You are on page 1of 2

Awtput ng Pagkatuto

______________ Linggo

Pangalan : _____________________________Seksyon: ____________ Iskor : _______


Subjek : FILI 121 Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Guro : ___________ Petsa : _____

I. Paksa
Posisyong Papel

II. Layunin
1. Nailalahad ang kahulugan, katangian at layunin ng posisyong papel.
2. Naipapakita ang balangkas ng posisyong papel
3. Nakasusulat ng isang posisyong papel

III. Konsepto ng Pagkatuto


Posisyong Papel - ito ay sulating naglalaman ng mga pinanindigang palagay o
saloobin patungkol sa mahalagang isyung kinakaharap ng iba’t ibang larangan. Karaniwan
itong isinusulat sa paraang pagpapahayag na maaaring pinaghalo-halong paglalahad,
panghihimok, pangangatwiran at maargumentong ideya.
Aidememoire- tawag sa paksang dapat talakaying at mga syung hindi nasang-ayunan.

Katangian ng Posisyong Papel


 Nabubuo mula sa pinakapayak gaya ng liham sa patnugot hanggang sa
pinakakomplikadong akademikong posisyong papel.
 Naglalaman ng mga maiinam na mga konteksto para sa mas malinaw na detalyadong
impormasyon.
 Ang nilalaman ay may ipinararating na punto gamit ang mga ebidensya.
 Maargumento ang nilalaman at paninindigan ngunit may paggalang sa kasalungat na
pananaw
 May bahaging subhetibo ang ganitong sulatin sapagkat naglalabas ito ng saloobin.

Layunin ng Posisyong Papel


 Makapagpahayag ng mga kuro-kuro o paniniwala at rekomendasyon gamit ang mga
batayang ebidensyang totoo.
 Mamulat ang mambabasa sa maargumentong isyu na inihain ng manunulat
 Mahikayat ang isang tao, grupo o komunidad hinggil sa isang isyu .
 Upang maintindihan ang pinaninindigan ng isang tao o organisasyon.
BALANGKAS NG POSISYONG PAPEL (Xavier University,2014)
 Introduksyon
 Pagkilala sa isyu
 Proposisyon ukol sa paksa

Sa bahaging ito ay dapat na malinaw na ipinakikilala ang isyu at inilalahad


ng isang manunulat ang kanuyang ideya at saloobin ukol sa paksang dapat
talakayin.

 Katawan
 Paglalahad ng ilang impormasyon ukol sa paksa
 Sumusuportang mga ebidensya o mga katotohanan
 Pagtalakay sa magkabilang panig ng isyu

Ang katawan ng posisyong papel ay dapat na naglalaman ng maraming


talata na naglalahad ng pangunahing kaisipan na maglilinaw sa bawat bahagi
ng pinupuntong kaisipan at sinusuportahan ng mga impormasyong may
katotohanan at mga ebidensaya.

 Kongklusyon
 Subhestisyon na maaaring gawing aksyon
 Posibleng solusyon

Sa kongklusyon dapat ibuod ang pinakakonsepto, mga ideya at mga dapat


gawin nang hindi inuulit ang introduksyon o ang katawan ng posisyong papel.
Maaaring ito ay mga suhestiyon at mga posibleng solusyon ukol sa isyu.

IV. Gawain(Indibidwal)
Nakasusulat ang bawat mag-aaral ng posisyong papel tungkol sa mahahalagang isyu
na kinakaharap ng bayan . Gamitin ang tamang paraan nang pagsusulat ng posisyong
papel ayon sa ipinakitang halimbawa ng pagbabalangkas nito.

You might also like