makakapulot rin sila ng mga aral na
magagamit nila sa kanilang buhay upang magsilbing gabay nila tungo sa
pagkamit ng kanilang mga pangarap at mithiin.

You might also like