You are on page 1of 14

Ika-54 Pandaigdigang Araw ng Panalangin

para sa mga Bokasyon

Banal na Oras para sa mga Bokasyon


Panalangin sa Pagtatakipsilim

Ika-5 ng Mayo 2017


Arkidiyosesis ng Maynila

1
I. PAMBUNGAD
Pagtatanghal ng Santisimo Sakramento
Ilalagay ng pari ang Santisimo Sakramento sa Ostensoryo. Iinsensuhan ng pari ang Santisimo
Sakramento.

O Salutaris Hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilia,
Da robur fer auxilium.
Uni trinoque Domino
Sit sempiterna gloria
Qui vitam sine termino,
Nobis donet in patria. Amen.
Paanyaya sa Pagsamba
Pari:
Purihin natin ang Amang nasa langit,
pinagmumulan ng lahat ng pagpapala.
Bayan:
Purihin ang Diyos, magpakailanman.
Pari:
Purihin natin si Hesukristo, bukal ng lahat ng pagpapala.
Bayan:
Purihin ang Diyos, magpakailanman.
Pari:
Purihin natin ang Espiritu Santo,
Panginoon at ngbibigay-buhay.
Bayan:
Purihin ang Diyos, magpakailanman.

2
Pasimula
Pari:
Wika ng Panginoon, “Napakarami nang aanihin,
ngunit kakaunti ang mag-aani.
Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin
na magpadala ng mga mag-aani.”

Natitipon tayo ngayon upang tuparin


ang utos na ito ng Panginoon.

Pagpalain nawa niya ang buong simbahan,


lalo na ang arkidiyosesis ng Maynila,
nang maraming mga maglilingkod,
bilang mga pari, mga misyonero at reliyoso’t reliyosa.

Papagalabin nawa ng Espiritu Santo


ang ating mga puso
upang sundan natin ang panawagan ni Kristo
sa kabanalan, sa pagsunod sa kanya
at sa iba’t ibang paaraan ng paglilingkod
sa simbahan.

Tahimik na Pagsamba
Matapos ang maikling katahimikan pamumunuan ng pari ang pagdarasal ng Panalangin ng mga
Kristiyano sa Takipsilim.

3
II. PANALANGIN SA TAKIPSILIM
Awit
Maaring awitin ang “Here I am Lord” o iba pang angkop na awit. Pamumunuan ng koro ang pag-
awit. Matapos ang pag-awit uupo ang lahat para sa pagdarasal ng mga salmo.

Mga Salmo
Antipona 1:
Ang inyong Panginoon ay ako, na Tagapagligtas at
Manunubos ninyo, aleluya.
Salmo 135
Kanan:
Purihin ang Panginoon!
Ngalan niya ay purihin noong kanyang mga lingcod,
ng lahat ng lingkod niyang sa temple ay pumapasok,
upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos.

Kaliwa:
Ang Panginoon ay papurihan pagkat siya ay mabuti,
ang taglay n’yang kabaitan ay marapat sa papuri.
Siya rin nga ang humirang kay Jacob na kanyang lingcod,
ang Israel nama’y bansang hinirang n’ya at kinupkop.

Kanan:
Aking batid na ang Panginoon ay ang Diyos na dakila,
higit siya sa alinmang diyus-diyusang naglipana;
ang anumang hangad niya sa langit man o sa lupa,
at kahit sa karagatan, kung anumang kanyan nasa,
ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

Kaliwa:
Nilikha n’ya yaong ulap na laganap sa daigdig,
maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis;
sa kanya rin nagmumula yaong hangin umiihip.

Kanan:
Pinuksa n’ya sa Egipto yaong anak na panganay,
maging tao’t maging hayop ang panganay ay namatay.
Nagpamalas siya roon ng gawang kahanga-hanga,
upang kanyang pagdusahin si Farao’t kanyang bansa.

4
Kaliwa:
Marami rin naman siyang winasak na mga bansa,
at maraming mga haring pawing bantig ang pinuksa.
Yaong haring Amorreo na si Sehon ang pangalan,
at ang haring ang ngala’y Og, isang haring taga-Basan,
at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan.
Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam,
ibinigay sa Israel, ang bayang kanyang hiranfg.
Kanan:
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kaliwa:
Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang-hanggan.
Amen.
Antipona:
Ang inyong Panginoon ay ako, na Tagapagligtas at
Manunubos ninyo, aleluya.

Tahimik na Pagsamba
Maglalaan ng ilang saglit para sa tahimik na pananalanin at pagsamba.

