You are on page 1of 1

Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:

 Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang
lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
 Bundok - isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas
mataas kaysa burol.
 Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo
na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan.
Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang
bulkang Pinatubo.
 Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na
Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
 Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga
produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
 Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba
ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.
 Tangway - isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.
 Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
 Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
 Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig.
 Yungib - mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at
hayop.
 Tangway - pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
 Tangos - mas maliit sa tangway.

You might also like