You are on page 1of 2

BARANGAY SELF-ASSESSMENT

Barangay Kayumanggi, Lipa City, Batangas

PROBLEM:

1) Kawalan ng kanal na nagiging sanhi ng pagbaha.

DESCRIPTION:

Kung mapapansin niyo ang mga nasa litrato ay walang mga kanal na maaaring maging
daluyan ng tubig sakali mang umulan nang malakas kaya’t nagdudulot ito ng pagbaha. Madalas
mag-baha sa parteng ito ng aming barangay sa tuwing may bagyo o malakas ang ulan. Malaking
perwisyo ito para sa mga mamamayang nadaan dito lalo na para sa mga estudyanteng papasok
pa lamang sa eskwelahan. Bilang solusyon sa suliraning ito ay kailangang magbigay ng espasyo
sa bawat gilid ng daan upang makapaggawa ng drainage o kanal na pagdadaluyan ng tubig.
Maaari ding magpatupad ng proyektong ‘tree planting’ ang mga opisyales ng barangay upang
maiwasan ang pagbaha sa ilang parte ng aming barangay.
2) Kakulangan sa mga poste ng ilaw na magsisilbing liwanag para sa mga motorista at
mamamayan.

DESCRIPTION:

Base sa aking obserbasyon, sa ilang bahagi ng aming barangay ay walang mga poste ng
ilaw. Tanging mga ilaw mula sa mga bahay-bahay at sa mga sasakyang nadaan lamang
nanggagaling ang liwanag. Sa pangalawang litrato, pinapakita dito kung gaano kadilim ang
daang ito kapag walang mga ilaw na mula sa kabahayan at mga sasakyan. Nakakabahala ang
sitwasyong ito para sa mga mamamayang nadaan dito lalo na’t pag gabi dahil maaaring maging
dahilan ito ng aksidente. At dahil nga sa madilim sa parteng ito tuwing sasapit ang dilim ay
posible ding dito balakin ng mga kriminal na gumawa ng krimen. Kaya’t kailangan na itong
aksyunan ng barangay bago pa may mangyaring krimen o aksidente dito. Maliban sa mga poste
ng ilaw, maaari ding magpakabit ng CCTV sa barangay upang madaling maaksyunan ng mga
awtoridad kung sakali mang mangyaring aksidente o krimen.

You might also like