You are on page 1of 2

Hindi kinulang dahil sa katapatan ng Dios

1 Corinto 1:1-9

Sa labintatlong liham ni apostol Pablo palagi siyang nag-uumpisa sa pamamagitan ng pagsasabi sa atin
kung sino siya… na siya ay may kaugnayan sa Diyos at kung sino tayo sa Diyos. Ito ay ibang-iba sa
nakikita natin sa TV o sa internet. Ang mga patalastas o mga commercials ay nais nilang isipin mo na ang
iyong buhay ay may kaugnayan sa mga bagay na mayroon ka.

Ngunit ang Bibliya ay walang tigil sa isang bagay na ito: paulit-ulit itong tumatawag sa atin, hindi upang i-
deny ang pagkakaroon ng mga bagay tulad ng mga gadgets, o mga kaibigan, o mga pamilya, o ating
sariling mga katawan, ngunit upang bigyan ang mga bagay na ito ng kanilang totoong kahulugan na may
kaugnayan sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya na ang lahat ng bagay ay may kaugnayan sa Diyos. Ang lahat ay
mayroong tunay na kahalagahan o kabuluhan na nauugnay sa Diyos.

Ito ang kaunawaan ni Pablo sa v.1 na Mula kay Pablo na tinawag upang maging apostol ni Cristo Jesus
ayon sa kalooban ng Dios…..Kilala nya kung sino sya – sya si Pablo, at walang katulad niya. Alam niya
kung bakit siya narito ― upang maging isang apostol ni Cristo Jesus, isang mensahero, isang
tagapagsalita ng Salita ng Dios. At alam niya kung paano siya nakarating dito - sa kalooban ng Diyos.
Alam niya kung saan nagmula ang kalooban na ito ― mula sa isang Diyos na namamahala sa mundo at
gumagabay sa mga gawain ng tao. Alam niya kung saan siya pupunta ― ang ipahayag ang katotohanan
patungkol sa Hari ng mga hari at dalhin ang mga tao sa ilalim ng Kanyang Paghahari. Alam niya kung sino
siya – Sya si Pablo, na may kapansanan sa katawan, kasama ang kanyang mga kabiguan sa Roma 7, sya si
Pablo na maraming mga pag-uusig at mga gabing walang tulog, at sa kanyang walang tigil na
pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmamahal sa kanya at ibinigay ang sarili para sa kanya.

Naniniwala akong nais ng Diyos na ang bawat isa sa kanyang mga anak at mga kabataan sa YPN na
magkaroon ng ganitong uri ng matatag, malakas, malinaw na pag-unawa sa sarili. Maaari mo bang ilagay
ang iyong pangalan sa verse 1 na may naaangkop na mga pagbabago? Si Justin, na tinawag ayon sa
kalooban ng Diyos na maging isang Engineer para sa kaluwalhatian ni Jesucristo! Si Denise, na tinawag
ayon sa kalooban ng Diyos na maging isang Guro para sa kaluwalhatian ni Jesu-Kristo! Si April, na
tinawag ayon sa kalooban ng Diyos na maging pulis para sa kaluwalhatian ni Jesucristo! Si Angelica, na
tinawag ayon sa kalooban ng Diyos na maging isang nars para sa kaluwalhatian ni Jesucristo! Si Mara na
tinawag ayon sa kalooban ng Diyos na maging isang businesswoman para sa kaluwalhatian ni Jesucristo!

Isang napakalaking katatagan sa iyong buhay ang darating kapag hinayaan mo ang Bibliya na mag-define
kung sino ka sa Diyos kaysa sa hayaan mo ang mundo na i-define ka kung sino ka.

Maraming mga kabataan sa panahon natin ngayon na hinahayaan na ang mundo ang komontrol at mag-
define sa kanila. Ayon sa survey ng statista.com pang-6 tayo na facebook user sa buong mundo at 96%
sa 110million na populasyon ng Pilipinas ay facebook user. Ang mga tinedyer o mga kabataan na
madalas na gumagamit ng Facebook ay nagiging narcissistic. Ito yong labis na pagmamahal sa sarili,
makasarili. Gusto pag nag-post ung maganda at dapat marami magla-like o magha-heart, magshi-share
or magkokoment, kapag hindi na-meet ang expectation nadi-depress na. Ganoon din sa pagtitiktok ung
5 minutes sa kaka-scroll naging isang oras hanggang sa marami ka ng napanood at napakinggan at
hanggang napatiktok ka na rin and that defines you. Youtube, Mobile legends or any social media or
games or fashions will attempt to define who you are. Pero huwag mong hayaan na maging alipin ka ng
mga social media platforms, mga gaming apps o mga uso o trends na iyan.

Kapag alam mo kung sino ka talaga at kung ano ang tunay na ibig sabihin ng iyong buhay na may
kaugnayan sa Diyos. Hindi ka magiging alipin ng mga bagay, ng mga nakikita mo o naririnig mo sa
mundong ito. Hindi yong natapos mo o yong naabot mo ang magbibigay ang magsasabi ng kahalagahan
mo o ng totoong kahulugan ng buhay mo dito sa mundong ito kundi ang Diyos na tumawag at nagplano
sa iyo.

Sa v. 2 hinimok ni Apostol Pablo ang mga taga-Corinto tungkol sa kanilang identity sa kanyang
pambungad na pagbati sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila bilang ,…. mga hinirang ng Diyos na
maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus, (v. 2). Sa ganitong paraan ay
pinapaalalahanan niya sila na sila ay itinalaga ng Diyos — na sila ay mahalaga at natatangi sapagkat yan
ang ipinahayag ng Dios sa kanila, ang katotohanang sila ay "tinawag upang maging mga hinirang ng Dios"
na nangangahulugang ang kanilang pagkakakilanlan at layunin ay ibinigay sa kanila ng Dios. Hindi yong
trabaho nila, pinag-aralan nila o status nila sa buhay o itsura nila ang nagbigay ng kahulugan ng kanilang
buhay kundi natanggap nila ang kanilang identity, yong sense of purpose nila sa pamamagitan ng tawag
ng Diyos.

Ano ang kahulugan nito sa atin? Nangangahulugan ito na ang ating katayuan bilang "pinabanal" at "mga
hinirang" ay hindi nakabatay sa ating mga gawa kundi sa ginawa ng Dios. Ang ating pagkakakilanlan ay
sigurado sapagkat ito ay ibinigay sa atin ng Dios. And our future is secure because it has been prepared
for us by the one who holds the future in his hands.

Sinasabi sa ating ng Salita ng Dios na, "Itigil mo na ang paghahanap o paggawa ng kahulugan sapagkat
binigyan ka na ng kahulugan ng Dios! Hindi mo na kailangang hanapin pa ang iyong kahulugan sa mga
bagay sa mundong ito sapagkat ito’y ibinigay na sa iyo ng Dios. "

You might also like