You are on page 1of 15

Mga Larawan ng Tunay na Diyos

Sinasabi sa atin ng Genesis 1 na sa panahon ng paglikha, iniutos


at inanyuhan ng Diyos ang buong mundo. At sa ikaanim at
huling araw ng paggawa, bilang kanyang pangwakas na
paglikha, nilikha Niya ang sangkatauhan. Pakinggan natin ang
Genesis 1:26:
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating
wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga
lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.” (Genesis
1:26).
Ang unang sinabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa
sangkatauhan ay tayo ang larawan at wangis ng Diyos. Ito ang
isa sa mga pangunahing dahilan na nasa isip ng Diyos tungkol sa
sangkatauhan.
Kapag sinasabi ng Bibliya ang tungkol sa mga tao na nilikha
ayon sa larawan at wangis ng Diyos, ang ibig sabihin ay
anuman ang sinasabi ng mga tao, lahat ng ginagawa ng tao, ay
nagpapakita ng larawan ng Diyos. Kaya, tayo ay larawan ng
Diyos. At ang salitang "kawangis" ay tumutukoy sa kung ano
ito. Hindi tayo eksaktong katulad Niya, hindi tayo eksaktong
katulad ng Diyos. Tayo ay kawangis ng Diyos; kaya ito ay
isang representasyong paglalarawan, hindi isang static na
kopya Niya o eksaktong katulad Niya. Tayo ay kawangis ng
Diyos... Hindi natin maikakaila ang katotohan ang
mahalagang ideya tungkol sa tao, na no’ng lumikha ang Diyos
ang tao ang nais Niyang kumatawan sa Kanya, kaya nilikha
Niya ang sangkatauhan. [Rev. Ric Rodeheaver]
Ating tatalakayin ang tungkol sa sangkatauhan bilang mga
larawan ng tunay na Diyos at ito ay nahahati sa tatlong bahagi.
Una, tutuklasin natin ang biblikal na talasalitaan ng larawan at
wangis. Pangalawa, isasaalang-alang natin si Jesus bilang
perpektong larawan ng Diyos. At pangatlo, ilalarawan natin ang
ating awtoridad bilang mga kalarawan ng Diyos. Tingnan muna
natin ang talasalitaan ng larawan at wangis.

Talasalitaan
Ang mga kahulugan ng mga salitang "larawan," o tselem sa
Hebrew, at "wangis," o děmuth sa Hebrew, ay hindi
magkapareho. Ngunit nagpapang-abot sila sa maraming bagay.
Ang "larawan" ay maaaring isang larawang inukit o diyos-
diyusan, tulad ng nabanggit sa Bilang 33:52; 2 Hari 11:18; at
Ezekiel 7:20 at 16:17. Maaari itong isang estatwa, tulad ng mga
gintong daga na naibalik kasama ng Kaban ng Tipan sa 1
Samuel 6:5,11. At maaari din itong isang repleksyon o anino,
tulad ng sa Awit 39:6 at Awit 73:20.

Ang kaibahan naman ng salitang "kawangis" ay hindi kailanman


tumutukoy sa isang diyos-diyosan. Ngunit tumutukoy ito sa mga
estatwa tulad ng tansong toro sa 2 Cronica 4:3. Tinutukoy rin
nito ang sketch o mga plano ng isang altar sa 2 Hari 16:10. At sa
kabuuang Lumang Tipan na sulat ng mga propeta, inilalarawan
nito ang hitsura o tunog ng isang bagay sa pamamagitan ng
paghahambing nito sa isa’t isa. Halimbawa, sa Isaias 13:4, ang
ingay sa mga bundok ay kawangis ng tunog ng ingay ng
napakaraming tao. At ang propetang si Ezekiel ay ginamit nya
ang pagkakawangis upang ipaliwanag ang hitsura ng trono ng
karwahe ng Diyos sa Ezekiel 1 at 10 kung saan may mga
nilalang na ang kamukha ay mga iba't ibang mga hayop, at
kumikinang na tulad ng mga kristal. At sa Daniel 10:16,
inilarawan ng propeta ang isang mensaherong anghel na
mayroong anyo o "wangis" ng isang tao.

