You are on page 1of 3

ISKRIPT

Bahagi Sasabihin
Unang Bahagi: Panimula Ang kasaysayan ng DepEd Nueva Ecija ay
hinubog at pinatatag ng iba’t ibang pagsubok
mula sa panahon ng mga mananakop hanggang
sa panahon ng bagong pagbangon at ng
kasalukuyang taon. Sa loob ng 120 taon ng
DepEd Nueva Ecija, nananatili itong matatag,
malakas at dalisay sa kanyang adhikaing
makapaghatid ng kalidad na edukasyon sa
batang Filipino…

Pagpapalabas ng bidyong “Ang Bangan”


Atin pong umpisahan ang palatuntunang ito sa
isang doksolohiya na pangungunahan ni Bb.
Diadem Garengo na susundan ng pambungad na
panalangin ni Gng. Jayne M. Garcia, Hepe ng
CID. Kasunod nito ay ang sabay-sabay nating
pag-awit ng Nueva Ecija Station ID.
Doksolohiya ni Diadem Garengo
Pambungad na Panalangin ni Gng. Jayne M. Garcia
Nueva Ecija Station ID
Marami na tayong napagdaanan sa mga
nakalipas na taon, at patuloy pa rin tayong
sinusubok at pinapanday ng kasalukuyan. Ang
sákit (sakripisyo) na dulot ng pandemyang ito
ay nakaapekto sa marami nating kababayan,
ngunit nanatili tayong matatag at lumalaban
para maihatid pa rin ang tama at dekalidad na
serbisyo para sa kabataan.

Pakinggan natin ang dalawa sa mga lingkod ng


DepEd Nueva Ecija na nakaalalay sa
pagtataguyod at pagpapalakas ng mga programa
ng ahensya sa ating probinsiya. Atin pong
pakinggan ang dalawa nating Panagalawang
Tagapamanihala ng mga Paaralan, G. Ronilo E.
Hilario at Gng. Mina Gracia L. Acosta
Pagbating Panimula nila G. Ronilo E. Hilario at Gng. Mina Gracia L. Acosta
Ang DepEd Nueva Ecija ay sinubok ng
panahon. Ito ay pinaraan sa umaalimpuyong
apoy ng pagsubok at panahon, ngunit ito ay
nanatili at nananatiling matatag.

Upang balikan ang kasaysayan ng DepEd Nueva


Ecija, tayo ay makinig sa hepe ng SGOD, G.
Luis M. Calison at ating panoorin ang
mahabang kasaysayan ng tahanan…
Pagbabalik Tanaw ni G. Luis Calison at pagpapalabas ng bidyo.
Hindi mabubuo ang libro ng kasaysayan at
kwento ng DepEd Nueva Ecija kung wala ang
mga pangunahing tao na patuloy na
nagtataguyod at nagpapatibay sa pundasyon
nito. Sila ang mga lider sa likod ng isang
matatag at matibay na DepEd Nueva Ecija.

Atin pong pakinggan ang kanilang mga


mensahe, umpisahan po natin sa pangulo ng
NEPSSAA, G. Lorenzo P. Joaquin
Magsasalita si G. LPJ
Atin pong aanyayahang magsalita ang pangulo
ng PESPA, G. Federito Embien
Magsasalita si G. Embien
Pakinggan naman po natin ang kinatawan ng
mga guro sa DepEd Nueva Ecija, G. Ed Ace
Candelaria
Magsasalita si G. Candelaria
Akin na pong tatawagan upang magsalita ang
pangulo ng PSDSA, G. Benigno Diozon
Magsasalita si G. Diozon
Bago po tayo magpatuloy, kagustuhan po namin
na ipakita ang galing ng isang batang novo ecija
sa pamamagitan ng isang maigsing
pampasiglang bilang na ihahatid ni _________
Pampasiglang Bilang
Maraming salamat sa pagpapakita ng iyong
angking galing…

Sa bahaging ito, akin pong inaanyayahan ang


pangulo ng Unyon ng DepEd Nueva Ecija, Dr.
Antonio Felix.
Magsasalita si Dr. Felix
Upang ihatid ang kanyang mensahe bilang
kinatawan ng mga tagamasid pansangay, akin
pong tinawagan si Dr. Catalina S. Patiag
Magsasalita si Dr. Patiag
Ang pagiging matatag ng DepEd Nueva Ecija
ay alay sa kabataang Novo Ecijanos. Ito ay
patuloy na nagsisikap na maihatid sa kanila ang
isang dekalidad na edukasyon.

Sa bahaging ito, dinggin natin ang mensahe ng


pangulo ng Division Federated Supreme Student
Government, Bb. Marchelle dela Cruz.
Mensahe mula kay Bb. Dela Cruz
Ang paggabay sa ating mga kabataan ay isang
pagtutulungan sa gitna ng mga magulang at ng
mga guro. Ito ay lalong nagpapatatag sa
adhikaing mabigyan ng tamang edukasyon ang
kabataan.

Atin naman dinggin ang pangulo na siyang


kumakatawan sa lahat ng magulang, ang
pangulo ng Division Federated Parent-teacher
association at ang bise alkalde ng bayan ng
Penaranda, Kgg. Ofelia Manayao
Mensahe ni G. Manayao
Hindi kailanman makakatayo ang DepEd Nueva
Ecija kung wala ang gabay at suporta ng
komunidad nito. Magiging isa lamang itong
laglag na sanga, walang buhay, walang bunga.
Kaya naman, malaki ang ambag ng lokal na
gobyerno sa pagtataguyod ng isang matibay na
DepEd Nueva Ecija.

Sa bahaging ito, atin pong pakinggan ang


mensahe ng ating butihing punong lalawigan,
Kgg. Aurelio “Oyie” Umali.
Mensaho ni G. Umali
Malayo na ang nilakbay at tinakbo ng DepEd
Nueva Ecija. Ilang lider na ang tumayo at
nagpayabong sa mga sanga at prutas nito. Ito,
marahil, ang pinakamabigat na gampanin ng
isang lider sa isang malaking ahensya na
binubuo ng higit kumulang na labing-limang
libong kawani at daan-daan libong mag-aaral.
Isang responsibilidad na inatang sa isang
lingkod na may matatag na puso.

Atin pong pakinggan ang mensahe ng ating


ama, ang Tagapamanihala ng mga Paaralan sa
Nueva Ecija, G. Jessie Dancel-Ferrer, CESO V
Ilang daang taon na rin ang lumipas sa mahabang istorya ng DepEd Nueva Ecija. Ang paglalakbay
nito ay nakaguhit sa mahabang kasaysayan ng ating lalawigan. Ang pagdami at pagunlad ng mga
paaralan na nasasakupan nito ay naghatid ng saya at kapanatagan sa halos dalawang milyong Novo
Ecijanos. Ang kwento ng ating dibisyon ay hindi nagtatapos sa panahon ng Pandemya at hindi
matatapos sa kahit na anong pagsubok na kaharapin nito, sapagkat ang DepEd Nueva Ecija ay
pinaTATAG ng panahon!

Maraming salamat sa pakikilahok sa palatuntunang ito, ako muli ang inyong guro ng palatuntunan,
Bb. Krisciel Macapagal at bumabati ng masayang ika-120 taon ng pagkakatatag ng DEPED
NUEVA ECIJA…

You might also like