A Miracle

You might also like

You are on page 1of 159

A Miracle

By peachxvision

She.s not your ordinary lady,

And she.s no normal girl.

But she.s everything to me...

�My one and only dearest miracle.

Prologue

Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko.
Gusto ko lang talaga ikwento
yung maikli naming storya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago.

Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko.

Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga palang tawag
jan? Ayun. Oxymoron. Sa
totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at
si lalake sa isang telenobela,
ang masaklap, tapos na yung kwento.

Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan.

Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa kin. Hawak hawak ko yung
laptop at heto, nagtatype.
Andito parin yung isa sa mga himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na
nahuhulog yung mga talulot
niya. Ang nakakapagtaka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung mga talulot
niya.

Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga� naghihintay parin siya.


Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy� pero may magic, na
kung tawagin niya ay himala.
Bakit?

Di ko rin alam eh.

At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa.

***

CHAPTER 1

[The Living Doll]

Bagong lipat lang kami ng bahay. Palipat-lipat kasi kami. Nagiipon sina mama at
papa para sa isang bahay.
Apartment apartment lang nung una hanggang sa nakaipon. Eto, nakabili na kami ng
isang napakagandang bahay
sa isang napakagandang village.

Nagaayos kami ng gamit, kami ng kapatid ko inuna namin yung sa kwarto namin. Sina
mama at papa pinapabuhat
yung mga sofa dun sa mga nagbubuhat ng mga gamit. Basta, yun na yun.

Maya maya, biglang nagring cellphone ko.

�Hello?�

�Nathan!�

�Sino to?!�

�Tae ka ha. Hanggang ngayon ba di mo parin kilala boses ko?! Ethan to!�

Si Ethan yung pinaka �pare� ko mula pa grade school. Kasama sa trip. Kasama sa
kalokohan at kawalangyaan.
Halos ipagpalit na kami ng mukha ng mga taong nakakakilala sa amin. Sa pangalan pa
lang, nakakalito na kaming
dalawa.
�Nakalarga na kayo?!�

�Oo. Nagaayos na kami ni Gerald ng gamit.�

�Punta ko jan.�

�Sige.�

�Andito na ko.�

�Sabi na nga ba. Anak ka talaga ng hopia oh.�

�Anak ako ng nanay ko. Sige sayang load ko. Lumabas ka na.�
�Ikaw tong tumawag eh. At saka, load?! Nanay mo naman nagbabayad ng linyang yan.
Sige. Baba ko na.�

Bumaba ako. Dinatnan kong nagaayos ng merienda si mama. Nalaman sigurong andito si
Ethan.

Pag labas ko, ayon, nakikipagusap kay dad.

�Naks tol. Ganda ng bahay ah.�

�Magaling lang talaga magulang ko.�

�Tara, basketball tayo.�

�Langya ka. Kita mong nagaayos ako ng gamit eh.�

�Pumunta pa naman ako dito!�

�Di ka man lang nagtext. Sinong tanga?!�

�Ikaw.�

�Hinayupak ka.�

�Sige, punta lang ako kena JR.�

�Sino yun?�

�Taga dito din, na di mo kilala. Text ka pag tapos ka na. Punta kang basketball
court pagtapos mo.�

�Tae ka. Parang ang tagal ko na dito ah.�

�Magbike ka. Lapit lang yun dito. Sige lis. na ko tol.�

Tapos ginawa na namin yung apir namin.

Bumalik ako ng bahay at nagayos ulit ng kwarto. Mga 4:00 na ko natapos. Naligo ako
saglit tapos nagpaalam na ko
kena mama na hahanapin ko yung court.

Kinuha ko yung bike at umalis.

Ang ganda ng village na to. Sa sobrang daming puno, sigurado akong wala akong
poproblemahin sa baha at sa
kung anuman.

Pero may isang lugar dun sa village na to na napatigil ako. May slope, at sobrang
ganda nung nakatanim na�
damo? Basta yun. Masarap humiga. Maraming puno ng Acacia dun sa nakita kong lugar,
tapos may swing at
monkey bars.

Tumigil ako at pinark yung bike ko dun sa may puno. Hay. Sarap ng hangin. Tumingin
ako sa langit. Ganda ng
ulap. Ano nga bang tawag dito? Cumulus Clouds? Basta yun na yun. Hindi nakakasunog
ng balat yung araw. Tama
lang.

Eto na ata ang �haven. ko.

Napahiga ako sa sobrang ginhawa ng nararamdaman ko. Kasabay ng paghiga ko ang


pagpikit ng mga mata ko.
Ang sarap alalahinin lahat ng mga nangyare mula sa pagkamulat ko hanggang sa
dahilan kung bat ako nandito.

Dumilat ako at�

WOAH!!!

Nagulat ako sa nakita ko. Bawal sabihin. Pero ayun nga, sa sobrang gulat napatayo
ako at napatingin sa taas.
Saktong pagtingin ko sa taas�

BAM.

Nalaglag yung tao�OO. TAO.

Ang sakit nung pagkabagsak niya sa kin kasi inupuan niya ko. Ako naman, akala ko eh
bata lang ang bumagsak sa
kin kasi magaan naman siya kahit papano. Pagkadilat ulit ng mga mata ko�
Isang manika.

Manika lang pala.

�Salamat.�

Ah, isang nagsasalitang manika.

Ngiti.
Tumaas lahat ng balahibo ko. HINDI SIYA MANIKA. TOTOONG TAO SIYA. Parang nakita ko
na siya� hindi ko lang
matandaan kung saang lupalop ko siya nakasalubong.

Nakalugay yung maitim niyang buhok sa likod niya na parang hindi siya nalaglag.
Wala kang makikitang balat sa
noo niya dahil takip na takip ng bangs. Ang suot niya? Isang itim na doll dress.
Yung may napakalaking ribbon sa
gilid na sobrang daming lace. Doll shoes din yung sapatos niya, yung pang
elementary ba. Yung headband niya
pang manika din.

MANIKA NGA.

�ano ba miss! Magpapakamatay ka ba? Hindi ka naman mamamatay sa pagtalon jan eh.
Mapipilay ka lang!�

�hindi. Sinusubukan kong patuluin yung luha ko. Eh ayaw, nakabara sa mata. Kaya
sinubukan kong tumalon, baka
malaglag. May naramdaman ka bang basa?�

Ha? Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya. Una sa lahat, dahil walang
sense. Sinong tatalon sa puno
para lang mahulog yung luha niya?

Tumayo yung babae. Di ko alam kung pano sasabihin� pero muka talaga siyang manika.
O� manikin? Ang puti
puti niya. Nakikita ko na nga yung veins sa leeg niya. May ganito palang taong
nageexist.

Inabot niya yung kamay niya para itayo ako. Kung tutuusin, mabait naman siya. Kung
pagbabasihan ko sa pisikal
na kaanyuan, tahimik siya.

Hinawakan ko yung wrist niya, sasabihin ko sana na masarap naman mabuhay. Kaso
pagtingin ko, ang dami
niyang hiwa sa kamay. Halatang madaming beses na niya binalak magpakamatay.

�Akala ko ba di ka magpapakamatay? Bakit ang daming hiwa? Matakot ka naman sa


Diyos. Masarap mabuhay.�
�Hindi ako yung may gawa nung mga hiwa na yan. Isa lang yung akin dahil inutusan
ako. Yung iba, hindi ako yung
may gawa. Pano mo nalaman na masarap mabuhay kung di ka pa naman namamatay?�

Sa pananalita niya, alam kong isa siyang�pessimist. At kung totoo yung sinabi niya
tungkol sa mga hiwa na to,
ibig sabihin masokista siya.

�Isa pa, nabubuhay ako kahit na patay ang turing sa kin.�

�Miss, may kakapitan ka pa. Wag kang ganyan��

�Sa totoo lang� wala na.�

�Meron pa. Impusible namang wala kang kaibigan��

�Wala nga.�

�Pamilya?�

�Wala din�siguro.�

�Ha? Pano ka nabubuhay?�

�Gusto mo ba malaman muna ang pangalan ko bago ka magtanong sa kin ng ganyan?�

Napatulala ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Hindi ko pa naitatanong yung pangalan
niya.

�Ako si Nathan. Sorry kung��

�Ako si Mary.�

Hindi ko ba alam kung mamamangha ako o matatakot sa kanya dahil sa paraan kung pano
siya ngumiti. Maliit lang
yung mga labi niya pero pink na pink, yung sa manika nga. Pero ang pinakanapansin
ko talaga ay yung mga mata
niya. Sobrang ganda. Ang haba ng mga pilik mata niya. Kung hindi ko siya nakita ng
malapitan, masasabi kong
naka mascara at eyeliner siya. Sa sobrang ganda ng mga matang yun, parang pwede ka
na magsalamin.

Ngumiti siya ulit.


�Sa susunod ulit Nathan. Masaya akong nakilala kita.�

Kumaway siya tapos ngumiti ulit. Hindi ko napansin na may hawak hawak siyang isang
teddy bear. Yakap yakap
niya yun habang lumalayo siya sa kin.

***

CHAPTER 2

[Entrance]
Umpisa na ang pasok, pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung araw na
nakita ko yung manikang
yun.

Hindi ko alam. Meron sa kanya na binabagabag ako. Siguro dahil narin, psychology
ang course ko kaya gusto kong
tuklasin kung ano man yung nasa likod ng ganung ugali niya. Uh�ang ibig kong
sabihin, wala naman siyang
masamang ugali pero� hindi ko alam. Alam kong may mali sa kanya. Halata naman diba?

Pumasok ako sa school, first day pa lang naman ng sophomore year ko. Walang mga
prof na pumasok, bad trip
dahil sayang pamasahe. Hindi kami magkauniversity ni Ethan, dun siya sa kapit bahay
ng school ko. Ayos lang,
mayaman naman yun.

Umuwi ako ng bahay na pagod. Gusto ko tuloy ulit magbakasyon. Humiga ako sa kama,
binuksan yung aircon at
yung laptop ko, maglalaro na lang siguro ako.

Binuksan ko yung social networks ko para tingnan kung may mga message tapos saka ko
binuksan yung lalaruin
ko. Online pala sa Ethan kaya ayon, bumuo kami ng grupo saka naglaro. Nagimbita
muna siya ng mga pwede,
madami naman yun kakilala. Syempre kanya kanya kaming username.

Nung naguumpisa na kami ng laro, may isa sa amin, ang username: dollface. Bigla ko
tuloy naalala yung babaeng
una kong nakasalamuha sa village na to. San kaya siya nakatira dito? Naalala ko
bigla na socialite nga pala tong si
Ethan at halos tambay na siya dito kasi nasa kabilang village lang naman siya, eh
andito yung mga ibang ka-liga
niya. Pagkatapos naming maglaro, pinag-online ko siya.

�Tol, tambay ka dito diba?�

�O, baket?�

�May nakita ka na bang babae dito na��

�Sexy? Oo madami.�

�Patapusin mo nga ako! Hindi. Babaeng mukhang manika.�

�Manika?�
�Oo. Isang babaeng ubod ng puti na pwede na magcamouflage sa white paint. Tapos may
suot na parang pang
baroque na��

�Tae tol. Si Rebecca?�

�Rebecca?�

Rebecca? Pero ang pagpapakilala niya sa kin ay Mary, di ba?

�Oo. Yun yung gumagalang multo jan sa village niyo. Siya ba yung laging may hawak
na teddy bear? Tatlo tawag
sa kanya jan eh. Mangkukulam, the walking manikin at saka voodoo doll.�

�Seryoso ba yung multo siya?�

�Ewan ko. Para kasi siyang multo, pero nakikita ng lahat ng tao.�

�Bakit daw siya ganun?�

�Ba malay. Weirdo no.�

�Nakita mo na siya?�

�Oo. Daming beses na. Lagi yun nasa park. Bahay niya ata yun eh. Bat mo nga pala
natanong?�

�Naalala ko lang dahil kay dollface.�

�Sino yun?�

�yung kalaro natin kanina. Nakita ko kasi yung babaeng yun nung unang araw na
lumipat kami.�

�yung nagbasketball tayo?�

�oo. Nakalimutan kong ikwento.�

�anong sabi sayo?�

�uh�wala. Para kasing, nakita ko na siya. Di ko alam kung saan.�

�Tsk. Siya na yan.�

�Anong siya na yan?�

�Yung nakatadhana sayo.�

�Tigilan mo ko tol kung gusto mo pa mabuhay!�

Di ko parin maisip. Alam kong nakita ko na siya� hindi ko lang talaga alam kung
saan.
Nung susunod na araw, may mga prof na. Kahit boring sila, at least hindi nasayang
ang pamasahe ko. Pero
sobrang boring nung dalawa sa apat kong prof na inattendan ngayong araw kaya kung
cacalculahin, meron akong
3 hours na tulog sa oras ng pasok.

Bumalik ako sa building ng college ko, titingin lang sana ng mga�ahem�kung sakaling
may mga magagandang
freshmen. Titingnan lang naman. Bumisita din ako sa org ko at ayun. Tawanan.
Bumili ako sa isang malapit na cafeteria ng softdrinks at ng pagkain, panglamon sa
org. Nagulat ako nung may
nakita ko siya na nakaupo magisa sa may mesa. Sinong siya? Sino pa ba.

�Oi.�

Tumingin siya sa kin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Di ko maisip na makakagawa
ang Diyos ng isang
nilalang ng ubod ng ganda yung mga mata. Ang cute niya. Cute� pero weirdo.

�Ano ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang?�

�Nagpasa ako ng mga papers. At, oo mag-isa lang ako.�

�Papers? Para san?�

�Leave.�

�Bakit ka magleleave? Leave na ano?�teka. Ibig sabihin, dito ka nagaaral?�

�Oo. Third year na dapat ako. Dito ka din pala.�

Ayun. Naalala ko na kung san ko siya nakita.

�College of music ka?�

�Oo. Bachelor of music major in voice-theater and dance. Pano mo nalaman?�

Ayun natatandaan ko na kung saan ko siya nakita. Siya yung bida dun sa inattendan
naming play last year dun sa
isang subject ko dahil sa requirement. Kaso� natulog lang ata ako dun eh. Wala na
akong matandaan. Andun pa
ko sa parte ng auditorium na wala kasing laki lang ng langgam yung mga mukha ng mga
characters.

�Sabi na nga ba. Nakita kita sa isa sa mga tarpaulin dun sa may college niyo.
Nagperform ka na pala.�

�Oo. Sabi ng prof.�

�O, e di marami ka nga kakilala�bat sabi mo��

�wala nga. Kinakausap lang ako ng mga tao pag may performance.�
�Ate ka pala. Third year ka na.�

�Ilang taon ka na ba?�

�19 pa lang ako.�

�mas bata pala ako sayo. 17 pa lang ako.�

17? Ibig sabihin, 15 years old siya nung pumasok siya ng college? Niloloko ba niya
ko?

�Sige, aalis na ko.�

�Teka!�

�Ha?�

�U�uwi narin ako. Sabay na tayo.�

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yung mga salitang yun. Hindi naman siguro masama
na samahan siya,
maganda din yung may kakilala sa village niyo, at maganda din yung may kakilala na
parehas ng university. Kung
third year na siya, dapat may alam na siyang mga subject na madaling kunin. Diba?

Nakasabay na kami pareho ng jeep. Siyempre gentleman din naman ako. Kahit na siya
na ang pinakaweirdong
babaeng nakilala ko, dapat maging maganda parin pakikitungo ko sa kanya.

�Ako na magbabayad.�

�Salamat.�

Nagbayad na ako para sa aming dalawa. Magkatapat kaming dalawa, pareho kaming nasa
dulo ng jeep. Pero kahit
nasa iisa na kaming jeep at kahit magkatapat pa kami, hindi man lang niya ko
nilingon para kausapin ako.

Bumaba na kami. Sasakay na sana ako ng bike ko na pinark ko dun sa may gate at
sasabihin sana na �gusto mong
sumabay.. Pero nung pagkakita ko, ang layo na niya sa kin. Grabe, ang bilis niyang
maglakad.
�Ui! Mary!�

Hindi siya lumingon kaya binilisan ko yung takbo ng bike ko. May mali ba akong
nasabi? Naging masama ba ako?
Hindi naman sigurong masama na kilalanin ko siya� diba?

�Gusto mo makisakay?�

�Hindi na, maglalakad na lang ako.�

�P�pero pwede ka namang��

�Gusto mo ba talagang pumasok sa buhay ko?�


Napatigil ako. Di ko akalain na may magtatanong sa kin ng ganun. Sa totoo lang, di
ko alam kung anong isasagot
ko� bakit nga ba ako pumasok sa buhay niya?

***

CHAPTER 3

[Rose seeds]

Ngiti.

Ngumiti siya tapos naglakad na. Ako naman, napatigil lang sa sobrang� hindi ko rin
alam. Basta napatigil na lang
ako. Bakit ko nga ba siya kinakausap? Eh pwedeng hindi naman?

Bumalik ako ng bahay. Hindi ko rin alam. Ang sama sa pakiramdam na sabihan ka ng
ganon. Ako na nga tong
kumakausap sa kanya. Buti nga may kumakausap pa sa kanya eh!

Hinintay ko mag gabi. Nagulat nga ako dahil wala pa yung mga magulang ko at yung
kapatid ko. Siguro
naglakwacha nanaman yun. Haynako. makapaglaro na nga lang ng�

DING DONG.

Nagulat ako nung may nagdoorbell. Yun kaya yung bago naming katulong? Ang sabi ni
dad next week pa naman
dadating. Wala naman akong narinig na sasakyan kaya alam kong hindi yun sina mama.
At lalong hindi yun si
Gerald dahil hindi yun marunong kumatok. Dahil wala pang tao sa bahay kundi ako,
siyempre ako yung bumaba
para buksan yung gate. Sino kaya to?

�Hi.�

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung papapasukin ko ba siya o kung
itataboy ko siya palabas. Pero,
bakit ko siya itataboy�o papapasukin?

�Uh�anong ginagawa mo dito? At saka, pano mo nalaman yung bahay ko?�

�May ibibigay lang ako sayo. At saka, nakita ko yung bike mo sa labas, kaya inakala
ko na ito na ang bahay mo.�

�Ano to?�

�Isang kahon.�

�Alam kong kahon to. Ang ibig kong sabihin, anong laman nito?�

�Alam mo yung salitang bukas?�

�Oo. Dalawa ang ibig sabihin nun.�

�Mali. Ang sabi ko, bukas at hindi bu-kas.�

Napahiya ako dun, pero tama naman siya. Naramdaman kong gusto niyang buksan ko yun
sa harap niya kaya
binuksan ko naman yung kahon.

�Ano to?�

�Alam mo yung salitang buto?�

�Oo alam ko. Anong klaseng buto?�

�Pinakuluang buto ng rosas.�

Buto ng rosas?

Una sa lahat, ngayon lang ako nakarinig na may buto pala ng rosas dahil ang
pagkakaalam ko, grinagraft lang yun
ni mama. Pangalawa, bakit niya to binibigay sa kin? Pangatlo, kung gusto niyang
itanim ko to, bakit niya ko
binigyan ng pinakuluang buto?

�Hyrbid tea rose pala.�

�Teka�bat mo ko binibigyan ng ganito?�

�Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan kitang
guluhin mo ang buhay ko, at
guguluhin ko din naman ang buhay mo.�
Hindi ko makuha yung sinabi niya. Siyempre, siya tong lamang. Natural lang na hindi
tumubo tong mga to dahil
pinakuluan yung mga buto.

�Niloloko mo ba ko?�

�Hindi.�

�Eh bakit��

�Naniniwala ka ba sa mga himala, Nathan?�


�H�ha? Bakit mo naman naitanong?�

�Wala naman. Sige, itanim mo na yan� simula ngayon, pinapayagan na kitang pumasok
sa buhay ko.�

Ngiti.

Nakita ko nanaman siyang naglalakad papalayo sa kin, samantalang ako, hawak hawak
ko yung kahon na may
mga pinakuluang buto ng hybrid tea rose�daw.

Ano namang gagawin ko dito?

Sinara ko yung gate tapos pumunta ako sa likod ng bahay. Dun kasi nakatanim yung
mga halaman ni mama.
Nakita ko na may bakanteng lupa pa kaya dun ko na lang kinalat yung binigay niya sa
kin.

Pumunta ulit ako sa kama at dun, humiga ako. Hindi ko alam, ano bang mangyayare sa
susunod? Nagbuntong
hininga ako. Bakit nga ba naman kasi ako� pumasok ako sa buhay niya?!

Yung susunod na araw, hindi ako masaydong mapakali dahil� ewan ko ba. Hindi ko pa
talaga naisasaloob yung
mga sinasabi ng babaeng yun. Hindi ko alam kung nanakot o nakikipagkaibigan.

At dahil sa hindi ako masyadong mapakali, hindi ko na mapigilang pumunta dun sa


park na una kaming nagkita.
Kakausapin ko lang dahil nagiging laman na siya ng utak ko. Hindi sa gusto ko siya
o ano. Ayoko lang talaga na
may gumagambala sa kin.

Kinuha ko yung bike ko. Nung malapit na ko, dun lang ako nakatingin sa side ng
park. Nakita ko, wala siya kaya
inisip kong bumalik na lang ng bahay. Pagharap ko�

�MISS TABI!�
Pero kahit ganon ang sinabi ko, ako parin ang tumabi. Kaya boom. Ako ang bumangga
sa may sidewalk. Ano pa
nga ba? Siyempre nagkasugat ako sa may tuhod.

�Aray ko tae.�

�Okay ka lang ba?�

�Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o.�

�Salamat.�

Eto nanaman. Nagpapasalamat siya. Hindi ba dapat ang sinasabi niya ay sorry at hind
salamat? Adik talaga tong
nilalang na to. Hindi na siguro ako dapat maging mabait sa kanya� kasalanan naman
niya.

�Ikaw nga tong may kasalanan, hindi ka man lang magsorry.�

�Hinahanap mo ba ko, kaya ka hindi nakatingin sa daan?�

Boom. Tumama sa kin yun. Oo nga naman, may kasalanan din ako. Pero kahit na. Sana
man lang nung sinabi
kong tumabi siya, tumabi nga siya.

�San ka naman nakakita ng sisigaw ng �miss tumabi ka. na halos kalahating metro na
lang ang layo niyo?�

�Sana man lang tumingin ka sa dinadaanan mo kung may sasakyan ba o wala��

�Pedestrian lane yung dinadaanan ko, kaya wala akong kasalanan. Yung sasakyan dapat
ang maghintay para
makatawid yung tao sa kabilang dulo ng kalsada.�

Pedestrian lane? Sa isang village?

Tiningnan ko, aba! Meron nga. Ang weirdo. Ngayon ko lang nakita kahit na dumaan na
ko dito. Village? May
pedestrian lane? Sino namang ewan ang gagawa nun diba?

�Ang walastik.�

�Ganon talaga ang buhay. Minsan, hindi mo alam na may nageexist pala na ganun.�
Malaman yung sinabi niya. Sabagay, oo nga naman. Ni hindi ko nga akalain na may
nageexist pala na tulad niya.
Bumaba siya para tingnan yung sugat ko. Tapos may kinuha siya dun sa bag niya.

Bulak at alcohol.

�Anong gagawin mo?!�

�Gagamutin kita.�

�Ayoko! Ayoko ng alcohol! Betadine na lang.�


Tumawa siya.