Bagaman hindi magkapareho, ang mga kahulugan ng larawan at


wangis ay nagkakatulad sila sapagkat pareho silang
naglalarawan ng isang estatwa o sketch na mas makatotohanan.
Gayundin naman, ang mga tao ay larawan at kawangis ng Diyos
sapagkat ipinapakita natin ang kapangyarihan, awtoridad at
kabutihan ng Diyos. Walang alinlangan, na ang ating
kapangyarihan, awtoridad at kabutihan ay mas maliit kung
ikukumpara sa Kanya. Subalit Siya pa rin ang kanilang itinuturo.

Sa ngayon, maraming mga nakakaalam ng Bibliya o


Theologians ang naniniwala na kapag magkasamang ginamit
ang salitang larawan at wangis, ang kanilang pangkalahatang
pagkaunawa ay malawak pa kaysa sa pagkakapareho nito.
Halimbawa na lamang, pinagtatalunan nila na ang "larawan" ay
tumutukoy sa ating pagkakapareho sa Diyos, habang ang
"kawangis" naman ay tumutukoy sa pagitan ng Diyos at ng
sangkatauhan, sa gayon ay hindi natin aakalain na tayo ay
eksaktong katulad Niya.
Bukod sa Genesis 1:26, isa pang talata sa Lumang Tipan ang
ginamit ang parehong "larawan" at "kawangis" na magkasama:
Sa Genesis 5:3. Dito, sinasabing si Seth ay parehong larawan at
kawangis ng kanyang amang si Adan. Siyempre, ang pagiging
magkalarawan at magkawangis ng isang mag-ama sa lupa ay
malaki ang pagkakaiba sa pagiging kalarawan at kawangis ng
Diyos. Sina Adan at Set ay kapwa mga tao, ngunit ang Diyos ay
Diyos. Tulad ng isinulat ni Pablo sa Roma 3:30:
Iisa lang ang Diyos (Roma 3:30).
Mahahanap din natin ang mga parehong pahayag sa 1 Corinto
8:6 at Santiago 2:19.

Malinaw na sinasabi ng Banal na Kasulatan na hindi tayo maliit


na mga diyos, at hindi tayo magiging mga diyos sa hinaharap.
Kahit na tayo ay luwalhatiin sa bagong langit at bagong lupa,
tayo pa rin ay mga nilalang lamang, at ang Diyos ay
mananatiling higit na dakila kaysa sa atin. Gayunpaman, ang
pagkakapareho nina Adan at Seth ay dapat nating makita ang
ating mga sarili na higit pa sa mga (reflections) pagsasalamin sa
mga katangian ng Diyos.

Kung ating iisipin ang mga tao ay nilikha ayon sa larawan ng


Diyos, may mga bagay na magkatulad tayo at may mga bagay
ding hindi tayo magkatulad. Ang bagay na dapat nating
tandaan ay kapag ito ay tumutukoy sa atin bilang mga nasa
banal na larawan ay hindi nangangahulugang tayo ay maliit
na mga diyos... Sa madaling salita nagagawa natin ang ilang
mga bagay tulad Niya, sa gayong paraan. Katulad ng
nakakalikha tayo. Hindi natin kayang lumikha mula sa wala,
ngunit tuwing nakikita natin ang mga tao na mga malikhaing
kinatawan ito ay isang repleksyon ng banal na larawan. Tayo
rin ay mga taong may malayang kalooban. Sa katunayang
tayo ay may kalayaang pumili sa kung alin ang dapat tama sa
mali; ang kadahilanan na mayroon tayong kakayahan na
malayang magpasiya ay dahil sumasalamin din ito sa banal na
larawan. At ang katotohanan na tayo ay may kakayahang
mag-isip ng iniisip ng Diyos katulad Niya at mag-isip ng may
kabanalan, ang lahat ng mga bagay na ito ay nagpapahayag na
tayo ay katulad Niya. [ayon kay Dr. Ken Keathley]

