You are on page 1of 1

“Busay ( Talon)”

Jann Dainver L. Maravilla

Bawat dila ma’y


Magkaiba ang hugis, iisa
Ang kumpas at dulas
Ng pagsipol;

Bawat sipol ma’y


Magkaiba ang tunog, iisa
Ang lakas at bakas
Ng pagsubok;

Bawat pagsubok ma’y


Magkaiba ng dami, iisa
Ang tunay na kulay
Ng paglikha;

Bawat likha ma’y


Magkaiba ng haba, iisa
Ang bigkis ng hangin
Na dumadaloy;

Bawat pagdaloy ma’y


Magkaiba ng init, iisa
Ang init sa apoy
Ng Pinagmulan;

Bawat pinagmulan ma’y


Magkaiba ng wika, iisa
Ang kwentong
Habi ng labi at lahi.

You might also like