You are on page 1of 1

Ang Pagmamahal ko sa aking Pamilya

Ang Pamilya ko ang pinaka importante sa akin, sila ang inspirasyon ko,
gumagabay at sumusuporta sa akin. Kami at nagtutulungan, nagtitiyaga upang
umunlad ang aming pamilya. Sila din ang laging nasa tabi ko kapag may problema
ako. Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Mahal ko sila dahil sila ang nag alaga
at nagpalaki sa akin, kaya narito ako ngayon, maganda ang buhay, nakakapag-aral
ng mabuti, kaya minamahal ko sila. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa aking mga
magulang dahil kahit hindi kami ganoon kayaman, masaya at nagmamahalan
kami. Isakripisyo ng aking mga magulang ang buhay nila para sa amin. Pinangako
ko sa kanila na kapag matanda na ako at nagkaroon ng magandang trabaho
sisikapin kong bibigyan sila ng mas higit pang maganda at masaganang buhay.
Ganyan ang pagmamahal ko sa aking pamilya.

You might also like