Ipinapakilala ng mga theologians ang iba't ibang mga doktrina


ng larawan at wangis mula sa talasalitaan ng Bibliya. Ang ilan
ay nakatuon sa ating awtoridad sa mga nilikha ng Diyos. Ang
iba naman ay pinag-uusapan ang tungkol sa aktwal na gawain na
ginagawa natin. At binibigyang diin ng iba ang katotohanan na
binahaginan tayo ng maraming mga katangian ng Diyos sa
paraan na nakikilala tayo kaiba mula sa mga hayop. At lahat ng
mga pananaw na ito ay totoo. Tayo ang mga larawan at mga
kawangis ng Diyos sapagkat namumuno tayo sa mundo bilang
mga lingkod ng Diyos na Hari, at pinagkalooban ng mga
kinakailangang katangian at kakayahan upang gampanan ang
ating mga tungkulin.
Ating isinasaalang-alang ang ating tungkulin bilang mga
larawan ng tunay na Diyos ayon sa mga tuntunin ng talasalitaan
ng larawan at wangis, tayo ay tumingin kay Jesus bilang ating
perpektong halimbawa.

Jesus
Bilang Diyos na nagkatawang-tao, si Hesus ang nag-iisang
perpektong tao na nabuhay. Siya ay ganap na walang kasalanan,
at ganap na perpekto sa lahat ng kanyang mga katangiang
pantao. Bukod dito, bilang Mesiyas o Kristo, Siya rin ay tao na
hari sa kaharian ng Diyos. At syempre, ang espesyal na
presensya ng Diyos ay nananahan sa Kanya higit pa sa sinumang
tao, yamang Siya mismo ay Diyos. Gayunpaman, naiisip natin
ang larawan ng Diyos, dapat tayong tumingin kay Jesus bilang
perpektong halimbawa ng kung ano ang dapat na larawang iyon.

Sa 2 Corinto 4:4-5, isinulat ni apostol Pablo:

Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga


hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang
kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang
larawan ng Dios. Sapagka't hindi namin ipinangangaral ang
aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at kami ay
gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.
Sa talatang ito, kinilala ni Pablo si Jesus bilang larawan ng
Diyos sa paraang Siya ay naiiba sa lahat ng tao. Una, iniugnay
niya ang larawan ng Diyos sa banal na kaluwalhatian ni Jesus
bilang Diyos. At pangalawa, binigyang diin niya ang
katungkulang pantao ni Jesus na Panginoon o Hari.
Bilang perpektong larawan ng Diyos, ipinakita ni Jesus ang
kaluwalhatian ng Diyos sa paraang hindi kayang gawin ng isang
nilalang lamang. Sa Mga Taga Colosas 2:9, itinuro ni Pablo na
ang Diyos ay ganap na nananahan kay Cristo, nang lubusan,
upang kay Cristo ang bawat katangian ng Diyos ay naipakikita
at nahayag. At bilang isang resulta, nang ihayag ni Jesus ang
kanyang kaluwalhatian - karaniwang pinaghihinalaang isang
Dakilang Liwanag – Kanyang hayagang ipinakita ang ating
tatlong personang Diyos. Ngunit ang paghahayag ng kanyang
kaluwalhatian ay napakalalim kaysa dito. Kasama rin sa
kaluwalhatian ng Diyos ang mga bagay tulad ng kanyang likas
na kahalagahan, kanyang katanyagan, at papuri na natatanggap
Niya. At ang lahat ng mga bagay na ito ay tunay na larawan ng
kaniyang pagka-Diyos kay Cristo. Tulad ng sinabi ng may-akda
ng Hebreo sa Hebreo 1:3:

Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios,


at kung ano ang Dios ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa
lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng makapangyarihan
niyang Salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga
kasalanan, umupo siya sa kanan ng Makapangyarihang Dios
doon sa langit. (Hebreo 1:3).
At tulad ng paglalagay mismo ni Hesus sa Juan 14:9:
Ang sinumang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama (Juan
14:9).
Sinabi din ni Pablo na si Hesus ay ang perpektong larawan ng
Diyos sapagkat siya ay Panginoon. Ang salitang "Panginoon" ay
tumutukoy sa katotohanan na si Hesus ay ang Hari na
perpektong nagsasagawa ng pamamahala ng Diyos sa
sangnilikha. Bilang mga pangalawang pinuno o vassal king ng
Diyos, lahat ng sangkatauhan ay inuutusan na gawin ang
tungkuling nakasaad sa Genesis 1:26-28. Ngunit bilang hari na
tumubos ng sangkatauhan, at bilang walang kapintasang
tagapag-ingat ng batas ng Diyos, si Jesus lamang ang ganap na
tumupad ng katungkulang ito. Pakinggan kung paano inilarawan
ni Pablo ang kaluwalhatian at pagkahari ni Jesus bilang larawan
ng Diyos sa Colosas 1:13-18:

Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at


inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa
pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang
ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Si
Cristo ang larawan ng di-nakikitang Dios, at siya ang may
kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat sa pamamagitan
niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa
mundo, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng
mga espiritung naghahari at namamahala,
mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. Bago pa
man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa
pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa
kaayusan. Si Cristo ang ulo ng iglesya na kanyang katawan.
Siya ang pinagmulan nito, ang unang nabuhay sa mga patay,
para maging pinakadakila siya sa lahat.

Si Hesus ang larawan ng Diyos sapagkat Siya ay may kataas-


taasang kapangyarihan sa bawat dako. Hari Siya ng Kanyang
sariling kaharian. Siya ang panganay ng lahat ng mga nilalang,
iyon ay dahil sa siya ay mayroong ganap na karapatan sa mana
sa mga nilikha. Siya ang lumikha ng lahat ng mga pamunuan,
nangangahulugang ang Kanyang sariling awtoridad ay mas higit
kaysa sa kanila. Siya ang ulo o pinuno ng iglesia, at may
karangalan na unang nabuhay mula sa mga patay at
pinakadakilang tao. Sa lahat ng mga bagay na ito, si Jesus ang
perpektong representasyon ng kapangyarihan at kaluwalhatian
ng Diyos, at ang perpektong halimbawa ng kung ano ang
katulad ng paghahari at awtoridad ng Diyos kapag ipinahayag sa
pamamagitan ng isang tao.

Si Hesus ay ang perpektong larawan ng Diyos. Si Jesus ang


pangalawang Adan, tulad ng nabasa natin sa 1 Corinto
15:45, ang "huling Adan," na Siya mismong kapangyarihan
ng Diyos. At ang pambihirang kapangyarihan ng Diyos ay
ipinakita sa pagiging perpekto ni Jesus sapagkat siya ay
naging isang tao na hindi nagkasala, isang tao na hindi
ipinanganak mula sa kasalanan. Kung titingnan natin ang
Mateo 1:19 at 20, makikita natin na ang espiritu ni Jesus ay
hindi nagmula kay Jose o Maria o sa angkan ni Adan, ngunit
mula sa Banal na Espiritu. Kaya, ang kanyang buhay ay
isang buhay na perpekto mula pa sa simula; ang kanyang
kabanalan ay perpekto mula sa simula, kahit na siya ay nag
anyong tao na may laman at dugo. At si Hesus ang
perpektong larawan ng Diyos sapagkat hindi siya nahulog sa
kasalanan, kahit na naramdaman niya ang mga kahinaan
bilang isang tao - Hebreo 4:15 - ngunit hindi siya nagkasala.
Hindi siya nagkasala sa kanyang mga pag-iisip; hindi siya
nagkasala sa kanyang pagsasalita; hindi siya nagkasala sa
kanyang mga gawa. Sa buong buhay Niya, hanggang sa
natapos Niya ang kanyang tungkulin bilang Diyos na
nagkatawang tao sa mundong ito, hindi Siya nagkasala. Ito
ang perpektong larawan ng Diyos; ito ay isang halimbawa
ng isang perpektong buhay, na ibinigay ni Jesucristo.
[isinalin ni Yohanes Praptowarso, Ph.D.,]

