You are on page 1of 1

Kaibigan,

Alam ko kung gaano kahirap ang pansamantalang pagkakawalay mo sa iyong pamilya, mga kaibigan at
mga taong madalas mong makasama sa iyong buhay. Alam ko kung gaano kahirap ang mapag-isa sa
isang lugar kung saan nakikita mo ang ilang mga taong may kapalarang katulad nang pinagdadaanan mo
sa kasalukuyan. Ngunit lagi mong alalahanin na sa lahat ng nagaganap ngayon, ikaw ay pinagpala
sapagkat ikaw ay buhay at pinili upang magpatotoo na mayroong isang Panginoon na patuloy na
magpapala sa iyo sa panahong malagpasan at mapagtagumpayan mo ang pagsubok na ito. Bukod ka ring
pinagpala sapagkat sa mga panahong ito, ikaw ay binigyan ng pagkakataon na makapagnilay-nilay,
makapag-isip at magkaroon ng espesyal na oras upang makausap ang mapagpalang Lumikha. Ikaw ay
magsaya sapagkat sa dinami-dami nang Kanyang mga nilalang, isa ka sa kanyang napili upang muling
mapaalalahanan na kanyang kagustuhang ibalik ang lahat kung saan ang lahat ay nararapat - at yan ay sa
kalinga ng Kanyang puso at mapagpalang kamay. Lagi mong isipin na ang tanging nais Niya ay masarili ka
upang muli ninyong madama ang pagmamahal sa isa’t isa, kaya kinailangan niyang kunin ang ilang
sandali ng iyong panahon. Tandaaan mo: hindi ka Niya hinayaang mawala ng bigla sapagkat alam Niyang
maaaring hindi ka pa handa – ang tanging kailangan niya ay ang inyong mahalagang oras para sa isa’t isa.
Kapatid, sa oras na ikaw ay makalaya sa ganitong sitwasyon, wag kang mahihiya. Tandaan mo, ikaw ay
nagkaroon lamang ng karamdaman, hindi ka isang criminal at mas dapat mong isaisip na ikaw ay
binigyan niya ng mahalagang papel sa muli mong pagbabalik – at yan ay ang walang humpay na
pagpapatunay ng Kanyang pagmamahal at kapangyarihan sa pagpapagaling ng katawan at kaluluwa. Sa
pamamagitan ng liham na ito, aming idinadalangin ang pagbabalik muli ng kagalingan ng iyong katawan
at ang pagbabalik muli ng mainit na pagmamahal at pananampalataya mo sa Panginoon. Kasama mo
kami sa pagdarasal para sa iyong pamilya at sa buong sanlibutan laban sa naiibang pagsubok ng ating
pananampalataya. Nagmamahal, Ang iyong mga kapatid mula sa Rotary Club of San Jose Downtown

You might also like