You are on page 1of 1

Layunin

Ang unang halimbawa ng panukalang proyekto na nasaliksik ay


hindi naglalaman ng layunin. Sa pangalawang halimbawa naman ng
panukalang proyekto ay mayroon lamang na iilang bagay na
kapansin-pansin. Isa na dito ay maayos nitong naipahayag ang
layunin na mapalinis at mapaganda ang paaralan. Ito ay direktang
ipinahayag at masinsing ginamit ng mga payak na salita. Bukod
dito, kapansin-pansin rin ang paulit-ulit na mga salita katulad
ng “Ito rin ay” at “para” at hindi rin nabanggit sa layunin kung
kailan matatapos ang proyekto. Isa pa ay hindi nabanggit ng
maayos na maisasakatuparan ang nasabing proyekto. Hindi rin
nailagay rito ang paraan na isasagawa kung paanong makakamit ang
proyekto. Ngunit sa huli ay naipakita naman kung paano
makakatulong ang proyektong ito sa paaralan at sa mga estudyante.

You might also like