Eto ata ang unang beses kong nakitang tumawa siya. Natural, eto palang yung
pangatlo naming pagkikita na
magkakilala. Pero ewan ko ba, parang ako ata ang unang taong nakita siyang tumawa
ng ganito.

�Bat ka nakatingin?�

�W�wala.�

�Kung nagulat ka dahil nakita mo kong tumawa, ayos lang. Matagal narin akong hindi
tumatawa.�

�Ah� ganon ba�aray!�

Tapos hinipan niya yung sugat ko na nilagyan niya ng alcohol.

�Maghugas ka pagdating mo sa bahay. Eto, bandaid.�

Bago siya tumalikod, inabot niya yung kamay niya at tinayo niya ko� sa ikalawang
beses. tinayo niya din yung
bike ko tapos ngumiti siya ulit. Napatulala lang ako sa ginawa niya. Hindi ko alam
kung bat siya kinakatakutan dito
sa village eh isa na ata siya sa mga pinakamabait na nakasalumuha ko.

�Ingat ka.�

Dumerecho na siya dun sa swing. Ako naman, nakatingin parin sa kanya. May nakita
akong mga bata na papalapit
sa kanya. Nagbubulungan. Ikinagulat ko nung isa sa kanila nagbato ng isang� bato.

Tawa sila ng tawa tapos sumigaw yung isang batang babae ng� hindi ko alam kung
bakulaw o halimaw. Pero alin
man sa dalawa, hindi parin magandang pakinggan.

�Hoi! Tama na nga yan! Mga bata pa lang kayo nanakit na kayo!�
Tumatawang lumalayo yung mga bata. Ako naman lumapit sa kanya. Nagulat ako nung may
tumutulong dugo sa
may ulo niya. Napatakbo ako papunta sa kanya.

�Okay ka lang ba?!�

�Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o.�

Tapos ngumiti siya.

Dun ko lang napansin na yun yung eksaktong sinabi ko kanina nung nasugatan ako.
Kinuha ko yung alcohol at
yung bulak sa bag niya at hinanap yung sugat sa may ulo niya.

***

CHAPTER 4

[Behind Her Smiles]

Umuwi ako ng maaga para magluto. Oo. Magluto.

Nagluto ako ng 2 hotdog tapos nilagay sa isang baunan. Kinuha ko yung isang yakult
na babaunin sana ni Gerald
para bukas. Kinuha ko yung bike ko at pumunta sa park.

Halos isang linggo narin kaming ganito.

Nakilala ko narin siya ng mas malapit. Nalaman ko na isang beses sa loob ng


dalawang linggo, pumupunta yung
mama niya sa bahay nila para magiwan ng mga groceries. Kaya pala natitiis niya ang
ganong pamumuhay.

�O eto.�

�Diba sabi ko sayo wag mo na ko baunan?�


�Ayoko.�

�Pinagalitan ka na ng mama mo kahapon at nung isang araw.�

�Hayaan mo sila.�

�Ayos lang naman.�

�Mula nung sinabi mo sa kin na isang beses ka lang sa isang araw kumakain, nangako
na ko na babaunan kita.
Kahit man lang dalawang beses sa isang araw ka kumakain.�

�Sinabi mo din yan kahapon.�

�Pati yan, sinabi mo din kahapon.�


Tapos ngumiti siya. Ewan ko ba. Sa tuwing ngumingiti siya, pakiramdam ko ako na ang
pinakamabait na tao sa
buong mundo. Hindi ko rin alam kung bat ko to ginagawa.

RING.

�Hello?�

�Tol san ka?�

�Bakit?�

�Basket tayo.�

�May ginagawa ako.�

�Grabe naman. Nung isang linggo ganun din ah. Sige na.�

�Pasensya ka na pero��

�Hello, Nathan?�

Nung narinig ko yung boses na yun, napatigil ako. Alam ko kung kanino yun� alam na
alam. Siya yung babaeng
minahal ko sa nakalipas na 3 taon.

�O, Sam.�

�Asan ka? Pwede ba kita puntahan? Gusto kita makita! Kasama ko si E��

�Hello? Hello? Wala akong marinig.�

�Nath��

DIAL TONE.

Binaba ko na. Sa totoo lang, nagkunwari lang naman talaga ako na choppy yung
kabilang linya. Ayoko siyang
kausap. Naaalala ko pa yung ginawa niya sa kin nung huling beses.

�Sino yun?�

�Wala.�
�Girlfriend mo?�

�Wala ako nun. Ikaw, nagkaboy��

�Salamat sa pagkain ah.�

Naramdaman ko yung pagiwas niya sa tanong ko. Kaya, sumabay na lang ako sa gusto
niyang daloy ng usapan.

�Oo naman. Teka, matagal ko na kasing gusto itanong to eh.�

�Ano yun?�

�Tinanong kasi kita sa kaibigan ko dati. At ang sabi niya� Rebecca daw ang pangalan
mo. Bakit ang pakilala mo sa
kin eh� Mary?�

�Pag ipinaliwanag ko sayo ngayon, hindi mo na maiintindihan ang kaibahan ng tubig


at apoy.�

�Ibig sabihin, mahabang kwento?�

�Oo.�

Pinagmasdan ko siya kumain. Siguro, eto na yun. Nakunan kasi si mama dun sa huli
niyang pinagbuntis. Eh babae
yun. Kaya siguro siya dumating sa buhay ko.

�Pwede bang� bumisita sa inyo?�

�Hindi.�

�Hindi mo man lang pinagisipan.�

�Ikaw bahala. Gusto mo ba?�

�Oo.�

�Tara.�

Inayos niya yung baunan tapos tumayo na siya. Ngumiti nanaman siya bago niya inabot
yung kamay niya sa kin.
Hindi ko naman akalain na ngayon nga kami pupunta. Hindi man lang ako nakapagayos
para man lang pagkakita
ng mga magulang niya sa kin, maayos agad.

Tahimik lang kaming naglalakad. Ako, dala-dala ko yung bike at bag ko. Siya naman,
dala-dala yung baunan na
dinala ko para sa kanya at yung teddy bear. Tinititigan ko yung mukha niya. Hindi
ba dapat nakikita niya na
tumititig ako sa peripheral vision niya? Pero kung makatingin siya sa mga paa niya,
parang wala na siyang ibang
mundo kundi yun lang.

Gusto kong malaman kung anong nangyare sa kanya. Kung saka-sakali ngang grumaduate
ako bilang isang
psychologist, siya ang una kong gagamutin.

�Andito na tayo.�
Hindi ko napansin na sa dinamidami ng nasa isip ko, nandito na pala kami sa tapat
ng bahay nila. Nagulat ako
dahil walang bahay sa street nila kundi yung kanila lang. Ito na ata ang
pinakamaliit na bahay sa village na to.

�Ang tawag sa street na to ay forbidden street. Dahil, andito kami.�

Kami. Ibig sabihin, may kasama siya.

�Gusto mo bang pumasok?�

�Uh�o sige��

Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko dahil may narinig akong hagis ng isang bote.
Nagulat ako, pero siya parang
normal lang. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung sino yun.

Binuksan niya yung gate. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang nakalock. Ganito ba
talaga sila namumuhay
araw-araw?

�Pa, andito na ko.�

Sa harap ko, nakakita ako ng isang hindi pang araw-araw na nakikita. Yinakap siya
ng papa niya tapos iyak siya ng
iyak.

�Pa, wag kayong umiyak sa harap ng bisita ko.�

Bumitaw yung papa niya sa kanya saka pinunasan yung luha niya at umiinom nanaman
mula dun sa bote.
Ipinunas niya yung mga kamay niya dun sa shorts niya saka hinarap sa kin.

�Pasensya na iho. Ako ang papa ni Mary.�

�Ako po si�Nathan. Kaibigan po niya.�


Nagulat ako nung yinakap niya ko. Amoy alak siya, pero hindi ko ipinahalata na
naamoy ko yun. Nakita ni Mary na
nagsalubong yung kilay ko.

�Pa.�

�Ay, pasensya na iho naamoy mo pa tuloy ako.�

�Ayos lang po.�

�Tuloy ka. Upo ka lang.�

Umupo naman ako dun sa sofa nila. Maliit lang yung bahay nila. Tahimik, wala man
lang maririnig na kahit na ano
kundi yung tunog ng electric fan. Mejo naiilang ako dahil�dahil una sa lahat hindi
ko alam kung pano nila
natatagalan yung ganitong buhay. Kung tutuusin, pwede pa nila ayusin� pero tingin
ko, pinili nilang hindi.

�Gusto mo ng juice?�

�Hindi sige. Ayos lang.�

�Teka ikukuha kita.�

Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko.

�Iho, may sinabi na ba sayo ang anak ko?�

�Tungkol po saan?�

�Wala naman. Salamat talaga. Salamat talaga sayo.�

�Bakit naman po?�

�Kasi��

�Pa, itigil niyo na yan. Eto o, pasensya ka na, eto lang ang meron kami.�

Naghanda siya ng isang cheesecake at orange juice. Para naman hindi masayang yung
ginawa niya para sa kin,
kinuha ko at kinain.
Naramdaman kong natuwa ang papa niya dahil ngumiti siya. Siya naman, pinagmasdan
niya kong kumain. Naiilang
parin ako dahil sobrang tahimik. Parang nanonood lang sila ng palabas.

�Gusto mong pumunta sa kwarto ko?�

�Ayos lang.�

�Pa, dun lang kami. Tara.�


Nung tumayo siya, isang signal na yun para tumayo din ako. Hindi ko alam kung bakit
pero parang may iniiwasan
siyang malaman ko mula dun sa papa niya. Nirerespeto ko naman kung ano yun.

Pagdating ko, maayos yung kwarto niya. Mas maayos pa kesa dun sa sala nila. Yung
kama niya parang hindi
hinigaan araw araw dahil maayos.

�Ang ayos ng kwarto mo.�

�Ako lang naman ang pumapasok dito. Ikaw na ang sunod.�

Sa loob ko, masaya ko. Oo naman. Pero, ang papa ba niya, hindi pa nakakapasok?

�Papa mo?�

�Hindi pa.�

�Ah.�

�Hindi ka ba nagtataka� kung nasaan ang mama ko?�

�Nag�tataka din. Pero, hindi ko na tinanong dahil, baka personal. Pero kung gusto
mo��

�Seperado sila.�

�Ah�ganon ba.�

Ayoko na magsalita. Bakit ganon? Lalo ko tuloy hindi maintindihan kung bakit sila
nilalayuan ng mga tao. Hindi ba
dapat, mas maraming umiintindi sa kanila ngayon? Maya-maya, nakarinig nanaman kami
ng isang hampas ng
bote.

�Teka lang, lalabas lang ako.�

Pagkalabas niya, tumayo ako. Sinubukan kong tumingin tingin ng mga bagay. May mga
manika siya, pero ayon,
center of attraction parin yung teddy bear na lagi niyang dala dala na ngayon eh
nakahiga na sa kama niya. May
acoustic guitar pa siya. Bukas yung cabinet niya. Pagtingin ko, sandamukal na
bestidang itim, pula, puti at violet
yung nakita ko. Hindi na ako magtataka kung bakit yun lagi yung suot niya. Pambahay
at pangalis na niya tong
lahat.

Maya maya eh natapilok ako sa isang bagay na hindi ko inaasahang meron siya.

Pinulot ko, binuksan at sinara. Alam kong hindi tama� pero nilagay ko yun sa bag
ko. Siguro sa sobrang gusto
kong malaman ang buhay niya.

�Pasensya ka na. Ganito talaga kami.�

�Laging pagdating mo� umiiyak siya?�

�Isang beses sa isang linggo lang umuuwi si papa.�

�Bakit?�

�Kumikita siya ng pera.�

�Sa?�

�Panghohold-up.�

Nagulat ako nung sinabi niya yun, pero mukhang seryoso siya. Inaasahan kong iiyak
na siya pero hindi. Hinintay
ko yung susunod niyang sinabi.

�Ilang beses ko na siya pinagsabihan, pero ayaw niyang tumigil.�

�Pero�mali.�

�Alam ko. Pero para yun�sa akin. Kaya ayaw niyang tumigil.�

Narinig ko yung tigil niya. Siguro nag-ipon pa siya ng lakas ng loob para sabihin
yun. Narinig ko yung mahina
niyang buntong hininga kaya napatingin ako sa kanya.

�Tara, ihahatid na kita dun sa park.�

Gusto ko siyang yakapin� pero sino naman ako para gawin yun? Sumunod na lang ako sa
kanya hanggang sa
nakarating na kami sa park. Nagbabay siya sa kin. At ang finale niya, ang mga ngiti
niya.
Pagkauwi ko ng bahay, nilapag ko agad yung bag ko. Kinuha ko yung nakita kong bagay
sa kwarto ni Mary. Alam
kong mali, pero saka na ko magkukumpisal.

Bumuntong hininga ako at inumpisahang basahin. Sinabi ko na ang unang dalawang


salita na nakita ko sa
notebook na yun.

Dear Diary.
***

CHAPTER 5

[Her Miserable Past]

Hindi ako pumasok kinabukasan. Bakit? Ayokong makita ng mga tao na mugto yung mga
mata ko. Bakit mugto
yung mga mata ko?

Kasalanan nung diary niya.

Hindi pa ko umiyak ng ganito. Nakakainis dahil umiyak ako. Dalawang beses pa lang
ako umiyak. Yung isa yung
libing ng lola ko at yung isa ay yung naghiwalay kami ni Sam. Nung naghiwalay kami
ni Sam at kinanchawan ako
ng barkada ko, nangako na ko na di na ko iiyak. Naalala ko pa yung sinabi ni Ethan.

�Ano ba tol. Ikaw lang ata tong chikboy na madaling paiyakin eh.�

Yung barkada ko lang naman yung nakakita nun. Ngayon, napaiyak ako dahil sa diary
niya. Ngayon, naiintindihan
ko na kung bakit.

Dito ko napansin na, nung una pala kaming nagkita� 17th birthday pala niya. Tae.

7th birthday niya. Ang tawag pa sa kanya ay Rebecca. Yung teddy bear na lagi niyang
hawak, regalo sa kanya ng
mama at papa niya. Pero kailangan nilang umalis para sa isang business trip.
Namatay yung mga magulang niya.
First.

Inampon siya ng tita niya. Yung tito niya, lagi siyang binubugbog na hindi alam ng
tita niya. Pag nagsumbong daw
siya, papatayin daw siya. Pag dating ng tita niya at nakitang may pasa, ang
sasabihin lang niya, nadapa siya.
Second.
Natuklasan din ng tita niya ilang buwan pagkatapos. Pinagtanggol siya ng tita niya
hanggang sa nagdesisyon sila
na maghiwalay na lang sila. Iyak ng iyak yung tita niya. Yung anak naman nila,
sinisisi si Mary kung bakit
nangyare lahat yun. Tapos sinabi niya na ampon lang naman si Mary. Third.

Nung nakumpirma nga ni Mary na ampon lang siya, nakiusap siya sa tita niya na
ikwento ang lahat. Sabi niya,
nakita daw siya sa airport ng tinuring niyang mama at papa na umiiyak dahil
nawawala. Nakiusap si Mary sa tita
niya na hanapin nila yung mga magulang niya. Nung araw na nalaman nila yung address
ng tunay niyang ina sa
tulong ng ilang corporation at iba pa, nagpakamatay yung anak ng tita niya dahil
tingin niya mas mahal na daw
nung tita niya si Mary. Pinalayas ng tita niya si Mary at sinabi na hanapin niya
yung mga magulang niya mag-isa.
Fourth.

Pumunta siya sa address ng tunay niyang ina. Mayaman sila. Pinatuloy siya. Nung
nagpa DNA test, nalaman nga
na tunay na ina ni Mary na siya yung nawawala niyang anak. Yung araw na nawawala
siya sa may airport ay kaka-
four years old pa lang niya pala. Pero nalaman din ni Mary na seperado na pala sila
ng tunay niyang ama simula
nung nawala siya ng airport at may asawa na palang bago yung ina niya. Fifth.

Yung step father niya, katulad ng tito niya. Lagi siyang sinasaktan. Dahil magkaiba
yung pangalan niya sa birth
certificate, maraming pinabago. School records at iba pa. Dahil daw sa sakit ng ulo
na binibigay sa kanya, yung
mga �pananakit. na lang daw yung sukli sa lahat ng ginagawa niya. Hindi din alam ng
tunay niyang ina yung
ginagawa ng step father niya sa kanya. Sixth.

Nung nalaman ng tunay niyang ina na sinasaktan siya ng step father, masakit man sa
loob niya, nagkita ulit sila ng
tunay niyang ama. Binigay niya sa kanya. Mary na ang pangalan niya. Yung tunay
niyang ina, siya yung nagbibigay
ng pera dun sa kanila kaya sila nagkakapera. Dito na sila nakatira 11 years old pa
lang siya. Pero kaya sila
nilalayuan ng tao, ex-convict kasi yung tunay niyang ama. Wala siyang naging
kaibigan dahil dun. Seventh.

Nung 4th year high school siya, nagkaroon siya ng boyfriend, at bestfriend. Nung
birthday niya, kasabay nung 5th
monthsary nila, nakita niya na naghahalikan yung boyfriend at bestfriend niya.
Eighth.

Pero ang pinakamasaklap� kaya ako napaiyak�

Second year college siya, nung nalaman nila ng tatay niya na may leukemia pala
siya. Ninth.

Sinong hindi maiiyak sa lahat ng yon? Sa iisang tao, nangyare lahat ng bagay na
yun? Kung sa pusa, nine lives, sa
kanya, nine deaths. Katulad nga ng sinabi niya, hindi ako makapaniwala na may
nageexist pala na ganong storya.
Kaya pala siya nagpasa ng mga papeles para sa leave.
Pero sa dulo ng bawat entry sa diary niya... may nakalagay:

Pero� hanggang ngayon� di parin ako marunong umiyak.

Isa nga siyang masokista. Isang taong gustung gusto masaktan. Hindi naman yun
nakakapagtaka. Kinakaya
niyang ngumiti, pero kahit kailan� hindi pa siya umiyak.

Ngayon naiintindihan ko na. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang mahulog yung mga
luha sa mata niya. Dahil
kahit kailan� hindi pa siya umiiyak.

Oo alam ko. Alam kong impusible. Pero eto, may isang taong nagpatunay sa kin na
pusible pala yung mga bagay
na akala ko hindi pusible.

Ngayon alam ko na kung anong dahilan kung bakit ako dumating sa buhay niya� yun ay
para�

RING.

�Hello?�

�Tol. Bat mo naman binabaan si Sam nung isang araw?�

�Sabi ko naman sayo diba, ayoko na siyang makita.�

�Sabi niya, mahal ka pa rin niya.�

Napatulala ako sa sinabi Ethan.

�Sana matagal na niya yun sinabi.�

�Pare, susko naman. Yung babaeng matagal mo na hinahabol ang naghahabol na ngayon
sayo. Alalahanin mo nga
yung mga ginawa mo para sa kanya. Hindi mo ba naisip na meron ng saysay yung mga
yun?�
Bigla kong naisip. Tama sa Ethan. Matagal ko narin minamahal si Sam. MU kami noon,
pero wala talagang relasyon
kung san nakakandado kaming dalawa. Siya nga ang first kiss ko, at siya ang unang
babaeng nagpabaliw sa kin.
Nafall out siya sa kin, sa di ko alam na dahilan.

�Tol, debut na ni Sam sa susunod na linggo, sa 16. Gusto niya, maging escort ka
niya.�

�Sige pag-iisipan ko.�

�Wag na tol. Wag mo na pag-isipan. Oo na ha? Sige babay.�

�Teka!�

DIAL TONE.

Nagbuntong hininga ako. Nakaisip agad ako ng lugar kung saan ko mailalabas yung
stress ko. Iniwan ko yung
diary niya sa may kama tapos pumunta ako sa park. Nagbike ako papunta dun, at
siyempre, nakita ko nanaman
siya.

�Mary.�

�Nathan.�

Umupo ako sa tabi niya, at nagswing. Tapos may binigay siya sa akin. Isang ticket,
ticket ata to ng isang play, Les
Miserables. Natuwa naman ako at binigyan niya ko ng ganito.

�Kasali ka dito?�

�Oo. Hindi naman sa theater talaga yan. Ipapalabas lang namin sa isang school of
arts. Ako si Cosette.�

�Kakanta ka?�

�Oo. May 2 akong kakantahin.�

�Kailan pa kayo nag papractice?�

�Matagal na. Ngayon lang nirelease yung tickets.�

�Astig. Sige pupunta ako.�


�Aasahan ko. Eto na kasi yung�huling performance ko.�

Naisip ko na kung hindi ako magtatanong, pwede siyang magtaka. Siyempre, kailangan
kong magtanong para
hindi niya mahalata na alam ko na yung masaklap na katotohanang mangyayare sa
kanya.

�Bakit?�

�Tingin ko lang.�
Ngumiti siya ulit. Binuksan ko yung envelope at tiningnan. Les Miserables? Eto yung
kay Victor Hugo. Nabasa ko na
to. Pagtingin ko sa date, lumaki yung mata ko.

Magkasabay yung debut ni Sam sa play niya. Parehong gabi. Tae. Anong gagawin ko?

�May problema ba?�

�W�wala.�

�Sabihin mo na agad kung hindi ka makakapunta, para hindi ako umasang may dadating
para panuorin ako.�

�Hindi, pupunta ako, pinapangako ko yan.�

�Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon� kaya sana� makapunta
ka.�

Hinawakan niya yung kamay ko at dun ko lang naramdaman na sobrang lambot pala ng
mga kamay niya kahit
ilang beses narin niya ko nahawakan. Siguro dahil eto na yung pinakamahabang
pagkakahawak niya sa kin mula
nung nagkakilala kami.

Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako. Pero iba tong kabog ng puso
ko. Hindi ko sigurado, pero
kinakabahan ako sa kabog na to. Awa? Siguro nga� awa to.

***

CHAPTER 6

[Discernment]

Nahihirapan akong mag-isip kung ano ba dapat gawin. Oo, hindi nga ako nangako kay
Ethan na makakapunta sa
debut ni Sam. Pero aaminin ko, may nararamdaman pa ako para sa kanya�ata. Sa tuwing
naiisip ko kasi yung
mga alaala naming dalawa, parang gusto kong ibalik ang oras at dun na lang manatili
habang buhay. Pero eto ako
ngayon, nahihirapang magdesisyon kung saan nga ba ako pupunta.
Buti sana kung mauulit yung play na yun. Kung mauulit yun, madali lang magdesisyon.
Kaso hindi eh. Yun na yung
huli niyang play. Nakadagdag pa yung huli niyang sinabi nung isang araw. Ikaw lang
ang naging kaibigan ko
matapos ang tatlong taon� kaya sana� makapunta ka.

Tae. Nahihirapan akong magdesisyon.

Tumatakbo ang oras pero nahihirapan parin ako pumili. Nagtoss coin na ko,
nakipagbato-bato pick sa kapatid ko,
nagpiring pa ko. Lahat, ang lumabas, sa debut ni Sam. Pero, nagaalinlangan parin
ako.

Ano ba talaga Nathan. San mo ba talaga gustong pumunta?

Lagi kaming nagkikita ni Mary. Ganon parin, binabaunan ko siya. Mejo nakakailang
nga lang pag nawawala yung
mga batang naglalaro kasi biglang tumatahimik. Pag ganon ang nangyayare,
magtatanong ako sa kanya ng kahit
ano saka ako magkkwento. Sa konting araw na natitira para magdesisyon ako, nakwento
ko na ata sa kanya ang
talambuhay ko. Siya, tahimik na nakikinig.

