You are on page 1of 1

Lolo D Isang Marikeño

Ang kwentong-buhay ni Lolo D


Kailanman di kukupas at natatangi
Buhay Marikeño anya mahirap pero nakangiti
Basta maghanapbuhay na may pagpupunyagi
Halika't maupo at mamamati
Karanasang walang tulad naibabahagi

Ang mga lalake sa barrio ng Marikeño


Ang karamihan ay mga sapatero
Kundi magsasaka, nama'y karpintero
Driver, pahinante o kaya'y kunduktor
Sa kung anu-ano sila'y trabahador
Kung minsan naman ay ng huweteng kubrador

Ang mga babae ay nag-aareglo


O nananahi ng upper ng zapato
Bihira ang sa kanila'y professional
ordinaryong housewife lang ang karamihan
Ang iba naman ay yaya, labandera
Modista, tindera o kaya'y may ponda

Ang sari-sari store ay kalat-kalat


Simpleng kailangan ay naroon lahat
Sa daling-araw ay kapihan, kainan
Ng mga maagap na maglalakaran
Sila ay papunta, sila ay patungo
Sa kani-kanilang kagalang-galang na opisyo

Ang Marikina ay natatangi’t iba


Sa maraming bagay ay kilala
Di lang sa sapatos, ugaling maganda
Sa ibang larangan ay nangunguna
Ibang larangan na luma bagaman
Sa Marikina ay bahagi ng buhay
Nakatutuwa at magandang karanasan
Na di mabubura maging ng panahon

You might also like