You are on page 1of 1

Ang Pagmamahal ko sa aking Pamilya

Ang Pamilya ko ang pinaka importante sa akin, sila ang inspirasyon ko,
gumagabay at sumusuporta sa akin. Kami ay nagtutulungan, nagtitiyaga upang
umunlad ang aming pamilya. Sila din ang laging nasa tabi ko kapag may
problema ako. Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Mahal ko sila dahil sila
ang nag alaga at nagpalaki sa akin, kaya narito ako ngayon, maayos ang buhay,
nakakapag-aral ng mabuti, kaya minamahal ko sila. Ako ay lubos na
nagpapasalamat sa aking ama’t ina at sa aking mga kapatid dahil kahit hindi
kami ganoon kasagana, masaya at nagmamahalan kami. Isinakripisyo ng aking
mga magulang at ng aking mga kapatid ang buhay para sa aming kabutihan.
Pinangako ko sa kanila na kapag natapos na ako sa aking pag aaral at nagkaroon
ng magandang trabaho sisikapin kong bibigyan sila ng mas higit pang maganda
at masaganang buhay. Ganyan ang pagmamahal ko sa aking pamilya.
Inihanda ni:

Samantha Kathly D. Diomino

You might also like