You are on page 1of 1

Patrick Lloyd Caparas

101B

Pabula

Ang bilin ng nanay na daga.

Isang batang daga ay sobrang takaw lahat ng makita niyang pagkain at hindi pagkain ay kinakain niya at
siya ay sobrang ligalig at ang tigas ng ulo hindi sumusunod sa kanyang magulang kahit pinagalitan na sya.

Isang araw nakatingin ang batang daga sa pagkain sa kalayuan at nagbabalak itong puntahan. Biglang
binilin ng nanay nya ito na huwag lalapit ang kahon na bakal na may na nakasabit na pag kain ( mouse
trap) “ Anak huwag kang lalapit at huwag na huwag kang papasok dun at kain ang pagkain”. Dagdag pa
ng nanay sa kanyang anak “laging ika’y sumunod sa aking bilin dahil para hindi ka mapapahamak”.
Ngunit sa halip na makinig ang kanyang anak ay wala itong kibo at patuloy pa rin nakatitig sa pagkain na
nasa bagal na kahon (mouse trap). Hindi mapakali ang batang daga dahil sa naamoy nyang mabangong
amoy ng pagkain at laging napapatanong sa kanyang sarili “Bakit pilit akong pinagbabawalan, ano ba ito
at bakit bawal itong lapitan?” “sa masarap na pagkain dapat hindi sinasayang” dagdag pa ng batang
daga.

Kinabukasan, sinilip ng kanyang anak na daga ang kahon na bagal at na gulat siya dahil nandun pa rin
ang pagkain, laking pagtataka niya na walang lumalapit na kapwa daga dito. Nang minsan wala ang
nanay niya ay dali dali nyang nilapitan ang kahon na bakal (mouse trap) at inobserbahan nya ito ng ilang
minuto habang nakatitig sa pagkain, itoy na akit, hindi napigilan na pumasok at kainin ang pagkain “ang
sarap sarap ng pagkaing ito, “buti nalang walang nakapansin nito sa mga kapwa daga ko” sabi niya
habang kumakain.

Habang kumakain sya ay biglang may malakas na pumitik sa bakal at nataranta siya, hindi nya alam ang
gagawin, bumilis ang tibok ng puso nya dahil nalaman niyang nakasarado na ang bakal at wala na syang
malalabasan “ naku! Paano na ito! Hindi nako makakalabas!, anong gagawin ko!?” takot nyang sabi.

Nginatngat nya ang bagal para makalabas sya hanggang sa mapagod siya napansin niya na mistulang
wala nangyare sa bagal. Sumigaw sya ng sumigaw (tulong! tulong! nandito ako sa loob! Nanay tulungan
moko!. Pero walang nakakarinig sa kanya kahit ni isang kapwa daga nya.

Sobra siyang nagsisi sa nagawa nya “Sana nakinig at sumunod nalang ako sa nanay ko.” iyak nyang sabi,
“magpapakabait nako at susundin ko lahat ng bilin ng nanay ko” dagdag pa nya pero huli na ang lahat.

Aral

Lagi tayong makinig sa mga payo, bilin, at aral ng magulang na tinuturo satin dahil ang mga ito ay para sa
ating ikakabuti at makaiwas sa mga kapahamakan.

You might also like