You are on page 1of 1

REAKSYONG PAPEL SA PAMPINID NA PALATUNTUNAN

Ni Princess Mhey L. Baab


Ang Buwan ng Wika ay ginugunita tuwing sasapit ang buwan ng Agosto taon-taon.
Layunin nang selebrasyong ito ay alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin
ang wikang Filipino bilang isang mabisang instrumento sa pagkakakilanlan ng mga mamamayang
Pilipino. Ginagawa rin ang pagdiriwang na ito bilang pagsaludo, paggalang, at pagmamahal sa
bansang Pilipinas. Ngayong taong 2021, ang tema ng Buwan ng Wikang Filipino ay “Filipino at
mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” Isang selebrasyon ang
inihanda ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Unibersidad ng Foundation upang ipagdiwang ang
pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Wika sa taong ito. Napakasayang tunghayan ang
presentasyong ginawa nila sapagkat sa paraang nito naipapakita natin ang ating pagmamahal at
pagpapahalaga sa ating Wika–ang wikang Filipino. Dahil sa wikang ito, tayo ay nagkakabuklod
buklod bilang isang Pilipino. Kaya ay nararapat lamang na ipagdiwang ang buwan ng wika upang
ito’y pagyamanin at panatiling buhay sa isip at puso ng bawat mga Pilipino nang sa ganon ay
mananatili itong isang buong parte ng ating pagkatao at nang sa gayo’y ito ay mabigyan ng labis
na kahalagahan n gating mga kapwa Pilipino ngayon hanggang sa susunod pang mg henerasyong
Pilipino na pinagkaisa ng wikang ito.

Batay sa kasabihan ni Pilosopo Tasyo na ibinahagi din ng panauhing pandangal, “Nasa


ating mga kamay ang pagiging buhay o patay ng ating wika” dahil tayo ang gumagamit nito, nasa
atin ang kapangyarihang makapagbubuhay dito. Nakasalalay sa atin kung magiging malaya o
alipin ang ating wika. Kung ating tunghayan ngayon, parang hindi tayo malaya sapagkat ang mga
kaisipan pa rin ng ibang tao ay nakakulong pa sa impluwensya ng mga banyagang sumakop sa
ating bansa. Minsan ang iba, ay nakalimutan na ang paggamit ng ating pambansang wika. Ngunit,
hindi dapat dahil ang ating wika ay siyang salamin ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Maganda rin naman ang pag-aralan natin ang ibang wika o kultura ng ibang tao, ngunit huwag
lamang sana nating talikuran o kalimutan ang ating sariling wika, dahil kung wala ng gagamit
nitong wika natin, tuluyan na itong mamamatay at kung ito’y patay na, hindi na ito maituturi
pang wikang malaya. Lagi sana nating tandaan na ang wika natin at iba pang wika na ginagamit
ay pantay-pantay at bigay sa atin ng may likha. Kung wala ito, hindi tayo magkakaisa,
magkakaintindihan at hindi din tayo malaya. At dahil bigay lamang ito sa atin, sana’y bigyan ito
ng importansya at nawa’y gamitin sa tama at maayos na paraan para sa pagtuturo at pagkatuto
upang ang wika natin ay maging maunlad, mayaman at mapayabong sapagkat ito ay mananatiling
sandata at salamin ng ating paglaya bilang isang bansa.

You might also like