5
Antipona 2:

Pinagpala ang kaharian ni David na ating ama na dumating


sa atin, aleluya.
II
Kanan:
Ikaw, Panginoon, kikilanling Panginoon na siyang Diyos.
Ang lahat ng nilikha mo ay hindi ka malilimot.
Ikaw nama’y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod,
ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos.
Kaliwa:
Ang diyos ng mga bansa’y ginawa sa pilak-ginto,
mga kamay nitong tao ang humugis at bumuo.
Oo’t mayron silang bibig, hindi naman maibuka,
mga mata’y mayroon din, hindi naman makakita;
Kanan:
Mayron din silang tainga, ngunit hindi makarinig,
hindi sila humihinga, salatin man yaong bibig.
Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala,
matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!
Kaliwa:
Ang Panginoon ay papurihan, purihin s’ya ng Israel,
maging kayong saserdote sa Diyos ay magpuri din.
Ang Panginoon ay papurihan, kayong lahat na Levita,
lahat kayong natatakot ay magpuring sama-sama.
Kanan:
Ang Diyos na nasa Sion ay sambahin at purihin,
ang Panginoon ay papurihan, sa templo sa Jerusalem.
Kaliwa:
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kanan:
Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang-hanggan.
Amen.
Antipona:

Pinagpala ang kaharian ni David na ating ama na dumating


sa atin, aleluya.
Tahimik na Pagsamba
Maglalaan ng ilang saglit para sa tahimik na pananalanin at pagsamba.

6
Antipona 3:
Sa Panginoon ay mag-awitan; dakila siya sa kanyang
tagumpay, aleluya.

Awit: Pahayag 15:3-4


Kanan:
Panginoon Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa, matuwid at totoo ang iyong mga daan!

Kaliwa:
Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?
Sino ang tatanging magpahayag ng iyong kadakilaan?
Kanan:
Ikaw lamang ang banal!
Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo,
sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.
Kaliwa:
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kanan:
Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang-hanggan.
Amen.
Antipona:
Ang Panginoon ay aking lakas; lagi ko siyang pupurihin
Sapagkat siya’y naging aking Tagapagligtas, aleluya.

Tahimik na Pagsamba
Maglalaan ng ilang saglit para sa tahimik na pananalanin at pagsamba.

Matapos ang saglit na katahimikan tatayo ang lahat at aawitin ang Aleluya bilang pagpupugay sa
pagpapahayag ng Mabuting Balita.

7
Pagpapahayag ng Mabuting Balita
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At Sumaiyo rin.
Pari:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Bayan:
Papuri Saiyo Panginoon.

Kinabukasan, minabuti ni Hesys na pumunta ng Galilea.


Nakita niya si Felipe, at sinabi rito, “Sumunod ka sa akin.” Si Felipe’y
taga-Betsaida, tulad nina Andres at Pedro. Hinanap ni Felipe si
Natanael at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret,
ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa
Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May magmumula bang
mabuti sa Nazaret?” tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t
tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan


ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hinde magdaraya!”
Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si
Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay
nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos!
Kayo ang hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus,
“Nanampalataya k aba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa
ilalim ng puno ng igos? Makakakita ka ng mga bagay na higit kaysa
rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong
bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos at manhik-manaog sa
kinaroroonan ng Anak ng Tao!”
Pari:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan
Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.
Homilya
Magbibigay ang pari nang maiksing pagninilay. Sa halip na homilya, maaring basahin ang
bahagi ng isang paninilay ni San Juan Pablo II, papa.

8
Mula sa pagninilay ni San Juan Maria Vianney

Sino ba ang pari? Isang tao na kumakatawan sa Panginoon, isang taong


daluyan ng kapangyarihan ng Diyos. “Humayo ka,” sabi ng Panginoon
sa mga pari, “kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko kayo.
Lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ipinagkaloob sa akin.
Humayo kayo at ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng bansa. Ang
sinumang nakikinig sa inyo’y nakikinig din sa akin. Ang namumuhi sa
inyo’y namumuhi sa akin.”

Kapag nagpapatawad ng kasalanan ang pari, hindi niya sinasabi


“Pinatatawad ka ng Panginoon;” sinsabi niya “Pinapatawad ko ang
iyong mga kasalanan.” Sa Konsekrasyon, hindi niya sinasabing “Ito ang
Katawan ng ating Panginoon;” sinasabi niya “Ito ang aking Katawan.”

Kung walang Banal na Orden, hindi natin mararanasan ang pananatili


ng Panginoon. Sino ba ang naglagay sa Panginoon sa tabernakulo sa
altar? Ang pari. Sino ba ang tumanggap sa iyong kaluluwa sa pagpasok
nito sa bagong buhay sa binyag? Ang pari. Sino ba ang bumubusog sa
inyo upang lumakas sa paglalakbay? Ang pari. Sino ba ang
maghahanda sa inyo sa pagharap sa Diyos sa pagdadalisay sa kaluluwa
mo sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo? Ang
pari – laging ang pari. Sa pagharap sa kamatayan, sino ang
magpapapanatag ang magdudulot ng kapayapaan sa inyong kaluluwa?
Muli, ang pari. Walang biyaya mula sa Panginoon na maalala natin na
hindi kasama ang pari.

Tahimik na Pagsamba
Maglalaan ng ilang saglit para sa tahimik na pananalanin at pagsamba.

9
Papuring Awit ni Maria
Antipona:

Ang ating Panginoong ipinako sa krus at muling nabuhay,


ang siyang tumubos sa atin, aleluya.