Isang araw bago ang debut ni Sam at ng play niya, siya na mismo ang tinanong ko
kung anong gagawin niya pag
nahihirapan siyang magdesisyon.

�Mary, pag nahihirapan ka magdesisyon, anong ginagawa mo?�

�Nanghihingi ako ng milagro mula sa Taas.�

�Tulad ng?�

�Kunwari pinapapili ako kung cookies and cream ba o rocky road. Dahil pareho kong
gusto, bibilhin ko na lang
pareho. Pero pag may dumating na taong nanghingi ng isa dun sa mga binili ko, ibig
sabihin, yung natira yung
nakatakda para kainin ko.�

Astig nung sinabi niya. Pero� hindi ko naman yun magagamit sa pagdedesisyon ko.
Paano ako hihingi ng milagro
mula sa Taas kung hindi naman to kamila-milagro? Titigil ba yung play na yun kung
babagyo? Eh yung debut titigil
din ba kung babagyo? Tingin ko kung babagyo, titigil pareho. Ano pang milagro ang
dapat kong hilingin.
Wala na. Bahala na.

Kinabukasan, nagaalinlangan parin ako sa desisyon ko. Eto ang desisyon ko. Pupunta
muna ako sa debut ni Sam.
Tapos, pag nagampanan ko na yung pagiging escort ko, aalis na ko at pupunta dun sa
play. Sa tingin ko naman,
matagal lalabas si Cosette�si Mary. 30 minutes lang naman papunta dun sa school of
arts na sinasabi niya.
Parehong 8 pm yung play at yung debut niya. 7 pa lang nagbihis na ko. Pumunta muna
ako sa bahay nina Mary.
Kumatok ako pero walang sumagot, ibig sabihin, umalis na siya. Pagkatapos nun,
pumunta na ko dun sa resort
kung san gaganapin yung debut ni Sam. 7:45 nung nakarating na ko sa resort.

�Tol ang tagal mo!�

Sinalubong ako ni Ethan dun sa gate tapos hinatak niya ko. Nagkita kita nanaman
kaming magkakabarkada sa
high school. Siyempre kamustahan.

�Punta ka na daw sa room ni Sam.�

�Ako lang?!�

�Natural. Ikaw escort eh.�

Pumunta ako dun sa kwarto ni Sam. Nakita ko siya, naka blue na gown. Ako naman,
namangha sa kagandahan
niya. Pero di ko parin maalis sa isip ko yung gagawin ko para makaalis papunta dun
sa play ni Mary. Naguguluhan
na ko.

�Nathan!�

Yinakap ako ni Sam. Yinakap ko rin naman siya pabalik. Mejo matagal narin nung
niyakap ko siya� at namimiss ko
narin yung ganitong mga alaala.

�Akala ko hindi ka na pupunta!�

�Wala naman akong choice eh.�

�Ibig ba sabihin� napilitan ka lang pumunta dito?

�Teka, ano yang nasa mukha mo?�

At yun. Bam. Nagpanic siya. Totoo naman eh. May puting ewan dun sa mukha niya.
Pinapunas naman niya dun sa
nanay niya. Oo, tumakas ako sa tanong niya. Ayoko sagutin, hindi rin naman ako
sigurado sa sagot.
Nagumpisa na yung debut. Konting tuksuhan dahil magkasama nanaman kaming dalawa.
Akala ko sa entrance na
matatapos�hindi pa pala.

�Ano pang gagawin ko?�

�18 roses tol. Wag kang mag-alala. Magkasama naman��

�May gagawin kasi ako. Anong oras ba yun?!�

�Easy ka lang. Pagkatapos naman nung mensahe nung pamilya niya, 18 roses na.�

Naisip ko. Maikli lang yun. Pero nagkamali ako. May dinner pa. Konti lang kinain ko
dahil naiinis na ko.
Pinagpapawisan na ko sa mga nangyayare. Sana� sana hindi pa tapos yung play. Kahit
masabi ko man lang na
humabol ako.

Pagdating ng 18 roses, at nung ako na ang sumasayaw kay Sam, nagkausap kami saglit.

�Nathan� pwede ka bang� magover night dito��

�Hindi pwede. May gagawin ako.�

�Please? Debut ko naman.�

�Sorry Sam, nangako na ko sa isang kaibigan eh.�

�Naman. Bahala ka, hindi kita papakawalan.�

Nagulat ako sa sinabi niya. Matapos yung kanta, babalik na sana ako sa upuan ko
pero hinawakan lang niya yung
kamay ko ng sobrang higpit. Napatingin ako sa kanya, at ganun din naman siya. Gusto
ko nang umalis.
Magpupumilit sana ako pero nakita ko bigla yung lahat ng taong nandun sa okasyon na
yun.

ASAR.

Wala na. Hindi na ako makakapunta dun sa play. Alam ko na yun. Tae naman. Sana,
hindi ko na sinabing
makakapunta nga ako dun.

12 am natapos yung debut. Sobrang bad trip ako. Paalis na ko nung�

�Nathan!�

�Sam pwede ba, may kailangan pa kong gawin!�

�Bat ka ba galit na galit? Ano ba yung nakaligtaan mong gawin na mas importante pa
sa akin?!�

�Yung play niya.�

�Niya?! Sino?!�
�Aalis na ko.�

�Teka!�

Hindi na ko napigilan ni Sam. Sobrang bad trip. Bad trip talaga. Alam kong wala na
kong aabutan dun sa play na
yun, kaya umuwi na ko ng bahay. Pagkadating ko ng bahay, 12:45 na ng umaga.

Nasa gate na ko nung naisip kong puntahan siya� at magsorry. Mapapatawad kaya niya
ko? Gising pa kaya sila?
Sana� sana nga.

Kinuha ko yung bike ko. Tutal may susi naman ako ng bahay kaya ayos lang kahit
bukas pa ko makauwi. Alam
naman nina mama na debut yung pinuntahan ko. Ako naman, nagbike ako papunta sa
kanila. May street lights
naman kaya ayos lang, parang 8 lang ng gabi.

�Tao po! Mary?�

Kumatok ako at sumigaw sa harap ng bahay nila. Kaso wala talagang sumasagot.
Nakabukas yung gate nila pero
nakalock yung mismong pinto ng bahay nila. Wala akong choice kundi lumabas. Dun ko
nakita yung tatay niya.
Lasing. Dito na ko magdadasal para sa isang milagro na mapatawad sana niya ko.

�O, ikaw pala iho.�

�Tito, si Mary po?�

�Hindi mo ba kasama? Sabi niya hihintayin ka daw niya dun.�

Dun sa sinabi niya, nagpanic ako. Takte. Anong oras na ba at wala parin siya sa
bahay nila? Tapos hinintay pa niya
ko dahil akala niya darating ako�takte. Lalo akong nakonsensya sa ginawa ko. Ano
bang naisipan niya at ginawa
niya yun?

Nagmadali akong lumabas ng gate. Iniwan ko yung bike ko dun sa �bike parking. at
nagpara ng jeep. Buti na nga
lang may jeep pa. Sandali lang naman papunta dun, mga 10 minutes siguro dahil wala
ng traffic. Sarado na yung
gate ng school pag dating ko dun, lalo akong naguluhan kung anong gagawin ko.

Tumagal ng 20 minutes ang paghahanap ko. Pero wala� hindi ko man lang siya nakita
sa paligid ng school. Naisip
ko tuloy, baka nagkasalubong kami. Baka nga�

Naglakad ako na sobrang lungkot. Hindi ko nga alam kung paano siya haharapin
ngayon. Unang beses kong
nangako sa kanya, tapos hindi natupad. Sabi nga ni mama, ipako mo na lahat ng
ipapangako mo sa isang tao, wag
lang yung unang pangako mo sa kanya.

Tae.

Naglakad na ko papalayo. Papara sana ako ng jeep nung may nakita akong eskinita.
May dalawang lalake dun na
parang pinagtritripan ang isang�di ko maaninag. Tumawid ako para makita, nagulat
ako nung nakita ko siya. Ang
masaklap� binabastos ata siya.

Nagulat ako sa nakita ko. Nakasandal lang siya dun sa may poste at parang
hinahayaan lang niya na nakawan o
kung ano mang gawin sa kanya. Sa sobrang galit ko, sumigaw ako ng sobrang lakas.
Yung dalawang lalaki,
napatingin sa kin.

�Tigilan niyo nga siya!�

Binato ko sila ng pinakamalaking batong nakita ko. Tumakbo naman sila papalayo. Si
Mary, napaupo. Pero ang
weirdo sa nakita ko, nakangiti parin siya, at ni di man lang siya umiyak o nagwala
o sumigaw.

Pumunta ako sa harap niya. Binigay ko yung kamay ko. Tiningnan lang niya ko ng
direcho sa mata at ngumiti.
Hindi ko alam pero masakit� eto ang unang beses na nasaktan ako kapag nginitian ako
ng isang tao� siya lang�
siya lang ang nagparamdam sa kin ng ganito.

�Ano ka ba! Ni hindi ka man lang marunong lumaban!�


Kinuha niya yung kamay ko at tumayo siya. Pinagpag niya yung dress niya saka siya
ulit tumingin sa kin ng
derecho sa mata na parang walang nangyare.

�Pumunta ka. Akala ko hindi ka na pupunta.�

�Wag mong��

�Hindi mo kailangan magalit. Ayos lang ako�tingnan mo, nakangiti parin naman ako��
�Wag ka na kasi magpanggap. Kung ayos ka lang, bakit napakalamig ng mga kamay mo?!
Bakit nanginginig yung
mga labi mo?! Sabihin mo nga sa kin?!�

Oo. halatang galit ako. San ka naman nakakita ng ganitong nilalang. Ni hindi
marunong lumaban� ni hindi
marunong umiyak?! Pano� pano ko pagagaanin ang loob ng isang taong� alam kong may
taning na?

Ngumiti siya ulit sa kin. Kasabay ng galit ko, kumidlat. Mukhang uulan.

�Wag ka na magpanggap, pwede? Alam ko na lahat. Alam ko na. Alam ko na kung anong
mga pinagdaanan mo
mula sa kabataan mo hanggang sa ngayon. Alam kong hindi ka marunong umiyak. Alam
ko! Alam ko lahat, alam
kong may sakit ka. Alam kong isa kang taong naghahanap ng paraan para ilabas ang��

�Ibig sabihin�ikaw ang kumuha ng��

�Oo! Ako. Ni hindi ka man lang nagagalit sa kin? Hindi ka man lang��

�Hindi ako marunong��

�Marunong ka Mary! Nagpapanggap ka lang na hindi! Nagpapanggap ka lang na


masokista, pero alam mong alam
mo sa sarili mo kung anong hinahanap mo.�

�Hindi totoo yan Nathan. Kung alam ko nga��

�Alam mo. Pero hindi mo ginagawan ng paraan para makita� dahil sa tingin mo�
mamamatay ka na.�

Yun ang pinakamasakit na nasabi ko sa isang tao sa tanang buhay ko. Pero hindi ko
na mapigilan. Kailangan
lumabas kung ano yung nararamdaman niya� kailangan.

�Hindi.�

�Oo. Marunong ka umiyak, pero iniisip mo na hindi ka marunong kaya umaatras yang
mga luha mo. Nasasaktan
ka. Marunong kang magalit! Hindi ka masokista Mary! Alam mo sa sarili mo na��

Pero bago ko pa gusto sabihin ang gusto kong sabihin, biglang umulan. Malalakas na
patak ng ulan. Kinuha ko
yung kamay niya para sumilong. Naisip ko, kailangan ko munang isantabi to. Nung
kinuha ko yung mga nanlalamig
niyang mga kamay, para siyang nanigas. Hindi siya umaandar. Ayaw niyang magpahila.

�Mary�nababasa ta��

Nagulat ako nung bigla niya kong yinakap. Pero sa lakas ng impact ng yakap niya,
parang naging tulak yung dapat
niyang yakap kaya nawala ang balanse ko. Nahulog kami sa may basang kalsada.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya hanggang sa�narinig ko yung matamis niyang
hagulgol.

�Oo! Takot ako! Sobrang takot ako! Takot ako sa hinaharap! Takot na takot! Pero
anong gagawin ko Nathan? Ano?!
Sa lahat ng mga nangyare sa buhay ko, ginusto kong umiyak! Pero hindi lumabas ang
mga luha ko, kahit sobrang
sakit� sobrang sakit!�

Hinayaan ko lang siyang humagulgol. Pinakinggan ko lahat ng mga sasabihin niya.


Sana lang, maunawaan ko lahat
ng nasa isip niya� sana, maramdaman ko lahat ng nasa puso niya�

Humagulgol pa siya ng humagulgol. Unti unti ding tumigil yung ulan. Oo, basa na
kami. Pero masaya ako sa
nangyare� masaya ako, kahit hindi ko siya napanood sa huli niyang palabas.

Napagod ata siya sa kakahagulgol. Nanginginig na kami dahil basang basa kami. Dahil
wala na siyang lakas,
binuhat ko siya sa likod ko. Dala dala ko yung bag namin. Buti na lang may mga taxi
pa, at buti na lang may dala
akong pera.

Bago ko napara yung taxi, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan�

�Ikaw ang unang taong nagpaiyak sa kin� masaya ako na ikaw yun.�

Tapos, nakatulog na siya.


***

CHAPTER 7

[Between the Lines]

Isang buwan na ang nakakalipas mula noon. Isang buwan narin ang nakalipas nung siya
na ang naging matalik
kong kaibigan.

�Ikaw madalas ka ba umiyak?�


Nagulintang ako sa tanong niya, siguro dahil� hindi appropriate itanong? Hindi ko
alam kung bakit. Pero natural,
sinagot ko na rin.

�Hindi.�

�Kailan ka umiiyak?�

�Pag� may burol?�

Natawa pa ako sa sinabi ko. Pero siya, nakangiti ng tahimik kaya napilitan akong
itigil yung tawa ko. Nabasa ko
kasi sa kanya na may sasabihin siya.

�Bat mo iiyakan ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung taong
andyan pa pero alam mong
mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may chansang alam niyang may umiiyak
dahil sa kanya, kay sa
yung iniiyakan mo siya na wala na talagang chansang malaman niya kung gano siya
kahalaga sayo.�

Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung bawat salitang sinabi niya. Sinulat ko
pa yun sa kamay ko para
matandaan ko. Pagkadating ko sa bahay, sinulat ko ulit sa isang sticky note. Hindi
ko alam pero� parang
magagamit ko yun pagdating ng araw.

Mas nakakausap ko siya ng madalas. Paguwi ko galing school, siya agad ang
kinakausap ko. Oo, ako lagi ang
nagkkwento. Pero, di bale na. Hindi nga nakukumpleto ang araw ko pag hindi ko siya
nakakausap. Kahit hindi siya
nagkkwento sa kin ng kahit isang katiting ng nangyare sa kanya... kahit lagi pang
may nakasaksak na headphones
sa tenga niya, okay lang sa kin. Kasalanan ko kung bat ko nalaman lahat ng ayaw
niyang malaman ng ibang tao
dahil kinuha ko yung pinakatatanging bagay na pinagtataguan niya ng lahat ng
sikreto niya.

Binigay ko na nga rin pala yung diary niya pagkatapos nung araw na umiyak siya sa
kin.

Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga huling sinabi niya nung araw na
yun. Para bang, tinubuan
na lang ako bigla ng pakpak. Basta ewan. Di ko maipaliwanag.

Tinitigan ko ulit siya. Pero ngayon, may napansin akong kakaiba.

�Hindi mo dala teddy bear mo?�

�Hindi.�

�Bakit?�

�May sakit siya. Pinaliguan ko kasi siya kahapon.�

�Asan siya?�

�Pinagpapahinga ko. Gusto mo makita?�

�Ah hindi na. Matanong ko lang� May pangalan ba yun?�

�Meron. Aki.�

�Bakit?�

�Tag-lagas ang ibig sabihin nun.�

Wow. Ang lalim. Pwede naming autumn. Kaya talaga tuwang tuwa ako sa kanya.
Napangiti ako lalo nung nakita
kong isubo niya yung mansanas na dala ko. Kasing puti niya si snow white�na may
mahabang buhok.

�Naisip ko lang.�

�Ano yun?�

�Punta ka kaya sa campus?�

�Bakit?�

�Uh� wala lang. Para lang may mapuntahan ako pagkatapos ng class. Pero�wag na pala.
Baka mapagod��

�Hindi, sige pupunta ako. 3 andun na ko.�

�Talaga?�

�Oo naman. Para sayo.�

�Teka, eto.�
Binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Alam ko naman kasing wala siyang cellphone
eh. Wala siyang e-mail. Wala
siyang telephone.

�Para saan?�

�Text mo ko pag andun ka na. Pag tingin mo naman sa contacts yung isang number ko
yung una.�

�Pano ka?�

�May isa pa naman ako sa bahay eh. Wag mo lang yan iwawala.�

�Pano pag may nagtext sayo?�

�Bayaan mo na lang siya. Uh�teka.�

�Ano yun?�
�May iba ka bang suot? Bukod sa� itim na bestida?�

�Dito ako kumportable Nathan. Sa tuwing ganito ang sinusuot ko, tingin ko may
kayakap ako.�

�Bat naman?�

�Di ko rin alam. Basta ganon.�

Ngumiti siya sa kin, at ganon na rin naman ako. Tumayo ako para iswing siya. Nung
panahon na para magpaalam
na, hindi ko makakalimutan yung pipindutin ko yung ilong niya tapos saka ako
magbabye.

Nung susunod na araw, excited akong matapos yung mga klase ko, hindi ko alam kung
bakit. Siguro dahil makikita
ko siya, yung babaeng sobrang kakaiba na sa isang pitik, bigla ko na lang siyang
naging matalik na kaibigan.
Nagtext siya tapos ang sabi niya eh andun na daw siya. Paalis na ko ng building
nung may narinig akong
tumatawag sa kin mula sa likod. Paglingon ko�

�Nathan!�

�Sam? O, Ethan. Andito ka din.�

Yinakap ako ni Sam pero wala sa mood yung mga kamay ko para yakapin siya pabalik
tulad ng dati. Hindi ko alam
kung bakit� hindi ko talaga alam. Tiningnan ko si Ethan ng masama, dahil alam kong
siya ang may pasimuno nito.

�Pasensya na, nagpumilit eh.�

�Ano ginagawa niyo dito?�

�Punta tayong mcdo!�

�Ayoko. May gagawin pa ko.�

�Ano ba yang mga ginagawa mo na mas importante pa sa kin?!�

Ayan nanaman yung tanong niya. Sa totoo lang, parang wala na kong nararamdaman sa
kanya. Lungkot na lang
ata yung nararamdaman ko pag naaalala ko yung alaala naming dalawa, pero yun na
lang yun.
�Kakausapin ko ang isang taong, mahalaga sa kin.�

�Mas mahalaga pa kesa sa min ni Ethan?�

�Isang taong kahit kailan hindi nakaramdam ng pagpapahalaga ng ibang tao.�

Tapos ngumiti ako. Weirdo yung sagot ko na pati si Ethan nagsalubong yung mga
kilay. Inalis ko yung mga kamay
ni Sam tapos umalis na ko at dumerecho sa sunken garden. Umikot na ko pero wala
akong nakitang babaeng
nakaitim na bestida hanggang sa may nakita akong babaeng may nakasaksak na malaking
headphones sa tenga
niya.

Tiningnan ko kung sino yun, at nagulat ako sa nakita ko. Tumayo siya, at as usual,
ngumiti.

�O Nathan.�

�B�bakit ka naka�pula?�

�Sabi mo kasi wag ako magitim.�

�Hindi naman sa sinabi kong wag pero�pero bagay sayo.�

Naka pula siya, bestida parin kaso hanggang tuhod na lang at sleeveless. Hindi
talaga nakabagsak yung buhok
niya, nakahalf-pony siya. Ang cute niyang tingnan.

�Sana lagi kang ganyan, para cute ka lagi.�

�Ayoko, magsawa ka pa na cute ako lagi.�

Napangiti ako sa sinabi niya. Umupo ako na katabi niya tapos tinawag si manong mang
tataho at bumili ng dalawa.
Napangiti naman siya sa ginawa ko kahit na hindi ko talaga alam kung alin yung mga
pagkaing bawal sa kanya.

Nagkkwento ako sa mga linyang pinagsasasabi ng prof ko nung narinig ko yung


pangalan niya. Malayo yung boses
nung una, hanggang sa papalapit ng papalapit. Nasorpresa na lang ako nung lumingon
siya tapos mabilis na
humarap ulit sa kin.
�Mary, ikaw ba yan?�

Narinig kong bumulong siya ng �wala na ata akong magagawa.. Tumayo siya tapos
ngumiti ulit. Tumayo narin ako
kahit hindi ko alam kung anong nangyayare. Hanggang sa�

�Autumn. Kamusta?�

Nabasa ko na to sa diary niya. Autumn. Yun yung pangalan ng boyfriend niya na


pumatol sa best friend niya. Bakit
nga ba hindi ko napansin? Bakit hindi ko agad napansin na sa kanya ipinangalan ni
Mary yung teddy bear niya?
�Ayos lang. Mukhang� gumaganda ka.�

�Salamat.�

Nakaramdam ako ng galit sa loob ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil naiinis
ako sa mga taong pagkatapos
mangaliwa eh nakakaharap at nakakapangbola parin dun sa niloko niya. At eto namang
niloko, nagpapaloko
nanaman.

�Si Nathan nga pala. Nathan si Autumn.�

�Boyfriend mo?�

�Oo. Musta tol?�

Tapos binigay ko yung kamay ko, a sign of �gusto ko makipaghandshake.. Ayokong


tingnan yung reaction ni Mary,
pero sana makisakay na lang siya.

�Ah. Buti naman nakatagpo ka na ng��

�Cheesecake!�

Mula sa malayo, nakarinig kami ng sigaw ng �cheesecake.. Alam ko namang walang


nagbebenta ng cheesecake dito
kaya alam ko na kung sino ang tinutukoy nung sumisigaw na yun.

Unti-unting bumagal yung takbo ng babae nung nakita niya si Mary. Si Mary naman,
nakangiti parin, na parang
walang nangyareng gulo sa pagitan nilang tatlo. Siya, ang ex boyfriend niya at ang
ex best friend niya.

�M�mary. Anong ginagawa mo di�to?�

�Alam mo naman na pareho lang tayo ng university na pinapasukan diba? Pero nag LOA
ako.�

�Oh, eh di sana nagpakita ka sa min. Alam mo naman ang course namin.�

�Alam ko. Nakikita ko nga kayo. Iniiwasan ko lang yung pagkakataong magkitakita
tayo sa isang klase o sa isang
building.�

Bam. Tiningnan ko siya, nakangiti parin. Hindi ko alam kung nagparinig siya oh ano,
kung galit ba yun o sadyang
kaprangkahan lang. Hindi ko kasi mabasa yung mga emosyon niya.

�Boyfriend mo?�

�Ako nga pala si Nathan.�

�Ah, Hi Nathan, I.m Lara.�

�Hi.�

�Ilang araw na kayo?�

Sa tanong niya, hindi ko alam pero nainsulto ako. Ano sa palagay niya, ilang ARAW?
Hindi man lang buwan yung
tanong niya. Kung hindi lang talaga maganda ang pakikitungo ni Mary sa kanya, hindi
ko rin siya pakikitunguhan
ng maganda.

