You are on page 1of 3

Name: Godwill P.

Oliva
Age: 19 years’ old
Grade Level: Grade 12
Name of participant’s School: Calauag National High
School (CNHS)
PROVINCE OF QUEZON, CALAUAG
ACADEMIC- ACCOUNTING, BUSINESS, AND
MANAGEMENT
YOUTH: YOUR VOTE MATTERS
Sa Eleksiyon na darating hindi lahat direkta ang magiging partisipasyon ng
kabataan, sapagkat karamiha’y hindi pa pinapahihintulutang bumuto. Ikaw! Oo, ikaw!
Ikaw na kabataang may karapatan ng bumuto sa paparating na halalan. Gising ka na
ba o mulat lang ang yong mga mata pero tulog ka pa. Tulog at walang malay sa lahat,
walang pake kaya ayaw ayaw mamulat.Nakikita na pero di parin alam ang dapat, kelan
ka hihinto? At sa bayan natin ay maging tapat, gumising kana at baka ikaw na ang
susunod na biktima. Biktima nitong Lipunang Mapagsamantala! May Bibig ka para
magsalita pero may Utak ka rin para sabihin kung ano ang tama. May Tenga ka para
makinig pero may Puso ka rin para alamin ang mga mabubuting pintig. Kung hindi ka
mangingialam baka mamatay ka nalang ng walang alam kaya gumising at mangialam.
Gisingin mo din ang mga walang pakialam, huwag hayaang magdusa ang mga walang
kasalanan, huwag hayaang magpakasarap ang mga tunay na makasalanan.Hindi
“PERA” ang katapat para pilitin mong isara ang katotohanang pilit nilang binabara .
Hindi “DAHAS” ang hinahanap na lunas, kung di patas na lipunan at walang
pamimintas.
Ngunit hindi dapat ito ika-bahala dahil ang mga boses ng mga kabataan ang
mangunguna sa usaping politikal kami ay makaka-impluwensya sa magiging desisyon
ng mga botante sa darating na eleksiyon. Kami ang magiging instrumento sa pagmulat
ng mga mata ng taong bayan sa katotohanan at ang halaga ng bawat boto naming ay
hindi masasayang, kung kaya’t dapat hindi ito sayangin ng kahit sino. Bilang isa sa
kabataang Pilipino, ang aming mahalagang gagampanan sa darating na eleksiyon na
tulungan ang ating mga nakakatanda na ipaintindi sa kanila kung paano pumili at
bumuto ng karapat-dapat na mga lider upang sila mabubulag sa pera.Tayong mga
kabataan nasa ating mga kamay ang susi sa pagkakaroon ng mabuting bansa dahil sa
ating pagpili sa karapat-dapat at tamang lider. Dahil sa pagboto ng karapat-dapat sa
kandidato ang mag-aahon sa ating Inang Bayan, ang Bayan na ating kinagisnan, ang
bayan na unti-unting nasisira, nahihirapan at naghihinagpis. Karahasan,kahirapan,
kaguluhan at kawalan ng hustisya at marami pang iba ang mga bagay na ito ay dapat
mapuksa.
You got a Mind, Vision and Dream ‘said you want to change your country. Take a
moment to decide that no longer to perceive. So please and I plead if you want make a
different, if you want to “succeed” you empower other people and you like to up greed.
You set an example you’ll wall and you lead. You’ll shine your light, so that others can
see you’ll ashamed your mind and inspire others to be free. Instead to be quiet youth,
stand up and speak for those youth who are weak.
Ikaw? Oo, ikaw! Ikaw na kabataan ang pag-asa nasa mga kamay mo lahat ay
umaasa na baguhin at ayusin ang baluktot na “Sistema” ng bawat namumuno sa ating
bansa,bawat bayan, munisipalidad at bawat barangay. May pag-asa pa tayo huwag
kang susuko nasa atin parin ang kapangyarihan ng pagbabago. At ang bawat sigaw ng
puso ng isang Kabataang Pilipino ay ramdam ng bawat Pilipino saan mang-panig ng
lugar sa Pilipinas, kamay at boses naming mga kabataan ang inspirasyon na magiging
gabay nating lahat patungo sa tagumpay ng BAYAN.

You might also like