Walang sinumang tao ang maaaring kumatawan sa Diyos na


kasing perpekto na tulad ni Jesus. Kahit na tayo ay ganap nang
mga larawan ng Diyos, at hindi lamang mga kahalintulad, na
tulad ng pinaniniwalaan ng mga taga-Asiria. Naghahari pa rin
tayo para sa kanya, isinasagawa ang kanyang kalooban, at
sumasalamin ng kanyang kaluwalhatian. Hindi natin ginagawa
ang mga bagay na ito tulad ng ginagawa ni Hesus, ngunit
ginagawa natin magkagayunman. At iyan ang dahilan kung
bakit sa 1 Corinto 11:7, nasabi ni Pablo na:
Ang tao… ay larawan at kaluwalhatian ng Diyos (1 Corinto
11:7).
Sa ngayon, tinalakay natin ang ating tungkulin bilang mga
larawan ng tunay na Diyos sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa
talasalitaan ng larawan at wangis, at sa pamamagitan ng pagtuon
kay Jesus bilang pinaka-perpektong larawan ng Diyos. Ngayon
tingnan natin ang ating awtoridad.

Awtoridad
Kapag kinikilala ng Banal na Kasulatan ang sangkatauhan
bilang larawan ng Diyos, iniuugnay nito ang ating tungkulin
bilang mga larawan na may awtoridad na ibinigay sa atin sa
mundo. Ito ay ganap na naaayon sa sinaunang ideya ng ancient
Near Eastern na ang mga hari ay higit na mas mataas na mga
larawan ng kanilang mga diyos dahil sila ang namumuno sa
kanila. Ngunit ang Banal na Kasulatan ay pinapalawig ang
awtoridad at tungkulin na ito ng higit pa sa mga hari. Lahat ng
tao - lalaki at babae, bata at matanda, maharlika at
pangkaraniwan - ay mga pangalawang pinuno ng Diyos, o mga
lingkod ng hari, na ang tungkulin ay tiyakin na ang kanyang
kalooban ang maganap sa lupa. Ito ang dahilan ng Diyos sa
paglikha ng sangkatauhan, at ito ang tungkulin na iniatas niya sa
atin noong nilikha tayo. Makinig muli sa Genesis 1:27-28:
Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis
niya. Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para
mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo.
At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.” (Genesis 1:27-
28).

Sinasabi ng talata na ito, na ang awtoridad na natanggap natin


mula sa Diyos ay mayroong tatlong aspeto: Tayo ay
pinahintulutan na punuin ang mundo ng mga larawan ng Diyos,
upang pamahalaan ang lahat ng mga nilalang sa lupa, at punuin
ang buong daigdig.
Pinupuno natin ang mundo sa pamamagitan ng pagpaparami ng
ating mga bilang, upang tayo ay makagawa ng mga buhay
larawan Niya sa buong sandaigdigan. Nangangahulugan ito na
maaari at pwede tayong manirahan sa lahat ng bahagi ng mundo,
dala-dala ang presensyang kumakatawan sa Diyos na nasa atin
at itatatag ang kultura ng tao saan man tayo magpunta.
Pinamamahalaan natin ang lahat ng mga nilikha sa mundo sa
iba't ibang mga paraan, kabilang ang pag-aalaga sa kanila,
pamamahala sa kanilang mga tirahan, at pagprotekta sa kanila
mula sa maling pagtrato. At punuin natin ang mundo sa
pamamagitan ng mga gawa tulad ng agrikultura at matalinong
pangangasiwa ng likas na yaman ng lupa, na ang ilang ay gawin
itong isang magandang lugar, na hardeng umaalalay sa buhay.
Sa katunayan, ang pangkalahatang ideya na nabasa natin sa
Genesis 1 at 2 ay ang sangkatauhan ay dapat palawakin ang mga
hangganan ng Halamanan ng Eden hanggang sa ang buong
planeta ay gawing isang angkop na tirahan na tatahanan ng
Diyos. Ang pangwakas na layunin ay para punuin ng espesyal
na presensya ng Diyos ang buong mundo na tulad ng orihinal na
pagpuno sa Hardin ng Eden.