�Buwan na kami.�

�Taon na kasi kami ng cheesecake ko.�

�Alam ko, kwinento nga ni Mary paano niyo��

�Kamusta naman kayong dalawa?�

Alam kong sumingit si Mary dahil alam niyang nawawala na yung pasensya ko sa isang
to. Tae. Pano niya naging
kaibigan to?!

�Ayos naman kami, Mary.�

�Uh, gusto niyo mcdo tayo?�

�Ah wag na�may gagawin pa kasi kami ni Nathan.�

�Teka� Nathan? Wala kayong tawagan.�

Napatahimik si Mary, walang maisagot. Alam kong ako ang kailangan sumagot dahil ako
ang nagsabi na kaming
dalawa.
�Bakit, kailangan ba?�

�Wala lang. Rare kasi.�

�Oo. Wala kaming tawagan. Dahil para sa min, ang pinakamagandang musika na
maririnig namin ay ung pagtawag
ng mga pangalan namin sa isa.t isa.�
Napatahimik silang dalawa. Ngumiti ako kay Mary at siya naman, ngumiti din sa kin.
Hindi ko alam pero tingin ko
kailangan ko to gawin� para sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya tapos tumingin
sa dalawang taong sumira
sa buhay niya.

�Sige aalis na kami.�

�Uh�o sige. Salamat sa time tol. At sayo din Mary. Ingat kayo.�

�Lara...�

�Hmm?�

�Maging masaya ka ha?�

Ngumiti nanaman siya, ang pinakasandata niya sa lahat ng kalaban niya. Dun, umalis
na kaming dalawa at
naglakad papunta dun sa sakayan ng jeep. Pumunta kami dun sa playground kung saan
maghihiwalay na kami.

�Salamat.�

�Wala yun.�

�Ang init ng mga kamay mo.�

�Gusto mo ba?�

�Oo.�

�Sige, hahawakan na kita lage.�

�Ikaw talaga.�

�May tanong ako.�

�Ano yun?�

�Mahal mo pa ba si, Autumn?�

�Oo. Pero, mas mahal ko si Lara.�

�Ha?! B�bakit?�

�Hindi ako lesbian. Pero, sa tingin mo, kung hindi ko mas mahal si Lara, ibibigay
ko ba si Autumn sa kanya?�

Tama siya. Hinawakan ko yung mga pisngi niya. Kakaiba talaga siyang babae. Sobrang
kakaiba na tingin ko, kaya
niya na pasabugin yung katawan ko. Hindi ko rin alam, pati ako nagtataka� na sa
tuwing nahahawakan ko siya,
parang nagkakaroon ako ng boltahe.

�Pero� bakit nga ba?�

�Siya ang unang taong nagsabi sa kin na lumaban. Siya ang unang taong nagbigay sa
kin ng lakas ng loob para
mabuhay. Hanggang sa malaman ko na� kahit lumaban pa ako, wala na rin akong
mapapala.�

�Mary, wag kang ganyan. May gamot naman yan.�

�Alam ko. Pero, parang nakaguhit na ata sa kapalaran ko na mamatay ng maaga.


Tingnan mo to.�

Tiningnan ko yung mga palad niya. Yung guhit, kung saan sinasabi ng iba na
�lifeline. daw, maikli. Tiningnan ko din
yung akin, maikli din.

�Pareho lang tayong maikli.�

�Pero mas maikli yung akin.�

�Wag mo na nga isipin yun. Hindi. Hindi yan.�

Pagkauwi namin, binigay na niya sa kin yung cellphone na bigay ko kanina. May 2
missed call at 1 message. Galing
kay Sam yung dalawang missed call. Tiningnan ko yung text.

I think I still love you.

Binura ko nang sobrang bilis. Wala na akong pake sa totoo lang. Siguro nga� blanko
na ngayon ang puso ko. At,
handang magmahal muli.

***

CHAPTER 8

[The Shattered Memory]


Ang ganda ng araw ngayon. Hindi masyadong mainit. Tiningnan ko yung mga ulap.
Sabado na ngayon. At sa isang
linggo, kaarawan ko na.

Simula nung naging legal na ko, nakasanayan na naming magkakabarkada na sa tuwing


may birthday,
magpapainom. Ganon ganon lagi. Pero naisip ko, gusto ko sana imbitahan si Mary sa
20th birthday ko. Wala
namang masama. Ang tanda ko na para sa isang second year. Eh late kasi ako pumasok
tapos may grade 7 pa
ako.

�Ethan, may alam ka bang bar na malapit lang dito sa village.�


�Bakit? Dun na lang ulit kung san nagbirthday si��

�Gusto ko yung malapit lang dito.�

�Bat naman?�

�May iimbitahan ako.�

�Sino?�

�Sta.�

�Oo meron. Kaso, magttricyle pa ng konti. Kaso, wala namang pumupuntang chicks dun
eh.�

�Ayos lang yun. Para maiba naman. Dadamihan ko na lang ang painom.�

�Kung ganon ang usapan, ayos lang!�

Hindi ko alam kung anong sumapi sa kin pero bumili ako ng kwintas. Mahal yun, alam
ko. Kaya nga mula nung
binili ko hanggang sa makarating ako sa bahay, iningatan ko. Siguro nga regalo ko
to para sa sarili ko.

Pero, hindi yung mismong kwintas yung sinasabi kong regalo ko para sa sarili ko.
Ang sinasabi ko ay yung saya na
matatanggap ko mula sa kaisa-isang babaeng nagpahanga sa kin dahil sa tatag niya�
ang kaisa-isang taong
nagpapaniwala sa kin na pusible ang lahat.

Basta, crucifix yun. Ipapaalala ko lang sa kanya na may kakapitan pa siya.

Nung pumunta ako sa park, andun na siya, may binabasang libro. The Little Prince.
Sabi nga nila maganda daw
yun, at hindi ka makakalabas ng university hangga.t di mo pa yan nababasa.

�Mary.�

�O Nathan.�

�Nagbabasa ka?�

�Hindi ba halata?�

Tumawa ako, siya naman, as usual, nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya, ng mga
mata niya, ng maliit pero
matangos niyang ilong, at yung maliliit niyang labi. Mukha talaga siyang manika.

�Little Prince?�

�Oo. Nabasa mo na to?�

�Wala akong balak.�

�Kasama to sa 1001 books you must read before you die, yung unang version.�

�Talaga?�

�Oo. walong libro na lang, pwede na akong mamatay.�

�Wag mong sabihing� nabasa mo na yun lahat?!�

�Seven years old ako nung simulang magbasa ng mga ganun. Accidentally ko lang
nakita sa internet. May nakita
ako dati sa library ng mga dati kong magulang na kasama dun. Kaya, inumpisahan ko
na.�

�Hindi ko pa nga ata alam ang salitang �reading. at �internet. nung seven years old
ako.�

�Talaga?�

�Siyempre biro lang.�

Nagalala ako sa sinabi niya. Talaga bang, gusto na niya mamatay? Pero sinabi naman
niya sa kin dati na natatakot
daw siya. Pero� bakit pa niya tinutuloy?

Siyempre, panahon na para ibigay yung spesyal na regalo ko para sa kanya. Pambawi
na rin para dun sa birthday
niya. Tumayo ako tapos pumunta ako sa likod niya. Kinuha ko sa bulsa ko yung
kwintas at sinuot sa leeg niya.
Hindi ito katulad sa romantic movies kung saan mamamangha yung babae dun sa binigay
ng lalake.

Hindi ito ganun lang. Itong bibigyan ko ng kwintas ay isang kakaibang babae.
Nagbabasa parin siya nung Little
Prince nung tumayo ako, habang nilalagay ko, hanggang sa napaupo na ulit ako sa
swing. Wala siyang karea-
reaksyon habang ginagawa ko yun.

�Salamat.�

�Akala ko hindi mo na napansin na may kinakabit na ko sa leeg mo.�


�Gumagana pa naman ang utak ko kahit papano. Pagkatapos ng ilang buwan, pag ginawa
mo na yun ulit, hindi ko
na talaga mararamdaman. Alam ko din naman na mawawala tong alaala ko. O kung di man
mawala, mababago.
Kaya bago pa mangyari yun, sasabihin ko na. Ang mga alaala naman, hindi tinatago.�

Nainis ako ng konti, pero sino ba ako para mainis? Siyempre, yun ang iniisip niya�
na mamamatay na siya. Wala
akong magagawa kundi ang ipagdasal tong babaeng to na parang hindi takot mamatay.
Nagkunwari na lang ako
na hindi ko nakuha yung sinabi niya. Iniba ko na lang yung usapan, ayokong isipin
niya na naaawa ako sa kanya.

�Uy, pwede ka ba sa susunod na linggo?�

�Hindi.�
Nalungkot ako. Hindi man lang niya tinanong kung anong meron sa susunod na linggo.
Pag sinabi ko kaya,
papayag na siya?

�Bakit? May gagawin ka?�

�May trabaho ako.�

�Trabaho?!�

�Oo.�

�Tutor? Part-time?�

�Hindi. Matagal na namin to ginagawa.�

�Eh ano? May kasama ka?�

�Oo.�

�Ano yun?�

�Magpeperform.�

�Anong klaseng performance?�

�Hindi mo ba napapansin nung isang buwan din, pag sa huling linggo, wala ako?�

�Eto ba yun?�

�Oo. Sa huling linggo ng bawat buwan.�

�Eh ano ngang klaseng performance?�

�Uuwi na ko.�

�Iniiwasan mo yung mga tanong ko. Tinatanong ko lang naman kung anong klaseng
performance.�

�May bago ba dun?�

�Ang daya naman��

Nagulat ako nung bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

Napatulala ako sa ginawa niya. Wala akong masabi. Bakit niya yun ginawa? Napatitig
ako sa kanya sa sobrang
bigla. Sana� sana�
�Regalo ko yan. Birthday mo na next week diba? Kaya mo ako tinatanong.�

�Uh�oo��

�Simula kasi bukas hanggang sa birthday mo, hindi tayo magkikita.�

�B�bakit mo ko hinalikan?�

�Hindi ba pwede?�

Gusto kong sabihin na �Pwede naman... kaso... bakit?�

�Wag mo bigyan ng dahilan yan.�

�Ano ka ba. Natural hindi. Sinabi mo na ngang regalo mo eh.�

Ngumiti siya.

�Nathan��

�O?�

�Ayoko pang mamatay.�

Nabigla ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin dun.

�Pero kung nangyari na yung himala na hinihintay ko, siguro� siguro pwede na kong
umalis.�

Himala?

Hindi na lang ako nagsalita. As usual, ngumiti lang siya. Pinindot ko yung ilong
niya bago siya umalis, pero dahan-
dahan. Para kasing� ang sarap ng pakiramdam nung naramdaman ko na lumapit yung mga
labi niya.

Sana, sana maibalik ko yung panahon.


Bumalik ako sa bahay na may malakas na kabog ng puso. Hindi to pwede. Tama nga ba
yung nararamdaman ko?
Hindi. Hindi siguro�hindi dapat.

Naging malungkot ako sa mga araw na hindi ko siya nakita. Pero yung naramdaman ko
nung araw na hinalikan
niya ko, nawala na. Kaya napanatag na ko.

Tinext ko na yung mga dapat itext para sa birthday ko. Sabagay, hindi rin naman
makakapasok si Mary dahil
seventeen pa lang siya. Pero, mas gusto ko parin kapag andun siya.
Nung araw ng mismong birthday ko, mga eight ng gabi yung simula nung salo-salo ng
barkada. Hanggang inuman
lang yung balak ko. Andun din si Sam. Mga wala pa sa sampu yung imbitado. Yung
ibang nasa bar, mga
ordinaryong bisita na lang.

�Ilan pang bote?! Ilabas mo na nga yang milyon mo!�

�Dami pa. Ikaw lang naman tong kuripot.�

�Orayt. Ang sexy nung dumaan.�

�Tamo. May chicks din kahit papano.�

�Iisa pa nga lang eh.�

�Hi Nathan! Happy birthday!�

Hinalikan ako ni Sam sa pisngi. Tiningnan ko na lang siya at nagpasalamat sa ginawa


niya. Pero nung yun lang ang
ginawa ko, hindi ko alam kung bakit niya binalibag yung upuan sa harap ko.

�Sira ulo ka tol. Alam mo namang malakas ang tama sayo niyang si Sam eh.�

�Pasensya na. Kaso� wala na talaga eh.�

Mukhang nabad trip si Ethan dun, pero alam naman niyang wala na siyang magagawa.

May kumakanta, may sumasayaw at may nagbibiro sa may stage. Kinantahan na ako ng
happy birthday. Pinapunta
sa stage at tinanong pa nga ako kung saan ako nakatira para mabisita daw nung
baklang naghohost. Mga sira ulo
talaga.

Trip na trip nung mga kabarkada kong yung bar kung san kami pumunta. Siyempre,
kahit wala silang trip na
babae, libre yung inuman. Habang umiinom kami, may narinig akong usapan. Hindi
masyadong malinaw, pero may
narinig akong �banda..

�May banda? Anong banda?�

�All girl band. Puro chicks yun!�


�Pano mo nalaman?�

�Nandun sa labas. Eh pagkakaalam ko, puro chicks yun.�

�Nakita mo na?�

�Hindi pa.�

�Pano mo nalaman na puro chicks?�

�Sa poster. Kaso, lahat sila nakamaskara. Ang sesexy ng legs!�

�Ano daw pangalan?�

�Tears of Midnight.�

Wow. Saludo naman ako sa pangalan nung bandang yun. Maganda para sa isang all girl
band.

Mayamaya, nagpalakpalakan na yung mga tao. Siguro ito yung mga taong araw-araw na
andito. Nakita ko sa stage
na may pumasok na dalawang babae. Pareho silang nakamaskara. Yung isa umupo dun sa
may drums. Yung isa,
kinausap ata yung stage manager. Tapos tinono na niya yung gitarang gagamitin niya.

�Takte! Ang seseksi naman nian!�

�Nathan��

Tumingin ako. Si Sam pala.

�O?�

�Pwede bang� umupo sa tabi mo?�

�Pwede. Wala namang nakatabi eh.�

Umupo siya sa tabi ko. Maya-maya may tatlo nanamang babaeng nakamaskara ang
pumasok, yung maskarang
nakalabas parin yung mukha pero yung bandang sa mata lang ang tinatakpan. Napansin
ko, bukod sa lahat sila
nakamaskara, lahat sila nakaitim.

Mukha namang lahat sila maganda. Yung nagddrums mejo type ko. Layered ang buhok at
naka mini dress. Sabi
nga ni Ethan sana siya na lang daw yung drums.

Yung basista, maikli lang ang buhok, tomboyish. Pagkakamalan ko pa siyang taga pep
squad dun sa university
namin. Yung skirt niya yung nagpapakita na babae siya. Ganda at ang haba ng legs.
Sleevless na exposed yung
dibdib.

Yung lead guitarist, naka chun-li na buhok. Naka shorts, collared sleeveless na may
tie tapos naka high heels.
Gusto siya ni Sam, ang cute daw kasi ng damit. Yung nasa rhythm guitar, nakatube na
may makintab na pants.
Magkasing tangkad lang sila nung lead. Naka pig tails, nakanet gloves at nakaboots.
Pero ang pinakanakakuha ng
pansin ko, yung nagmimic test.

Nakasimpleng mini skirt siya. Jacket na may black and white stripes. Knee high
socks na itim na may black doll
shoes. Nakakumpol yung buhok niya na may konting lawit sa likod. Siya yung may
pinakasimpleng damit, pero
yung may pinakamagandang maskara. Yung apat kasi, nakaputing maskara lang. Pero
etong isang to, kumikintab
yung maskara niya.

�Good evening.�

Mary?

Yun ang nasa isip ko nung narinig ko yung boses niya dahil kaboses na kaboses niya
yung babaeng to. Pero, hindi
eh, hindi pwede. Bakit hindi pwede? Ewan ko. Hindi ko rin alam kung bat nasabi kong
hindi pwede. Dahil iba ang
suot niya? Dahil nakikihalubilo siya sa ibang tao?

Ewan.

�Namiss niyo ba kami?�

Alam ko na kung bakit. Oo, magkaboses sila� pero itong babaeng to, mukhang masaya
yung tono niya.

�Kami din, namiss din namin kayo.�

Nagsigawan lahat ng tao. Ngumiti yung babae, isang ngiting� alam kong nakita ko na.
Kinabahan ako nung
lumipat yung tingin niya sa amin� sa akin. Kahit na nakamaskara siya, yung mga mata
niya�

Sa kanya na ata ang may pinakamagandang mata na nakita ko.


�Mary?�

�Nathan, may sinasabi ka?�

�W�wala.�

Ngumiti ulit yung babae.

�Mukhang may bago tayong barkada dito ah.�

Sumigaw sina Ethan ng sobrang lakas. Tapos nag �I love you. yung iba sa mga
kabarkada ko.

�Sinong may birthday?�

Sabay turo sa kin. Eto talagang mga to.

�Ang tadhana nga naman. Dito ka talaga dinala ng langit no?�

Tinutukso ako ng mga kabarkada ko. Pero ako, eto, nakatingin lang dun sa may hawak
ng mic. Parang may ibig
sabihin yung sinabi niya.

�Pangalagaan mo buhay mo, isang himala ang mabuhay sa mundong to.�

Ngumiti siya na walang pakundangan. Naramdaman ko yung lungkot sa mga matang yun.
Sa mga matang alam
kong may kahawig� parang nakita ko na�

�Eto na yung huling kanta namin. Eto na ang huling pagtugtog namin.�

Huli? Wow. Eh di maswerte pala kami dahil kahit papano, nakita namin yung huling
performance nila. Naalala ko
tuloy yung rason kung bakit gusto ko malapit lang sa village namin, si Mary� sino
pa nga ba? Gusto ko magalit
dahil hindi siya pumunta sa birthday ko. Pero, masaya narin ako dahil mukhang may
nakita na akong may ipapalit
kay Sam.

Wala namang masamang magilusyon diba? Pwede namang after ng performance nilang yun,
hingin ko yung
number nung vocalist. Tapos yun na. Type ko talaga eh. May iba kasi sa kanya na
wala yung ibang kabanda niya.

�1 2 3 fall.�

Tapos, nagumpisa na ang tugtugan.


***

CHAPTER 9

[Miracle]

1, 2, 3�

Fall?

Kaya siguro Tears of Midnight. Tama nga. Fall. Paghulog ng luha. Wow. Kung ako yung
dating Nathan, mawawalan
ako ng pakielam dun. Pero dahil binago ako ng isang buhay na manika, eto� parang
kahit yung ibig sabihin ng
mga tagong salita, naiintindihan ko.

Sobrang lakas ng sigawan nung mga tao dito sa paligid. May sigaw, may pito, may
tawa, may tugtog. Pero ako,
heto, inaabangan ko lang yung pagkanta nung vocalist.

I.ve gone for too long

Living like I.m not alive

So I.m gonna start over tonight

Beginning with you and I

Sa unang dalawang linya palang na yun, isa lang ang naalala ko. Si Mary. Yung una
naming pagkikita kung saan
sinabi niya na �Nabubuhay ako pero patay ang turing sa kin.� Paanong hindi tatak
ang bawat salitang sasabihin
niya sa kin kung ganito siya kakaiba? Hindi lang siya naiiba eh. Nag-iisa lang
siya.

When this memory fades

I.m gonna make sure it.s replaced

Chances taken, Hope embraced


And have I told you?

Habang kinakanta niya yung kantang to, nakikita ko si Mary. Parang, biglang
nagtatransform yung vocalist.
Lumulugay yung buhok, humahaba yung damit� at natatanggal yung maskara. Nakikita ko
na ang kumakanta ay
si Mary. Natatawa nga ako eh. Ano ba tong ilusyong ginagawa ng utak ko.

Bukod sa kinakanta niya� may pinaparating siyang mensahe. When this memory fades,
I.m gonna make sure it.s
replaced. Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung huli kaming nagusap. �Alam ko din
naman na mawawala tong
alaala ko. O kung di man mawala, mababago. Kaya bago pa mangyari yun, sasabihin ko
na. Ang mga alaala
naman, hindi tinatago.�

I.m not going �cause I.ve been waiting for a miracle

And I.m not leaving

I won.t let you, let you give up for a miracle

And it might save you.

Miracle.

Yun ang title ng kantang to. Naalala ko nanaman si Mary, yung mga salitang iniwan
niya nung huli kaming nagkita.
�Pero kung nangyari na yung himala na hinihintay ko, siguro� siguro pwede na kong
umalis.� Bigla kong naalala
yung pinakuluang buto ng rosas na binigay niya sa kin. Kung san tinanong niya yung
tanong na gumimbal sa
mundo ko. �Naniniwala ka ba sa mga himala, Nathan?�

We.ve learned to run from anything uncomfortable

We.ve tied our pain below,

And no one ever has to know

Heto, nakaupo parin ako. Hindi ko nga namalayan na hawak na pala ni Sam yung kamay
ko. Hinayaan ko lang
siya, wala naman na yun sa kin. Hindi ko siya pinapaasa� siya tong umaasa.
That inside we.re broken

I tried to patch things up again

To kill my tears and kill these fears

And have I told you, have I?


Heto nanaman, parang si Mary talaga yung kumakanta. Yung mensahe, malinaw na
malinaw. Oo, si Mary� isang
kimkimadong babae. Mapalad ako na ako yung pinili niya nung diary niya na malaman
yung katotohanan tungkol
sa kanya.

Totoo naman eh. Yung diary niya yung mismong lumapit sa kin. Kung hindi pa ko
tinapilok nung diary niyang yun
sa kwarto niya, hindi ko malalaman ang katotohanan tungkol sa buhay niya. Hindi
kami magiging ganito kalapit
ngayon.

I.m not going �cause I.ve been waiting for a miracle

And I.m not leaving

I won.t let you, let you give up for a miracle

And it might save you.

Palakas ng palakas yung mga sigaw. Lahat ng mata nasa mga magagandang babaeng
nakamaskara sa may stage.
Hindi ko nga alam kung bakit si Mary ang nasa isip ko. Bakit nga ba? Siguro
naassociate ko lang dahil �miracle.
yung title ng kanta.

It.s not faith if�if you use your eyes, oh why?

We get it right this time

Let.s leave this all behind, oh why?

We get it right this time

It.s not faith if you.re using your eyes, oh why?

Bigla akong napatitig sa mga mata nung vocalist. Na hindi sa hindi ko alam na
dahilan ay nakatingin narin sa kin
habang kinakanta niya yung susunod na verse.

I.ve gone for too long

Living like I.m not alive

So I.m gonna start over tonight


Beginning with you and�

I don.t want to run from anything uncomfortable

I just want, no I just need this pain to end right here.

I just need this pain to end right� here.

Tinuro niya yung puso niya nung binanggit niya yung salitang �here.. Saka ko
napansin na may nakasabit na
kwintas dun sa leeg niya. Pero, di ko masyado makita dahil hindi din malinaw yung
mga mata ko.

I.m not going �cause I.ve been waiting for a miracle

And I.m not leaving

I won.t let you, let you give up for a miracle

And it might save you.

