You are on page 1of 5

BYAHE

DOÑA REMEDIOS TRINIDAD

KALIKASAN.
KAPAYAPAAN.
KAGANDAHAN.
DOÑA REMEDIOS TRINIDAD
LAKBAY SANAYSAY

Sa taong 2020, isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang


yumanig sa buong mundo. Kasing bilis ng kidlat kung
kumalat ang virus na saglit na nagpatigil sa ikot ng mundo
noong unang yugto ng lockdown.
Summer pa naman noon, tayo'y handang-handa na sa mga
planadong outing, nakabalot na ang mga bag, ngunit sa
kasamaang palad ay kadiliman at kalungkutan ang ating
inabutan.
Ilang buwan na tayo'y sumailalim sa quarantine. Ni sino man
ay hindi maaring lumabas maliban na lamang kung essential
ang gagawin.
Sa iilang buwan, tayo'y nalugmok sa hinagpis na dala ng
pandemya. Bigo tayong masilayan sa pagkakataon na iyon
ang ganda ng ating mundo.
Kung kaya't noong sumailalim sa GCQ ang ating bansa,
aming nilakbay ang isang tagong kayamanan ng Pilipinas.
Isang tagong bayan lamang noon, ay siya nang naging sentro
ng turismo sa probinsya ng Bulacan.
Ang Doña Remedios Trinidad.
Dala ang pag-iingat at disiplina na sumunod sa lahat ng
safety protocols, aming tinahak ang daan patungo sa paraiso.
Sulit ang pagewang-gewang na byahe, dahil ang nag-aabang
naman ay isang paraiso.
Ang nakamamangha at makapigil-hiningang mga tanawin na
magbibigay sa iyo ng kapayapaan, kasiyahan, at
pagpapahalaga sa kalikasan.
Bukod pa sa mga bata at sa kanilang mga
ina ay aking natunghayan ang kabilaang
pagkakaingin ng mga lokal. Hindi rin
nakaligtaas sa aking paningin ang
quarry na nakasisira sa tanawin.
Nakalulungkot dahil sa kabila ng ganda
ng tanawin ay makikita pa rin ang bakas
ng kalupitan ng tao sa kalikasan.
Sa kabila naman ng hindi magagandang
kasilayan, bumalik naman sa aking
mukha ang ngiti nang makita ang iba
pang bata na tumutulong sa kanilang
mga tatay sa pag-ani ng mga tanim na
gulay.
Hindi kalaunan ay narating na namin
ang tuktok kung saan kami'y hinihintay
ng napakagandang tanawin. Hindi
maipagkakailang paraiso nga ang aming
natunghayan.
Dala nito ay kapayapaan ng aking isipan
dahil muli ay aking nasilayan ang
gandang taglay ng ating mundo. Sa
wakas ay aking nalanghap ang preskong
simoy ng hangin sa bayan ng DRT.

Kami ay nagpunta sa Gulod Paradise. Sa aming paglisan sa bundok, hindi


Bago makapasok ay kinakailangan lamang ang kaakit-akit na tanawin ang
munang i-check ang temperature, aking binaon sa aking isipan, maging
magsulat ng contact tracing details, at ang kwento sa likod ng paraisong ito.
mag-sanitize. Taos puso rin ang aking pasasalamat sa
aming tour guide na si Ate Marisa na
Sampung minutong treking ang siyang gumabay sa amin sa pagtahak ng
kailangan munang tahakin bago daan tungo sa paraiso, maging sa
makapunta sa tuktok ng bundok. kaniyang mga kwentong tumatak sa
aking isipan. Ang kwento ni Ate Marisa
Bagaman ang tuktok ng bundok ang bilang mamamayan ng DRT.
aming pakay, hindi nakatakas sa
aking obserbasyon ang simpleng Sa aming tuluyang pagbaba, kami'y
pamumuhay ng mga lokal sa DRT. muling sinalubong ng matatamis na
ngiti ng mga batang nagpapasalamat sa
Ang mga bata ay malugod kaming aming pagdayo sa kanilang bayan.
binabati na "Welcome to Gulod Sa paglalakbya na iyon, nahinuha kong
Paradise!" nang may matatamis na tanawin ang aking ipinunta, ngunit ang
ngiti sa kanilang labi. Ang kanilang bawat kwento ni Ate Marisa at kwento
mga ina naman ay makikita sa labas ng bayan ng DRT ang siyang nanatili sa
ng kanilang munting bahay na aking puso at isipan.
nagluluto at tinatanaw ang mga dayo
sa kanilang lugar.
Bagaman tayo'y dumaranas ng hindi inaasahang
pagtigil ng nakagawiang ikot ng mundo at nasadlak sa
maligalig na takbo ng buhay, huwag kalimutang
huminga. Sa dami ng bagay na nangyayari, huwag
kalimutang hanapin ang kapayapaan ng puso at isipan.
Tumigil man nang panandalian ang mundo, tayo ay
bumabangon at lalaban pa rin.
Marahil kailangan ng iyong puso ang panandaliang
pagtakas sa reyalidad
S E Lng
I N Amundo
R I C H A R Dat
S tumanaw sa mala-

pantasyang kagandahang hatid nito. PAALALA LAMANG


na umiiral pa rin ang virus. Mag-ingat.
Ang dating tagong kayamanan ng Bulacan na Doña
Remedios Trinidad ay siya nang puso ng turismo.
Nakabubusog sa matang tanawin, nakaaantig na mga
kwento, at kapayapaan ng isipan.
Ito ang Doña Remedios Trinidad sa probinsya ng
Bulacan.

HINGA.
TULOY ANG LABAN NG
BUHAY.
DISCLAIMER

Sa kabuoang paglalakbay, sinunod ang


lahat ng safety protocols gaya ng
pagsusuot ng face mask at shield,
ssanitazion, at social distancing.

You might also like