You are on page 1of 1

Mabel Anne M.

Beltran

GAS 2-A

“San and lakad mo ngayon,Ma?”

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang magulang na hindi nabibigyan at kulang sa oras
para sa kanyang anak at sa isang anak na labis ang pangungulila sa presensya ng
kanyang ina. Isang araw ay may iniabot si Idad kay Ditas,at iyon ay ang diary ni Loly.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat nang malaman niyang si Loly ang nagmamay-
ari ng sulat kamay.

Sa unang entry sa kanyang diary, Enero 1 inilahad ni Loly ang labis na kasiyahan dahil
walang lakad ang kanyang ina sa araw na iyon. May dalang prutas at iba pang handa
na hindi karaniwang ginagawa ng kanyang ina dahil sila lamang ni yaya Idad ang
palaging sumasalubong ng bagong taon. Isama narin natin ang pagdedate nina Jan at
Loly at ang pagkakita nila sa kanilang mga magulang na magkasama. Hindi na nag-
usap si Jan at Loly kung kaya't mas napalapit si Loly kay George at nagrebelde siya
dahilan ng pagtatalo nila ni Ditas. Sa mga natirang pahina ng diary ni Loly, nawalan na
ng lakas si Ditas na ipagpatuloy ito at napaisip siya na di niya manlang nakilala ng
lubusan at personal si George. Inilahad sa awtopsiya na labis na droga ang pagkamatay
at dalawang buwang nagdadalang tao si Loly. Napatili at napaiyak dahil sa labis na
pagsisisi at paghihinagpis sa harap ng kabaong ni Loly ang kanyang inang si Ditas.

You might also like