Hindi ko alam kung bakit�o kung tama nga ba yung nakikita ko. Hinahawakan niya yung
maskara niya�o parang
hindi. Parang� sumasakit yung ulo niya. Pero kahit ganon, nakita ko siyang ngumiti
at tinuloy ang palabas.

Yeah it might save you

Oh it might save you

It.s not faith if�if you use your eyes

If you use your eyes�

Saka ko nakita ang isang bagay. Isang bagay na napatayo ako� isang bagay na
nagudyok sa kin na pumunta sa
may stage at bitawan ang kamay .

Isang kwintas na may krus.

If you use your eyes.


Habang binabanggit niya yung huling linya, tinanggal niya yung maskara. Pero habang
nangyayare din yun,
dumidilim na rin sa may stage. Kaya, halos wala narin akong nakita sa mukha nung
babaeng yun.

Pero�

Parang, may nakita ako. Parang� nakita ko ang isang luhang pumatak sa mga matang
yun� habang tinatanggal
ang maskara niya� habang dumidilim sa entabladong tinatapakan niya.
Tumakbo agad ako papunta sa may stage at kinuha yung maskara na tinanggal niya.
Backstage. Kung san man
yun, hindi ko alam. Nung hindi ako pinapasok nung guard, lumabas ako. Pumunta ako
sa likod, kung saan tingin ko
dun sila lalabas.

Naghintay ako ng ilang minuto pero�

�Nathan!�

Narinig ko si Sam na papalapit. Nawalan ako ng pag-asa na lalabas pa yung bandang


yun. Malakas ang kutob ko
na si Mary at yung vocalist na yun ay iisa. Nagtutugma sa lahat ng nangyare.

�Anong problema?�

�Wala. Para kasing��

�Yung Tears of Midnight nasa loob ah. Nagpakilala na sila.�

Kumaripas ako ng takbo papunta ulit sa loob. Ang tanga ko! Naiinis ako sa sarili ko
kung bakit ako lumabas agad.
Pagpasok ko sa loob, humarap agad ako sa may stage.

Apat na babae lang na nakamaskara ang nakita ko. Wala yung vocalist.

�P*ta.�

�Nathan, anong bang nangyayare sayo?�

�Bat hindi mo sinabing�!�

Nasigawan ko si Sam. Pero� ano bang malay niya kung sino ang hinanap ko? Hindi ko
siya dapat sisihin. Sabihin
mo na Nathan. Humingi ka na ng tawad at gawin mo na ang dapat gawin.

�Sorry.�
Lumabas ako ng bar, hinihiling sa langit na sana tama yung hinala ko. Na sana nasa
labas pa yung babaeng yun,
sosorpresahin ako na siya yun.

Paglabas ko�

Hangin ang sumalubong sa kin.

Dinala ako sa ospital, hawak-hawak ang maskarang tumakip sa babaeng hinangaan ko sa


entablado at ang alaala
ng kwintas at ng luhang nakita ko. Naririnig ko parin yung boses ng babaeng yun�na
alam kong siya din ang
manikang dahilan kung bakit hindi ako nakahinga nung gabing yun.

***

CHAPTER 10

[The World of My Blessed Wonder]

Umuwi ako ng bahay matapos dalhin sa ospital. Bwisit. Hindi ko din alam kung bakit.
Basta sumikip ang dibdib ko,
at yun na. Dinala na lang ako bigla sa ospital. Sina Sam ang nagdala sa kin.
Siyempre alalang-alala sila. Birthday
ko pa man din. Biniro nga ako ni Ethan na akala daw niya na sa tuwing birthday ko
daw ay magcecelebrate narin
sila ng death anniversary ko. Tae talaga yun.

Isa lang ang nasa isip ko pag uwi ko sa bahay. Hindi ko alam kung magkaiba silang
dalawa�o magkapareho lang
sila. Si Mary, at yung babaeng bokalista ng Tears of Midnight.

Tatlong araw din ako absent kaya maraming kailangan aralin. Pero bukod dun, gusto
ko na pumunta sa park.
Nangangati na yung mga paa ko. Ang mga mata ko, gustung gusto na siya makita.
Siguro dahil gusto ko malaman
yung katotohanan. Kung siya ba talaga yung babaeng nakamaskara nung kaarawan ko.

Kung siya yun�


Bahala na.

Pagkatapos ng klase, nagmadali ako umuwi. O, mas tamang sabihin na, gusto ko na
pumunta sa park at makita si
Mary. Gusto ko na makipagkwentuhan sa kanya, tapos tingnan yung reaksyon niya.

Pagkapunta ko sa park, ayun, kitang kita ko siya na nandun sa may swing. Parang
walang pinagbago. May
headphones parin siya na ubod ng laki habang nagbabasa ng libro. Siyempre, hindi
mawawala yung teddy bear.
Minsan nagtaka ako kung paano niya napagsasabay ang pakikinig ng rock music at ang
pagbabasa ng librong halos
magdugo na ang ilong ko dahil sa mga salitang di ko alam.

�Mary!�

Sumigaw ako, pero hindi man lang siya tumingin sa kin. Sumigaw ulit ako, pero di
nanaman niya narinig. Hindi ko
alam kung maiinis ako. Konti, nainis ako. Siya na tong tinuturing kong
pinakamalapit kong kaibigan, pero ni hindi
nga niya alam na naospital ako. Ni di ko man lang alam kung nagalala ba siya sa
kin. Sabagay, hindi nga niya
alam.

Ano nga bang pakielam niya sa kin?

Umupo ako sa swing. Nilipat niya yung page saka niya ko binati.

�Hello Nathan.�

Ang sarap tanungin ano ba ako sa buhay mo? Pero alam ko naman ang sagot.

Nung umpisa pa lang, alam mo na kung anong magiging parte mo sa buhay niya, di ba
Nathan?

Tama yan. Kausapin mo lang ang sarili mo.

�Mary, pwede magtanong?�

�Pwede. May kalayaan tayong lahat na magsalita.�

�San ka galing nung birthday ko?�

Nilipat niya sa isang page. Naisip ko tuloy kung mag-iisip siya ng sagot para
ipantakip sa kin o aaminin na niya na
siya yung babaeng bokalista ng Tears of Midnight.
�Sa langit.�

�yung seryoso.�

�Seryoso naman yung sinabi ko.�

Tumahimik nanaman siya. At eto ako, nakatingin nanaman sa mukha niya. Yung mga
mata, labi� parehas na
parehas dun sa babaeng kumanta nung kaarawan ko.

�Alam mo ba, nung birthday ko, inatake ako sa puso.�

�Masyado ka atang maraming kinakaing mamantikang pagkain.�

�Hindi yun ang punto ko.�

�O baka tingin mo ako yung babaeng nakamaskarang nakita mo.�

Sandaling napatigil yung hininga ko. Hindi man lang niya hinintay na ako yung
magsabi ng katiting na pahiwatig.
Hindi ko alam kung may kapangyarihan lang talaga siyang magbasa ng isip.

�Oo, ako yun.�

Sinara niya yung libro niya. Sa sinabi niyang yun, parang nabinge ako. Unti unting
nawala sa alaala ko yung boses
ng babaeng bokalista ng Tears of Midnight�yung boses niya�habang kumakanta sa
entabladong yun.

Bigla ko tuloy gustong marinig ulit yung boses niya.

Ngumiti siya. Nakita ko yung librong binabasa niya, A Walk to Remember. Kasama din
kaya yun sa 1001 books you
must read before you die? Kung kasama, masasabi ko na 0.0999 percent na pwede na
akong mamatay.

Nakakatawa talaga ang tao. Bat ba may �standards� pa na kailangan bago mamatay? O
sabihin na nating,
�standards� para masabi mong pwede ka na mamatay?
�Bakit ka pa nagmaskara?�

�Para san ba ang maskara, Nathan?�

�Para��

�Tinatago naming lima ang totoo naming katauhan sa likod ng mga maskarang yun.�

�Bakit pa? Pwede namang��

�Kaming lima na tinalikuran ng buong mundo. Kaya kami nakamaskara, para tanggapin
kami.�

�Pwede namang tanggalin niyo yun. Bakit ba kasi akala niyo hindi kayo tatanggapin
ng mundo?�
�Sa akin pa lang na nakikita ng lahat ng tao kung sino talaga ako, iisa lang ang
lumapit. Ikaw yun. Pero pag naka
gintong maskara ako, nagsusuot ng mga damit na hindi ko talaga gustong suotin,
akala mo kung sinong diyosa
ang sinasamba nila.�

Natahimik ako. Alam kong sa loob-loob ko, napahiya ako ng sobra. Imbis na sa kanya
ako naawa, naawa ako sa
sarili ko dahil� isa din ako sa mga taong natuwa. Isa din ako sa mga taong
nalinlang ng mga maskara nila.

�Kailan kayo nagumpisa?�

�Nung nakaraang dalawang taon.�

�Bigla na lang kayo nabuo? Kala ko ba hindi ka masyadong nakikihalubilo sa tao?�

�Isang araw, nakakita ako ng isang pader na may sulat na gusto na niya mamatay.
Nagsulat ako na gusto ko na
umiyak. Pagdaan ko nung sumunod na araw, may tatlong sumunod na nagsulat. Yung isa,
gusto ko na mabulag.
Yung isa, gusto ko na pandirihan ng iba. At yung huli, gusto ko na itakwil ng iba.�

Habang pinapakinggan ko yung kwento niya, lalo akong hindi makapaniwalang nasa
Earth ako. 6.8 bilyon na tao
na buhay, at may limang humihiling na bawiin na yung mga buhay nila.

�Si Crimson yung drummer. Kalahating mata niya bulag.�

Tumungo na lang ako. Napamangha dahil dun. Magaling siya magdrums, pero di ko
akalain na magagawa niya yun
kahit na hindi makakita yung isa niyang mata.

�Yung kambal, si Iris at Luna, yung parehong gitarista, pareho silang laki sa hirap
na pinandidirian at tinatakwil ng
ibang tao. Kaya yung sinulat nila sa pader ay kabaligtaran talaga nung gusto nilang
mangyare.�

Dun ako napaisip� sa mundo niya� normal ba ako?

�Yung basista namin na si Velvet, ay katulad ko na nakaranas na ng sakit. Hindi


siya tinuring na anak nung mga
magulang niya. Ang masama, pinakuha yung puri niya sa halagang tatlong libo.�

Naguumpisa nanaman na sumikip yung dibdib ko. Ilang tao pa ba ang ganito sa mundo?
Ilang tao pa ang kakaiba
tulad ng babaeng to?

�At ako, isang babaeng minalas� pero sa lahat ng malas na yun, hindi man lang ako
naglakas loob na umiyak.
Kaya, nagpapasalamat ako sayo� dahil� tinuruan mo ko kung pano.�

�Hindi kita tinuruan kung paano. Ikaw mismo ang nagpalaya sa sarili mo.�

�Pero ikaw ang may hawak ng susi sa kulungan ko, kaya ako nakalaya.�

Gusto ko umakyat ng bundok para ipagmalaki yun. Biglang gumaan ang loob ko, at unti
unting humupa yung sakit
sa dibdib ko. Isa lang pala ang kailangan� at yun ay walang iba kundi siya.

�Alam mo tong librong to?�

�Oo naman. Kasama ba yan sa 1001 books?�

�Kakatapos ko lang yung huling libro kahapon, kaya pwede na ako mamatay.�

�Mary��

�Nalaman na rin ng banda ko na may taning na ko.�

Kung tutuusin, mas marami pa akong magagawa kesa ang makinig sa kwento niya� kesa
paulit-ulit na umikot sa
utak ko na may mamamatay na akong kaibigan� kesa hintayin ko pa na mangyari eh
pwede namang kalimutan ko
na lang siya.

Kaya kong iwanan tong nilalang na to ngayon� pero� ayoko lang.

�Bigay to sa kin ni Crimson kaya binabasa ko siya ngayon.�

�Ano, ayos naman?�

�Oo. Gusto ko yung kwento. May leukaemia din pala si Jamie.�


Jamie yung pangalan nung bida sa kwento.

�Pero mas marami kaming pinagkaiba.�

�Tulad ng?�

�Mahal siya ng tao.�

�Ano pa?�

�Pastor yung tatay niya.�

�Ano pa?�

�Mmm� binabawi ko na. Siguro nga mas marami kaming magkakaparehas.�


Hindi na ako nagulat nung sinabi niya yun, dahil alam kong mas marami silang
pagkakaparehas. At yung isa sa
maraming yun ay narealize ko nung tiningnan ko yung mga mata niya.

�Bukod sa pareho kaming may leukaemia, pareho din kaming nagkukunwari na malakas.�

�Meron pa.�

�Pareho kaming wala sa panahon kung magsuot?�

�Bukod dun.�

�Pareho kaming mahal ng Diyos.�

�Automatic na yun. May isa pa.�

�Ano?�

�Pareho kayong naniniwala sa himala.�

Ngumiti siya.

�Oo nga no.�

Tinuloy niya yung pagbabasa. Hindi ko alam kung napansin niya. Pero ako, napansin
ko.

Napansin ko na tinititigan ko lang siya habang nagbabasa.

Nakita ko yung mga magaganda niyang mata at yung maliit niyang labing nakangiti na
nagiging dahilan kung bakit
ayoko palipasin ang araw hanggat di ako nakakapunta sa park.

Narinig ko yung malakas na tunog ng drums mula sa loob ko na halos patalbugin ako
mula sa swing na kinauupuan
ko.

Naamoy ko yung amoy ng strawberry cologne niya habang magkasama kami sa araw-araw
na ginawa ng Diyos.
Isang amoy na gusto ko maaamoy ko lagi.
Nalasahan ko yung mapaklang lasa sa loob ng bibig ko na nagsasabing wala ng laway
dahil� marahil nalunok ko
na lahat�parang nung nangyari lang nung nasabi kong mahal ko na si Sam.

Naramdaman ko yung pagnanais na alagaan siya habang buhay.

Napansin ko na may isa pa silang pagkakaparehas nung bidang nasa librong binabasa
niya.

Hindi ba�

Minamahal din ng isang lalake ang bidang babae sa kwento?

Kung ano man yung ibig kong sabihin�kahit na makalimutan ko pa yung mukha, boses,
amoy at hawak niya�ay
ang isang pakiramdam na alam kong kahit kailan ay hindi na mawawala.

***

CHAPTER 11

[When She Starts to be Everything]

Mula nung narealize ko yun, walang araw na maaga ako umuwi para dumerecho sa park.
Pinapakain ko siya at
pinapagmasdan ngumiti. Gusto ko maging ganito habang buhay.

Hindi na siya nagbabasa ngayon. Gumagawa na siya ng mga eroplanong papel. Para
siyang bata, isang batang di
ako magsasawang alagaan.

Dun sa mga eroplanong papel, sinusulat niya yung mga dasal niya para sa mundo. Bago
niya yun iniiwan sa ibang
lugar, pinapabasa niya sa akin. Maguusap kami sandali kung bakit yun ang naisip
niyang isulat. Hindi ko nakikita
kung san niya nilalagay yung mga eroplanong papel na yun. Pero ang sabi niya,
iniiwan niya sa iba.t ibang lugar.

Eto, hindi ko na alam kung pangilang buwan o linggo o araw na kaming magkasama.
Maaraw pero medyo malamig
dahil malapit na magpasko. Gumagawa parin siya ng eroplanong papel nun. Nagsusulat
sa mga papel tapos
tinitiklop nanaman niya. Sa oras na yun tatlo na ata yung nagawa niya.

�Nakakamangha ka talaga.�

�Hindi ako kakaiba para kamanghaan. Tao lang din ako tulad mo.�

�Hindi naman dahil kakaiba kaya ako namamangha sayo eh.�


�Kailangan ko ba tanungin kung ano?�

�Kahit naman hindi mo tanungin, sasabihin ko parin.�

�Ano?�

�Dahil habang tumatagal, nalalaman ko na hindi ka kakaiba.�

Ngumiti siya.

Kumuha siya ng papel, pero hindi niya muna sinulatan. Tiniklop niya muna tapos
nagpunit-punit siya. Nagtaka ako
sa ginagawa niya. Akala ko trip lang niya hanggang sa nakita kong eroplanong papel
parin yung ginawa niya.

�Eto para sayo.�

�Talaga?�

�Ayaw mo?�

�Siyempre gusto.�

Kinuha ko. Pero dahil alam kong wala naman siyang sinulat, hinawakan ko lang.

�Bat hindi mo subukan paliparin?�

�Bakit?�

�Subukan mo lang.�

Nakaupo ako sa swing tapos pinalipad ko. Nagulat ako nung biglang lumanding sa mga
paanan ko. Hindi ako
matalino para sabihin pusible o di pusible yun sa phsyics pero, namangha lang ako.

�Talagang alam mo na babalik?�

�Hindi, nagulat din ako.�

Ngumiti siya tapos tumayo. Dinampot niya yung eroplanong papel.


�Ang galing.�

Mukha namang namangha siya sa nangyare. Pero, nakita ko yung sobrang pagmangha niya
dahil sa mga ngiting
abot tenga.

�Bat parang manghang mangha ka?�

Tumingin siya sa kin at ngumiti. Saka niya binuksan yung eroplanong papel. Doon ko
nalaman kung bakit nga siya
manghang mangha. Papano, yung pinunit-punit pala niyang parte ng eroplano ay hugis
krus.

Ngumiti ako tapos tumayo. Nakatungo parin siya, hawak hawak yung papel.

�Ang ibig sabihin lang niyan, kahit saan ka pa pupunta, sa Kanya ka parin babalik.�

Hinawakan ko yung mga kamay niya. Naririnig ko nanaman yung drums sa loob ng
katawan ko. Tumingin siya sa
kin ng dahan-dahan. Handa na bumuka ang bibig ko at sabihin lahat ng nararamdaman
ko nang nangyare ang
hindi inaasahan.

Sa mga sumunod na oras, nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha at naghihintay ng
sasabihin ng doctor.
Mapalad parin ako dahil may dumaang taxi sa may parke kaya naihatid ko siya sa
ospital agad. Lumabas yung
doctor. Tinanong niya kung sino ako, sabi ko kaibigan.

Mula nung araw na yun, nagbago na ang takbo ng buhay ko.

Dumating na yung papa ni Mary sa ospital, amoy alak. Pero kahit ganon, halatang
nag-aalala parin siya para unica
hija niya.

Pagdating na pagdating niya, dinala ko agad siya sa doctor. Silang dalawa ang nag-
usap. Ako, alalang alala parin.
Tayo, upo� tayo, upo. Hindi ako mapakali sa iisang pwesto.

Ngayon ko kinakailangan ng himalang pinaniniwalaan niya.

Pagkatapos nilang mag-usap, pumunta agad ako sa papa ni Mary. Gusto ko makibalita.
Pero nang makita ko yung
tulalang mukha niya, parang mas gusto kong maging bulag at binge para di ko makita
ang reaksyon at marinig
ang resulta.

�A�ano daw po yung balita?�


Tumingin sa kin yung papa ni Mary na blanko ang ekspresyon sa mukha. Sana di ko na
lang tinanong.

�Lu�lumalala na daw.�

Tumulo yung luha ko ng walang pakundangan. Ayoko.

�Wa�wala na po b�ba daw p�paraan?�

Ginalaw nung papa ni Mary yung ulo niya mula sa kaliwa papuntang kanan paulit-ulit
hanggang sa humahagulgol
na siya. Ako, nakatulala� hindi makapaniwala�

Bakit kung kelan alam na ng puso ko kung kanino talaga siya nagmamayari� saka
ipamumuka sa kin ang
masaklap na tadhana?

Pumunta ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga, natutulog. Yung mga labi
niya hindi na masyadong pink
tulad dati, parang pale rose. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin na pumayat siya?
Payat na nga siya, bigla pa
siyang papayat.

Hinawakan ko yung mga malamig niyang kamay, saka napaupo.

�N�Na�Nathan��

Bumuka yung mga mga mata ko sa sobrang saya dahil gumising siya. Pinisil niya yung
kamay ko, alam kong
madiin na yun para sa kanya, pero kung tutuusin para lang yun bulak na dumampi sa
kamay ko.

�P�p�pabukas ng r�radyo.�
Wala naman akong nakitang radyo sa kwarto niya. Pero dahil sa hiling niya yun,
kinuha ko yung cellphone ko saka
niloud speaker. Ang unang kantang narinig ko ay �Happy�. Napamura ako, natawa siya.

Nilipat lipat ko yung station. Pagkalipat ko sa isang station, ang naabutan naming
ay �and here.s awake by
secondhand serenade..

Napamura nanaman ako.

Ililipat ko sana nung pinisil niya ko.

�Jan na nalang.�

Wala namang magagawa ang mahina kong puso, alinsunod sa tunay na nagmamayari sa
kanya. Kahit alam kong
maiiyak ako sa kanta, kung yun ang kantang gusto niyang marinig, wala akong
magagawa.

With every appearance by you wandering my eyes

I can hardly remember the last time I fell like I do

You.re an angel disguised

Naalala ko mula nung nagkita kami. Dahil sa kanya, nakalimutan kong nasaktan ako
dahil kay Sam. Napangiti ako
ng konti dahil naalala ko kung pano siya nahulog sa kin. Para bang, hulog ng
langit.

And you.re longing real still, but your heartbeat is fast just like mine

and will movies long over? That.s three that have passed one more.s fine

Habang lumalapit yung chorus, dumadami yung tulong pumapatak sa mata ko.
Pinupunasan nung kaliwang kamay
ko dahil yung kanang kamay ko, hawak yung isa niyang kamay.
Will you stay awake for me?

I don.t wanna miss anything. I don.t wanna miss anything

I will share the air I breathe

I.ll give you my heart on a string�.

I just don.t wanna miss anything�

Napamura ako sa isip ko. Ano bang meron sa mga kanta at minsan sobrang nakakasakit
ng damdamin ng tao? Sira
ulo tong kumanta.

I.m trying real hard not to shake


I.m biting my tongue, but I.m feeling alive

And with every breath that I take, I feel like I.ve won

You.re my key to survival

Tumingin ako sa kanya. Siya naman, nakapikit at nakikinig sa kanta. Sa ganito na


lang lagi, nakapikit siya� pero
at least alam kong humihinga siya.

That deep inside the hero you want I can save you, just stay here

Your whispers are priceless, your presence is still

So please stay near

Will you stay awake for me?

I don.t wanna miss anything. I don.t wanna miss anything.

I will share the air I breathe.

I.ll give you my heart on a string.

I just don.t wanna miss anything�

Dumilat siya pagkatapos nung ikalawang chorus at nakita niya yung namumula kong
mukha dahil sa tuluy-tuloy na
luha. Peste. Peste. Peste.

�Nathan��

Say my name. I just want to hear you

Ang sarap pakinggan ng boses niya.

�N�Nathan��

Say my name so I know it.s true.


�B�bakit?�

You.re changing me. You.re changing me.

You showed me how to live.

�Wala lang.�

So just stay� so just stay.

�Masaya lang akong andito ka.�

Will you stay awake for me?

I don.t wanna miss anything. I don.t wanna miss anything.

Alam kong hindi na ko basta lumuluha dahil umiiyak na ko. Wala man lang akong
dalang panyo. Nahihiya tuloy ako
sa kanya dahil nakikita niyang umiiyak ako, samantalang siya, isang beses palang
umiyak sa buong buhay niya.
Yung pangalawang beses ay isang patak lang ng luha.

