You are on page 1of 2

1. Ano ang wika??

- Ayon kay Henry Gleason, isang linggwista, wika ay sistematikong balangkas ng


mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo upang magamit
ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura. Ang wika ang
pinakadetalyadong kakayahangpantao na ginagamit upang maipahatid ang
kaisipan, hangarin, at/o mithiin ng tao.
2. Ibigay ang iba't ibang katangian ng wika.
 Ang wika ay may masistemang balangkas.
- Ang bawat wika ay mayroong kaayusan.
 Ang wika ay arbitraryo (napagkasunduan)
- Ang bawat wika ay pinili at isinaayos sa paraang pinagkasunduan ng
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
 Ang wika ay daynamiko.
- Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay
nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya.
 Ang wika ay binibigkas na tunog.
- Ang bawat wika ay binubuo ng mga tunog at ito’y pinagsasama-sama
upang makalikha ng mga salita.
 Ang wika ay patuloy na ginagamit.
- Kasangkapan ang wika sa pakikipag-usap.
 Ang wika ay nakabatay sa kultura.
- Nagkakaiba-iba ang wika nang dahil sa iba-ibang kultura.
3. Isa-isahin ang mga teoryang pinagmulan ng wika.
 Teoryang Biblikal
- Ginagawang magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan
at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
 Teoryang Bow-wow
- Ang wika ay mula sa panggagaya sa mga tunong ng kalikasan.
 Teoryang Ding-dong
- Sa pamamagitan ng mg atunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid
at kahalintulad ng Onomatopeya sa tayutay.
 Teoryang Pooh-pooh
- Mula sa tunog na biglang nabigkas ng tao dahil sa kaniyang emosyon o
damdamin, tulad ng pagkagulat, pagkasaya, at iba pa.
 Teoryang Yoheho
- Ang tao ay natutong magsalita bunga di umano ng kaniyang pwersang
pisikal.
 Teoryang Tata
- Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kaniyang ginagawa sa bawat
particular na okasyon ay ginaya ng dila at nagging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
 Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
- Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal.
 Teoryang Sing-song
- Ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,
panliligaw, at iba pang mga bulalas-emosyonal.
 Teoryang Hocus Pocus
- Maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
 Teoryang Eureka
- Ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong
tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.

You might also like