Ang puso ko’y nagpupuri,


nagpupuri sa Panginoon
nagagalak ang aking espiritu
sa ‘king tagapagligtas.

Sapagkat nilingap niya


ang kababaan ng kanyang alipin
mapalad ang pangalan ko
sa lahat ng mga bansa.

Sapagkat gumawa ang poon


ng mga dakilang bagay;
banal sa lupa’t langit
ang pangalan ng panginoon.

At kinahahabagan niya
ang mga sa kanya’y may takot
at sa lahat ng salinlahi
ang awa niya’y walang hanggan.

At ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig


at ang mga palalo’y pinangalat ng panginoon.

Ibinulid sa upuan ang mga makapangyarihan;


itinampok, itinaas ang mga mababang-loob.
At kanya namang binusog
ang mga nangagugutom;
pinaalis, walang dala
ang mayamang mapagmataas.

Luwalhati sa Ama sa Anak at ‘Spiritu Santo


kapara noong unang-una
ngayon at magpakailanman.
Antipona:

Ang ating Panginoong ipinako sa krus at muling nabuhay,


ang siyang tumubos sa atin, aleluya.
10
Panalangin Pangkalahatan
Pari:
Si Kristo ang daan, ang katotohanan at ang buhay.
Papurihan natin siya at sabihin:
Bayan:
Magsugo ka nang mga manggagwa sa iyong anihan
Lektor:
Dumadalangin kami sa iyo, Panginoong Hesukristo,
para sa lahat ng mga naglilingkod sa iyong Simbahan,
sa kanilang paghahati para sa amin ng tinapay ng buhay,
sila rin nawa’y nakatanggap ng kalusugan at lakas. (Tugon)
Lektor:
Dumadalangin kami para sa buong sambayanang Kristiyano
upang ang lahat ay maging karapatdapat sa kanilang pagtawag,
at pangalagaan ang kanilang pagkakaisa sa Espiritu
sa pamamagitan ng bigkis ng kapayapaan. (Tugon)
Lektor:
Dumadalangin kami para sa mga Kristiyanong pamilya
at tahanan upang maging lugar
kung saan ang mga binhi ng bokasyon
ay tutubo at lalago sa pamamgitan
ng kanilang pananampalataya at pagmamalasakit. (Tugon)
Lektor:
Dumadalangin kami para sa mga kabataan
upang makatagpo nila si Kristo
bilang inspirasyon at kahulugan ng kanilang buhay
nang sila’y maging daluyan
ng kanyang pag-ibig para sa lahat. (R)

Lektor:
Dumadalangin kami para sa mga kabataan
upang sila ay pagkalooban ng Espiritu Santo
ng karunungan at lakas ng loob
nang makita nila at makatugon sila
sa iba’t ibang tawag ng paglilingkod sa simbahan
lalo na sa paglilingkod bilang mga pari,
mga relihiyoso’t relihiyosa, manalangin tayo: (R)

11
Pari:
Buong pagtitiwala tayong tumawag sa Ama
sa paraang itinuro sa atin ng Panginoong Hesus.

Ama Namin…

Pangwakas na Panalangin
Pari:
Ama naming makapangyarihan,
ipagkaloob mong sa aming pagkilala
na ang iyong Anak para sa ami’y nabuhay talaga
kami nawa’y maging kasalo niya
pakundangan sa pag-ibig
ng Espiritung kanyang padala
sapagka’t siya ang Tagapamagitan
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

12
III. BENDISYON NG SANTISIMO SAKRAMENTO
Tantum ergo Sacramentum
veneremur cernui:
et antiquum documentum novo cedat ritui.
Praestet fides supplementum sensuum defectui.

Genitori, Genitoque
Laus et jubilatio, salus, honor, virtus quoque
sit et benedictio: procedenti ad utroque
comparsit laudatio. Amen.
Iinsensuhan ng pari ang Santisimo Sakramento. Matapos ito, tatayo siya para sa panalangin.

Pari:
Panem de caelo praestitisti eis.
Bayan:
Omne delectamentum in se habentem.
Pari:
Oremus:

Deus
qui nobis sub sacramento mirabilis,
passionis tuae memoriam reliquisti:
tribue quaesumus,
ita nos corporis et sanguinis tui
sacra mysteria venerari,
ut redemptionis tuae fructum
in nobis iugiter sentiamus.
Qui vivis et regnas in saecula saeculorum.
Bayan:
Amen.
Igagawad ng pari ang bendisyon ng Santisimo Sakramento.

13
ANG PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang banal na Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang puso.
Purihin ang kanyang kamahal-mahalang dugo.
Purihin si Hesus sa Santissimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang dakilang ina ng Diyos, si Maria, santissima.
Purihin ang kalinis-linisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-akyat sa langit kay Maria.
Purihin si Maria, birhen at ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at mga santo.

Ibabalik ng pari ang Banal na Sakramento sa tabernakulo, habang umaawit ang sambayanan.

14

You might also like