�Bakit ba kailangan lahat ng sasabihin mo� malakas ang tama sa puso ko?�

I will share the air I breathe

Pinisil ko yung mga malalamig niya kamay. Ayun, nakangiti lang siya sa kin. Ni
hindi ko man lang alam kung
naintindihan ba niya yung sinabi ko.

I.ll give you my heart on a string.

I just don.t wanna miss anything�

Alam kong pagod na siya kaya unti unti na siyang umidlip ulit. Natapos na ang
kanta, dumaan na ng dalawang
beses yung mga nurse. Ako, hawak-hawak ko parin yung kamay niya, na kahit kailan,
di ko bibitawan. Bago ako
makatulog, bumulong ako sa tenga niya ng isang �mahal na mahal kita.. Tapos natulog
na ko.

***

CHAPTER 12

[Err]
�Alam mo ba nanaginip ako na umiiyak ka daw?�

Hind ako sanay na nakaputi si Mary, at lalong hindi ako sanay na nakahiga siya.
Heto, hawak hawak ko parin yung
kamay niya. Kakagising lang niya mula dun sa tulog niya kahapon. Siyempre tinawagan
ko na yung mga magulang
ko. Sabi ko may dinadalaw lang akong kaibigan.

�Talaga? Anong ichura ko?�

�Umiiyak ka. Yun lang.�

�Hayaan mo na nga yung panaginip mo.�

�Ilang araw daw ako dito?�

�Depende.�

�Anong depende?�

�hindi kita palalabasin hanggat di ka magaling.�

�Nathan, alam mong hindi na ko gagaling.�

Buti na lang at biglang bumukas yung pinto. Yung mama niya dumating. Hindi katulad
sa ibang eksena na
matutuwa at iiyak ang anak dahil dumating ang inang minsan minsan lang niya makita.
Eto, parang araw-araw
niyang nakikita yung mama niya, na isang maliit na ngiti lang ang naibigay niya.

�Boyfriend ka ba ni Rebecca?�

Rebecca parin pala yung tawag sa kanya nung mama niya. Umiling lang ako. Nilagay
niya yung prutas sa mesa.
Akala ko di iiyak yung mama niya dahil yun nga, hindi naman sila ganun kalapit.
Gulat na gulat ako nung bigla
siyang humagulgol.

Tiningnan ko si Mary. Pero kahit isang luha, walang tumulo mula sa kanya. Nagtataka
na ako kung anong kontrol
ang meron siya para makontrol ang luha niya. Bumukas uli ang pinto, papa naman niya
ang pumasok. Napaluhod
yung papa niya at humagulgol sa may sahig. Sa pagkakaalala ko, wala pa akong
nakikitang ganitong eksena sa
mga napapanood ko. Pero bakit ko ba kailangang ikumpara? Iba ang totoong buhay.

Lumabas ako dahil alam kong kailangan nilang mag-usap usap. Buti na lang Sabado
kaya wala akong kailangang
asikasuhin. Di bale na yang mga exam na yan. Kakayanin ko yun.

Maya-maya, lumabas na yung mga magulang niya. Nagusap sila sandali tapos pumasok
ulit yung papa niya sa
kwarto. Yung mama naman niya, papunta sa kin.

�Anong pangalan mo iho?�

�Nathan po.�

�Salamat sa pagdala mo dito kay Rebecca.�

�Wala po yun tita. Mahal ko po ang anak niyo.�

Marahil nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nabigla siya dahil out of no
where eh nasabi ko yun, o dahil
nagulat siyang mahal ko ang anak niya. Halatang halata parin sa boses niya sobra
yung paghagulgol niya kanina.

�Iho, alam mong may taning siya diba?�

�Opo. Alam ko po sa umpisa pa lang.�

�Pero ayos lang sayo?�

�Naniniwala po akong gagaling siya.�

�Himala na lang ang makakapagligtas sa kanya.�

Umiyak nanaman yung mama niya. Hindi ko din mapigilang umiyak sa sinabi niya.
Ayokong maniwalang matatapos
nang ganun-ganon na lang. Naniniwala ako sa himala.

�Limang buwan.�

Tinapik ng mama ni Mary yung mga balikat ko. Nagulitang ako sa dalawang salitang
yun. Limang buwan? Kung sa
isang estudyanteng naghihintay ng bakasyon, mahaba ang limang buwan ng klase. Pero
sa isang taong nagaagaw
buhay, sobrang ikli ng panahong yun.

Umalis na yung mama niya. Ako, halos hindi na pumipikit yung mga mata ko sa sobrang
gulat. Sa loob ng limang
buwan, paano ko maipapakita sa kanya kung gano ko siya kamahal? Paano? Paano?

Pumunta ako sa kwarto niya. Andun yung papa niya na nakaupo. Siya naman nakapikit,
siguro natutulog nanaman.
Pagkapasok ko, ngumiti lang yung papa niya sa kin tapos lumabas din ng kwarto.
Pagkarinig na pagkarinig ko nung
tunog ng saradong pinto, dumilat ang mga mata ng babaeng pinakamamahal ko.
�Buti na lang pala may sakit ako.�

Nabigla ako sa sinabi niya. Pero wala ako sa posisyon para pagalitan siya. Alam
kong bawat salitang sasabihin niya
ay may rason. Ang kailangan ko lang gawin ay alamin.

�Bakit?�

�Kahit tatlong tao lang ang nagmamahal sa kin ngayon sa mundong to� si papa, si
mama� at ikaw� masaya ako
na makasama kayo sa iisang kwarto na binabantayan ako.�

�Baliw ka talaga. Ikaw lang ang babaeng masayang may sakit.�

�Pero ang nakakalungkot lang��

�Ano?�

�Kung kelan malapit na ako maglaho sa mundong to, saka ko lang makikita yung
totoong pamilya ko ng buo.�

�May rason kung bakit ganun.�

�Nathan��

�Ano?�

�Gusto ko na umalis.�

�Hindi pwede. Kailangan mong magpagaling.�

�Hindi na ko gagaling.�

�Gagaling.�

�Nathan� alam kong alam mo na limang buwan na lang.�

Natahimik ako ng ilang sandali. Kung ibang tao to, gagawa yun ng paraan para
umingay ulit. Pero dahil hindi siya
�ibang tao. lang, alam kong hihintayin niya yung sasabihin ko.

�Saan mo ba hinuhugot yung lakas ng loob mo para sabihin sa kin� at sa sarili mo�
na may taning ka na?�

�Hindi ko makikita ang langit, kung hindi ako mamatay.�


Umiiyak nanaman ako. Bakit ba may abilidad si Mary na paiyakin ako ng paulit ulit?

�Hindi mo naman talaga alam kung may langit.�

�Naaalala mo ba yung parte ng kinanta ko nung birthday mo na� hindi pananampalataya


pag mata mo lang ang
gagamitin mo?�

�Oo. Pero��

�Natatakot ako mamatay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam
kung mabubuhay ako uli bilang
ibang tao, hindi ko alam kung may langit o impyerno, hindi ko alam kung ano ang
purgatoryo. Pero matagal ko na
napaghandaan at natanggap na mamamatay ako. Isa pa, wala akong kapangyarihang
baguhin ang nakaguhit sa
mga palad ko.�

�Kung� bibigyan ka ng pagkakataon para lumipat sa ibang katawan� kanino ka lilipat?


�Marahil� hindi ako lilipat.�

�Bakit?�

�Kung hindi ako sa katawang to mapupunta� hindi kita makikilala.�

Nagbigay ako ng isang ngiti.

�Maikli na lang ang buhay ko. Ayokong puti lang ang nakikita ko sa ikli ng panahon
na mamamalagi ako sa
mundong to.�

�Sige. Sisiguraduhin kong makakalabas ka na within this week.�

Yung susunod na linggo, nakalabas na siya. May wheel chair narin siya, pero
gagamitin lang daw niya yun pag
kailangang kailangan lang.

Nahimatay ulit siya dalawang beses matapos nung huli niyang ospital. Pero dahil nga
ayaw niya sa ospital, sa
bahay ko lang siya dinadala pag nahihimatay siya. Usually naman, ako ang kasama
niya pag inaatake siya ng
panghihina. Ayoko na nga pumasok, gusto ko na lang bantayan siya.

Matigas parin ang ulo niya. Pumupunta parin siya sa park kahit na ako at ang mga
magulang niya ay may takot na
baka habang naglalakad siya eh bigla siyang manghina o himatayin. Minsan
sinasamahan na siya ng papa niya
papunta dun tapos pag nakikita ako, saka na lang siya aalis.

�Tingin mo ba makakagawa parin ako ng eroplanong papel pag nawala na ako dito?�

�Depende. Kung may papel sa pupuntahan mo.�

Ngumiti siya. Isa akong tanga pag hindi ko parin alam na may rason yung bawat
ngiting ilalabas niya.

�Ayan nanaman yang mga ngiti mo.�


�Natutuwa lang ako.�

�Bakit?�

�Dahil hindi ka na nalulungkot sa tuwing paguusapan natin yung tungkol sa pagkawala


ko.�

�Nalulungkot parin ako, ayoko lang dagdagan yang lungkot na nararamdaman mo.�

�Gusto ko tanggapin ako ng tao dahil eto ako. Ayokong kaawaan ako ng tao dahil
mamamatay na ko.�

�Alam ko yun.�

�Oo nga pala.�

�Ano?�

�Gusto ko, dito ako mawawalan ng hininga.�

�Dito sa parke?�

�Oo.�

�Bakit naman?�

�Dahil dito kita nakilala.�

Sana nasa isip niya din ang nasa isip ko. Gusto ko marinig mula sa kanya na mahal
niya ko, kahit na sa mga
sinasabi niya, yun na rin ang sinasabi. Ayokong magassume na ganun nga, pero hindi
ako manhid para hindi rin
maramdaman yung nararamdaman niya para sa kin. Pero sino ba siya? Isa lang naman
siyang kakaibang babae na
hindi mo alam kung ano ang nasa isip.

Sa loob ng maikling panahong nagkakilala kami, natutunan ko siya mahalin. Kaso,


hindi ako makakita ng tamang
panahong kung kailan ko sasabihin sa kanya ang matamis pero masaklap na
katotohanan. Ang tanging alam ko
lang ay konti na lang ang panahong natitira, at kailangan ng isang himala para
suwayin ang nakaguhit sa palad
niya.

***

CHAPTER 13

[The Lullaby]
Nagbuntong hininga ako. Mejo malapit na rin ang pasko, pero kung tutuusin mejo
malayo pa. Iniisip ko kung
anong pwedeng iregalo sa kanya. Bestida? Notebook? Headband? Ano bang magugustuhan
niya?

�Ano bang gusto mo iregalo ko sayo?�

�Yung kaya kong dalhin sa kung saan man ako pupunta.�

Heto, nasa sofa ako ng bahay nila. Ayoko na kasing mapagod siya kaya ako na lang
tong pumupunta. Buti nga
sembreak, kaya mas marami akong panahong asikasuhin siya.

�Matutulog muna ako.�

�Dito ka na.�

�Hindi ka kama.�

�Pwede din.�

�Gusto mo bang mauna kesa sa kin?�

�Joke lang. Sandal ka na lang.�

�hindi ako nakakatulog pag sandal lang.�

�Ganon. Sige tara.�

Hawak hawak ko yung kamay niya, pumunta kami dun sa kama niya. Kaso, napapansin ko
na mas humihigpit ang
hawak niya sa kin habang tumatagal. Pero, sinasantabi ko na yun. Ang mahalaga yung
kasalukuyan.

Ako yung unang pumunta sa kama niya. Nakaupo lang ako dun at nakasandal dun sa
pader. Tinitigan lang niya ko,
siguro nagtataka siya kung anong gagawin ko.

�higa ka.�

Ngumiti siya. Siyempre, nabighani ako sa mga ngiti niyang yun. Humiga siya sa may
hita ko. Pinagmasdan ko
siyang matulog, para talaga siyang manika. Sinusuklay ko yung buhok niya. Ngumiti
ako. Ano kaya pag
nakabestida ulit siyang pula, yung tulad nung nakita niya yung ex niya? Tapos kulot
yung buhok niya. Siguro,
pagkakamalan siyang manika talaga.

Mga dalawang oras ako nagdadaydream. Halos bawat minuto tinitingnan ko kung
humihinga siya dahil natatakot
ako na baka hindi na. Sa dalawang oras na yun, ang iniisip ko ay yung hinaharap
naming dalawa, na hindi ko alam
kung makikita ko nga.
Kinuha ko yung iPod niya at yung malaki niyang headphones. Pati yung teddy bear
niyang si Autumn, tinabi ko sa
kin. Nilagay ko yung headphones sa tenga ko, at nagpalipat lipat ng kanta. Puro
rock, metal rock, emo rock, opm
rock, meron ding religious rock. Hininaan ko yung volume dahil baka magising siya
bigla.

Habang nagshushuffle ako ng kanta, isa dun, napansin ko. Paano, eksakto kasi habang
natutulog siya, ang sarap
ipang lullaby sa babaeng pinakamamahal ko. Ngumiti ako, at dahan dahang hinaplos
yung mukha niya habang
natutulog. Hindi ganon kaganda yung boses ko�sa tingin ko�kahit sabi ng iba ayos
daw. At nang marinig ko na,
nagumpisa na ang munti kong hele para sa prinsesa ko.

gising na

buksan ang iyong mga mata gising na

halina at silipin ang pagdilat ng umaga

tahimik at saksakan ng ganda

Gusto kong umiyak habang kinakanta ang bawat linya. Gusto ko siya gumising, para
makasama ko na ulit siya,
para masabi kung gano ko siya kamahal�kahit na alam kong hindi ko maipapaliwanag sa
kanya.

gising na

nandiyan na ang umaga gising na

nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha

at pungay ng iyong mga mata

Natawa ako. Habang kinakanta yung pangatlo at pangapat na linya. Dalawa sa mga
napansin ko sa kanya nung
una kaming magkita ay yung misteryosa niyang ngiti� at yung mga mata niyang parang
binili pa sa isang diamond
shop.

kanina pa kita pinagmamasdan

kanina pa kita tahimik na binabantayan


hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw

sadyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha

Nagbuntong hininga ako sandali. Hinahaplos ko parin yung mukha niya. Taimitim siya
natutulog, hay. Ang ganda
niya. Bat ba ako lang ang nakakapansin sa ganda niya? Sabagay, ako lang naman tong
naglakas loob na kilalanin
siya.

gising na

nandiyan na ang umaga gising na

mayroon sana akong gustong sabihin sa iyo

na di mapaliwanag ng husto

Tumpak. Meron nga. Gusto kong sabihin sa kanya na, gusto ko siya mabuhay. Gusto ko
siya makasama habang
buhay. Gusto ko maramdaman ulit yung katawan niya, na parang yumakap ako sa apoy.
Gusto ko maramdaman
yung mga maliliit niyang labi na yun, na parang humahalik ako ng isang anghel.

gising na

nandiyan na ang umaga gising na

hindi ko maintindihan ba't di mapantayan

ang kasiyahan na nadarama tuwing nandyan ka

Bat nga ba? Araw-araw ko siyang kasama, pero kahit kailan hindi ako nagsawa� kahit
ba tahimik lang kaming
dalawa habang siya nagbabasa ng libro at ako gumagawa ng assignment o kung anong
pwedeng gawin habang
magkasama kami.

Binabalak ko nang sabihin na minamahal kita

Kasabay ng pagsibol na wala na yatang igaganda pa

Naisama ang ginaw, at ang lamig ng araw

Ngunit dala ng kaba, hindi ko na yata kayang magsalita


Oo nga. Paano ba to. Hanggang ngayon hindi parin niya alam. Gusto ko siyang
gisingin, pero bigla kong natandaan
yung huling berso ng kanta.

Nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin

ngunit walang magagawa di pa kayang aminin

ang pagkakataon ay dapat pang palampasin

di na lng kita gigisingin


Ngumiti ako at bumuntong hininga ulit. Oo nga, siguro nga dapat ko munang
palagpasin tong pagkakataon na to.
Ayoko siyang mapagod� ayokong isipin niya kung anong kailangan niyang sabihin.

�Maganda naman pala boses mo.�

Nagulat ako nung sinabi niya yun. Gising na pala siya, hindi man lang niya
sinasabi. Kanina pa kaya siya gising?
Narinig kaya niya yung pagkanta ko?

�Tula nga eh.�

�Maganda parin.�

Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya. Nanlaki yung mga mata ko, kinabahan bigla.
Narinig kaya niya?
Aaminin ko na kaya? Eto na kaya? Eto na ba?

�Mar��

�Nathan.�

�Bakit?�

Tiningnan lang niya ko. Akala ko nga iiyak siya, pero hindi. Kumikislap lang pala
yung mga mata niyang yun. Ano
kayang sasabihin niya? Kinabahan ako.

�Nathan, takot ako magmahal.�

Parang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko. Takot siya magmahal� paano ko
sasabihing mahal ko siya?
Nathan magsabi ka ng kahit ano.

�Bakit? Takot ka bang masaktan?�

�Hindi.�

�Eh ano?�
�Takot akong masaktan yung magmamahal sa kin.�

Mula sa pag-alis ko ng bahay nila hanggang sa pagtulog ko sa kama ko, iniisip ko


yung sinabi niya. Hanggang sa
dulo, iba parin ang iniisip niya. Siya lang ata ang taong ayaw na mahalin siya,
dahil sa takot na baka masaktan
yung taong magmamahal sa kanya.

Wala naman akong pakielam kung masaktan ako eh. Pero, kung eto ang gusto niya,
pipilitin kong sundin. Ibabaon
ko na lang siguro hanggang sa hukay yung pagmamahal ko sa kanya. Sana� sana nga
magawa ko.

***

CHAPTER 14

[The Con]

Sembreak na namin. Masaya ako dahil mas magkakaroon na ako ng panahon para
asikasuhin siya. Mas
magkakaroon ako ng panahon para maiparamdam sa kanya kung gano ko siya kamahal.
Iniisip ko nga kung yayain
ko kaya siya magpakasal tulad nung nasa libro, kaso hindi makatotohanan yun.
Sigurado akong hindi papayag ang
mga magulang ko.

Ang saya ng sembreak pag katabi ang mahal mo no? Ang problema� hindi pa alam ng
mahal ko na mahal ko siya.
Naalala ko yung libro, kung paano nagreact yung bidang babae nang sinabi ng bidang
lalake na mahal niya siya.
Ganon din kaya ang magiging reaksyon ni Mary? Pero sige na nga, wag na. Mamahalin
ko na lang siya ng tahimik.

Nagalit sina mama at papa nung nalaman nilang madalas ako mag cut sa klase dahil
kay Mary. Tinanong ni mama
kung nasa katinuan pa daw ako. Sa lahat ng babae, bakit daw yung mukang voodoo doll
na yun. Gusto ko sabihing
may taning siya. Pero kung nalaman ni Mary na yun lang ang dahilan kung bakit
kinkamusta siya ng magulang ko,
siguardong malulungkot lang yun.

Hinayaan ko na lang sila. Wala naman silang magagawa. Malaki na ko para magdesisyon
sa sarili ko.

Palapit na ng palapit ang pasko. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang ireregalo
ko sa kanya. Ano nga ba?
Gusto ko yung magagamit niya araw-araw. Kung, bestida na lang kaya na itim? Pwede.
Kaso, hindi ko nga alam
kung san niya yun binibili. Makukuha niya yung ibig sabihin pag tinanong ko sa
kanya kung san niya binibili yung
mga damit niya.

Nakahiga ako sa kama nung tinawag ako ng nanay ko sa baba dahil andun daw yung
dalawa kong kaibigan. Alam
ko si Ethan na yung isa, pero sino yung kasama niya?
Pagbaba ko, nakita ko nga si Ethan. Yung isa, si Sam. Nagulat ako dahil nagalit si
mama kay Sam nung high school
ako dahil siya daw ang nagiging dahilan kung bat mababa yung grades ko.

�Bat kayo andito?�

�Hindi mo ba alam na piyesta niyo na dito?�

�Tumahimik ka Ethan.�

�Ngayong araw yung salu-salo mamayang gabi sa covered court niyo.�

�Seryoso ba yan?�

�Oo. May pacontest pa nga dun ng kantahan eh.�

�Kasali ako.�

�Ha? Bat ka kasali? Eh di ba��

�Pwede daw sumali kahit sino, basta ba handang magbayad ng 500.�

�So nakapagbayad ka na?�

�Oo. Isang libo pa nga eh.�

�Bat isang libo?�

�Wala lang. Sabi ko donation yung isa.�

Weird. Ang weird nung sagot ni Sam. Sinong tanga ang magsasakripisyo ng isang libo
para sa isang singing
contest kung wala ka pa naman talagang pinagkukuhanan ng pera?

�Isama mo naman yung taong mas mahalaga pa sa kin.�

Nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi ni Sam. Marahil kilala na niya kung sino.
Hindi na ko magtataka kung
nung mga nakaraang buwan ay pinasunod o sinundan niya ko para makita yung mga
ginagawa ko.

�Baka hindi siya pwede.�

�Bat naman hindi siya pwede?�

�Kasi��
�Tol, para namang hindi namin alam na kaclose mo na yung babaeng yun.�

Nahalata kong nagiingat si Ethan sa mga sasabihin niya. Wala naman siguro siyang
balak sabihin na �yung multong
yun. o yung �voodoo doll na yun. sa harap ko kung alam na talaga niya na kaibigan
ko na si Mary.

�O, ano naman.�

�Wala lang. Malaki na kasi pinagbago mo. Ni hindi ka na sumasama sa mga trip ng
barkada.�

�Pero kahit ganon Nathan, gusto namin siya makita. Gusto man lang namin makilala
kahit konti yung dahilan ng
pagiging abala mo.�

Oo nga pala. Hindi nga pala nila alam na may taning na si Mary, at lalong hindi
nila alam yung tunay na
nararamdaman ko para sa kanya. Marahil si Ethan ang iniisip ay naaawa ako sa kanya.
Si Sam naman ang iniisip,
gusto ko lang ng kapatid. Mga ganung kababaw na dahilan.

Pero sabagay, walang masama kung ipakilala ko si Mary sa mga to, tutal mga kaibigan
ko din naman sila. Naisip ko
din na mas matutuwa si Mary kung gusto nila siya makilala dahil sa kin, kesa
makilala siya dahil naawa sila sa
kanya.

Pumunta ako sa bahay nila. Natural, hindi nanaman nakalock yung gate nila. Kumatok
ako tapos narinig ko yung
sabi nung papa niya na �pasok.. At least hindi na ko nakakarinig ng hampas ng bote.

Malaki yung pinagbago ng bahay nila simula nung nalaman nilang may sakit si Mary.
Lalo na yung papa niya, hindi
na siya naglalasing. Naabutan ko yung papa niya na nagpipintura ng pader, at si
Mary naman gumagawa ng
cookies and cream na shake.

�Sakto ang punta mo dito, gumagawa ako ng shake.�

Isang araw lang ang nakalipas pero ang laki ng pinayat niya. Naiiyak nanaman ako,
pero natural alam kong wala
ako sa oras para umiyak at kaawaan ang sarili ko. Oo, sa sarili ko ako naaawa.

Binigyan niya ko nung shake niya. Ang sarap, at halatang halata yung cookies na
ginamit nila.

