You are on page 1of 1

Plano at Pakinabang

Mapapansin na ang dalawang halimbawa ng panukalang proyekto


na nasaliksik ay kapwa walang inilaan na seksiyon para sa plano
na kanilang gagawin upang maisakatuparan ang kanila proyekto.
Ngunit taliwas sa ibinigay ng ikalawang halimbawa na kung saan
hindi ipinahayag ang mga hakbang na kanilang gagawin. Sa unang
halimbawa, Panukalang proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-
aklatan, matatanto na sa bahaging petsa makikita ang hakbang na
kanilang isasagawa upang matapos ang proyekto. Bagamat hindi sila
naglaan ng seksiyon para sa plano, makikita naman sa ika-apat na
bahagi ng panukalang proyekto ang pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang na kanilang gagawin kasama na rin ang petsa at lugar o
lokasyon nito. Ang unang halimbawa ay nagbigay ng mas detalyadong
impormasyon upang maunawaan ng mga babasa ang kanilang plano sa
kanilang proyekto. Bukod pa rito kapwa inilagay ng dalawang
halimbawa ang paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga
makikinabang nito sa huling bahagi ng panukala. Dito ay sinabi
nila ang mga indibidwal at samahan na matutulungan ng proyekto.
Subalit makikita sa ikalawang halimbawa, Panukalang Proyekto sa
paglalagay ng mga basurahan at pagtatapon ng basura sa tamang
paglagyan sa paaralan, na magkahiwalay ang bahagi para sa
konklusyon at benepisyong dulot ng proyekto. Hindi tulad sa unang
bahagi na inilahad na rin ang konklusyon ng panukala sa ikawalong
seksyon, ang pakinabang.

You might also like