You are on page 1of 1

Ang Pagiging Mamamayan sa Mundo sa Panahon ng Covid-19

Binago ng pandaigdigang pagkalat ng sakit na dulot ng virus na Covid-19 ang mga buhay at pananaw sa
mundo ngunit nagbigay rin ito ng pagkakataong huminto at mag-isip.
Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mamamayan sa mundo sa panahong ito ng krisis? Nangangahulugan
ito na tayo ay mabait at maunawain. Tayo ay magalang at may pananagutan. Naiintindihan natin na lahat
tayo ay may kaugnayan sa isa't-isa. Pinagyayaman ng mga mamayan sa mundo ang personal na
paggalang sa iba saanman sila nakatira. Naninindigan at nagtatanggol sila laban sa diskriminasyon.
Lumilikha sila ng komunidad na ligtas at malugod na tumatanggap para sa lahat.
Ang karunungan ay kapangyarihan. Nagbabahagi ang media ng napakaraming impormasyon sa antas na
nakababahala kaya kailangan nating manmanan kung ano at gaano ang ating pinanonood. Kailangan din
nating alamin ang pagkanegatibo na naikakalat kung minsan kapag ang mga tao ay takot at balisa.
Ngayon at sa hinaharap, mahalagang alamin ang ating mga sariling pagtatangi at kung paano tayo
nakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Maaaring magkaroon ng mga epekto ang ating mga personal na
desisyon at aksyon sa ibang tao na maaaring hindi natin napapansin.
Makatutulong itong apat na gawi upang magsalita laban sa diskriminasyon sa panahon at pagkatapos ng
pandaigdigang pagkalat ng sakit na dulot ng virus na COVID-19.
Sumabad: Kung gumagamit ng wika ang isang tao na nagtataguyod ng pagtatangi ng lahi, ihinto ang
usapan. Sabihin sa kanya na kailangan mong talakayin ang mga ideyang iyon bago ipagpatuloy ang pag-
uusap.
Halimbawa: “Bago natin pag-usapan iyan, gusto kong talakayin ang tungkol sa kung ano ang sinabi mo sa
virus na kasalanan ng ibang tao.”
Magtanong: Tumutulong ang mga tanong sa pag-unawa. Ang pagtatanong sa mga tao kung bakit nila
ginawa ang isang pahayag ay makatutulong sa iba na huminto upang hamunin ang mga ideyang
nakasasama ng loob.
Halimbawa: Bakit ganyan ang palagay mo? Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?
Magturo: Madalas na lalo pang nagiging laganap ang nakasasakit na pag-uugali sangkot ang paggawa ng
maling haka-haka, pagtatangi at pagkamuhi sa mga panahon ng takot at pagkabalisa, lalo na sa mga taong
itinatangi ang lahi, pagiging minoridad at/o minamaliit. Makatutulong ang pagtuturo sa ating mga sarili at sa
ibang tao tungkol sa diskriminasyon na hamunin ang mga ideya ng kung ano ang angkop o nakakatawa.
Upang maging mamamayan sa mundo, dapat nating tulungan ang ating mga pamilya, kaibigan, kasamahan
at mag-aaral na unawain kung ano ang pagtatangi ng lahi at kung paano ito makasasakit sa mga tao.
Ulitin: May epekto ang paninindigan laban sa pagtatangi ng lahi at paggawa ng maling haka-haka. Hindi
laging madali na gawin ito nang mag-isa, kaya kung mas marami sa ating mga kasamahan ang susuporta sa
pagkilos na ito na iisa ang pahayag, mas mabuti. Magsalita at hikayatin ang ibang tao na gayundin ang
gawin. Maging matapang na magsalita kahit hindi iyon ginagawa ng ibang tao; maaaring ito ang
pinakaepektibong aksyon na magagawa natin upang siguraduhin na lahat ng miyembro ng mga komunidad
sa New Brunswick ay ligtas ang pakiramdam. Sa panahong ito ng social distancing o paglayo sa kapwa,
maaari tayong magbahagi ng mga positibong mensahe sa ibang tao sa pamamagitan ng social media.
Makatutulong ang pagsunod sa mga gawing ito nang may katapangan at paniniwala upang gawing mas
malusog, mas ligtas at mas konektado ang ating mga komunidad sa New Brunswick – para sa lahat ng tao.
Mga Sanggunian:
https://www.tolerance.org/magazine/speaking-up-against-racism-around-the-new-coronavirus
https://www.tolerance.org/magazine/how-to-respond-to-coronavirus-racism

You might also like