�Pumunta dito si mama kanina, dinala yung groceries.�

�Sayang di ko naabutan.�

�At alam mo ba, may trabaho na si papa.�


Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Mary na hindi ako nagaalinlangan kung masaya ba
talaga siya o hindi. Nakita
ko sa mga mata niya na maligaya siya dahil nagbago yung papa niya. Pero alam kong
sa saya niyang yun, may
nakatagong lungkot dahil alam niya sa sarili niya na kaya nagbago yung papa niya ay
para din sa kanya, para
naman sumaya siya sa mga araw na natitirang magkasama sila sa mundong to.

Ngumiti yung papa ni Mary tapos lumabas muna sa di ko alam na dahilan. Umupo kaming
dalawa sa sofa. Unang
beses ko siya nakitang pagpawisan.

�Ngayon lang kita nakikitang pinagpapawisan. Matanong ko lang, hindi ka ba


nauubusan ng bestida?�

�Matanong ko lang din, bat ngayon mo lang naisipan itanong?�

�W�wala naman. Siguro dahil hindi ako masyadong interesado dati.�

�Hindi ako nauubusan. Dalawang beses lang naman ako kung magpalit sa isang araw.
May labing anim akong
bestida kaya hindi ako mauubusan.�

�San mo nakukuha yang mga bestidang yan?�

�Kay mama.�

�As in dati mo pa yan sinusuot?�

�1st year high school pa.�

�Wag mong sabihin na di ka naguuniform nun?�

�Naguuniform. Pero pagdating ko sa bahay, ganto agad yung sinusuot ko.�

�Eh diba, 11 years old ka pa lang nun?�

�Oo.�

�Ibig sabihin, hindi ka tumaba at tumangkad?�

�Hindi ako tumaba, pero tumangkad ako ng konti. Kaya nga malalaman mo alin ang mga
una kong bestida dahil
mga hanggang tuhod lang yung mga yun.�

�Paano ba?�

�Aling papaano? Papaano magsuot ng bestida?�

�Hindi. Kung, papano dumating sa buhay mo yang mga bestidang yan.�

�Eto yung regalo sa kin ni mama nung kaka-labing isang taong gulang pa lang ako.
Nung sinabi kong nagustuhan
ko, may binigay pa siya sa aking sampu, pambawi daw sa mga nakalipas kong
nakaraawan. Taon-taon, binibigyan
ako ni mama ng ganto.�

�San daw nabibili?�

�Pinapatahi ng mama ko.�

Hindi na pala pwedeng bestida dahil taon taon siya nakakatanggap ng ganto. Ano pa
kayang regalo ang pwede
kong ibigay?

�Ngayon ko lang nalaman na may piyesta pala dito pag papalapit na ang pasko.�

�Oo, meron.�

�Pumupunta ka ba?�

�Hindi.�

�Bakit?�

�Lumalayo lahat ng tao sa kin.�

�Eh kung kasama ako?�

�Pupunta kang kasama ako?�

�Oo.�

�Ayos lang, basta hindi ako nakawheel chair.�

Siyempre, alam kong sasabihin niya yun. Yun ang pinakaayaw niyang nararamdaman, ang
awa.

Nung pumunta kami sa covered court, mukhang may mga nagulat na may kasama siya.
Yung iba nagbulungan,
yung iba nakatitig, yung iba natakot, yung iba walang pake.

�Nathan!�

Yumakap si Sam sa kin. Nananadya kaya to? Hindi ko din alam, si Sam lang naman ang
may alam kung yun ang
ginagawa niya. Tiningnan ko si Mary para tingnan yung reaskyon siya. Pero ayun,
mukhang nagenjoy sa ice cream
na binili ko para sa kanya.
�Nakakatakot nga siya.�

�Sam�

�Masaya akong marinig ang katotohanan sayo.�

�Ako si Sam, nakwento na ba ako ni Nathan?�

�Oo.�
Maya-maya, dumating na si Ethan at yung iba pa naming kaibigan. Naramdaman ko na
parang may masamang
mangyayari, hindi ko alam kung bakit. Hinawakan ko yung kamay ni Mary... sana
maramdaman niyang andito lang
ako.

�O, ang voodoo doll.�

Pinisil ni Mary yung kamay ko, siguro para sabihing �wag kang magagalit, inaasahan
ko na yan.. Nagtimpi ako kahit
may narinig na ako mula sa kanila na �bat siya pa. o mga ganong katanungan. Kahit
na nakatingin si Mary sa ibang
lugar, alam kong naririnig niya dahil sa pisil niya sa kamay ko.

�Uuwi na lang kami.�

�Bat naman?�

Pinisil niya ulit yung kamay ko. Mukhang kailangan ko ibahin ang sagot na nasa utak
ko.

�Parang mas trip ko umuwi.�

�Wag ka naman ganyan. May sayawan mamaya.�

�Alam mo namang ayoko ng sayawan diba?�

�Eh di magsayaw kayo ni Sam.�

�Ethan ano ka ba, wag ka ngang ganyan. Kita mong may kasama si Nathan eh.�

Nagmumura na ako sa utak ko. Mukhang pinagplanuhan nila tong mabuti. Hindi ako
tulad ng tatangang bida sa
isang eksena na niloloko at pinagtitripan na siya ng lahat ng tao sa paligid niya,
hindi parin niya alam. Hindi ako
ganon, malakas ang pakiramdam ko. Pero yun ang problema sa kin, sobrang sensitibo
ng pakiramdam ko na
minsan umaabot ako sa punto na naghihinala ako kahit wala akong tunay na pruweba.

�Tara, upo na tayo.�

Papaalis na kami nung biglang naramdaman kong buntik na mahulog si Mary.


�Ayos ka lang?�

�Oo. Wag kang magalala.�

�Pwede na tayong umuwi kung gusto mo.�

�Hindi. Ayos lang ako.�

Umupo na kami sa upuan. Pinanood na namin yung singing contest. Halos alas diyes na
ng gabi. Iniisip ko kung
nababagot na ba siya o kung may masama na ba siyang nararamdaman. Ilang beses ko na
siya tinanong pero
�hindi. at �wala. lang ang sinasagot niya. Pinapakinggan niya ang bawat kantang
kinakanta sa entablado.

Ang kinanta ni Sam ay yung �till my heartaches end.. Siyempre, tukso ang inabot ko
mula kay Ethan. Na ang
manhid ko daw dahil pinaparating na ni Sam na mahal parin daw niya ko. Sana
mapansin ni Ethan na kanina ko pa
hawak yung kamay ni Mary... na iba na ang mahal ko.

Bumalik si Sam sa may upuan namin at ngumiti, tinanong kung kamusta. Oo, magaling
si Sam kumanta ng mga
pambirit. Pero hanggang dun lang.

Nakabaling yung tingin ko sa stage. Hindi ko napansin na huling contestant na pala


na tatawagin.

�Umuwi na kaya tayo?�

�Wag muna. Gusto ko marinig yung huling kakanta. Tapusin na natin. Sayang ang
oras.�

�Siguradong sigurado nga ako na gusto mo nga yun marinig.�

Nang narinig ko si Sam na sinabi yun, kinabahan na ako. Mukhang alam ko na yung
plinano nila. Oo, kaya isang
libo yung binayad ni Sam, dahil may isasali siya. Kaya nila siya inimbita, dahil
gusto nilang may mangyareng
kahiya-hiya.

�Tara na Mary, umuwi na tayo.�


Bigla kong narinig ang sumpa sa kanya. Lahat ng tao napatingin sa direksyon niya,
hinihintay ang magiging
reaksyon niya, o siguro mas tamang hinihintay kung ano ang reaksyon ng bawat
hipokrito na nasa lugar na to.

The Voodoo Doll.

Huli na ang lahat. Nakita ko yung gulat sa kanya dahil napainhale siya pero matagal
bago niya nailabas yung
hangin. Gusto ko manapak ng tao. Gusto ko sapakin yung mga tinuring kong kaibigan.
Gusto ko patayin yung ex
ko na di matanggap na hindi na siya ang mahal ko. Gusto ko isigaw sa kanila na mga
wala silang kaluluwa dahil
hindi nila alam ang ginagawa nila sa isang taong malapit na mamatay.

Siya si Mary. Ang babaeng nagbago sa buhay ko. Ang himala sa buhay ko. Preso ng
sarili niyang mundong pilit
siyang tinataboy papalayo, pero pilit parin siya nagtitiis. At dahil siya si Mary,
tumayo siya at binitawan ang kamay
ko. Kahit ayokong bitawan, wala akong magagawa kung siya mismo yung gustong
kumawala. Hindi ko alam kung
anong kakantahin niya, eh wala siyang instrumentong dala o background music.

Ayun, nakatingin ako sa may entablado. Gusto ko na umiyak. Gusto ko umiyak dahil sa
lakas ng loob niya� na
kahinaan niya mismo.

Patnubayan niyo Po siya. Yun na lang ang dinasal ko.

***

CHAPTER 15

[Valentines Day]

I.m listening, yes i.m guilty of this you should know this

I broke down and wrote you back before you had a chance to

Forget, forgotten, I am moving past this killing notice

I have to go, yes I know the feeling know you.re leaving

Tahimik ang lahat. Gusto ko siya ipagmalaki dahil tinanggap parin niya ang hamon.
Ang boses niya, sobrang ganda
sa isang tahimik na lugar tulad nito. Alam ko namang pipili siya ng kanta na hindi
malilimutan ng tao.

Calm down I.m calling you to say

I.m capsized staring on the edge of safe

Calm down I.m calling back to say


I.m home now, I.m coming around, coming around

Nakatingin na siya sa kin, hawak ng dalawa niyang kamay ang mic na para siyang
isang batang first time isabak sa
isang singing contest. Sobrang tahimik, na tingin ko gusto ko narin pumunta ng
langit kung ganto katahimik dun,
at siya lang ang anghel na kumakanta.

Nobody likes to but I really like to cry

Nobody likes me maybe if I cry

Kitang kita ko yung tumulong luha sa mga mata niya, pero hindi yun nakaapekto sa
pagkanta niya. Tinuloy niya
nang hindi pinupunasan. Tama yan. Yun ang nasa isip ko. Ipamuka mo sa lahat ng tao
kung sino ka. Ipamuka mo
na nasusunog na sila. Iligtas mo sila sa pamamagitan ng kanta mo.

Spelled out your name and list the reasons faint of heart don.t call me back

I imagine you and I was distant non-existant

I followed suit and laid out on my back, imagine that

A million hours left to think of you and think of that

Nung bersong yun, nakatingin siya sa kin. Naramdaman kong para sa kin yun.
Naramdaman ko na rin na kailangan
ko na pumunta sa stage at abangan siya. Hindi ko man alam ang kantang kinakanta
niya, alam kong kailangan ko
na siya sunduin dahil matatapos na ang palabas.

Calm down I.m calling you to say

I.m capsized staring on the edge of safe

Calm down I.m calling back to say

I.m home now, I.m coming around, coming around

Nobody likes to but I really like to cry

Nobody likes me maybe if I cry


Akala ko tapos na dahil binaba na niya yung mic. Pero bigla niya ulit yun tinaas at
kinanta ang huling linya na
kinabigla ko ng tunay.

Nobody likes me maybe if I die.


Tahimik parin nang ilapag niya sa sahig ng entablado yung mic at dahan-dahang
bumaba. Walang pumalakpak�
walang nagsalita hanggang sa nakalabas na kami ng impyernong yun. Pagkalabas na
pagkalabas, nagkaroon na ng
konting ingay. Palakad kami papalyo.

Nung malayo na kami, nanghina siya. Buti na lang hawak ko yung braso niya kaya
nasalo ko siya agad. Kasalanan
ko to, dapat hindi ko na siya pinapunta dito.

�P�patawad Mary.�

�Hindi mo kailangang magsorry.�

Tumayo siya ulit.

�Nathan, sa lahat ng naging mali sa buhay ko, ikaw lang ang naging tama. Masaya ako
dahil� dumating ka sa
buhay ko.�

�Mary� may gusto akong aminin sayo.�

�Yang aaminin mo ba sa kin, pipigilan ang pagkamatay ko?�

�Hindi.�

Tumulo ang luha mga mata namin.

�Napansin ko lang na namimili ng taong papakitaan yung mga luha ko.�

�Ako ba yung maswerteng yun?�

�Tingin ko kung wala ka dun kanina, hindi din yun tutulo.�

�At least nakaganti ka na rin.�

�Hindi yun ang iniisip ko kanina habang kumakanta ako sa stage.�

�Ano?�

�Iniisip ko na maswerte ako dahil sa mahigit isang daang tao na nandun sa lugar na
yun, may isang nakaabang
para saluhin ako pag nahuhulog ako.�
Pinunasan ko yung mga luha niya pero yung luha ko hindi ko pinunasan. Masyadong
masakit yung mga sinasabi
niya� masakit dahil alam kong hindi ko na ulit yun maririnig� na wala na siya sa
susunod na kaarawan ko.

�Mary, pwede bang sabihin ko na?�

�Tingin ko, ayoko marinig.�

�Bakit naman?�

�Magkakaroon lang ako ng rason para mabuhay� baka bawiin ko lang yung sinabi kong
handa na kong mamatay.�

�Bigyan mo ko ng pagkakataon� para masabi to sayo ng isang beses lang.�

�Yung isang beses lang na yun ang magiging dahilan ng kirot sa puso ko araw-araw
Nathan. Natatakot akong
marinig.�

�Ayaw mo ba talaga?�

�Siguro.�

�M�mahal na� mahal kita.�

�Dagdagan mo ng siguro.�

�Bakit naman?�

�Para pwede mo pang baguhin.�

�Ayoko na baguhin.�

�Pag hindi mo yan babaguhin, tatanggapin ko na ganun lang yun.�

�Tanggapin mo na.�

�Bakit hindi mo piniglan ang sarili mo?�

�Na?�

�Na mahalin ako.�

�Bakit ko pipigilan?�

�Nathan� ayokong masktan ka. Pano pag� mawala na ko?�

�Kaya mo ba maghintay?�

Sana alam niya ang ibig kong sabihin. Sana kaya niya. Kung san man siya pupunta,
sana kaya niya kong hintayin
kung san man siya pupunta. Magtitiis ako� basta alam kong may naghihintay para sa
kin.
Kung tutuusin, dapat ako tong tanungin kung kaya ko bang magmadali para makarating
agad sa kahahantungan
niya, kung san man yun. Pero, hindi ko alam kung bakit siya tong tinatanong ko.

�Ako, kaya ko. Sanay ako maghintay.�

Tumutulo parin ang luha naming dalawa habang nakatingin kami sa isa.t isa. Yung
nasa isip ko, tingin ko eto yung
tamang gawin, kahit sarili ko lang opinyon na tama nga yun.
Derecho sa mata, tiningnan ko siya. Kahit isang beses ko lang gawin yung nangyayare
sa tv, ayos lang. Naalala ko
yung ginawa namin yun ni Sam. Si Sam yung lumapit sa kin, at hindi ko na mapigilan
kumawala sa mahikang
nilagay niya sa kin.

Pero kahit anong pilit ko na idahan-dahan ang bawat galaw, hindi ko parin magawa
yung sa mga pinapanood ng
nanay ko. Hindi siya pumikit, at hindi rin ako pumikit. Basta lumapit na lang ako
sa kanya, habang siya nakatayo,
siguro hinihintay niya kung anong susunod kong gagawin.

Nakalapat lang yung mga labi namin sa isa.t isa, hindi gumagalaw. Sapat na sa kin
ang alaala ng sandaling to para
mabuhay ng matagal.

Sandali lang ang hiwagang nangyari sa aming dalawa, pero hinding hindi ko yun
makakalimutan. Umuwi kami na
magkahawak kamay, pero hindi kami nag-usap. Ginawa ulit namin yun bago kami
nagkahiwalay. Isang mahikang
hindi gawa sa pananabik o sa pagnanasa, pero isang hiwagang hinubog ng pagmamahal
at pag-ibig.

***

CHAPTER 16

[She Will and She Was]

Niresearch ko yung lyrics nung kinanta niya. Pero sa kanta, wala yung Nobody likes
me if I die. Siguro, sinama
lang niya sa kanta niya.

�Alam mo ba kung anong pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig?�

Nabigla ako sa tanong niya. Mas mahirap pa ata sa mga exam ko. Ano namang ibig
sabihin niya sa pagkakaiba ng
pagmamahal at pag-ibig? Parang ngayon ko lang ata narinig na magkaiba sila.

�Meron ba? Hindi ba yun magkaparehas?�


�Meron.�

�Ano?�

�Pag sinasabi mong iniibig mo ang isang tao, hindi mo kayang mabuhay kapag wala
siya.�

�Ang pagmamahal?�

�Ang pagmamahal naman, kaya mong mabuhay kahit di mo siya kapiling, basta alam mong
masaya yung taong
minamahal mo.�

Napaisip tuloy ako. Naisip ko yung mga magiging panahon na di ko siya kasama. Alam
kong hindi ko kayang
huminga ng maluwag pag di ko siya makikita. Pero yung mga binitawan kong mga salita
kahapon, tumataliwas sa
naiisip ko.

�Naguluhan ako.�

�Pasensya na. Binasa ko lang yung mga naiwan kong mga readings nung first year
palang ako.�

Nasa parke parin kami ngayon, pero ang pagkakaiba, nakawheel chair na siya dahil
nanghihina na daw siya.
Tatlong araw na lang bago ang pasko, pero hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung
anong pwede kong iregalo
sa kanya.

May binabasa nanaman siyang libro, chicken soup for the teenage soul ata yun. Maya-
maya nakikita ko siyang
ngumingiti, maya-maya seseryoso na. Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang
nagring yung cellphone ko.

�Hello?�

�Nathan.�

Gusto kong ibaba yung telepono ko, pero hindi naman pwede. Kahit papano, marunong
ako rumespeto sa kausap
ko sa kabilang linya.

�Bakit?�
�Pwede ba tayong mag-usap?�

�Nag-uusap na tayo.�

�Sa personal?�

�Hindi.�

�Please Nathan, I need to talk to you.�

�Pasensya na. Hindi ako pwede.�

�Nasa bahay niyo ako ngayon. Na saan ka ba?�

�Malayo jan. Sige, bye na.�

�Te��
Binaba ko na yung telepono. Sige, pupunta ako sa bahay namin para kausapin siya.
Pero sana bigyan ako ng
pasensya at pagtitimpi ng Diyos sa tuwing kaharap ko na siya.

�Uuwi na ko?�

�Oo, kailangan mo na umuwi.�

�May kakausapin ka?�

�Oo, kailangan eh.�

�Sige, ako na��

�Sira ulo ka ba? Hahayaan ba naman kita umuwi mag-isa?�

�Alam kong hindi. Malay mo lang na pumayag ka.�

Hinatid ko tong babaeng nagpapaikot sa mundo ko sa bahay nila. Siguro, talagang


pinaglapit Niya kami ng bahay
para makasama ko siya ngayon, at para mapatunayan na kaya kong baguhin ang sarili
ko sa loob ng isang gabi,
yun nga lang, hindi ganun kadali.

Ayoko pang umuwi ng bahay. Gusto ko kasama niya ko sa bawat minutong lilipas. Sa
tuwing kasama ko siya,
nakakalimutan ko na may sakit siya, at nakakalimutan ko na may iba pa akong mundong
dapat problemahin. Oo,
siguro nga. Siya lang ang gusto ko problemahin habang buhay.

Nung malapit na ako sa bahay, nakita ko si Sam, nakatayo siya habang nagtetext.
Maya-maya naramdaman kong
nagvibrate yung telepono ko. Siguro ako tong tinext niya.

Kahit na malapit lang ako, hindi niya ako nakikita. Pagtingin ko sa cellphone ko,
ayun, siya nga yung nagtext. Sabi
niya sa labas na lang daw siya maghihintay dahil nahihiya na daw siya sa mama ko.

�Sam.�

Tinawag ko siya, at lumingon naman siya� ang babaeng minsang minahal ko din. Pero
mas pinili niyang saktan
ako. Sabagay. Sabi nga, mapagtatanto mo lang na mahalaga sayo ang isang tao pag
tuluyan na siyang nawala
sayo. Siguro, narealize niya yun matapos kong mawala.

Naglakad siya papunta sa kin, dahan-dahan. Ganun din naman ako, dahan-dahan akong
lumakad papunta sa
kanya. Yun nga lang, wala na yung drums na dati kong nararamdaman. Ayoko siyang
papasukin sa bahay, unang
dahilan ay dahil kakalabas lang niya. Pangalawa, ayoko lang.

�Ano ba yung pag-uusapan natin?�

�Tayo.�

�Tayo?�

�Alam mo naman ang ibig kong sabihin.�

�Alam mo namang wala na tayo.�

�Wala na ba talaga?�

Umiiyak na siya sa harap ko, siguro nga dahil mahal parin niya ako. O mas tamang
sabihin na, mahal na niya ulit
ako. Kaso, ang masaklap, wala na talaga. Yung mga alaala namin, parang mga
litratong nasusunog.

�Wala na. Pasensya ka na Sam.�

Bat nga ba ako nagsosorry? Heto, ang nasa harap ko ay isang babaeng minsang
nagpatibok ng puso ko, isang
babaeng nakatakip ng dalawa niyang kamay yung buong mukha niya habang umiiyak. At
heto ako, nakalagay lang
yung dalawa kong kamay sa bulsa. Gusto ko na ulit makita si Mary.

�Bakit siya pa?�

�Dumating siya sa buhay ko nang hindi inaasahan. Hindi mo siya masisisi.�

�Ilang buwan mo lang ba siya nakilala para sabihing mahal mo siya?!�

�Hindi naman panahon ang sukatan eh. Kung ano ang nararamdaman. Nakalimutan mo na
ba, ikaw mismo ang
nagsabi sa kin nun.�

�Pero siya?! Ano bang nagustuhan mo dun sa babaeng multong yun?!�


�Wag mo siyang pagsabi��

�Eh totoo naman eh! Ano bang nagustuhan mo sa��

�Hindi ko kailangan bilangin yung mga rason kung bat ko siya mahal.�

�Ibang iba ka na talaga.�

�Siguro nga. Hindi na ko tarantado tulad ng dati.�

�Hindi na ikaw si Nathan. Hindi na ikaw ang Nathan ko.�

�Dahil ako na ang Nathan ni Mary.�


Natahimik si Sam. Bakit ba hindi niya maintindihan? Kailangan ba may rason kung bat
mo mahal ang isang tao?
Kailangan ba bilangin lahat yun?

�Ano ba Nathan! Gumising ka nga! Naiisip mo ba yang kinabukasan mo?! Naiisip mo ba


ang kinabukasan mo sa
kanya?!�

Bigla kong naisip, paano nga ba ang kinabukasan ko kay Mary? Alam kong mawawala na
siya, isa sa mga araw na
to. Pero� hindi ko na kasi masyado naiisip yun. Parang� may habang buhay ang tagal
ng pagsasama namin.

�Ano?! Eh mukha na ngang kabaong yun eh!�

�Pwede ba Sam!�

�O bakit? Totoo naman. Sige, hindi ako. Pero wag naman siya!�

�Sam mamamatay na yung tao!�

Napatulala si Sam, hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa nakokonensya siya
na sinabi niya yun, Pinunasan
niya ng konti yung mga luha niya, tapos bumalik nanaman yung mga ngiti niya sa kin.
Naririnig ko na yung mga
insekto ng gabi, pero hindi pa ganun kagabi.