Ang ating tungkulin bilang mga larawan ng Diyos ay iangat ang


lahat ng sangkatauhan sa antas ng pagkahari. Itinalaga tayo ng
Diyos sa tungkulin na pangasiwaan ang kanyang paghahari sa
buong mundo. At ang tungkulin na iyon ay nagbibigay sa atin ng
malaking dignidad. Lahat tayo ay hari at reyna. At dapat nating
tratuhin ang bawat isa nang may naaangkop na antas ng respeto
at pabor.

Nilinaw ng Genesis 1 na sina Adan at Eba - ang


sangkatauhan na iyon - ay nilikha sa larawan ng Diyos ayon
sa Kanyang wangis. At habang maraming mga katangian
ang ibig sabihin nito, tiyak na ang pahiwatig doon na
nakapaloob sa Genesis 1, na naipaliwanag din sa Genesis 5,
na ang ibig sabihin nitong pagkakalikha kina Adan at Eba na
nilikha sa larawan ng Diyos ay nilikha sila upang maging
mga anak Niya. At mayroong pambihirang pribilehiyo at
karangalan na magkaroon ng mataas na katayuan na ito sa
gitna ng mga iba pang nilikha na ang sangkatauhan ang may
espesyal na ugnayan sa Diyos bilang kanyang mga anak.
Tayo ay mga maharlikang anak na lalaki at anak na babae ng
Diyos, isang dakilang posisyon at pambihirang karangalan at
pribilehiyo na isa ring responsibilidad. [Rev. Bill Burns]
Habang kinikilala ang karangalan at paggalang na natatanggap
natin bilang mga hari na lingkod ng Diyos, kailangan nating
tandaan na ang Diyos pa rin ang pinakamataas na awtoridad sa
atin. Pananagutan pa rin natin ang lahat ng mga bagay sa
Kaniya. Siya ang manlilikha; tayo ang Kanyang mga nilikha.
Siya ay Diyos; tayo ay hindi. At mayroon lamang tayong
awtoridad dahil ipinagkaloob Niya ito sa atin. Kaya, dapat
nating gamitin ang ipanagkaloob Niya na awtoridad na may
mataas na paggalang at kababaang-loob.

Mahalagang maunawaan natin kung ano ang ibig sabihin


nang malikha sa larawan ng Diyos. Ang malikha sa larawan
ng Diyos ay nilikha na ayon sa kanyang wangis at mayroon
tayong kapangyarihan, at bukod sa kapangyarihan,
kinakatawan natin ang Diyos. Tayo ay responsableng mga
kinatawan, at tayo ay may ugnayan tungkol sa Diyos, pero
may ugnayan din tayo tungkol sa ating mga kapwa.
Kailangan nating magpasakop sa paghahari ng Diyos kung
kaya’t ating dapat sikaping mabuhay ayon sa inilaan na
layunin ng Diyos... Ngunit nagkasala tayo laban sa Diyos, at
kailangan natin ang ugnayan na ito - na nasira na - upang
maipanumbalik muli. Kaya, ang pagpapasakop sa paghahari
ng Diyos ay nangangahulugan na ito ay sa pamamagitan ng
paggawa na nahahayag sa atin ang Diyos sa ating lipunan.
[Rev. Canon Alfred Sebahene, Ph.]
Ang ating paghahari sa mundo ay laging pagpapasakop sa
kalooban ng ating dakilang Diyos at Hari. Kaya, sa ating
tungkulin bilang kanyang mga larawan, hindi natin dapat
subukang ipilit ang ating sariling kalooban. Sa halip, dapat
tayong gumawa upang makita ang kalooban ng Diyos na
mangyari sa lupa tulad ng sa langit. At dapat nating gawin ito sa
paraang nakapagbibigay sa Kanya ng lahat ng kaluwalhatian.

Ngayon na isinaalang-alang natin ang sangkatauhan bilang


larawan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsaliksik sa tungkulin o
posisyon na hinahawakan natin, tingnan natin ang mga
katangiang ibinigay sa atin ng Diyos upang bigyan tayo ng
kapangyarihan sa gampaning ito.

You might also like