Professional Documents
Culture Documents
AcitivityE1 - Document Appraisal
AcitivityE1 - Document Appraisal
1. Sino ang sumulat nito? Ilarawan siya/sila. (Who is the author of the
document? Describe the author/s)
Ang sumulat ng dokumento ay si Ambrosio Rianzares Bautista. Nagbase ang
anunsyong ito sa pagmarka ni Pangulong Manuel Roxas ang kasarinlan ng
Pilipinas nang muli siyang manumpa bilang Pangulo ng Pilipinas at inalis ang
pledge of allegiance sa Estados Unidos na kinakailangan bago ibigay ang
kasarinlan.
2. Sino ang nakabasa nito? Kanino nais iparating ang dokumento na ito? (Who is
the intended audience?)
Ito ay para sa lahat ng Pilipino na nagnanais ng Kalayaan sa mga mananakop
ng bansa katulad ng mga kastila, hapon at amerikano. Dito rin kinailangan ang
kanilang mga boses sa pagsasagawa ng Kalayaan ng bansa.
3. Kailan ito sinulat? Ano ang katangian ng panahon kung kalian nabuo ang
dokumentong ito? (When was the document written? What is the context of
the period during the publication of this document?)
Itong dokumento ay naisulat noong Hulyo 4, 1946, dito nagkaroon ng aksyon
ayon sa Tydings-McDuffie act. Ito rin ang tumayong dokumento sap ag
anunsyo ng Kalayaan ng bansa para sa mga Pilipino.
4. Saan ito sinulat? Ano ang katangian ng paligid kung saan nabuo ang
dokumentong ito? (Where was the document written?)
Naisulat ito sa Kawit, Cavite. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa
ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng
Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.
2. Bakit sinulat ang dokumentong ito? Gumamit ng mga direktang sipi (quote)
mula sa dokumento na nagpapatunay dito. (What is the purpose of the
document? Provide a direct quote from the document to substantiate your
answer.)
“Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino”
Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo,1898, sa pagitan ng ikaapat at
ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio
Aguinaldo, Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang
Watawat ng Pilipinas,na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella
Agoncillo,Lorenza Agoncillo at Delfina Herbozaat ang pagpapatugtog ng
Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit,na kilalala ngayon bilang
Lupang Hinirang,na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang
San Francisco de Malabon.