�Well�wala na kong magagawa dun. Pero� diba� diba yun na? Mamamatay na siya. What.s
the point of loving
her?�

Sa sinabi niya, gusto ko siya sampalin. Pero parang may parte sa utak ko na
sinasabing, oo nga, minamahal ko
kahit alam kong mamamatay na. Bakit� bakit nga ba ginagawa ko to sa sarili ko?
Nagiging masokista narin ba ko?

Pero natural, ano pa nga ba ang madadaing? Kahit sinasabi nilang nasa utak ang
emosyon, walang pakielamanan.
Gano ba sila kasigurado, nakapasok na ba sila sa lahat ng katawan ng tao?

Tumalikod na lang ako at lumakad papunta sa gate namin. Wala na rin namang saysay
ang kausapin siya. Kahit
naman anong sabihin niya, hindi naman niya mapipigilan yung puso kong mahalin si
Mary.

Lumingon ulit ako sa kanya saglit, bago man lang ako pumasok sa bahay.

�Anong mas gusto mong sabihin ko, paalam o, kitakits?�

�Wag mong ibalik ang mga sinabi ko sayo dati.�

�Yun nga eh, binabalik ko na sayo, para maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko
noon.�

�Kung naghihiganti ka lang, nagawa mo na. Kaya� bumalik ka na.�

�Nasa sayo na yun kung yun ang iniisip mo. Kaso, eto talaga. Mahal ko siya. Yun nga
yung nakapasabi sa kin na��

�Na?�

�Gusto mo talaga marinig? Masasaktan ka lang.�

�Wala na akong pake. Nasaktan mo na ko.�

�Mahal ko siya. Mahal na mahal. Na� nasabi ko sa sarili ko na� parang hindi
pagmamahal yung naramdaman ko
sayo.�

Sinara ko yung gate. Narinig ko siyang sumigaw ng mura at kung anu-ano pang salita.
Pumasok ako sa bahay na
parang walang nangyare. Si mama tinanong sa kin, ang sabi ko lang, binusted ko si
Sam, tumawa pa nga ako.

Humiga ako sa kama at umiyak. Hindi dahil sa naguilty ako sa ginawa ko si Sam,
pero� dahil sa sinabi ni Sam na
nagmamahal ako kahit alam kong may taning yung minamahal ko. Sa dulo ng araw,
nagdasal nanaman ako para
sa isang himala.

***

CHAPTER 17

[She is a Rose]

Dalawang araw na lang bago ang magpasko pero hanggang ngayon wala parin akong
mairegalo sa
pinakaminamahal ko. Kung kaya lang ibalot ang pagmamahal, yung na lang sana.

�Nathan.�

�O?�

�Alam mo yung kantang, Tears in Heaven?�

�Yung kay Eric Clapton?�

�Oo.�

�Mejo. Di ko kabisado.�

�Kabisaduhin mo.�

�Bakit?�
�Pag nagdrawing ako ng puso sa palad mo, gusto ko kantahin mo yun sa kin.�

Hinanap ko agad sa internet yung sinabi niyang kanta. Pinakinggan at kinabisado ang
bawat nota. Bakit kaya? Para
saan?

Hindi ako mapakali. Kailangan bago mag bukas may ibibigay na akong iregalo sa
kanya. Binuksan ko yung radyo
nang may narinig akong kanta. Isang kanta na nagpapaalala sa kin sa kanya� lahat
naman ata eh. Pero eto
talaga, hindi ko alam kung bakit, malakas ang tama sa puso ko.

Nagkaroon ako ng ideya. Nagresearch ulit ako sa internet ng chords, kahit hindi ako
masyado magaling, ang
mahalaga maramdaman niya yung gusto kong iparating.

Pumunta ako sa bahay nila nung bandang hapon. Naabutan ko siyang nakahiga, siguro
nagpapahinga. Hinalikan ko
siya sa labi, para gisingin� pero hindi siya nagising. Ngumiti na lang ako dahil sa
ganda niya. Kahit ang payat-
payat na niya at ang putla putla, siya parin ang pinakamagandang babae para sa kin.

Isang araw bago ang pasko, handa na akong gawin ang mga gagawin ko. Nagpaalam ako
sa mga magulang ko. Sa
bahay din naman ako magcecelebrate ng pasko, pero may kailangan lang ako gawin.

Pumunta ako sa bahay nina Mary mga alas nuwebe ng gabi. Alam mong sa kanila yun
dahil walang dekorasyon ng
bahay. Bukas yung ilaw, siguro kumakain na sila nung tatay niya.

Pumasok ako. Mukhang hindi naman na siya nagulat sa pagdating ko. Ngumiti lang
siya. Nakita ko yung bag ng
groceries, mukang kakadala lang ng mama niya ng mga to kani-kanina lang. May
spaghetti na nakahanda, at juice.

�Iho kain.�

�Sige po, kakain din po ako mamaya. Pwede ko po bang mahiram si Mary? Sobrang
saglit lang po.�

�Siyempre naman.�
Ngumiti si Mary. Kinuha ko yung wheel chair niya at yung jacket niya. Nilabas ko
siya ng bahay, papunta dun sa
park.

�Ano bang meron?�

�Pasko.�

�May surpresa ka?�

�Hindi ko alam.�

Ngumiti siya. Nung nasa park na kami, kinuha ko yung gitarang tinago ko sa may mga
halaman. Tumawa siya, at
masaya akong marinig yun.

�Ano bang gagawin mo?�

Pero ang sagot ko, dinaan ko sa kanta.

And as I look into your eyes, I see an angel in disguise

Sent from God above for me to love to hold and idolize

And as I hold your body near, I see this month through to a year

And then forever on till life is gone, I.ll keep your loving near

Tinitingnan ko siya habang tinutugtog ko tong kanta na to. Gusto ko siya yakapin.
Gusto ko siya dalhin sa langit
ko. Kung pwede lang itigil ang oras� kaso hindi pwede.

Now I finally found my way to lead me down this lonely road

All I have to do is follow you to lighten up my load

Nasa harap ako ng isang manikang may kapangyarihang baguhin ang pananaw ng buhay ng
isang tao� at isa ako
sa biktima niya. Heto ako ngayon� nababaliw na sa kanya.
You treat me like a rose. You give me room to grow.

You.ve shown the light of love on me, and gave me air so I can breathe.

You open doors that close in a world where anything goes.

You give strength so I stand tall within this bed of earth just like a rose

Binitawan ko yung gitara ko at pumunta sa isang anghel na nakawheel chair. Tumingin


siya sa kin, nalaman kong
pinipigilan niyang umiyak. Nakakatawa nga eh. Dati hindi niya kaya ang pag-iyak,
ngayon, hindi naman niya
makontrol.
�Pwede ba kitang� halikan?�

Ngumiti lang siya. Bagamat hindi ko alam kung oo o hindi yun, pumunta parin ako sa
kanya. Binaba ko yung
katawan ko para maabot ko yung maliliit niyang labi.

�Itayo mo ko.�

�Bakit?�

�Basta, itayo mo ko.�

Tinayo ko siya ng dahan dahan. Sobrang higpit yung kapit niya sa kin na para akong
maiiyak dahil unti unti na
kinukuha yung lakas niya. Bakit? Bakit niya gusto tumayo?

Hawak hawak ko siya sa braso nang inikot niya yung mga mahihinang brasong yun sa
leeg ko. Hindi ko
makakalimutan yung lambot ng pagkakayakap niya sa kin.

�Bukod sa umiyak, isa to sa mga matagal ko na gustong gawin� ang yumakap ng isang
taong makakaintindi sa
pagkakahulma sa kin bilang isang hindi perpektong tao.�

Ang lalim ng sinabi niya na parang malulunod ako. Yakap namin ang isa.t isa ngayon,
isa sa mga pinakamasarap
na naramdaman ko sa tanang buhay ko. Ano bang kailangan ko gawin para mabuhay ka pa
ng matagal?

�Nathan.�

�Ano yun?�

�Salamat sa regalo mo. Alam kong madadala ko ang alaalang to kung saan man ako
pupunta.�

�Dapat lang.�

�Nasabi ko na ba sayo yung sumpa?�

�Anong sumpa?�
�Isang sumpa na pag sinabi mo sa isang tao, hinding hindi mo na yun matatanggal sa
puso at isip niya.
Maghiwalay man kayo, alam niyo parin sa isa.t isa na may sumpang namamagitan parin
sa inyo.�

�Ano nga yun?�

�Mahal kita.�

Ang sarap pakinggan ng sumpang yon.

Ginawa ko na ang mga dapat gawin sa susunod na buwan. Ilang beses siya labas-masok
sa ospital. Minsan
nagtatagal ng limang araw o mahigit pa. Pero sa mga araw na pwede kaming magkasama
pero hindi sa ospital,
pinaparamdam ko sa kanya yung dapat niyang maramdaman habang nabubuhay pa siya.
Natanong ko narin kung
bat ayaw niya mag therapy, marami naman na nagagawa ang siyensya. Pero ang sagot
niya ay isang sagot na
hindi pwede kalabanin.

�Nagpagamot ako, pero walang nangyare. Bumalik parin yung sakit ko. Marahil, eto
talaga ang nakatadhana.
Tadhanang makasama ko agad ang Tagapaglikha. Ikaw ba, hindi ka nasasabik na
makasama Siya?�

Isa akong tao, isang tao na alam kong hindi pwedeng kalabanin ang sagot niya.

Nagpatuloy ang oras.

Kakalabas lang niya sa ospital dalawang araw bago mag araw ng mga puso. Nadatnan ko
siyang nakahiga sa kama
niya, halatang pagod. Kahit wala siyang ginawa kundi ang humiga, alam kong pagod na
ang katawan niya, mas
pagod pa sa katawang kagagaling lang ng eskwelahan tulad ko. Sa tabi niya ako
natulog nung gabing yun.
Binulong ko sa tenga niya ang mga salitang minsan ko lang banggitin�

�Mahal na mahal kita.�

Gumising ako ng mga alasingko ng umaga. Nadatnan ko na nagaayos na ng agahan yung


papa niya. Nagpaalam
na ko dahil kailangan ko pang pumasok.
Habang nasa paaralan ko, isa lang ang nasa isip ko� kung ano ang ireregalo ko sa
kanya sa araw ng mga puso.
Ano nga kayang pwede?

Gabi na ako nakauwi. Siyempre umuwi muna ako ng bahay para magbihis. Bigla kong
narinig si mama na sumigaw
dahil sa tuwa. May narinig akong mga salita na �maganda. at �pula..

�Ma ano ba yun at bat ang��


Nagulat ako. May rosas na dala si mama. Nabighani ako hindi dahil sa ganda ng rosas
kundi sa himala na dala
nung rosas. Alam ko na ako yung nagtanim nun sa likod ng bahay namin, at hindi ko
aakalain na tutubo ng
ganyang kaganda.

Nagkaroon ako ng ideya kung anong ibibigay ko kay Mary bukas.

Nilagay ko na sa isang palayok. Lalagyan ko pa sana ng mga dekorasyon nung


nagvibrate yung phone ko.
Tumatawag yung papa ni Mary sa kin. Siguro dahil gusto ako makita o makausap ni
Mary. Ngumiti ako. Hindi ko
muna sasabihin sa kanya yung tungkol sa rosas.

�Iho.�

Kinabahan ako. Umiiyak yung tatay ni Mary. Ayoko marinig yung balita. Dahil, parang
hindi ko magugustuhan.
Pero kahit hindi ko gusto, alam kong kailangan kong marinig. Hindi handa ang puso
at utak ko tanggapin na lang.
Ayoko.

�Iho� si Mary� bilang na daw ang��

Buti sana kung araw. Kaso, iba ang narinig ko. Nahulog ko yung rosas na tanim,
nabasag yung palayok. Dinala ko
yung jacket ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ko dala-dala lagi yung savings na
nasa wallet ko ay ito�ang takot
na baka maospital siya.

Binilin ko kay mama yung rosas, sabi ko itetext ko siya kung asan ako. Pero sa
ngayon, kailangan kong tumakbo.
Kailangan kong abutin ang langit. Kailangan. Kailangan ko ng himala ngayon. Isang
himala.

Bilang na ang oras niya. Bilang na ang oras ng babaeng pinakamamahal ko.

***
CHAPTER 18

[Tears in Heaven]

Hindi ako mapakali. Wag. Wag ngayon. Wag kahit kailan. Mas gusto ko pang mauna na
lang mamatay kay sa siya.
Ayoko. Ayoko. Kahit hanggang bagong taon� o limang taon pa. O kahit habang buhay.
Wag Mo siyang kunin sa
kin.

Naiwan ko yung cellphone ko sa bahay, kaya marahil nagaalala na yung mga magulang
ko sa kin. Oo nga pala�
yung rosas. Kahit man lang yun, madala ko sa kanya. Tumawag ako sa bahay gamit yung
payphone. Mugto na
yung mata ko.

Isang lugar sa utak ko, naisip ko yung sinabi niya dati. Bat mo iiyakan ang taong
wala na? Iyakan mo ang taong
andyan pa o yung taong andyan pa pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo
siya na may chansang
alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kay sa yung iniiyakan mo siya na wala na
talagang chansang malaman
niya kung gano siya kahalaga sayo.

Naniniwala ako na hindi pa ngayon� hindi ko alam kung bakit. Sobrang sikip ng
dibdib ko na umabot na inisip kong
baka ako maospital din. Kung ganon nga, sana kuhanin na rin ako kasabay niya.

Hindi. Kailangan niyang mabuhay. Mabubuhay pa siya. Nanalig ako. Nakakakapit ako sa
Kanya. Alam kong may
oras pa. Meron pa.

Dumating yung pamilya ko sa ospital matapos ang dalawang oras. Dala-dala ng papa ko
yung rosas na nasa
bagong lalagyan dahil nabasag yung una. Wala parin akong balita dahil nasa
emergency room parin si Mary.

Sinabi ko sa mama at papa ko yung katotohanan. Na siya ang mahal ko� na siya ang
gusto kong makasama
habang buhay. Naiyak si mama dahil sa tadhanang nakaabang sa kin. Pinauwi ko na
sila, ayoko din naman silang
mapagod.
Ngayon lang ako nakapili ng desisyon ng ganito kabilis. Siguro dahil alam kong
kailangan ako ni Mary sa tabi niya,
at baka sa kahit anong segundo eh magdesisyon siyang iwanan ako at matulog na lang
habang buhay.

Umuwi na ang mga magulang ko. Ilang minuto pagkatapos dumating na yung mama ni
Mary. Umiiyak,
humahagulgol. Kasama niya yung anak niyang bata sa isa pa niyang asawa�na kahawig
ni Mary. Umiyak na lang
ako dahil nakita ko si Mary sa batang yun. Sana hindi pa huli ang lahat.
Tinawag kami ng doctor. Sabi niya may panahon pa daw, pero hindi talaga namin
malalaman kung kailan
magdedesisyon si Mary na� ayon. Ayoko na banggitin, masyadong masakit. Gusto na rin
ng doctor na
magpatawag na kami ng pari. Gusto ko siyang murahin dahil parang sinasabi niyang
mamamatay na ang
pinakamamahal ko.

Pero nung gagawin ko na yun, biglang lumapit sa kin yung bata na kapatid ni Mary sa
ina. Hinila niya yung t-shirt
ko na parang may gusto siyang kunin ko.

�Kuya.�

Naiyak na lang ako. Binaba ko muna yung plastic na ang laman ay yung rosas tapos
binuhat ko yung bata. Mukang
lalaki din siyang mahaba din at maitim ang buhok.

�Anong pangalan mo?�

�Maria po.�

Maria.

Napatingin ako sa mama ni Mary. Napangiti na lang siya sa kin kahit mugto na yung
mga mata niya. Halata naman
kung kanino kinuha yung pangalan ng batang to.

Hinalikan ko siya sa noo tapos binaba.

�Ilang taon ka na?�

�Five years old po.�

Salitang bata, na ang tunog ng sinabi niya ay �payb yeart old po.. Napangiti ako
dahil sa inosenteng mukang yun.
Sana ganyan din ako kainosente ngayon.
�Bisitahin natin ate mo, gusto mo?�

�O�po.�

Sa isang kamay ko, hawak yung maliit na kamay ni Maria. Sa isa naman ay yung
plastic kung saan andun yung
rosas. Pumasok na kami dun sa pinto kung saan nakaupo narin yung tatay ni Mary at
hawak hawak yung kamay
niya. Siya naman, parang matutulog lang, hinihintay na gisingin ko.

Umiyak yung mama at papa ni Mary, siyempre ako din. Si Maria naiyak din, kahit na
mukang hindi niya alam kung
ano talaga yung iniiyakan niya. Ayoko siyang makitang nakaratay ng ganyan, na
parang ang dami-daming
nakakabit sa kanya para lang mabuhay kahit saglit lang. Ang sakit. Masakit.

Lumabas yung papa at mama ni Mary, siguro para tumawag ng pari. Kailangan ko na ba
tanggapin? Kailangan na
ba? Ngayon na ba talaga?

Nakaramdam ako ng kalabit. Sobrang saya ko nung naramdaman ko yun. Tatawagin ko


sana yung mga magulang
niya pero hinawakan lang niya ko� na parang sinasabi niya na� may sasabihin ako
sayo� sayo lang.

Tumutulo pa rin yung mga luha ko. Nahihirapan akong tingnan siya. Dahan-dahan
niyang nilalapit yung kamay
niya sa palad ko� gumuhit siya ng isang puso.

�Napaghandaan mo na no? Napaghandaan mo na tong araw na to��

Tumutulo ang luha ko habang sinasabi ko yun. Si Maria naman nasa tabi ko,
natutulog. Nakita kong ngumiti si
Mary na parang Oo. Napaghandaan ko na.

�Kung yun ang gusto mo� kahit masakit sa kin� gagawin ko.�

At dun, nagumpisa na ang kanta, isang kanta na hindi ko gustong kantahin sa mga
panahong ganito. Pero dahil sa
hiling niya, sige.
Would you know my name

If I saw you in heaven

Will it be the same

If I saw you in heaven

I must be strong, and carry on

Cause I know I don't belong

Here in heaven
Naisip ko na parang habang buhay na ata tong tulo ng luha ko. Ang sikip ng dibdib
ko habang kinakanta ko tong
kantang to. Paano niya na kayang mapaghandaan ang araw ng kamatayan niya?

Would you hold my hand

If I saw you in heaven

Would you help me stand

If I saw you in heaven

I'll find my way, through night and day

Cause I know I just can't stay

Here in heaven

Tumigil na ako sa pagkanta, dahil alam kong hindi ko na kaya. Tulo lang ng tulo
yung mga luha ko, at hindi narin
maganda yung pagkanta ko. Umiyak na lang ako� Yun na yung katuloy ng kanta.

�Dinala ko yung rosas, naalala mo pa? Yung binigay mo sa kin dati dati pa? Yung
pinakuluan mo? Himala na
namulaklak. Hindi ka ba natutuwa?�

Ngumiti siya. Pero sa ngiti niyang yun, nagsisi ako kung bakit ako naging masaya sa
himalang dinala ko hanggang
sa kwartong yun.

Unti-unting bumalik yung oras. Bigla kong naalala yung araw na kumatok siya sa may
pinto namin na dala-dala
yung kahon na may mga buto ng pinakuluang rosas.

Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan kitang
guluhin mo ang buhay ko, at
guguluhin ko din naman ang buhay mo.

Tumulo yung luha niya kahit nakangiti. Ako din, tumulo ang luha. Nagising si Maria
na nakatingin sa kin. Tiningnan
niya yung ate niya, at ngumiti.
�Matutulog ka lang ha? Gigisingin kita pag dumating na ko sa kung saan man tayo
pupunta.�

Dumating na yung pari maya-maya. Kung ano man yung kailangang gawin, ginawa na
niya. Bakit nga ba ako
andito ngayon? Parang kahapon lang nung nahulog siya sa kin sa may isang puno ng
acacia. Parang kahapon lang
ng mabasa ko yung diary niya. Parang kahapon lang nung nasabi kong mahal ko siya.

�Maghihintay ka ha? Dadating ako agad.�

Pinisil ko yung kamay ni Maria habang naramdaman ko naman yung pag-gaan ng kamay ni
Mary. Binitawan ko
siya at umiyak habang nakatalikod. Yung mama at papa niya ang huling humawak sa
kanya. Naiinggit ako sa ibang
napapanood ko sa tv, nasa dagat pa sila na magkahawak kamay bago mamaalam habang
buhay yung isa. Pero,
buti sana kung ako lang ang tao sa mundo niya. Kaso hindi.

Pero� hindi man ako ang huling humawak sa mga kamay niyang yun� alam kong dadalhin
ko ang hawak na yun
habang buhay.

Hindi ko man lang natupad yung sinabi niyang sa parke niya gusto mamaalam�

Ubos na ang mga luha kong galing pang langit. Umulan sa loob ng kwartong yun.
Tiningnan ko yung oras. 1:43
am. Nagkataon lang ba to, o pati ito napaghandaan niya?

Kung ano man yung sagot, nalaman ko nung nagusap kami ni Maria matapos ang ilang
oras.

�Kuya��

Kinarga ko si Maria sa mga balikat ko. Mugtong-mugto yung mga mata ko. Hanggang
ngayon di parin natatapos
ang pagtulo ng mga luha. Tiningnan lang ako ni Maria, siguro nagtataka kung bakit
patuloy na nahuhulog na
parang walang katapusan.
Pinunasan niya yung mga luha ko� dahan-dahan.

�Six na po ako.�

Isang katapusang may simula uli. Sinadya niya kaya? Ewan. Ang daming himalang
nangyare. Isa siya dun. Gusto
ko ng isang kwentong walang katapusan, at marahil, nagawa niya yun.
***

Epilogue

Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy� pero may magic, na
kung tawagin niya ay himala.
Bakit?

Kasi�

May pumasok na isang doctor at nurse sa kwarto na pinaghihimlayan ko. Nagising


tuloy yung mga magulang ko. At
heto� habang pasimpleng tinatype ang bawat salitang nasa isip ko kahit nanghihina
na yung mga kamay ko�
nakikinig ako sa sinasabi nung lalake.

Umiyak ang mga magulang ko. Ay mali pala. Humagulgol sila. Ako? Di ko alam kung
hahagulgol o ngingiti. Ngingiti
dahil makakasama ko na rin siya. Naalala ko tuloy yung guhit sa palad naming
dalawa. Parehong maikli, mas
maikli lang yung kanya. Napangiti ako� Kahit papano, nakatadhana parin kami.

Siguro nga, maramot ako. Wala naman talagang may alam kung makakasama nga ba natin
ang minamahal natin
sa kabilang buhay diba?�kung meron man. Hindi na yun mahalaga sa kin. Sabi nga
nila� faith na daw natin yun.
Naniniwala akong hinihintay niya ko. Hindi ko kaya na paghintayin siya� Kaya, eto
na� Papunta na rin ako.

Kung ilalagay ko siguro ang pangalan niya sa dictionary, ang ilalagay ko: one who
could make you believe that
miracles DO exist.

Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy� pero may magic, na
kung tawagin niya ay himala.
Hindi na dapat tinatanong kung bakit, dahil may mga bagay na walang hanggan ang
tanong, kahit na walang
sagot.

This story has a happy ending.


At dito naguumpisa ang kwento naming dalawa.

She will never be your ordinary lady,

And she will never be your no normal girl.

But she will always be everything to me...

�My one and only dearest miracle.


<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>9###########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like