You are on page 1of 1

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamayang

bumubuo rito sa ating bansa o tinatawag din itong patriyotismo.Ang pagmamahal sa bayan ay
mahalaga.Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito,dahil ang tao ay
umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa.Ito ay nangangahulugang tayo bilang tao ay
umiiral sa mundo kasama ang ating kapwa.Ngayon,Bakit nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao
sa pagmamahal ng bayan?

Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao.Ibig


sabihin,ang pagmamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng pagkamamamayan.Ang
pagmamahal na ito ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may pagmamahal sa
bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad ng tao.Isang indibidwal na ibinahagi ang talino sa
iba,pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao,pinapahalagahan ang karangalan ng pamilya
na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat.
Sabi nga, kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga
sakanya. Napahahalagahan din ng pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala at
pagkakakilanlan.

Pagpapahalaga sa indikasyon ng pagmamahal sa bayan.“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa


kanyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag
sa kabutihang panlahat”.- San Juan Pablo X.Ang pagiging isang pilipino ay isang biyaya, hindi
ito aksidente, nakaplano ito ayon sa kagustuan ng diyos bilang isang indibidwal na
sumasakatawang diwa.Kayat pahalagahan natin ang ating bayan tulad ng pagmamahal mo sa
iyong sarili at sa kapwa.Sa pamamagitan ng pagsasabuhay nakapaloob sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas at mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa Bayan.

You might also like